Share

CHAPTER 4

CHAPTER 4

Napakabilis lang natapos ang klase namin, pero pakiramdam ko ay limang oras ang naging klase. Hindi ko rin naintindihan ang tinuro dahil nasa ibang dimensyon ang utak ko.

Hindi nawala sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Ariana. Kahit na wala sa tabi ko si Damon ay nasa kaniya pa din ang isip ko.

“Hoy tulala ka diyan?”

“Huh? Hindi ah,” awkward akong tumawa at sunod sunod na umiling.

Palabas na sana kami ni Ariana ng room pero hinarang kami nila Booby kasama niya 'yung mga alipores niyang wala ring ibang malaki kung hindi 'yung boobs nila.

Hindi ko alam kung kampon ng mga fake boobs 'to o ano.

“Hello? Nakaharang ka sa daan, 'di mo halata?” mataray na tanong ko sa kaniya.

“Alam ko hindi ako tanga,” mataray na sabi niya.

"Ano ba Booby? Padaanin niyo nga kami,” naiiritang sabi ni ariana.

"Wag kang mangeelam dito manugang,”maarteng sabi ni BOOBita.

"Ano na naman bang problema nyo?"inis na talagang tanong ni ariana.

"Ako wala,pero eto meron,"turo sakin ni BOOBita.

Inosenteng napatingin ako sa kaniya at tinuro ko oa ang sarili?

“Wala akong problema, baka ikaw?” balik ko sa kaniya, "Ano na namang ganap mo dyan?"bored na tanong ko.

"You're a slut. Masyadong kang nagpapansin sa Damon ko. Kunyari ay nagagalit ka pa kapag iniinis ka niya, pero ang totoo ay gustong gusto mo naman!"galit na sabi niya at dinuro duro pa 'ko

“Hindi mo sure,” nang-iinis na sabi ko.

Ako nagpapapansin? Kahit katapusan na ng mundo ay hindi ako magpapapansin sa lalaking 'yon.

“And how dare you say that he's not that handsome? Balak mo bang sabihin na panget siya?”

“Oo pero kung ayaw mo, edi ikaw na lang,” sabi ko pa.

"Ang kapal ng mukha mo!"galit na galit n sabi niya. Halos matawa ako sa itsura ng mukha niya. Sobrang pula nito at ang ilong at tenga ay halos labasan na ng usok dahil sa sobrang galit.

Hindi ba marunong kumalma to?!

"Kalma lang, "sabi ko at ngumiti ng nakaka asar, "Kaya padaanin nyo na kami kung ayaw nyong malagyan ng bangas 'yang panget n'yong pagmumukha,"pananakot ko at pinatunog isa isa ang daliri.

Napa-atras siya ng kaunti pero hindi pa rin siya natinag, tumayo siya ng tuwid at pilit pinapatapang ang sarili

Sige lang BOOBita.

"Hindi ako aalis dito, as if naman na natatakot ako sa'yo,” Pagkasabi niya non ay bigla siyang ngumisi at nag-cross arm.

"Bibilang ako ng isa hanggang tatlo." Pananakot ko.

"Isa," Natawa ako ng kaunti at seryoso na silang tinignan.

"Kung ako sa inyo, aalis na lang ako at aakto na parang walang nangyare," Singit ni ariana.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Dalawa."

Ayaw pa rin nilang umalis kaya umakto na akong manununtok, bigla silang nagsigawan kaya tumawa ako ng malakas at 'saka binaba ang kamao ko.

"Alis na bago ko pa totohanin 'yung sinabi ko." Pagkasabi ko non ay naguunahan silang maka-alis sa harap ko.

Si Booby ay nanatili sa harap ko. Galit pa ring naka-tingin, “Layuan mo si Damon!” sigaw niya bago patakbong umalis.

Kahit hindi niya sabihin ay lalayuan ko talaga.

"Dapat tinuluyan mo na Amber,"natatawang sabi ni ariana.

"Huwag na, kawawa naman yung mukha,"natatawa ring sabi ko.

Tinuloy namin ang paglalakad at dumiretso sa Cafeteria.

