Ang bawat pagsaguyod ng bangko sa sahig ay naghahatid ng panlalamig at pagtaas ng aking balahibo.
"Pawn, Cyptus," puno ng paggalang na wika nilang lahat.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ay bumangon na lamang. Hindi ko kaya ang matinis na tunig na paulit-ulit nilang ginagawa. Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang mga ngipin ko sa aking gilagid. At ang presensya ng kanilang pinuno ay naghahatid ng kakaibang epekto sa aking katawan. Tila sinasambit ng malamig nitong himig na "tatayo ka o matutulog ka habang buhay."
Inangat ko ang aking katawan sa pagkahihiga. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Kadiliman ang sumalubong sa aking balintataw. Hindi ko mapag-sino ang mga na sa paligid ko.
"Why we should choose you?" ani ng isang baritonong tinig.
Hindi ko sigurado kung ano ang sinaad niya. Gayoong ang wika niyang gamit ay hindi ko tiyak. Sinubukan kong aninagin ang na sa paligid. Ang mga malalabong bulto nila sa kadiliman ay pilit kong kikitain hangga
Casspien's PovNapaka-sarap ng aking pagkaiidlip sa itaas ng malaking puno. Inunan ko aking magkabilang braso at mapayapang dinama ang hanging dumarampi sa aking balat."New target ng Cuensesa SBH ang newbie under sa Gauzian Hood. Wala raw itong katangian ng isang guardian. Nakapagtataka kung bakit ito napili ni Olfor upang magrepresenta para sa Golden Forest," puno ng inggit na wika ng isang babaeng kulot ang buhok.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nag-uusap sila. Ang mga babae nga naman. Sila sila rin ang nag-iinggitan. Muli kong ipinikit ang aking mata at sinubukang ibalik ang sarili sa pagkahihimbing. Kaso naka-iirita ang mga bulungan nila. Dinaig pa ng matitinis nilang boses ang huni ng mga bubuyog."Well, I can't wait to saw her bloody body for this upcoming Blood Plus.""I think she wans't aware what's school she popped in, Lipton."Tumagilid ako ng higa dahil hindi ko na magawang bumalik sa pagkatutulog. Wala bang balak
"Sa pagbabalik ng pinuno niy ano na lamang ang sa sabihin niya? Anong mukha ang ihaharap ninyo sa kaniya?" "Huwag niyo siyang biguin. Huwag niyong sayangin ang mga pagsasakripisyo niya sa inyo." Nag si tahimik silang lahat, tanging paghikbi lamang ang madidinig sa buong paligid. "Na saan ang quick bomb?" tanong ko. Walang sumagot sa kanila at alam kong hindi rin nila tatangkaing sumagot sa akin. Dahil pagsagot sa akin habang galit ay parang pagtanggap sa nalalapit mong kamatayan. "Na saan?" paguulit ko. Nanatili silang tahimik kaya mas lalo akong nairita. Hinilot ko ang aking sentido at nanlilisik ang matang pinakatitigan sila. Akmang kwe-kwelyuhan ko ang pinakamalapit sa aking miyembro ng may papalapit na palaso akong naaninag. Mabilis ko itong iniwasan at ibinaling ang katawan sa likuran. Kasabay ng pagpihit ko ay ang pagdaing ng isang miyembro. "Pa..pawn," usal nito. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino an
Pillow's Pov Ang hirap ng buhay sa kabihasnan na hindi sakop ng inosenteng kaisipan. Ang maparito sa lugar na ito ay hindi nino man pangangarapin. Halos hindi ko magawang imulat ang aking bata. Tila may nakadagan na mabigat na bagay na siyang nagdududlot ng pagsasara nito. Ang mga braso't aking balikat koay namamanhid, gayoon rin ang aking puso, nawalan ito ng pakiramdam dahil sa nawasak na tiwala. Ang pagtitiwala sa sino man sa loob ng paaralang ito ay hindi magdudulot ng magandang resulta. Simula sa araw na ito walang sino man ang sa aki'y makapananakit pa. Mag mula sa oras na ito ang bawat pagpatak ng aking dugo'y katumbas ng libong kamatayan. Kung hindi ako mahina't kulang ang kaalaman siguro'y walang makapananakit sa akin. Walang sino man ang manghahamak sa katulad ko. Ang lahat ng embolbado sa sinapit kong pagdurusa'y triple ang aking ibabalik. Bawat pagluha, bawat pawis, at bawat dugo'y buhay ang ipapalit ko. Tatanawin kong ma
