SUMASARA NA ANG talukap ng mga mata ni Daviana nang makatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa police station. Laking pagtataka ng dalaga dahil halos hatinggabi na iyon. Tamang-tama lang iyon sa kanyang pamamahinga. Kakatapos lang niyang gawin ang research projects. Lumipad sa kung saan ang antok niya nang malaman mula sa kausap na pulis na nasangkot na naman umano sa gulo si Warren Gonzales. Magulo ang pagkaka-kwento ng kausap niyang pulis kung kaya naman hindi niya lubos maintindihan ang tunay na nangyari. Isa pa, kabadong-kabado na siya dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan. Kilala niyang may saltik sa ulo ang lalaki pero hindi naman siguro intensyon na gumawa ng gulo.
“Jusko ka naman, Warren. Kailan ka ba magtitino ha? Isusumbong na kita sa Mommy mo eh! Wala ka pa ‘ring character development eh ang tanda-tanda mo na!” bulong-bulong niya habang nagdadabog na kinukuha ang kanyang jacket, wallet at cellphone at inilagay iyon sa sling bag niya.
Batid niyang mahihirapan na siyang makabalik sa loob ng dorm oras na lumabas siya ngayon. Curfew na. Isa pa ay maulan din ng mga oras na iyon, may sama ng panahon.
“Hija, saan ka pa pupunta? Gabing-gabi na!” natatarantang harang sa kanya ng caretaker ng kanilang dormitoryo na nagsasara na.
Mahigpit ang caretaker lalo at curfew na. Walang valid ditong rason. Oras na magpilit ka ay tatandaan ka niya at pahihirapan. Memoryado na ni Daviana iyon. Batid din niyang bukas na siya makakabalik sa lugar.
“May importante lang po akong kailangang puntahan. Sige na po, palabasin niyo na ako!”
“Alam mo naman ang patakaran, oras na lumabas ka ay hindi ka na pwedeng pumasok dahil simula na ng curfew. Ano? Tutuloy ka?”
“Opo, kailangan ko po talagang lumabas.” marahipit na pagpupumilit pa rin ni Daviana.
Hindi niya pwedeng balewalain si Warren at hayaang abutin ito ng umaga sa loob ng selda. Hindi lang iyon, nag-aalala siya na baka malala ang gulo kaya ito nasa police station. Ang worst pa sa naiisip niya ay baka naka-disgrasya ang lalaki na huwag naman sanang umabot doon. Criminal record iyon na paniguradong ikakabagsak ng pamilya nila.
“Hija, huwag mo sanang masamain pero saan ka pa ba pupunta? Masama ang lagay ng panahon. Nagpahinga lang ang ulan. Kung hindi naman importante ay—”
“Hindi niyo po ako naiintindihan. Sinabi ko na nga pong kailangan kong lumabas dahil importante. Alin po ba doon ang mahirap maunawaan? Hindi naman po ako magpipilit lumabas kung wala lang ito. Kilala niyo po ako since day one noong freshman ako. Emergency lang po talaga kaya lalabas ako!” mangiyak-ngiyak ng wika ni Daviana dito.
Unti-unting binuksan ng may edad ng babae ang gate ng dormitory na tapos na niyang isara. Hinayaan ng lumabas dito ang dalaga.
“Ang mga college students nga naman ngayon, ang titigas na ng ulo. Ang gagaling na rin magsinungaling para makuha lang ang gusto. Ibang-iba na sila noong unang panahon na ang titino at hindi mapapalabas sa dis-oras ng gabi. Hindi na rin sila masabihan dahil ayaw ng makinig sa matatanda na para rin naman sa kaligtasan nila. May sarili na silang mga desisyon sa buhay na akala nila ay madali lang kapag nagkamali. Wala na rin silang respeto sa kanilang mga sarili.” pasaring pa ng matanda na hindi na lang pinansin doon ni Daviana.
Hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoo dahil baka mamaya ay makarating pa iyon sa kanilang mga magulang. Pagod na rin siyang paulit-ulit na magpaliwanag. Hindi rin naman nito maiintindihan ang nararamdaman niya kahit na pilitin niya pa. Nagmamadali na siyang lumabas ng building kahit na umaambon na naman, pumara siya ng taxi upang magtungo ng police station.
“Excuse me...” kuha niya ng atensyon ng mga police na naroon, “Narito po ako para kay Warren Gonzales.” kabadong sambit niya.
Kinausap siya ng nasa front desk at sinabi sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Nag-fill up siya ng form at naglabas din ng pera. Mabuti na lang at nasa kanya ang secret savings ni Warren na pwede niyang kunin in case na may mga ganitong sitwasyon. Ang lalaki rin ang nagpro-provide ng laman nito.
“Miss, ano ang relasyon mo kay Warren Gonzales?” interesado ng tanong ng police officer na tumanggap ng sinulatang form.
Nagkaroon ng bahagyang pag-aalinlangan sa inosenteng mukha si Daviana. Nahahati ang isip niya kung magsasabi siya ng totoo dito.
“Kaibigan niya po. Magkaibigan na kami mula mga bata pa lang kami.” sagot niyang hindi na piniling magsinungaling at sabihin na siya ang soon to be wife or fiance ng lalaki.
Matalik na magkaibigan ang mga ninuno ng kanilang mga pamilya. Nagsimula iyon sa kanilang mga Lolo na biruan lang sa simula. Nagkasundo sila na ipapakasal ang kanilang mga apo kapag nasa takdang panahon na. Hindi naman iyon tinutulan ng kanilang mga magulang. Tinanggap nila ng maluwag sa puso ang plano na ipapakasal ang mga bata kapag nasa hustong edad na at nakapagtapos na rin ng kanilang pag-aaral. Seneryoso iyon ng dalawang pamilya at maging ni Daviana na mula pagkabata ay alam niya na ang magiging kapalaran niya sa pag-aasawa. Si Warren lang ang magulo sa kanilang kausap. Hindi maintindihan kung gusto ba siya nito o hindi. Kapag tatanungin ng kanilang mga magulang, hindi nito masabi ang kanyang gusto kaya minsan naiisip niyang napipilitan lang ito. Bagama’t natanggap na rin ni Daviana ang lahat ng iyon, hindi niya pa rin tahasang masabi na fiancee siya ng lalaki. Ang palagi lang niyang nababanggit ay dahil magkaibigan sila halos sabay na ‘ring lumaki.
“Iisa lang kasi ang numerong nakalagay sa kanyang emergency contact sa cellphone at iyon ay ang number mo lang kaya ang buong akala namin ay kapamilya ka o girlfriend.” gulantang ang mukha ng police officer ng sabihin niya iyon habang matamang nakatingin sa kanya. “Para sa iyong kaalaman din Miss, kung kaya namin siya hinuli ay dahil gumawa siya ng malaking gulo sa loob ng bar. May report na ang buong pangyayari. Sabi niya ay self defense lang daw at pagtatanggol lang niya iyon sa kasintahan na napag-tripan ng kapwa babae niya sa loob mismo ng bar. Napag-tripan ng magtungo ito ng banyo.”
