Lizabeth's POV
"Let's go." Pagkabukas ko pa lang ng gate ay bumungad na sa akin ang kotse ni Kenzo.
Hawak ko na ang maleta ko at ang backpack ko.
"Tss, bakit ba atat ka?" sabi ko habang sinasara ang gate na kalawangin na at kahit anong oras ay pwede ng makatetano.
"I have a work today!" Ang aga-aga para nang binuhusan ng suka ang mukha niya.
"Oh, edi sana hindi mo na ako sinundo, kasalanan ko pa ngayon na baka ma-late ka?!" sigaw ko sa kanya. Ke aga-aga nasisira na agad ang araw ko.
"Hindi ka na lang magpasalamat dahil sinundo pa kita. Aish! Sumakay ka na nga lang. Ilagay mo 'yang mga gamit mo sa compartment." My mouth formed to O shape in annoyance.
Humalukipkip ako habang kinakalma ang sarili.
"Hindi ka man lang ba bababa para tulungan akong maglagay? Anong klaseng asawa ka pala kung gano'n?" kunot noo kong tanong at medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko.
"It's your luggage after all," he said while smirking. Aba at talagang inaasar pa 'ko ng hinayupak na 'to!
"Argh! F*ck you ka talaga Kenzo!" Sa inis ko ay nilagay ko na lang ang mga gamit ko sa compartment at malakas na sinarado ito.
Masira sana kotse mo animal ka. Binuksan ko ang backseat at papasok na ako nang magsalita siya.
"Sit here, beside me." Napaikot ako ng mata at malakas ko ding sinara ang pinto na akala mo matatanggal na sa pagkakakabit sa kotse.
Pagkabukas ko ng passenger seat ay syempre malakas ko ding sinara saka na ako nag-seatbelt.
"Magdahan-dahan ka nga, alam mo ba kung gaano kamahal itong sasakyan na 'to?" Para siyang leon na anytime pwede akong kagatin. Masyadong high blood.
"Malay ko ba, kasama mo ba akong bumili nito?" bulong ko sa hangin habang nakatulala sa bintana.
"What?!" Galit na galit? Gustong manakit?
Hindi na ako nagsalita at nagsimula na siyang magmaneho. Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan habang unti-unti na akong lumalayo sa bahay namin. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang isa akong madungis na batang tulo ang sipon tapos ngayon magiging asawa na ako ng artista.
"Wala ka bang pasok?" he asked.
"Wala," tipid kong sagot at nabalot na muli ng katahimikan ang byahe.
As I look at the trees passing in the road I felt different. Siguro hindi ko lang maisip kung gaano kalaki ang mababago sa buhay ko pagkatapos ng araw na ito. It's true that time is really a gold, so better spend it wisely.
—————
Tumigil na ang sasakyan sa harap ng mansyon nila Kenzo. Everyone in the house was looking at me when I get out from the car.
"Welcome home my love." Nasa tabi ko na si Kenzo habang nakatingin sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Love your face." Tumawa siya at saka nauna nang maglakad papasok at ako ay kasunod niya, sa likod ko naman ay ang mga maids na may dala ng mga gamit ko.
"Maayos na ba 'yong room?" he asked in the maids na abala sa buong bahay.
Ang iba ay nagluluto sa kusina, ang iba ay nagpupunas ng mga paintings at furnitures at ang iba ay nagwawalis. Basta lahat ay may ginagawa. Sa bagay 7:45 pa lang ng umaga.
"Yes Sir, dadalhin na po ba namin itong mga gamit niya?" tanong ng isang kasambahay na mukhang bata pa ang hitsura. Kenzo just nodded then umakyat sila sa taas.
"Come with me. Ililibot kita para maging pamilyar ka." Sumunod naman ako sa sinabi niya.
"Of course this is the living room," sabi niya bago namin lampasan ang mga naglilinis sa sala.
Sa sobrang laki ng sala niya ay parang isang buong bahay na namin ito eh.
