CHAPTER 9
Isang buwan na ang nakalipas matapos maganap ang aksidente ngunit ang dalaga ay hindi pa din gumigising. Wala din balita sa pamiya nito. Kataka-takang walang naghahanap sa babae.
Araw-araw nagpupunta sa lugar ang binata kung saan nandon ang dalaga upang alamin ang kundisyon ngunit walang makitang pagbabago. Naiinip at hindi na makapaghintay pa ang binata kumilos upang isakatuparan ang dalawang taon na nilang misyon.
" I won't be waiting for her anymore, I'm done with this!" Inis na turan ng binata pagpasok nito sa kanyang opisina.
" Just wait a little bit more, the doctors said, she's getting better." Pagkalma ni Lucas sa kaibigan. " Getting better? Look at her state, Lucas. She's still fvcking comatose!"
" Yeah, I know but we don't have a choice. We have to wait." Mahinahon na tugon ni Lucas. "Hindi naman porket tulog pa din sya ay walang magiging pagbabago. Doctor na din ang nagsabi, malaki na ang tyansang magising siya. "
" One fvcking month has wasted waiting for her and I won't allow another one to waste. " Gigil pa din na sabi ni Luther . " Just wait few more days, she--"
" No, I told you. I'm done with this! You know how hard for me to wait just to carry out this mission now you want me to wait again, and now for her? Hell no!" Inis na turan pa ng binata.
" We have to make sure everything is under control--"
" She's still fvcking unconscious! Do you think she could say something against me with her current state? "
" But how about the Asano? We have to lay low--"
" They are already moving towards us and if we don't do something, we might really get caught before they do. "
" But--"
" I don't wanna hear more buts from you, Lucas" putol sa sasabihin nang kaibigan. Naupo ito sa harap ng kanyang lamesa, pinipisil ang sintido upang pakalmahin ang sarili. Hindi na muli pang umusap si Lucas ngunit tutol pa din sa gustong mangyari ng kaibigan nang pumasok na sa loob ang pangatlo nilang myembro. " Dude, you won't believe this,"
Tinignan naman siya ni Lucas habang ang binatang CEO ay nanatiling sa kanyang pwesto. " Everyone are talking about this, at kung makikita nyo lang ang mga empleyadong babae dito, lahat nagluluksa! "
" Just spill it, Kheed." Walang ganang sabi ni Lucas.
" Everyone is talking about HIS girlfriend" turo ni Kheed sa binatang kunot na lumingon dito. " What?"
Dahil sa madalas na pagpunta ng binata sa lugar kung nasaan ang dalaga ay nagdulot ito nang malaking balita lalo na sa mga kababaihan. Inaakala na ang binatang mailap ay may kasintahan na.
" Saan naman nila nakuha ang ganyang impormasyon? Lihim at tanging tayo at mga doctor lamang ang nakaaalam sa sitwasyon ng babae lalo na nang lugar." Takang tanong ni Lucas.
" Base sa narinig kong tsismis, may nakakita sa kanyang nagpunta sa resthouse ninyo at nakita ang pagbisita nito kay Samantha. " Panimula ni Kheed kasabay ng pag-upo nito sa tabi ng binata.
" Papaanong? Pribado ang lugar na iyon at--- wag mong sabihin, isa sa mga nurses ang nagkalat nito? "
" I don't know but everyone is buying it" kibit-balikat na sagot ni Kheed.
" Damn! I told her to choose her companions wisely!" Inis na sambit ni Lucas, " We have to clear this---"
" Let's have it that way" putol ni Luther sa sasabihin ng kaibigan, " What?"
" Let them think that way. Then I don't have to make excuses"
" But that would cause an uproar"
" I told you, I don't wanna hear more buts from you" Ani ni Luther bago kumuha ng mga papeles sa lamesa nito. Iling naman ang naging pagsagot ni Lucas, hindi man gusto ang nangyayari ay walang magagawa. Samantalang si Kheed ay prente at para pang nag-eenjoy sa panonood sa dalawa.
Naging busy ang binatang CEO sa pagpapatakbo ng kanilang company matapos ang isang buwan na paghihintay kasabay ng pagpapatuloy nang misyon nila.
Ilan sa mga kababaihan ang lumayo sa binata dahil sa naging tsismis dito ngunit may ilan pa ding pinipilit akitin ang gwapong CEO umaasang sila ay mapapansin.