NAIKILING NI DAVIANA ang kanyang ulo sa narinig. Para siyang nabingi at nagkaroon saglit ng mental block. Imposible iyon. Baka namali lang ng pagkaintindi ang pulis sa dahilan ng gulong sumiklab sa bar. “A-Ano hong sinabi niyo? K-Kasintahan? Iyon ang dahilan ng gulo?” paglilinaw niya pa, binalewala na ang iba pang sinabi ng pulis na kanyang kaharap.“Oo, Miss na ayon dito sa report ang pangalan ng girlfriend niya ay Melissa Abalos.” kumpirma ng police officer, na nagpaawang pa nang bahagya sa bibig ni Daviana. Estranghero sa kanya ang pangalang iyon. Ibig sabihin ay ngayon lang niya narinig. “Noong nagtungo raw sila ng bar ay may nakaalitan na sa labas pa lang itong girlfriend niya na kapwa bar hoppers. Naapakan yata sa paa. Di naman sadya. Ayon napikon si Warren Gonzales nang makita niyang biglang sinabunutan ang nobya. Hinampas niya ba naman sa ulo ng bote ng alak iyong babae. Mali siya dito, Miss eh. Babae pa rin iyon eh. Hindi sana niya pinatulan. Iba pa naman ang lakas ng lalak
SUMIKLAB PA LALO ang naramdamang tampo ni Daviana kay Warren dahil sa tono at meaning ng sinabi nito. Nais na nga niya itong palakpakan sa pagiging mabait nito, sa ibang tao nga lang iyon. Nakahanda siyang isakripisyo nito para lang sa pansariling kapakanan. Ano pa nga bang magagawa niya? Tapos na rin naman at kung mag-aalboroto siya, wala na rin namang silbi iyon. Nagawa na niyang magpauto sa kanya.“Maraming salamat nga pala sa pagpunta. Sabi ko na eh, hindi mo ako matitiis. Huwag kang mag-alala, babawi ako sa'yo kapag naging maayos na ang lahat. Salamat sa palaging pagtulong mo sa akin, ha?” Kagaya ng malamig na klima sa labas, parang ganun ang naramdaman ni Daviana sa puso niyang yumakap. Malinaw na walang pakialam sa kanya si Warren, kahit pa siya ay magkasakit ‘wag lang ang kanyang girlfriend. At bulag siya sa katotohanang iyon.“Sige. Ayos lang.” Kumatok sa pintuan ng silid na tinigilan nila si Warren. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at isang bulto ng babae ang lumabas. Wal
MAHILIG MAGLARO SA iba’t-ibang larangan si Warren noong ito ay bata pa. Hilig nitong mag-rides ng bike na kung saan-saan nakakarating at kabisadong mabuti na iyon ni Daviana. Mahilig din ito sa musika. Pang-atleta rin ang katawan nito kung kaya naman hindi ito basta na lang masasaktan sa mga natamo. Inaasahan ng kanyang ama na mag-aaral siya ng masteral sa ibang bansa at pagbalik ay mamanahin na niya ang kanilang family business. Subalit, matapos na maka-graduate ng college ay hindi nito sinunod ang gusto ng ama. Nanatili ito sa bansa at nagsimulang sumali sa mga racing, mapa-kabayo man iyon o sasakyan. Minsan nga sumasali pa ito sa mga endurance na para kay Daviana ay sobrang napakadelikado.“Hindi iyan, huwag kang kabahan.” palaging sagot nito kapag pinapaalalahanan ni Daviana, wala namang magawa doon ang dalaga kung hindi ang ibigay na lang ang kanyang hilig. “Magtiwala ka lang sa akin.”Lahat ay kinabaliwan ni Warren laruin, maliban na lang sa babae kung kaya naman nagtataka pa ri