Sa magkabilang gilid ng sala ay may dalawang daan at kung hindi ako nagkakamali ay pasilyo iyon, sa pagitan no'n ay pader na may napakalaking frame.
"And meet my family first." He was talking about the big picture frame in the wall.
"This is my mother, her name is Kendra Navarro." Napaka ganda ng mama niya. Mukhang bata pa pero hindi, mukhang masiyahing tao at halatang artistahin din ang hitsura.
"This is my father, his name is Enzo Navarro." Ang papa niya ay halata ding napaka gwapong lalaki noong araw niya. Matangos ang ilong, makinis ang kutis at meztizo.
"So, kaya Kenzo ang pangalan ko dahil sa pangalan nila Mama. Ken from my mother's name Kendra and Zo from my father's name Enzo." I nodded as he explain.
"And this, this is my little sister, her name is Raen (Rain)." As I look at the girl, nanliit ako bigla.
Paano ba naman mukha siyang manika. Halatang spoiled din at manang-mana sa nanay niya.
"Her name comes also from Kendra and Enzo," he explains then I nodded again.
"Nasaan sila?" I asked out of nowhere.
"Well, the three of them go to states. Noong mga panahong 'yon nagsisimula na ako ng career ko sa showbiz that's why I left here alone. But I kinda like here all by my self," he said while looking at the big picture.
I looked at him. Sa pagpapaliwanag niya ay mukhang sanay na siya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Alam kong nami-miss na niya ang pamilya niya.
Nagsimula na siyang maglakad ulit kaya sumunod na ako. Lumiko kami sa pasilyo at pumasok sa isang pinto sa kanan.
"This is the kitchen." Namangha ako pagbukas ng pinto. Mukha itong kusina sa mga restaurant, may umuusok-usok tapos ang daming nagluluto na naka sumbrerong mahabang puti at apron. Naaamoy ko ang napaka bangong ulam na niluluto nila.
"Kapag nagugutom ka pumunta ka na lang dito or kung tinatamad kang bumaba sa kwarto, you can call the maids para dalhan ka ng pagkain. This is the head of the kitchen." Lumapit sa kanya ang isang lalaking parang kaedad niya lang din.
"Meet Chef Leo, and Leo this is my wife, Lizabeth," pagpapakilala niya sa akin.
"Nice to meet you, Ma'am Lizabeth." Nag-bow siya sa akin pagkatapos magsalita.
"Beth na lang," I said.
Sunod naming pinasok ang dining, meron doong mahabang lamesa na kasya ang benteng tao. Sunod ay library na malulula ka sa sobrang daming libro. Nalaman ko din na home schooled pala si Kenzo at doon siya madalas mag-aral.
Sunod naming pinasok ay gym. Yes, tama ang nabasa niyo, gym. Meron siyang sariling gym sa mansyon niya. Kumpleto ito sa gamit kagaya ng mga typical na nakikita sa mga gym.
Ang huling pintong pinasok namin ay parang sinehan. Madilim doon at mayroong malaking white screen sa harapan. Hitsura siyang cinema na may mga upuan pababa gano'n, tapos may projector sa taas. Sabi niya doon sila nagme-meeting minsan ng mga katrabaho niya minsan kapag bored siya nanonood siya ng movie.
Sa dulo ng hallway ay may liwanag akong nakita. Pagliko namin doon ay 'yon na pala ang end ng hallway at may malaking bubog na pintuan doon.
"This is the garden." Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang malawak na likod-bahay.
Mayroong mushroom table doon at upuan na pandalawang tao. Sa kaliwa ay makikita mo ang malaking swimming pool. May mga ilaw na nakapalibot sa buong likod-bahay at nae-excite akong makita iyon sa gabi. And the ground is covered with bermuda grass.
"Beautiful isn't it?" he asked while placing his both hands in his pocket.
"Yah, relaxing." Lumanghap ako ng sariwang hangin. Napaka tahimik dito at napaka mapayapa.
"This will be your home for three months. So, better cherish every day of your staying here." Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.
