Pakiramdam ni Selene ay matutunaw na s’ya sa tingin ni Geo.
Kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya habang nilalantakan ang burrito na pinabili n’ya sa kaibigan bago ito makarating sa ospital. At mula nang ikuwento n’ya sa lalaki ang naging away nila ni Marion, napako na ang tingin nito sa kanya.
“Geoffrey, kung ice cream siguro ako rito, baka kanina pa ‘ko natunaw.” komento n’ya at muling nginuya ang pagkain. Nagawa pa niyang irapan ang lalaki.
Natatawa naman habang naiiling si Geo sa sinabi ng kaibigan. Nagawa pa niyang iabot dito ang isang pakete ng sauce na malugod namang tinanggap ng aktres. “Teka, nagpi-pick-up line ka ba o ano? Sige ka, baka kiligin ako masyado.”
“
Malaki ang ipinagpapasalamat ni Selene sa presensya ni Geo dahil kung wala ang kaibigan, marahil ay nagmukha na naman s’yang third wheel habang nakatingin kina Naya at Marion.Kakauwi lamang ng aktres mula sa ospital makaraan ang isang araw na pananatili do’n dahil sa lagnat. Nabagot na rin kasi siya doon at mas ginusto na lamang n’yang magpagaling na lang sa bahay—at baka ano pa ang isipin ng mga tao kung magtatagal pa siya sa lugar na ‘yon. The place reminded her of her late mom, masyado nang masakit ang mga ‘yon kung aalalahanin pa niya.At ngayon, narito s’ya sa hapag kainan kaharap ang asawa kasama sina Naya at Geo. Kaharap n’ya ang aktor at pinagmamasdan ang pagngiti nito sa modelo habang abala naman si Naya sa pagnguya ng
“You must be kidding me, Chris!” Nakataas ang kilay ni Selene nang tuntunin ng kanyang mga mata ang direksyon ng manager niya habang hawak-hawak ang isang piraso ng papel. Kung nakakasugat lamang ang kanyang tingin, malamang siguro ay kanina pa napuruhan ang lalaki sa talim ng pagkakatitig ng dalaga sa kanya. Halatang hindi ito masaya sa nalaman. “How I wish, Selene,” isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris habang umiiling-iling. “Pero nakita at nabasa mo naman ang nilalaman ng dokumento, ‘di ba? It was verified and signed by the legal department.” Inis na sumandal si Selene sa swivel chair. “And? Ano naman kung verified and signed ng legal department nila? We have our own team, Chris! Ano bang pakialam natin sa
Presko. Literally and figuratively. Amoy na amoy ang luxury perfume ni Marion nang magkatabi sila ni Selene sa backseat ng Audi nito. White Lily, Mandarin na may halong Sandalwood ang amoy nito—malakas makahatak ng mga babae ang mga ganitong pabango, pang-romantiko. Hindi na kumibo ang dalaga nang pagbuksan s’ya ng pintuan ng kotse ng lalaki. Kung tutuusin, bare minimum lang naman ang effort na ‘yon at hindi na dapat gawing big deal. Siguro naman e may pagka-gentleman din itong si Marion, ‘di ba? Palihim na nilingon ni Selene ang binata. Tahimik pa rin ito habang inaayos ang seatbelt niya. Mula nang maglakad sila nit
Natatawa s’ya habang binabasa ang mga komento ng netizens sa isang larawan nila ni Marion sa restaurant na kumalat sa social media ilang oras matapos nilang iwan ang lugar na ‘yon. Bagamat medyo madilim ang anggulo kung saan sila kinuhaan ng picture, maaaninag ang kamay ng binata na nasa likuran n’ya at parang inaalalayan siya palabas. Kailan at paanong hindi niya naramdaman ‘yon? Sari-sari ang naging reaksyon ng netizens, karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng kanilang suporta dahil na rin sa paparating na teleserye na pagbibidahan ng dalawa, may iilan namang nagsabi na damage control umano ito sa eskandalo ni Marion at tila naaawa pa sa dalaga dahil s’ya umano ang maglilinis ng pangalan ng lalaki. Ang iba naman ay nagsasabing may chemistry na ang dalawa at hind
Nakapalumbabang nakatingin si Selene sa kawalan habang abala naman ang mga tao sa likuran n’ya. Rinig na rinig din sa loob ng coffee shop ang mga sikat na kanta no’ng 80s na parang may pa-throwback segment pa.Araw iyon ng Sabado, alas-nuebe ng umaga. Ngunit pakiramdam n’ya ay palubog na ang araw sa bigat ng iniisip at nararamdaman n’ya. Hindi pa rin kasi maalis sa kanyang isipan ang pagtatapat na iyon ni Geo.Matagal na n’yang kilala ang binata. Sa dami na rin siguro ng mga pelikula, commercial ads at maging TV guestings na pinagsamahan nila, mas lalong lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Ngunit hindi niya naisip na darating sila sa sitwasyong may iisang aamin ng kanyang lihim na pagtingin.Bakit ngayon pa? Sapo-sapo ni Se
“Tell me we’re not in Casa Evangelista right now!”Gulat na gulat pa rin si Selene habang paulit-ulit nitong ginagala ang kanyang mga mata sa paligid at paminsan-minsan pa ay nangingiti ito.Matagal na mula nang una siyang makarating sa lugar na iyon, mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Kaya naman nang makumpirma nga niyang naroon sila sa Casa Evangelista ay abot-tenga ang ngiti ng dalaga.Kilala ang nasabing lugar sa tablea menu nito kung kaya’t kakailanganin mo pang magpareserve ng maaga para lang makapunta at ma-accomodate ng buong staff. Ilang beses na ring naitampok ang lugar sa telebisyon at mga magasin
“Pinagsasasabi mo, Marion? Alam mo, hindi sa’kin tatalab ‘yang acting mo ha.” iritang sabi ni Selene sabay subo sa hipon. “Kumain ka na nga lang!”Napailing naman ang binata bago ito ngumuso habang nakaturo gilid ng pisngi n’ya.“Can you stop with that pout, Marion? I’m not gonna kiss you!” pabulong na tugon ng dalaga habang masama pa rin ang tingin n’ya sa kaharap. “Saka ‘wag mo ‘kong i-distract. Ang sarap ng kain ‘ko rito.”“Sinong may sabing gusto ‘kong magpahalik sa’yo?” ganting tanong naman ni Marion sabay turong muli sa pisngi niya. “May tumalsik na balat ng hipon sa pisngi mo, punasan mo nga at baka isipin nila e ginugutom kita.”
“Are you kidding me? Bakit ba tayo huminto rito?” inis na tanong ni Marion nang ihinito ni Selene ang sasakyan sa tapat ng isang laundry shop.Hinding-hindi n’ya tatanggalin ang pantalon n’ya ‘no, never! Hindi s’ya sanay na magtanggal ng piraso ng damit sa harap ng ibang tao, much worse, sa harap pa ni Selene Garcia. He just can’t do it, hindi s’ya kumportable.“Kasi ho, ipapa-dry clean ‘ko nga ‘yang pantalon mo. ‘Di mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka lang d’yan? Bilisan mo na!” nagmamadali namang tugon ng aktres at nakatingin na ito sa kanya nang masama. “‘Wag kang mag-alala, Mar