HINDI NA NAGULAT pa si Rohi sa nalaman niya. Kilalang-kilala niya ang kapatid sa ama mula pagkabata. Basagulero at takaw-gulo talaga ang half-brother niya kahit na noon pang mga bata sila. Worst, ito ang madalas na nagsisimula ng gulo at aastang siya ang biktima ng kaguluhang iyon. Hindi niya masisi ang kapatid, pinalaki rin naman siya sa layaw at ang lahat ng naisin niya ay nakukuha. Bagay na malamang na hanggang sa pagbibinata nito ay dala-dala. Wala naman siyang say doon, ito pa rin ang lihitimong anak. Dala man niya ang apelyido ng ama, hindi maiaalis na siya pa rin ang outsider sa kanilang dalawa.“Kung ganun ay nasaan siya? Bakit mag-isa ka lang? Huwag mong sabihin na iniwan ka niya matapos mo siyang tulungan?” alanganing tanong ni Rohi nang hindi masasaktan ang kanyang babaeng kaharap. “Oo, eh. Kasama ang girlfriend niya. Nag-booked sila ng hotel room malapit doon sa police station.” sagot ni Daviana sa tonong sobrang nasasaktan, hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang map
HINDI ALAM NI Daviana kung ano ang kahulugan ng salitang makalat at malinis sa binata. Ni isa naman ay wala siyang makitang kalat sa loob ng suite nito na hindi niya alam kung gaano na katagal tinitirhan ni Rohi. Pinagmasdan niyang hubarin ng lalaki ang suot nitong sapatos na panlabas matapos na isabit sa gilid ang bitbit niyang payong. Sinuot na nito ang pambahay niyang tsinelas. Ilang minutong nilingon siya nito matapos na gawin ang bagay na iyon na para bang mayroon itong nakitang problema sa bulto niya.“Pasensya na ulit, walang babaeng nakatira dito kaya naman iisa lang ang pangbahay na tsinelas. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako dito mamaya sa utility ng hotel para naman mayroon kang masuot.” “Ayos lang. Huwag ka ng mag-abala pa. Isang gabi lang naman akong mamamalagi dito.” kumpas ni Daviana ng isang kamay upang pigilan ang binata sa kanyang pina-plano, iyong bigyan siya nito ng higaan at matutuluyan ng gabing iyon ay sapat na sa kanya. “Ayos lang naman ang mga paa ko, Roh
MABUTING TAO SI Daviana pero naniniwala siya na ang pinakapangit na nagawa niyang desisyon sa buhay ay ang maging kakampi ni Warren noong sila ay mga bata pa. Hindi lang sa bahay ng pamilya Gonzales pangit ang trato kay Rohi dahil maging sa kanilang paaralan ay naging tampulan siya ng tukso ng kanilang mga kapwa estudyante. Nang dahil iyon sa pangalang inaalagaan ni Warren sa kanilang school. Masyado siyang popular at iginagalang. Kapag may inutusan siyang gawing masama ang mga kaklase, walang reklamo silang sumusunod agad dito nang hindi sila ang mapag-initan at mapagbalingan ng galit. Ang hindi makakalimutan ni Daviana ay nang minsang hindi sinasadyang mabangga siya ni Rohi. Aaminin niya, siya ang may kasalanan noon dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan.“Warren, hindi siya ang may kasalanan—”“Huwag kang makialam, Viana. Kailangang bigyan iyan ng leksyon para alam niya kung saan siya dito lulugar! Sampid!”“Pero Warren, hindi nga—” Bago pa muling makapag-react si Daviana ay ib
HINDI PA RIN SIYA pinansin ni Rohi na tuloy lang sa kanyang pagkain. Sa loob nito ay ang daldal pa rin ng dalaga. Wala itong kupas kagaya noong mga bata pa lang sila. At natutuwa siyang malaman niya iyon.“Whoa! Sobrang nabusog ako. Salamat sa almusal, Rohi. Huwag kang mag-alala, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay babawi ako sa’yo. Saan mo gusto? Gusto mong kumain tayo diyan sa Seaside Tapsi? Treat ko.” aniyang hinaplos pa ang busog na tiyan matapos na isandal ang kanyang likod sa upuan.“Sige. Bahala ka.” sagot ni Rohi na pinupunasan na ang kamay sa hawak niyang tissue. Ang buong akala ni Daviana ay tatanggihan siya ng binata, ngunit laking gulat niya ng pumayag ito agad. Hindi niya rin lubos maisip na after noon ay papayag pa itong magkaroon ng contact sa kanya na bully niya. Parang nagbago na ngang yata ang binata at medyo nae-excite siya na mas makilala pa siya.“Talaga? Payag ka?”“Dapat bang tanggihan ko?” balik-tanong nitong seryoso ang tinig at nakatitig na sa kanya. “Hin