"Sure I will..." Bahagya akong tumigil sa sasabihin at tiningnan ko siya sa mga mata
"Love," I said.
Lizabeths POV Pagkatapos ng paglilibot namin sa unang palapag ng mansyon ay umakyat na kami sa itaas, mayroon lamang doong dalawang guestroom, kwarto ng parents niya, office niya, kwarto niya, at kwarto ng kapatid niya. Sa hitsura ng mansyon nila Kenzo hindi na nakapagtatakhang maswerte ang mapapangasawa nito sa hinaharap. “Raens room is your temporary room. Katabi lang nito ang kwarto ko, so kung may kailangan ka, nandoon lang ako kabila,” sabi niya habang naglalakad kami at tumigil sa isang pinto. Tumango-tango na lamang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Pagbukas 'non ay bumungad sa akin ang pink theme na kwarto. Punong-puno ito ng mga stuff toys na unicorn sa isang sulok nito. Mayroon itong pink carpet din sa loob at maging ang kisame nito ay color pink din. Sa harapan ng kama ay may isang salamin na may lamesang punong-puno
Lizabeth’s POV Our face is only an inch apart and I can smell his breath that smells like some kind of wine. Hindi ko alam, pero hindi ko din mapaliwanag ang kakaiba kong nararamdaman sa mga oras na ito ngunit ang tanging sigurado ako ay gusto ko nang mahagkan ang mga labi niya. “Ang tagal niyo namang mag kiss.” Para akong napaso sa pagtulak ko sa kanya. Parehas kaming napatingin sa nagsalita and there we saw a boy with a malicious smile habang nakatingin sa aming dalawa ni Kenzo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan. “Oh, bakit hindi niyo tinuloy?” parang nanghihinayang pa niyang tanong. Naglakad siya papunta sa couch at ibinagsak ang katawan doon at nagdekwatro. Nakita ko si Kenzo na naglakad papunta sa lamesa niya at naglagay ng wine sa baso. Ako ay nanatiling nakatayo doon at hindi ko alam kung anong gagawing kilos.
(Continuation of chapter 7) Lizabeth's POV That endearment... why I felt something in my stomach everytime he say that word to me? Pero I try to look normal. This is just pretend Beth okay, 'wag ka umasa. “Palagi ka kasing nakasimangot, eh,” I said. “Tss, just be thankful that I am nice to you.” Inirapan ko na lang siya at saka tumayo at nagtingin-tingin ng damit na nakaayos sa mga sabitan. Habang abala ako sa pagsusuri ng mga damit ay 'di ko namalayang tapos na palang ayusan at magbihis si Kenzo. He was so handsome in his black tuxedo. “Let’s go.” We walk while holding hands habang papalapit sa mga tao sa labas. Pumunta kami sa pwesto ni Lloyd kung saan ay kumakain ng tsitsirya. “Stay with Lloyd, just wait until we finish the taping.” Binitawan na niya ako at ako naman ay naupo sa katabing upuan niya.  
