Nagmadaling bumaba sa sumunod na estasyon si Ruth. "Nakita na kita, nakita na kita." Paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang iyon habang pababa ng estasyon.
Hindi alintana ng dalaga ang panghihina ng mga tuhod niya, ang lakas ng tibok ng puso niya ay tulad nang panahong una silang magkita. Bumalik siya sa estayon kung saan niya nakita ang binata, umaasang masisilayan niya itong muli sa isa pang pagkakataon.
Lumalim ang gabi, naubos ang palitan ng mga tao sa tren. Walang pagod siyang nagpaikot-ikot doon upang hindi makalampas sa panigin niya ang bawat taong ibababa at isasakay ng mga bagon.
Ngunit walang Liam ang nagpakita, naabutan na siya nang pagsasara ng subway station, pinayuhan na siyang umuwi ng ilan sa mga guards na naroon na kanina pa siya pinagmamasdan.
Mapait siyang napangiti habang pinagmamasdan ang tanawin mula sa loob ng taxi, hindi na rin niya namalayan ang ilang miss calls ni Tina sa kanya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sar"Tina," mahinang tawag ni Ruth kay Tina mula sa bintana, nasa likod-bahay kase ito at nagbibilad ng mga panggatong na kahoy."Halika dito bilisan mo." Sumenyas siya na umakyat muna sandali si Tina, umalis siya pagkakadungaw sa bintana, sinikap niyang pagkasyahin ang sarili sa awang ng kama at inalis ang maliit na flywood na tumatakip sa maliit na butas.Maya maya ay rinig na niya ang mga yabag ni Tina papasok ng kuwarto, naupo ito kaharap ni Ruth."Tignan mo 'to." Inilabas niya ang babasaging alkansia sa harap ni Tina, mabigat-bigat narin pala iyon, halos nawala na sa isip ni Ruth na meron pala siyang naipong pera dahil sa anim na buwan siyang walang malay.Kumuha ang dalaga ng matigas na bagay saka ginamit iyon para basagin ang piggy bank, napangiti siya sa dami ng laman noon, kalimitan ay barya subalit marami ring di-papel na halaga."Hindi ko alam na may naiipon ka palang pera," usal ni Tina haban
Nakarating rin sa wakas si Ruth sa palengke at inuna nang bilhin ang mga nakasulat sa listahan, marami-rami rin iyon kaya ilang supot ng plastic ang hawak niya, lalong nakadagdag nang bigat ang mga bote ng suka at toyo sa isang plastic bag.May mangilan-ngilan na nakakakilala sa kanya, subalit imbis na pagbati ay pangungutya ang natanggap niya sa mga ito, ang ilan ay narinig niya subalit ang ilan ay nababasa sa mga mata pa lamang nila. Marahil ang iba sa kanila ay ang mga taong naloko niya.Hindi nya alam kung nasaan si Austin, pasulpot-sulpot lamang ito at nawawala rin kaagad. Napadaan sya noon sa tindahan ng mga damit, saglit na huminto upang ibaba ang mabibigat na dalahin.Isa yung kulay blue na dress ang suot ng isang realistic mannequin. Napakaganda ng pagkakadisenyo noon, sa unang tingin ay alam niyang hindi basta-basta lang ang ginamit na tela rito.Ilang minuto nya yung pinagmasdan, ine-imagine ang sarili habang suot iyon. Napangiti siya, para siy
Nagising si Ruth ng marinig ang matinis na tili ni Tina, kinusot niya ang mga mata at bumangon."Ang ingay mo," reklamo niya rito, tumalon si Tina papunta sa kama kaya nayanig iyon."Guess what?" sabi nito sabay ipinakita ang kamay niya, napatili siyang muli ng makita ang reaksyon ni Ruth sa singsing na nasa daliri niya."Nag-propose na sa'kin si Jake kahapon," masayang kuwento niya, hindi mapigilan ni Ruth ang mapangiti. Parang kailan lang noong makilala niya ang iyaking si Tina sa bahay-ampunan, ngayon ay ikakasal na ito, napakabilis ng panahon.Inayos na ni Ruth ang pagkain sa lamesa, habang hinihintay matapos mag-shower si Tina, naghanda narin sya ng kape para sa kanilang dalawa."Anong oras kita ihahatid sa terminal mamaya?" rinig niyang tanong ni Tina mula sa kuwarto. Hindi sya sumagot, maya-maya ay lumabas narin si Tina galing sa kuwarto na nakasuot ng bath robe at balot ng towel ang buhok, mamula-mula ang balat ni Tina dahil bagong shower i
Nagising si Ruth sa dakong alas-singko ng umaga, Pagbaba niyang hagdan ay nakita niyang pinagsisilid na ni Ester ang mga uniform nila ni Tina sa malaking supot kasama ng mga basura."Ikaw, ilabas mo na ang mga 'to ng mahakot na ng truck mamaya," utos niya ng makita si Ruth sa ibaba ng hagdanan.Agad na nilapitan iyon ni Ruth at isa-isang inalis sa supot. "Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ng matanda subalit hindi sya pinakinggan ni Ruth, patuloy na hinahanap nito ang ilang uniform nila ni Tina na naroon."Siraulong bata, ano bang ginagawa mo?!" Naramdaman niya nalang na hinigit na ni Ester ang buhok niya, malakas na napasigaw sa sakit si Ruth."Bakit?! ang akala niyo ba pag-aaralin ko pa kayo sa laki ng nagastos ko sayo sa ospital!" Napapikit si Ruth at pinipigil na hindi tumulo ang luha niya sa sakit, inipon niya ang buong lakas para itulak si Ester. Sa wakas ay nabitiwan nito ang buhok nya.