MAGKASAMANG BUMABA ANG dalawa ng silid matapos ang kanilang maikling usapan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan habang nasa loob ng elevator. Walang sinuman ang nagtangkang magsalita.“Kailangan mo pa bang ihatid kita?” Hindi na komportable ang pakiramdam ni Daviana na abalahin pa si Rohi, itinaas niya ang kamay ay iwinagayway iyon sa kanya. “Hindi na kailangan, sasakay na lang ako ng taxi.”“Sige, ingat ka na lang pauwi.”Tumalikod na si Daviana at naramdaman na hindi na siya giniginaw sa suot niyang jacket. Maliit na siyang napangiti doon. Isang sulyap pa ang kanyang iniwan kay Rohi bago tuluyang humakbang patungo ng taxi stand upang humanap ng masasakyan. Ilang hakbang pa lang ang layo niya doon nang matigilan dahil mayroon siyang naalala. Ang birthday ni Rohi. Sa kanyang malabong balintataw ay paniguradong summer ang buwang iyon. Summer din kasi noong umalis ito ng mansion ng mga Gonzales, dahil hindi niya na makayanan ang pambu-bully sa school at pagpaparusa ng pangalawa
NAPAHAWAK NA SI Daviana sa kanyang ulo at napagtanto niyang tama ang sinabi nito. Nagawa niyang tanggalin ang tuwalyang nakabalot doon kanina pero nakalimutan naman niyang tuyuin. Napangiwi siya nang maramdamang pumapatak pa ang tubig sa dulo nito. Sa sobrang lutang niya, nakalimutan niya iyon. “Hmm, oo nga, sorry, nakalimutan ko.”“Ikaw talaga…” maliit na napangiti si Rohi upang pagaanin ang tensyon na bumabalot sa kanila.Sinundan ng mga mata ni Daviana ang nobyo nang tumayo ang binata upang kumuha ng towel. Hindi na nagawa pang makatanggi ng dalaga nang pagbalik nito ay sinimulan niya ng tuyuin ang kanyang buhok. Puno ng pag-iingat ang bawat haplos nito sa ulo niya. Parang among tinutuyo ang bagong paligo niyang aso. Pangiti-ngiti pa ito kada mapapasulyap ng tingin sa kanya ang dalaga. Biglang hinaplos ang puso ni Daviana. Walang sinuman ang gumawa noon sa kanya, si Rohi pa lang; ang kanyang nobyo. “Bakit ganyan ka tumingin? Bago din ba sa’yo ang ganito?”Marahang tumango si Davi
MARIING ITINIKOM PA ni Daviana ang kanyang bibig. Ayaw niyang sabihin ang mga nangyari kay Rohi. Yumuko na siya upang itago ang emosyong nakalarawan sa kanyang mukha. Ganunpaman, hindi niya pa rin napigilan ang magsalita bandang huli. Hindi niya kayang magsinungaling sa nobyo lalo pa iyon ngayon.“Dahil tumakas ako sa kasal na gusto nila, si Mommy ang napagbuntunan ni Daddy. Siya ang inabuso...”“Nasaktan ang Mommy mo? Kailan niya ginawa? Paano mo nalaman ang bagay na iyon?”“Hmm,” problemadong sagot ng dalaga na hindi pa rin makatingin nang diretso kay Rohi, “May infection at lagnat din siya. Actually pinuntahan ko siya sa hospital kanina. S-Sorry, umalis ako nang hindi nagpaalam sa'yo. Baka rin kasi hindi mo ako payagan o maka-istorbo lang din sa'yo ang balitang iyon.” ini-angat na ni Daviana ang kanyang tingin upang salubungin lang ang mas lumalim na titig ng kasintahan, “Nakalabas na rin naman siya ng hospital, okay na siya, pero hindi ko alam kung maiibsan ang sakit ng katawan ni