Napaluhod sila sa labis na takot. Nabitawan pa nila ang aking braso dahil sa panginginig ng kanilang kalamnan. Takot na takot sila sa lalaking kaharap namin. Nang sandaling mabitawan nila ako ay wala akong ibang kahilingan bukod sa huwag nang makaramdam pang muli ng panibagong sakit sa katawan.Hinihintay ko ang paglapat ng aking katawan sa lupa ngunit isang mainit at matigas na mga bisig ang saki'y sumalo. Napasinghap ako ng magtama ang aming balat. Amoy na amoy ko ang mala rosas nitong pabango at ang pulang piring sa kaniyang mata'y na aaninag ko kahit na nanalalabo na ang aking paningin."Nagkita tayong muli, binibini," bulong nito sa aking tainga.Ang mabibigat kong talukap ay napakurap-kurap. Ang ibig sabihin niya ba'y nagkita na kami noon? Ngunit hindi ko siya matandaan. Saan ba kami nagkita? Wari'y pamilyar nga ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniyang pulang piring, pakiramdam ko'y tinititigan ako nito sa likod ng kapirasong tela. Binuhat
Kinaladkad nila ako palabas ng kahoy na tarangkahan. Puno ng nagliliyab na sulo ang nadadaanan namin. Sa bawat sulok ay may madadaanan kaming kulungan. Sa loob n'on ay may nakakulong na naghihingalong preso. Ang iba'y wala ng buhay at iba nama'y sumusigaw para humingi ng pagkain. Kumikirot ang aking puso dahil sa sinapit nila. Ilang araw na kaya silang nakakulong doon? Anong paghihirap ang dinanas nila bago sila pumanaw? Ganoon din ba ang aking sa sapitin balang araw? "Na rito na tayo, Pillow. Mag-iiangat ka," turan ng isang babaeng puno ng pag-aalala ang kaniyang tinig. Lumambot ang aking puso dahil sa kaniyang pag-aalala. Nang pagsarhan nila ako ng pinto'y wala akong ibang maisip kung hindi ay kalaayan. Kalayaan at pagtakas. Ngunit saan ako magtutungo? Saan? Saan nga ba? Saan ako magtutungo upang makaligtas. Ngayon ko lamang napansing hindi ko na gaanong iniinda ang ibang sugat sa aking katawan. Posible kayang ginamot niya ako? Posible kayang ginamot ako ni
Sa gitna ng kadiliman ay muli kong nakita ang babaeng may kadena. Ang kaniyang itim na buhok ay nakatabon sa kaniyang sugatang mukha. Batid ko ang kalungkutan sa mga mata nitong may bahid ng luha. "Ikaw ay ako at ako ay ikaw. Pagmasdan mong mabuti ang naging dulot ng pagtitiwala ko! Ang pagtitiwala'y higit na sagrado kay sa sa patakarang lalabagin mo," galit niyang sigaw. "Ang iyong makasasama't pagkatitiwalaan mo ay higit pang kalaban kumpara sa tunay mong kalaban! Pagtataksilan ka rin nila! Pagtataksilan ka rin nila!" puno ng hinagpis niyang sigaw. "Ikaw at ako ay iisa! Kaya't babalaan kita ng paulit-ulit! Ang mundong pinasukan mo'y higit pang malupit at kasuklam-suklam!" Sinubukan kong takpan aking tainga ngunit hindi ko ito matagpuan sa gitna ng madilim na espasyong ito. Labis akong naririndi sa paulit-ulit niyang sinasambit. "Pillow, ang huling pagkabuhay nat
Ito ang unang araw ng aking paglabas sa bahay pagamutan ng Gauzian. Nagulat si Dicky ng makitang mabilis na naghilom ang aking mga sugat at pilat. Sinuri pa nitong muli ang aking balat. "DIcky," malamig na wika ni Pawn na ikinaigtad niya. "Nagtataka-" "Halika na!" Nanatiling tikom ang bibig ni Kianna dahil sa presensya ni Dicky. Hindi sila nagkikibuan. Marami akong nakikitang mga interesanteng kagamitang sa bawat pamilihan. Ang sabi sa akin ni Kianna ay ililibot ako ngayon ni Pawn Cyptus sa pamilihan upang pag-usap ako ng mga makakakita. Tinanong ko si Kianna kung para saan, ang sagot naman nito'y malalaman ko rin daw sa tamang panahon. Hindi na lang ako nagtanong pa. Nag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko na ibinigay ni Dicky. Magagamit ko raw ang mga ito sa sino mang magtatangka sa aking buhay. Sa ikatlong araw naman gaganapin ang pagsasanay. Kailangan kong makapasa upang malihis ang mainit na mga mata ng ibang Hood. Para rin
Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng may piring na mata. Ang bawat kabutihang maibibigay ng kahit na sino'y may kapalit at hindi dapat pagkatiwalaan.Kinakabahan man ay pagkatitiwalaa ko si Dicky. Babalikan ako nito. Kung hindi niya man ako babalikan ay hindi na ako magtitiwala."Mamili ka ng nais mong kasuotan, binibini."Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Kumabog ang aking dibdib dahil sa kaisipaang na rito ito upang gabayan ako."Nagkita tayong muli, binibi" ani niya na may ngiti sa labi. May pula pa rin itong piring sa mata.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa mga ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng malakas na kabog sa aking dibdib. Ang mga ngiti nitong kawangis ng ngiti ni Pawn Cyptus."Mr. Crushio ang nais kong isuot ng dilag na ito ay kawangis ng perlas na kasuotan," turan niya at tumalikod na. Dumaan ito sa may bintana. Bago ito tuluyang maka-alis ay sa wakas nagawa ko nang magsalita.