Lahat ay pumapabor Kay Luther lalo na nang makatanggap ng impormasyon ukol sa kanilang misyon. Dahil sa nakuha nilang magandang kalidad na mga baril sa Lopez ay nakakuha sila ng kapaki-pakinabang na impormasyon kapalit nito. Naglalaman ito ng katibayan na ang pagkamatay ng kanyang magulang ay hindi isang aksidente.
Nanggigigl na binabasa ng binata ang laman ng sulat, nanunumbalik ang alala nang pagkamatay ng mga magulang. Winaksi niya ang mapait na nakaraan at tumitig sa huling linya ng talata.
" Le'Roux... Asano... " basa niya sa huling salitang nilalaman ng sulat.
Hindi binanggit sa sulat kung ano ang mga ito ngunit nagsilbi itong clue kay Luther kung anong susunod na hakbang. Nilukot ang papel saka walang pagdadalawang isip na sinilaban ng apoy.
Tama siya ng hinala, isa ang Asano sa dahilan ng kanilang kamatayan. Hindi nga siya nagkamali nang minsang makita ang simbolo ng pamilya nito sa mga naiwang gamit nang namayapang ama.
" I have some good news" pagpasok ni Lucas sa loob ng opisina kasunod si Kheed. " What's that fire?"
Ngumisi ang binata saka nagsalita, " I have good news as well"
" Mukhang magandang balita nga kung ganyan makangisi ang isang yan, " Sabi ni Kheed. " What is it? "
" The information we got from the last trading contains testimonials about my parent's death. It's not really an accident, I knew it! "
" That's good, " nakangiting sagot ni Lucas. " And I got names."
" Really? That's really good news for us!" Tuwang sabi pa ni Lucas. " That way mas mapapadali ang paghahanap natin. "
" Yeah, " Nakangising sambit ng binata. " Who are they?"
" Well, they gave me two names. I'm not familiar with one but the other was the one we have been keep an eye of"
" Asano? " Tango ang naging sagot ng binata. " Then you're right about digging on them. But who's the other one? "
" The name is Le'Roux. I dont know about them but one thing is for sure, this is another powerful clan. " Sagot ni Luther.
"Did you say Le'Roux ?" Tanong ni Kheed na tinanguan naman nito. "Yeah. Do you know them?"
Ang mga panga ni Kheed ay gumalaw na para bang pinipigilan ang sariling sumabog, magkahalong sakit at galit ang makikita sa mga mata. " They are the one who killed her"
Nagkatinginan ang dalawa," You mean the clan you have been looking for? Aren't those clan has been dissolve? "
" That's what the news says but I really don't know, I'm not convinced. Looks how the news manipulate his parents death. It could be the same with them. " Sagot ni Kheed. Tumango muli ang dalawa, pagsang-ayon sa sinabi nito." then looks like these clans are the real deal.
" Then if that's the case, I will assign those job to you. Gather some data on those clan" Sabi pa ni Luther " My pleasure to do it." Ngising tugon ng binata.
" This is still a lucky day for us though" masayang sambit ni Lucas na nagpaalala sa binata ng magandang balitang kaninang sinabi nito "About that, you said you have good news as well. What is it?"
Nagtinginan ang dalawa bago ngumiti sa binata. " She finally regain her consciousness"
" Who? " Kunot-noong tanong nang binata, nakalimutan na ang tungkol sa babae matapos maging busy sa kompanya at misyon.