NAALARMA NA ANG isipan doon ni Rohi. Nakalimutan niya rin ang oras kung kaya naman guilty siya. Alas-sais na pagtingin niya at ang sabi niya ay alas-singko ang uwi niya. Imposible na magbabad ang nobya sa labas nang ganun katagal, lalo na kung injured pa ang kanyang mga paa. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya na ito. Sabay silang napalingon ni Keefer sa may pintuan ng silid na inuukupa ni Daviana. Halos sabay rin silang napatayong dalawa sa inuupuan nang marinig na nagri-ring ang cellphone sa loob. Nag-panic na si Daviana sa loob ng kumot ngunit agad na kinalma ang kanyang sarili para mas umarte pa. Sigurado siya na pupunta doon ang kanyang nobyo. Tama nga siya, pagtanggal niya ng kumot sa mukha ay nakita na niya ang bulto ng katawan ni Rohi sa loob ng silid, nakatayo sa tabi ng kama niya, nakatingin. Puno ng katanungan ang mga mata nito na alam niyang normal lang dahil akala nito ay wala siya doon. “Hindi ka pala lumabas? Narito ka lang sa loob ng silid at natutulog?” Upan
WALANG HUMOR NA natawa si Rohi. Noon pa man ay wala siyang planong maki-agaw sa kanilang kumpanya kay Warren. Hindi niya hangad ang makuha ito o angkinin. Umuwi lang naman siya dahil kay Daviana na kung tutuusin ay pwede namang hindi niya gawin kaso mas pinili pa rin dahil mas convinience sa kanya na makita ito kapag nasa bansa siya. Kung hindi dahil dito, nungkang babalik siya ng Maynila. Maraming kumpanya ang nag-aalok sa kanya ng trabaho, at dahil ama niya si Welvin at bilang pagtanaw na rin ng utang na loob at ayaw niyang pagtawanan ito ng nakakarami kung tahasang tatanggihan niya kaya siya pumayag na sa kumpanya nito magtrabaho. Alam niyang hindi naging mali ang desisyon niyang iyon. Kung mananatili kasi siya sa Germany at doon bubuo ng pangalan at sariling negosyo na pwedeng-pwede naman kaya lang hindi niya sana nakuha ang kasintahan niya ngayon na siyang mas mahalaga.“Tigilan mo na nga iyan, Keefer. Uulitin ko, wala akong intensyon sa kumpanya nila na maging akin. Simula at s
SA HALIP NA bumaba at kumain gaya ng sinabi niya kay Rohi, nanatili si Daviana sa loob ng silid. Parang lantang gulay na nakahiga. Walang lakas. Tinakpan niya pa ang sarili ng kumot dahil sobrang clouded ng isipan niya na para bang kapag ginawa niya iyon ay mababawasan ang kanyang mga iniisip. Naidlip siya ngunit naalimpungatan din nang may marinig na mga ingay sa labas ng kanilang sala. Hindi pa rin siya bumangon kahit na alam niyang maaaring si Rohi na iyon. Nakauwi na. Ganunpaman nang akmang babangon na siya upang salubungin ito nang bigla siyang mahiga ulit nang marinig niya roon si Keefer.“Walang tao? Nasaan si Daviana?”“Hindi ko alam. Sabi niya kakain siya sa ibaba. Baka nasa ibaba pa.”“Hindi mo na ba siya ulit nakausap after noon?” kuryuso ang tinig nito habang nagtatanong.“Hindi na. Sinabi ko naman sa kanya na mga five ang uwi ko kaya expected noon na ganun nga.”Mahinang tumawa si Keefer, hindi makapaniwala sa sinagot ng kanyang kaibigan. “Hindi na ako magtataka kapag na
DAVIANA WAS TIMID and thought a lot before and after, but now, because she loved him, she was even ready to bear all the infamy. Ganun niya kamahal si Rohi. She really had to work hard to overcome her inner cowardice and be with him regardless of her reputation. The source of her courage was her trust in him, because she believed that he really loved her. Ito lang ang taong nagpapahalaga sa kanya ngayon. Mula sa paraan ng pagtitig nito sa kanyang mga mata ay damang-dama niya ang labis na pagmamahal.Ganun ba ang mga titig na may masamang plano sa kanya? Ang hirap pa rin noong paniwalaan.“Nag-mature naman na siguro siya at hindi naman kami marahil aabot na gagantihan niya ako dahil lang naging bully niya ako noon sa grupo nina Warren. Bumawi rin naman ako sa kanya noon.” kumbinsi pa ni Daviana sa kanyang sarili kahit na nahahati na ang opinyon niya, may pag-aalinlangan na ang puso niya.Her parents didn't like her, even if she had always been gentle and sensible, they didn't like her