Humanap ako ng mape-pwestuhan namin at swerteng doon kami natapat sa dulo.

Agad akong lumapit doon. Pagkaupo ko ay saktong tapos ng umorder si ariana kaya sinenyasan ko siya na agad naman nyang naintindihan.

Pagkaupo nya ay agad kong kinuha ang pagkain dahil gutom na talaga ako.

"Pasabay lil sis, "sabi ng isang pamilyar na boses na ayaw kong marinig.

“Hindi ka pumasok pero ngayon nasa Cafeteria ka? Ayos ah,” sabi ni Ariana.

Hindi ko na kailangang tumingala para malaman kung sino yon dahil si DAMONYITO lang yon at wala ng iba.

“Ano naman?” maangas na tanong nito sa kapatid.

As usual,siguradong kasama na naman nyan si marco na hindi marunong magsalita.

“Hi Amber, nice to see you.”

Hindi na 'ko naka-tiis at inangat ko na ang tingin sa kanilang dalawa.

“It's not nice to you,” sagot ko, "Nandito ka na naman?"kunyaring gulat na tanong ko.

"Wala kang pakielam,"sabi nya at inirapan ako.

Siya pa may ganang mag-inarte ngayon?

“Wala kang pakialam,” ginaya ko ang sinabi niya, pati kung paano niya binigkas 'yon.

Ngumisi ako at tumingala sa kaniya nang maalala ko ang ginawa ko.

Aasarin ko na sana siya nang bigla niyang kinuha ang sandwich na nasa tray ko.

“Ano ba?!” inis na sigaw ko.

"Pengeng sandwich," sabi nya at mabilis na kumagat sa sandwich ko.

Kukuhanin ko na sana ang sandwich na nasa tray niya nang mabili niya itonf kinuha.

Tinignan ko siya ng masama, “Ano ba? May sandwich ka naman, bakit mo pa kinuha 'yung sandwich ko?” inis na bulyaw ko.

“Gusto ko lang,” pagkasabi niya non ay binelatan niya 'ko, naging sunod sunod ang pagkagat niya sa sandwich.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya para kuhanin ang isa pang sadwich na nasa kamay niya, tumayo din siya at itinaas ang braso.

“Ibigay mo sa'kin 'yan!” pilit ko pa ding inaagaw ang sandwich na nasa kamay niya.

Nakita ko ang pag-iling ni Marco at Ariana sa'min dalawa. Rinig ko din ang mga bulungan ng ibang estudyante.

“Parang mga bata,” sabi ni Ariana.

Hindi ko siya pinansin at patuloy na inaabot ang sa kamay ni Damon ang sandwich. Nagsimula na akong tumalon nang tumingkayad siya.

Kung bakit ba kasi ang tangkad ng lalaking 'to.

“Ibigay mo sabi sa'kin 'yan!”

Napahinto ako ng dumiretso siya ng tayo, hindi na nakatingkayad ang paa. Napa-angat ang tingin ko sa kaniya, at halos lumuwa ang mata ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa'kin. Sa sobang lapit ay naduduling ako, at halos mahalikan na niya ako.

“Kuhanin mo kung gusto mo,” sabi niya mismo sa pagmumukha ko.

Itinaas ko ang kamay ko at inilayo ang mukha niya sa mukha ko.

“S-sayo na 'yan. K-kaya ko namang bumili ulit eh,” pilit akong tumawa para mawala ang kahihiyan na nararamdaman ko.

“Hindi din naman pala aagawin. Boring.”

Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.

“Bakit ba ngayon ka lang pumunta dito? Pwede naman kanina habang walang estudyante. Ginugulo mo 'ko!”

Ngumisi siya ng nakakaloko sa'kin, “Bakit gusto mo bang makita ako ng mas maaga? Miss mo 'ko?” napairap ako dahil sa lambing ng boses niya sa huli niyang sinabi.

“Yuck, bakit kita mamimiss? Baka ako ang namimiss mo, kung nasaan ako ay nandoon ka din--”

“Oo, na-miss nga kita, sa sobrang pagkamiss ko, hindi na 'ko hihiwalay sa'yo.”

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status