" The girl you accidentally hit"
Chapter 10 After two months of waiting, the girl finally awaken. Mabilis at nagmamadaling nagpunta ang tatlo kung saan nandoon ang dalaga. Masaya si Kheed sa balita hindi dahil sa misyon kung hindi dahil makikilala at makakausap na niya ang dalaga. Samantalang si Lucas at Luther ay parehas nang nasa isip, ang misyon. Para sa binata ay napakatagal nang panahon nito ng paghihintay at ngayong gumising na ito, hindi na niya hahayaan pang may masayang na oras sa kanya. " Where is she?" Hingal na tanong pa ni Kheed sa doctor na kalalabas lamang ng kwarto nang babae. Gulat at hindi inaasahan ng doktora ang pagpunta ng mga binata. " She's inside but she's --- wait! You need to know something first!" Sigaw ng doktora sa tatlong lalaking hindi na siya nahintay pang magsalita. Dali-dali silang pumasok at nakita ang isang dalagang nakaupo sa gilid ng kama. May benda sa ulo pati na din sa kanyang braso nito. Bakas pa ang ilang mga galos na makikita mong pahilom na din. Ngunit na ganon ay kapans
Chapter 10 Samantha's POV " Oh my god! Doc! Gising na siya!" Isang boses ng babae ang umagaw ng aking atensyon, hirap man ay pinilit kong idilat pa ang aking mga mata. Saglit pang naging malikot ang aking mata, naghahanap ng ibang makikita bukod sa kulay outi sa aking harapan. Patay na ba ako? Eto na ba ang langit? " Isa itong himala." " Tawagan ninyo si young master at ibalita ang paggising niya" Patuloy kong naririnig ang mga boses malapit lamang sakin. Ganito ba talaga kaingay sa langit? pero kung patay na nga ako at ito na ang hangganan ay bakit ramdam ko ang kirot sa aking buong katawan? Lumingon ako sa paligid at nakita ang mga babaeng nakaputi na pari't-parito sa kwarto, nagmamadali sa kanilang bawat kilos. Lumingon pa ako sa paligid at nakita ang laman ng istraktura. Isang itong kwarto na kulay puti at kahoy. Wala ito ganong disenyo ngunit kung titignan ang buong kwarto ay halatang pinagkagastusan. Mula sa cabinet, sofa at maging sa mga paintings na nakasabit
Habang mahimbing pa din na natutulog ang dalaga. Tatlong nurse ang pumasok sa kwarto upang imonitor ang lagay nito. " Napakaganda niya no? Pati ang kutis, napakaporselana. Para bang naliligo sa gatas" nakangiting ani ng isang nurse na siyang nagpupunas ng pisngi ng dalaga. " Sinabi mo pa, pati ang mga mata niya ay hindi pangkaraniwan. Napakapusyaw na kulay ginto. Hindi kaya, isang siyang dayuhan? " Gatong ng isa pang nurse. "Maaari, ang kanyang itsura ay hindi pangkaraniwan sa ating mga pilipino. Ngunit ang impormasyon nakalakip ukol dito ay kabaliktaran." Sagot ng isa pang nurse. " Ang kanyang mga magulang ay parehas na pilipino, " " Hindi kaya siya ay ampon? " " Manahimik ka, Clara. Marinig ka ng mga binata " saway ng pinaka-matanda sa kanila at siyang tumatayong head nurse. Napatakip naman ng bibig ito kasabay ng pagtingin sa paligid. " Paumanhin" " Nakita ko ang mga impormasyong ibibigay ni young master, pati na din ang mga litrato ng pamilya ng dalaga. Magkamukh
" Tao po, tao po" sigaw ni lucas sa labas ng gate ng isang maliit na tahanan. Isa itong bungalow na semento ang pader at yero ng bubong, ngunit kung titignan ang kabuuan ay halata mong hirap ang pamilya. Halos sira at may butas na ang bahay. Muli ay sumigaw ito hanggang sa ilang sandali ay nagbukas ang pinto at iniluwa ang isang hindi katandaang babae na tantya niya ay nasa 30's na nito. Ito ay may itim na buhok at itim na kulay nang mata, balingkinitan ang katawan na halos mamayat na dahil na din siguro sa nararamdamang sakit nito. " Magandang araw ho," bati ni Lucas dito. " Magandang araw din sayo, sino ho sila? " Magalang na tugon ng ginang. " Nalaman ko ho na hinahanap ng anak ninyong lalaki si Samantha kaya ako naparito" panimula nito. Ang mukha ng ginang ay biglang nag-iba, na imbis pag-aalala ang lumarawan dito ay takot ang makikita sa mukha nito. " S-Sino ho ba kayo?" Nauutal na tanong nito na nagbigay taka kay Lucas. Hindi niya maaaring sabihin na Na
