Masakit na ang mga paa niya sa walang habas nilang kalalakad na tila wala nang katapusan.
Muli siyang nagmaka-awa sa mga taong bumitbit sa kanya. Subalit mistulang bingi ang mga ito sa kanyang pakiusap. Bagkus ay siyang-siya pa ang mga bruho habang pinagmamasdan siya sa napaka-miserableng kalagayan. Naramdaman niya ang pagsabit ng jeans sa mga sangang nakausli sa daraanan. Gumuhit ang kirot sa kanyang binti nang dumaplis ito sa balat niya. Gusto niyang humiyaw sa sakit. Habang daan ay nasampal niya ang lalaking naka-itim at naka kupasing itim na jacket. Tinawag itong Batik ng mga kasama. Siguro ay dahil sa mga patsi-patsing kulay itim nito sa mukha. Diring-dire siya nang subukan siya nitong halikan. Mabuti na lamang at sinaway ito ng isang kasamahan. Anang lalaki ay isurender daw muna siya sa nangangalang pinunong Horan. Kailangan raw mag pigil ng lalaki at baka samain sila. Saka na na raw sila magpyesta pagkatapos ng pinuno. Nag-alburoto ang lalaki at sinabing lagi nalang ay tira-tirang buto na lamang ang naiiwan sa kanila gayong sila naman raw ang unang nakakita sa kanya. Hindik na hindik siya sa mga naririnig. Kinilabutan ang buong pagkatao niya habang nakikini-kinita ang maaring sapitin sa grupong ito na pawang mga manyakis. Maaari siyang malapastanganan. Gusto niyang panghinaan ng loob sa kawalan ng magawa. Subalit pinanatili niyang alerto ang pakiramdam kahit na may pananakit sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Kung magpapatalo kasi siya sa takot ay siyang ikapapahamak niyang tunay. Maglalaho siyang parang bula sa kawalan ng walang makakaalam ng ganun- ganun na lamang. Naikuyom na lamang niya ang mga palad. Gustuhin man niyang pairalin ang galit ay paano? Ano ang magiging laban niya sa mga taong labas na nakapaligid sa kanya? Hindi naman siya si darna na may kagila-gilalas na lakas na sa isang pitik ay kaya nang patalsikin ang mga kalaban. Kung minamalas ka nga naman ang pinanabikan na bakasyon sa bangungot pala ang tuloy. Tuloy ay sising sisi siya sa naging kapasyahan. Kung nakinig lamang siya sa Tiya Linda niya hindi niya sasapitin ang ganitong karahasan. Sa wakas ay narating nila ang kuta ng mga buhong pagkatapos ng halos apat na oras na lakaran. Hindi niya ma-aninag ang paligid, ngunit base sa mga munting liwanag, alam niyang may mga ilang kubol sa paligid. Ramdam niya pa rin ang panginginig ng mga tuhod, maging buong katawan. Sumasagad ito hanggang kaloob-looban ng internal organs niya. Nanghihina na siya gawa ng sobrang pagkapagod at pagkauhaw. Pakiramdam niya anumang oras ay maaari siyang mabuwal at takasan ng ulirat. Ang suot niyang gomang sapatos bagamat mahal niyang nabili ay tila sumuko at halos mapudpod. Sabug-sabog na rin ang kanina'y nakatali pa niyang buhok. Dinala siya sa isa sa mga kubong naroon. Sa pabilog na kawayang lamesa ay may naratnan silang limang lalaki na mga nakaupo. Pawang mga armado rin ng mga de-kalibreng armas. Sadyang hinihintay ang kanilang pagdating. Ano ito execution? Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang akusadong gagawaran ng hatol na kamatayan. Tumayo ang tingin niya ay lider ng grupo. Hula ni Rose ay ito ang pinunong Horan na tinutukoy ng mga bumitbit sa kanya. Malaki itong lalaki na may matapangat maangas na pagmumukha. Kapansin-pansin ang malaking pilat nito sa pisngi na nagpadagdag sa mabangis nitong awra. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tila siya specimen na sinusuri nitong maigi. Dumampi ang hintuturo nito sa kanyang mga labi. "Get your hands off of me, you damn bastard." angil niya. "Oy... Ingleserang tigre ha!" bulalas ng lalaki. Inikutan siya nito. Napaismid naman siya sa pandidiri. Iniiwas niya rito ang mukha. Ngumisi ang lalaki tila nasiyahan. Interesanteng nilaLang." Anito. "Saan niyo nadampot ang isang ito?" "Sa bus patungong bayan ng San Fabian pinuno. Mukhang dayo," sagot ng may balbas-saradong lalaki na may dinukot sa bag niyang hawak nito. Mula roon ay inilabas nito ang kanyang hybrid camera at iniabot kay Horan. Kumunot ang noo ng tulisan habang sinusuri ang kamera. Pagkatapos ay muling tumitig sa kanya. Nagplaster ang pagdududa sa mabalasik nitong mukha. "Reporter ka ba?" Tanong nito. "Alam mo bang kinakatay na parang manok ang mga nahuhuling media sa lugar na ito?" patuloy ng lalaki. Nagtawanan naman ang mga tauhan nito. Napalunok si Rose. Nagsimulang kumabog ang dibdib sa takot. Pero hindi siya nagpahalata. Sa mga oras na iyon ay wala na siyang pakialam sa kamera niya kahit na mahal pa ang pagkakabili niya rito. Lumilipad ang isip niya sa kung paano siya makakatakas sa kinakaharap na panganib. Iginala niya ang tingin sa palibot at muntik na siyang mapasinghap nang maabot ng tanaw at magtama ang kanilang mga mata ng lalaking naka-leather jacket na nasa dulong bahagi ng lamesa. Pormal itong nakaupo at tahimik lang na nakamasid. Gusto niyang ginawin sa paraan nito nang pagkakatitig. Masyadong malalim at malisik. May kahabaan ang buhok ng lalaki, na sa tingin niya ay nakatali sa likod. Lutang ang kagandahan nitong lalaki sa kabila ng mga tumutubong pinong balbas sa mukha. He was tall. Puna niya kahit na nakaupo ito. Malaki rin ang built ng pangangatawan nito katulad ni Horan. May bandanang nakapalibot sa leeg ng lalaki kaya't nagmukha itong terorista sa mga palabas. Hindi ito nababagay sa liblib na pook na ito. Mas bagay rito ang ma-feature sa mga magasin bilang modelo o artista. Bulong niya sa sarili. She shook her head. Anong pag-iisip mayroon siya? Nasa kalagitnaan na siya ng panganib ay napagkaabalahan pa niyang bigyan ng compliments ang lalaking iyon. Ngunit ano ang ginagawa nito sa masukal na kagubatang pinagdalhan sa kanya ng mga ulupong. Stupid of her. Malamang ay isa sa mga h*******k na buwitre. Sa isiping iyon ay gusto niyang madismaya rito. "Ikulong ang babaing ito at bantayang maigi." Narinig ni Rose na utos ni Horan. Naputol nito ang lihim niyang obserbasyon sa lalaki. "Hanggang sa muling pagkikita magandang binibini." wika pa nito kasabay ang ginawang pagpisil sana sa kanyang pisngi subalit naiiwas niya. "Ihanda mo ang iyong sarili at maglalaro tayo." bulong na lamang nito malapit sa kanyang taynga. Napakislot si Rose nang maramdaman ang hininga ng lalaki. Gusto niyang panindigan ng balahibo sa katawan dahil sa mga narinig mula kay Horan. Malisyoso na ang paraan nito nang pagtitig,may kaakibat ng pagnanasa. Nagpakawala ito ng nakakalokong halakhak nang mahalatang natigagal siya sa takot. Bago siya tuluyang mailabas ng kubol ay muli niyang nahagip ng tanaw ang lalaki sa dulo. Mataman pa rin itong nakatitig ngunit blangko ang ekspresyon ng mga mata. Tila balong walang buhay. Bigla ay nakaramdam siya nang pagsikdo ng dibdib, sa 'di mawaring dahilan.Masukal ang kagubatan. Duda siya kung makalalabas pa siya ng buhay. Ni wala siyang palatandaan palabas para makarating man lang sa pinakamalapit na bayan. Hindi na nga niya alam kung saang panig na sya ng Cotabato. Fighter siya at hindi basta-basta sumusuko, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang panghinaan ng loob at tuluyang mangamba sa sariling kaligtasan. Ipinilig niya ang ulo at ilang beses na nagpikit mata. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakatakas sa mala- impiyernong kinasasadlakan. Hindi siya maaring magtagal sa lugar na ito, kundi ay tuluyan siyang mapapahamak. Naalarma siya nang may maramdaman na mga paggalaw. Bumukas ang kawayang pinto. Mabilis siyang bumalikwas sa pagkakasandal sa pawid na digding tumayo at sinino ang pumasok sa kinaroroonang kubol. Pumasok ang lalaking naka-leather jacket kanina. She gasped at the sight of him. Kasunod nito ang isang binatilyo na sa tingin niya ay naglalaro sa labing-apat na taong gulang.
Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose. May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya. Pinilit niyang idilat ang nakapinid na mga mata para lamang manlaki nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi. At bago pa man siya makapiyok ay mabilis na tinakpan ng lalaki gamit ang nanlilimahid nitong kamay ang bibig niya. Nangatal siya sa takot. Nang mga sandaling iyon ay batid niyang nasa totoo siyang panganib. "Sshhh. Hindi na ako makapag-pigil sayo napakaganda mong babae. Para kang labanos sa kaputian," takam na takam na tinuran ng bandidong si Batik sa kanya. "Ikaw na ata ang pinakamasarap na karne na naligaw dito sa gubat kung sinuswerte nga naman. Kumbaga sa delata isteytsayd ka." patuloy pa ng lalaki. Ang mata nitong mabalasik ay napuno ng pagnanasa habang hinahagod siya ng tingin. Pangit na nga ang lalaki ay nagmukha pa itong satanas sa harap niya. Kulang na lang ay tubuan ito ng sungay. Pumalag siya nang m
Bagama't tila nauupos na kandila ang pakiramdam ay pinanatili niya ang malay. Nagulat siya nang marinig na napagibik si Batik. Sa nanlalabong mata ay pilit niyang binanaag ang lalaki. Labis ang kanyang pagkagitla nang makitang naka-angat ang mga paa nito sa lupa at sakal-sakal ng isang malaking bulto. Malakas na pinadapuan ito ng suntok sa mukha ng lalaking nanghimasok. Bumalandra si Batik at bumulagta. Sumargo ang ilong at binulwakan ng sariwang dugo ang bibig. Sinugod muli ito ng hindi nakikilalang lalaki at makailang ulit na tinadyakan sa dibdib. Hindi pa nakuntento at pinuntirya naman nito ang mukha ng bandido. Halos mabasag ang mukha ni Batik sa suot na combat shoes ng lalaking nangahas na atakehin ito. Gulapay at hindi na gumagalaw ang tampalasan. Sa wari niya ay nawalan na ito ng ulirat. Subalit hindi pa rin ito tantanan ng estrangherong lalaki. Napasinghap si Rose sa panghihilakbot. Ganoon pala ang pakiramdam ng makasaksi ng pagpatay. Nakakarimarim na tagpo
Akmang magpupumiglas na siya nang magsalita ang may-ari ng kamay. "Ako to." "Dimitri?" aniya at mabilis itong nilingon. Tinanggal ng lalaki ang suot na bonnet. Napasinghap ang dalaga nang tuluyan itong mapagmasdan. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob. Sinuri ni Dimitri ang sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo. Sabay pa silang napalingon nang maulanigan ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses. "Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon. Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero." Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit. Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala at muling pagkabuhay ng takot. Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito na anumang reaksyon. Pinanatili nito ang pagiging kal
Pinaandar na muli ni Dmitri ang motorsiklo nito at nagpatuloy. Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel ng lalaki sa tiyan. Juice ng mga inumin! Steely body, oh my Jeez! Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs? It makes her hormones unruly and agitating. Her body is trembling. Nakakahiya! Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala niya ang sarili sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na. May gahibla na rin ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan. Rough road ang tinatahak nilang kalsada. Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana. Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo. Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa. Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hindi niya