LUMIWANAG AGAD ANG mukha ni Warren sa sinabing iyon ni Daviana. Oo nga naman, si Daviana iyon kaya ano ang pinag-aalala niya at mga makamundong iniisip niya sa kaibigan. Imposible na may mangyari agad sa kanila nang ganun kabilis. Hindi ito kaladkaring babae na kapag inaya ay magpapaubaya. Siya nga hindi pa nagagawa iyon sa nobya niyang si Melissa, malamang hanggang halikan lang din sila at hawak. Ngunit panandalian lang ang reaction niya sa sunod na sinabi ni Daviana na alam niyang may kahulugan. Kahulugan na kahit hindi niya isipin ay nagsusumiksik iyon sa kanyang noon pa man ay maruming isipan.“At kung sakali mang mabuntis niya nga ako, ano namang problema doon? Hindi ko kailangang mag-alala o ma-stress sa pag-iisip. Alam kong hindi naman ako pababayaan ni Rohi dahil responsable siya!”Napaawang na ang bibig ni Warren. Hindi niya ito inaasahan. Hindi kaya tama ang hula niya na may namagitan na nga sa kanila? Pero paano iyon nangyari? Hindi ganun si Daviana. Pinapahalagahan nito an
ILANG SEGUNDONG NATAHIMIK si Warren at huminga nang malalim. Ilang beses niya iyong pinag-isipan. Sa palagay niya ay hindi naman magiging masama ang labas ng offer niya. Pabor pa nga iyon sa dalaga.“Let them perfunctorily deal with the engagement first, and then make plans?” patanong nitong sagot na ang na nagpagusot pa ng mukha ni Daviana, “I mean hayaan natin mangyari ang engagement saka tayo magplano ng ibang kailangan nating gawin. Ibigay natin ang gusto nila para matapos na ang lahat ng ito.”Galit na nanlaki na ang mga mata ni Daviana. Kung makapagsalita ang lalaki akala mo ganun lang kadali ang mga pinagsasabi nito. Well, ano pa nga bang aasahan niya sa lalaking ito na spoiled at walang alam. Malamang iniisip nito na kaya niyang makuha ang anumang bagay na gustuhin, including na siya doon.“Hindi mo kailangang mabalisa, Viana. Makinig kang mabuti sa akin. Engagement pa lang naman ito at hindi pa naman tunay na kasal na may papel tayong legal na panghahawakan. Pwede namang hang
HINDI NAGSALITA SI Daviana kung kaya naman nilingon na siya ni Warren. Hindi nakaligtas sa mga mata ng lalaki ang mga mata ng dalaga na mapula na naman at anumang oras ay muling mapapaiyak. Malalim na siyang napahinga. Hindi niya mabasa kung ano ang naglalakbay sa kanyang isipan ng mga oras na iyon.“Umiiyak ka na naman ba?” Iniiwas ni Daviana ang kanyang mukha. Pilit niya iyong itinago dito dahil alam niyang aasarin na naman siya nito. Sino ba namang hindi maiiyak? Patung-patong ang problema niyang kinakaharap ngayon.“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Nagmamadali ako.” sa halip ay sagot ni Daviana, hindi niya binigyan ng pagkakataong maasar siya ni Warren. “Gaano ba ka-importante iyan? Bilisan mo!” Napakurap na ng kanyang mga mata si Warren. Medyo nabastusan sa naging kasagutan ng dati niyang kaibigan. Pagod ang mga mata niya itong tiningnan ngunit wala pa rin iyong naging karampot na epekto kay Daviana na halatang wala ng pakialam sa kanya. May kung anong guwang na sa puso ni