Malalim na napabuntong hininga si Ruth habang pinagmamasdan ang magkakasalubong na tao na lumalabas at pumapasok sa simbahan. Karamihan sa mga taong iyon ay suot ng magagara nilang kasuotan, mamahaling mga sapatos atbag. Panay naman ang pagpaypay ng mga ilang matatandang kunwa'y naiinitan subalit ibinabalandra lamang naman ang makikinang na bato sa mga singsing nila.Umikot ang mga mata niya, wala rin namang pinagkaiba sa kanya ang ilan sa mga taong ito, pare-pareho silang mapagkunwari."Pabili ako ng dalawa." Lumapit kay Ruth ang isang babaeng may kasamang isang batang lalaki at isang batang babae. bumili ito ng dalawang kandila, ang mga bata pa ang namili ng kulay na gusto nila.Binigyan siya ng bente pesos para doon, ilang kandila nalang ang hawak niya. Sana ay mabilis silang makaubos para makauwi na sila agad ni Tina. Alas-kuwatro na ng hapon, unti-unti
"Takbo!" sigaw ni Austin na nagpataranta lalo sa kanya, gusto niyang batukan dahil tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari."Sa kabila tayo dumaan!" sigaw ni Ruth."Ano?" pabalik namang sigaw ni Austin."sabi ng sa kabila.""hinde mali, dito tayo sa kabila."Nagkakanda subsob na si Ruth habang tumatakbo, mahigpit na mahigpit ang kapit niya sa kamay ni Austin. Hindi na niya namalayan iyon, naghihilaan sila sa eskinitang dapat daanan upang makalayo lamang sa isang mabangis na aso.Hanggang sa mapadaan sila sa kakahuyan, matinik ang daanan dahil sa mga kawayan. Hindi sila makakatakbo ng matagal kapag ganoon ang kanilang daraanan."Akyat," utos sa kanya ng binata, nasa tapat sila ng mataas na puno. Hindi na nag-atubili pa
"Heto na." "Oo, sige sasaluhin ko." Hinagis ni Ruth sa kabilang bakuran ang bag at mga uniform nilang dalawa ni Tina, ngayon ang unang araw nila na papasok sa eskwelahan. Si Tina ang nasa likod ng bakuran para saluhin ang mga gamit nilang dalawa. "Hayan na si tanda," sabi ni Austin na ngayon ay sitting pretty na nakaupo sa bakuran at pinagmamasdan lang ang ginagawa ng dalawa. Napalingon naman si Ruth sa kabahayan dahil sa sinabi nito, ngayon ay naririnig niya nang patungo ng likod-bahay si Ester kaya binilisan niya ang pag-akyat sa bakod. Nang makalapag siya ay mabilis silang nagsuot ng uniporme saka tumakbo at tumawid ng talahiban. Napapakamot silang dalawa ni Tina habang naglalakad sa mabato at mausok na kalsada. Mas malalaki pa kase s
Naghiyawan ang team nina Gino nang manalo sa pustahan sa basketball, mga pawisan na sila at iba pa nga ay mga walang suot pangitaas.Tahimik na kumakain sa pinakamataas na bleacher si Ruth, noon pa man na nasa junior highschool sila ay lagi na niyang pinanonood si Gino na maglaro sa court na iyon malapit sa school.Naiangat nya ang tingin ng maramdaman na may humihila paitaas sa ilang hibla ng buhok nya. Napabuntong hinga sya, kung may makakakita sa kanya ngayon ay magtataka sila kung paanong umaangat ang buhok niya gayong mag-isa lamang siya roon."Austin," suway niya.Maya maya ay lumitaw ito sa tabi niya, pinapanood niya ngayon sina Gino na magkasiyahan sa baba. Inayos naman ni Ruth ang buhok niya, bakit ba lagi nitong pinaglalaruan ang buhok niya.Galit siya nitong binalingan ng tingin, napakunot ang noo n