Isa pa uling malalim na pagbuga ng hangin ang ginawa ni Dmitri. Tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya hindi komportable sa kanyang pwesto. Pinagkasya niya lang kasi ang sarili sa mahabang upuang yantok na nasa sala sa nakabaluktot na posisyon. Minabuti niyang maupo na lamang sa upuang yari sa kawayan. Sinulyapan niya ang nakapinid na pinto. Tahimik na sa kanyang silid patunay na maaaring mahimbing nang natutulog ang kanyang hindi inaasahang panauhin. Naisapo ng lalaki ang dalawang palad sa mukha, inihilamos, pagkuway tumayo at nagpabalik-balik ng lakad sa may katamtaman niyang sala. Andun iyong pinagkikiskis niya ang dalawang palad at muling mapapasulyap sa kanyang kuwarto. Hindi siya madalas magkabisita kaya ang kaalamang may ibang tao sa loob ng kanyang pamamahay ay nagdadala ng labis na alalahanin sa kanyang isipan. Nadagdag pa tuloy sa kanyang isipin ang estrangherang babae. Hirap tuloy siyang dalawin ng antok dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Napukaw ang pansin ni Dimitri sa munting kaluskos sa bahagyang liwanag. Kinapa niya ang beretta sa tagiliran at nakiramdam sa paligid. Dama niya ang mga matang nagmamanman sa 'di kalayuan. Nang masigurong hindi panganib ang dala nito ay muli niyang itinago ang baril. "Labas na, alam kong ikaw iyan Bugoy. Baka manuno ka pa sa katatago riyan sa halamanan," aniya. Lumitaw ang binatilyo at mabilis na lumapit sa binata. "Kuyang, kumusta po si ma'am snow white?" Agarang tanong ni Bugoy at saglit na sumilip sa loob ng bahay. "Natutulog na siguro.Anong balita sa bundok?" usisa niya. "Patay na si Batik napuruhan mo po kuyang. Galit na galit si pinuno at mahigpit na pinag-hahanap si ma'am at maging ikaw. Ahh... ang ibig ko pong sabihin ay iyong, tumulong kay ma'am na makatakas." Sagot ng binatilyo. "Naghinala ba sila?" "Hindi pero inutusan niya akong paakyatin ka ng bundok. Inaatasan ka niyang siyang maghanap sa dalawang tumakas. Hinigpitan na rin ang pagbabantay sa San Fab
🌹Chapter Ten🌹Tunog ng humintong motorsiklo sa labas ang marahas na nagpalingon kay Rose sa pintuan. Agad siyang napatayo, kilala niya ang ingay na iyon ng sasakyan. Kumabog ang dibdib ng dalaga. Saglit pa at bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa ang lalaki. Pakiramdam ni Rose ay tumalon ang puso niya nang tuluyang masilayan si Dimitri. Nabuhayan siya ng loob at dagling naparam ang kanina'y bumangong takot. Tinakbo niya ang lalaki at sinalubong ng yakap, ang luhang nagsimulang bumukal ay mabilis na dumaloy at nauwi sa mahinang paghikbi. "Damn it. Where have you been and what took you so long? Don't ever do that again. You scare me you freak." she burst out. Si Dimitri ay nagulat hindi agad nakakilos. Nabigla ito. Hindi nito inasahan ang ganoong pagsalubong mula sa kanya. Si Rose ay nabigla rin at agad na natauhan. Agad siyang bumitaw sa pagkaka-yakap kay Dimitri. Napayuko at nakaramdam ng hiya. "I...I'm sorry," mahinang anas niya. My God, ano bang pumasok sa isip niy