Lizabeth’s POV “Wake up.” Nagising ako sa tapik sa pisngi ko at pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang isang anghel. Este half anghel, half evil. Charot, si Kenzungit lang naman iyon. Inilibot ko ang paningin at napansing nasa mansyon na kami. Nauna siyang lumabas at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Pagkasara ng pinto ay bumaba ang bintana sa driver’s seat kung saan nandoon si Lloyd. “Paano ba 'yan? Kitakits na lang ulit bukas Sir Ken, Ma’am Liza,” wika niya at mukhang pagod na din sa maghapon niyang trabaho. Kumaway pa ako at saka na siya nagmaneho paalis. Curious lang ako kung gaano kalayo ang tinitirahan niya dito. Baka mamaya ay sa isang barangay pa pala edi paniguradong bagsak na sa higaan ‘yon pagdating sa bahay nila. Pinagbuksan kami ng mga katulong ng malaking pintuan. Ang iba sa kanila ay mukhang pagod na at ang iba
(Continuation of Chapter 8) Lizabeth's POV Kung wala lang kami sa harap ng pagkain ay sinaksak ko na ‘to ng kutsilyo at ipinakain ko na ang buong manok sa kanya. Gawin ba naman akong aso na sunod-sunuran sa kanya. Napaka lakas talaga ng apog ng lalaking ito! Maghintay ka lang talaga Kenzo, may araw ka din sa 'kin. May kasama pang buwan. Pagkatapos namin kumain ay binigay ko na ang phone number ko sa kanya at saka na ako nagkulong sa kwarto. Doon pa lang ako nakapag bukas ng phone ko at sunod-sunod na text messages na ang lumabas. From: Ate Lucy [Nasaan ka? Bakit wala ka pa sa bahay?] Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa. Lagot, paano ko ipapaliwanag kay Ate? From: Ate Lucy [Beth! Bakit hindi ka man lang bumisita ng ospital pagkatapos ng klase mo? Sabi ng mga kapitbahay ay ang tahimik ng bahay at mukhang
Lizabeth’s POV Headline: Kenzo Navarro, Kasal na? “Kilalang-kilala nating lahat ang sikat na actor na si Kenzo Navarro at kamakailan lamang ay nakuhanan ng letrato ang actor kasama ang isang hindi pamilyar na babae sa set ng taping ng ginagawa nilang pelikula. At ang kapansin-pansin din ay ang mga singsing na pareho nilang suot habang magkasama. Totoo ba? O haka-haka?” Pinatay ko ang TV at tumingin sa kanya. “So, what’s the problem about the news?” kalmadong sabi ni Kenzo habang umiinom ng gatas niya at nanonood sa TV. Pagkatapos kong mapanood ito ay kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto niya at pinabukas ang TV niya. Kanina nga ay gusto ko nang painumin ng coke na may biogesic itong si Kenzo. Paano ba naman ay pachill-chill pa ang gago. Edi siya na ang kalmado! “Ken! Hindi mo ba napanood? The news is about us!” sigaw ko sa kanya habang iniliyad ang kamay sa TV.
Lizabeth’s POV Diretso akong nakatayo ngayon dito sa harap ng pintuan ng kwarto ni Mama. Nandito na ako sa ospital at humuhugot ng lakas ng loob bago pumasok. May dala akong mga prutas na naka basket para kay Mama. Nag-withdraw ako kanina ng pera para may maibigay ako sa kanila mamaya. Pinihit ko na ang seradura ng pinto at bumungad sa akin si Ate na pinapakain si Mama. Pareho silang napatingin sa akin nang marinig ang pagbukas ng pintuan. “Beth!” wika ni Ate Lucy na ibinaba muna ang mangkok ng lugaw sa isang lamesa sa tabi ng higaan ni Mama. Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa at inilapag ang basket sa may lamesa at nagmano ako kay Mama bago umupo sa tabi niya. “Kamusta na po ang pakiramdam niyo?” tanong ko at hinawakan ang kanang kamay niya. “Heto at lumalakas na ako. Ang sabi ng doktor, makakalabas na ako bukas, anak.”&nbs
(Continuation of chapter 10) Lizabeth's POV “Ehem.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita. It’s Kenzo. Nakatayo siya sa may pintuan habang masamang nakatingin sa akin. Nakasuot siya ng long sleeves white polo at black pants at saka black shoes. His hair is also messed up. Napalunok ako dahil sa nakikita kong ekspresyon niya. Nag-bow lahat ng nandito sa kusina maging si Leo. Naglakad siya papalapit sa akin at masarahas akong hinawakan sa pulso at saka hinila palabas. “Aray! Kenzo bitiwan mo nga ako!” Halos masubsob na ako sa sahig dahil sa pagkaladkad niya sa akin. Nakikita na kami ng mga maids maging si Faye ay nag-aaalang nakatingin sa akin but I gave her an assurance smile. Hanggang sa makarating kami sa pangalawang floor ay hindi pa din niya ako binibitawan. Nakarating kami sa kwarto n