" Looks like they knew it was us behind the incident. " Sagot pa ni Luther. (Shit, how could... We're careful...) " This is expected, it just arrives early. " (But how can we deal with them while you're pretending to be someone's boyfriend? This is messed up!) " I can do both. Don't worry. We'll be there in a minute." Sagot ni Luther bago ibinaba ng tawag. Napapangisi naman si Kheed iniisip na ang kaibigan ay hindi magawang bitawan ang dalaga. Sa wakas ay matapos ang tatlongpung minutong paglalakbay ay nakarating na ang dalawa sa private resthouse ni Lucas. " You made it. Congratulations!" Bungad ni Lucas kasabay ng pagpalakpak nito sa dalawa. Iling lang na nilagpasan ito ni Luther samantalang ang kasama nito ay nakatingin sa hawak na bungkos ng bulaklak. " Sa bilis nito magpatakbo, Ang daming nalagas na bulaklak. Paano pa natin maibibigay to kay Samantha? " " I already bought a bouquet for this day. Don't worry about it. " Sagot ni Lucas. " What?! Bakit ngayon
Every girl's dream was to be a princess, where you live in a big castle, dressed in a pink and ruffled gown, and wear a tiara with a bunch of servers around to accommodate her. But what makes a girl dream of becoming a princess was to find her prince. Hindi ko alam kung papaanong nangyari sa akin ito, hindi naman ako prinsesa... Pero bakit may napakagwapong prinsipe sa harapan ko? Panaginip na naman ba to? Kasi kung oo, please lang mamaya niyo na ako gisingin. " You're my boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatulala pa ding nakatingin sa napakagwapong mukha nito. Hindi ito sumagot pero kita ko ang pagtango nito na sapat nang dahilan para makaramdam ako ng kiliti sa tiyan. Sino bang hindi kikiligin kung magigising ka na lang isang araw may boyfriend kang mala-prinsipe ang kagwapuhan? " Gwapo no?" Rinig ko pang Sabi ng katabi nito na kung tama ako nang pagkakatanda ay Kheed ang pangalan. Ngumiti ako at tumango dito. " Ang swerte ko!" Natawa naman ito sa sinabi
" Wow..." Namamanghang nakatingin ako sa isang napakalaking gate na kulay ginto. Gate pa lang ay halata mo nang mayaman ang nakatira sa lugar. Hindi ko pa man nakikita ang mismong bahay nito ay hindi ko na mapigilang mamangha sa mga nakikita. Bukod kasi sa kulay gintong gate nito ay may matataas at mayayabong na puno ang nakahanay sa Daan papasok, gayon din ang makukulay na halaman sa tabi nito. Para ito ang lugar na nakita ko sa aking panaginip bago ako magising. " Punasan mo muna ang laway mo, madami ka pang makikita." Natatawang narinig kong sabi ni Kheed na siyang nagmamaneho ng sasakyan, katabi ko. Natawa din ako sa sinabi nito saka umiling. " Sayang ang punas, mamaya na lang para isang punasan na lang." Biro ko pabalik dito na nagbigay halakhak dito. " Sa wakas may nakaka-appreciate na ng humor ko!" Natatawang sabi pa nito. Naiiling na nakangiti naman kami ni mama dito. " Bakit nga pala hindi ang boyfriend ko ang sumundo sa amin?" Biglang tanong ko habang nakatingin sa
" Bakit ho kaya bigla tayong pinapunta dito ni Young master?" Nagtatakang tanong ni Esmeralda sa mayordoma ng bahay habang ito ay nagpupunas nang plato. " Ako man ay nagtataka. Diba hindi naman nila tinitirhan itong Casa de Luna simula ng mamatay sina Señor? Ano kayang naisipan ng Young Master?" Naiiling na tanong ng isang lalaki na naglalatag ng mga halaman sa loob. " Paparating ang nobya ng young master kaya wag na kayong magtakha." Nakangiting sagot naman ng mayordoma. " Si young master? May nobya?" Sabay na tanong ng dalawa. " Sa ugali niyang iyon?" Naiiling na natatawa naman ang matanda sa itinuran ng dalawa. Naintindihan niya kung bakit ganito ang reaksyon nito, at mas Malamang ganito ang magiging reaksyon ng lahat lalo na ang Lola nito. " Bakit kayo magtatakha? Napakamatipuno at gwapo naman ng ating amo, hindi ba?" " Oo nga po, kahit ako ay nabulag ng gandang lalaki ni young master. Dumating pa nga sa puntong muntikan na akong sisantihin dahil sa pagtitig ko dito. Ang h