Masukal ang kagubatan. Duda siya kung makalalabas pa siya ng buhay.
Ni wala siyang palatandaan palabas para makarating man lang sa pinakamalapit na bayan. Hindi na nga niya alam kung saang panig na sya ng Cotabato. Fighter siya at hindi basta-basta sumusuko, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang panghinaan ng loob at tuluyang mangamba sa sariling kaligtasan. Ipinilig niya ang ulo at ilang beses na nagpikit mata. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakatakas sa mala- impiyernong kinasasadlakan. Hindi siya maaring magtagal sa lugar na ito, kundi ay tuluyan siyang mapapahamak. Naalarma siya nang may maramdaman na mga paggalaw. Bumukas ang kawayang pinto. Mabilis siyang bumalikwas sa pagkakasandal sa pawid na digding tumayo at sinino ang pumasok sa kinaroroonang kubol. Pumasok ang lalaking naka-leather jacket kanina. She gasped at the sight of him. Kasunod nito ang isang binatilyo na sa tingin niya ay naglalaro sa labing-apat na taong gulang. May hawak itong pagkain. Minosyunan ito ng lalaki na idulog sa kanya ang pagkaing dala. Pagkatapos ay naupo sa naroong pang isahang silya. Tahimik at hindi manlang nag-abalang tapunan siya ng sulyap. Mabilis niyang inabot ang pagkain at nagsimula siyang kumain. Hindi pamilyar ang pagkaing nakadulog pero talu-talo na. Kailangang malamnan ang kanyang sikmura, sapagkat kakailanganin niya iyon sa mga susunod na oras. Habang kumakain ay tahimik lamang na nakamata sa harap niya ang binatilyo. Agad nitong iniabot ang basong may lamang tubig nang mahirinan siya at ubohin. Ngumiti siya at nagpasalamat rito. Namula naman ang binatilyo at hindi malaman kung paano tutugon. Nagkamot na lamang ito ng ulo at nagbigay ngiti sa nahihiyang paraan. Kanina pa umaandar ang utak niya at isa na roon ay ang kaibiganin ang kaharap at baka sakaling matulungan siya nito. Nadidismaya siya sa katotohanang wala nang pinipiling edad ang pagsapi sa mga kilusan. Nagkakamali siya. Malayo sa makakaliwang kilusan ang grupong ito. Ganunpaman ay ramdam niya ang kainosentehan ng bata. Huminga siya ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob. "Maaari mo ba akong tulungang makatakas rito?" Mahinang anas niya. Mukhang nabigla ang binatilyo sa narinig. Naglumikot ang mga mata nito. "Babayaran kita huwag kang mag-alala," pilit niyang pangungumbinsi. "Ma'am, gustuhin ko man ay wala po ako sa posisyon para makatulong. Napaka imposible po nang hinihiling ninyo," andap na sagot ng binatilyo. Nanlumo ang dalaga. Ang tsansang nasisilip sana ay mabilis na naglaho. "Pero may kilala po ako na maaaring makatulong po sa inyo," pabulong na dagdag pa ng kaharap. Sukat sa narinig ay lumiwanag ang kanyang mukha at nabuhayan ng gahiblang pag-asa ang loob. "Talaga? Sino?" Niligon ng binatilyo ang lalaking ngayon ay abalang nagtatanggal ng bala sa pistola nito. Sumunod ang mata niya roon. "Wag ako ang tingnan mo, Bugoy. Gumagawa ka ng problema, " anang lalaki, gayung hindi naman sa kanila tuwirang nakatingin. "Eh kuyang, 'pag hindi po natin tinulungan si ma'am snow white may pagkalalagyan siya rito, hindi ba?" Kung sa ibang pagkakataon ay mangingiti siya sa ginawang paglalarawan sa kanya ng bata. Kung saan ay iwinangis siya sa isang Disney Princess. Muli niyang sinulyapan ang lalaking tinawag nitong kuyang. Nasurpresa siya nang marinig ang buo at malamig nitong boses. Subalit ngayon ay walang pagtugon mula rito. Patuloy lang ito sa ginagawa kaya't gusto na niyang mainis sa lalaki. Mabuti pa ang binatilyo at marunong magmalasakit. Sabagay, ano pa nga ba ang dapat niyang asahan sa mga taong katulad nito. Kapara ay buhay na mga patay pagka't walang mga puso. Mga halang ang kaluluwa. Walang mga pakiramdam at walang nais gawin kundi ang makapaminsala ng mga inosenteng sibilyan. "Bumalik ka na sa pwesto mo Bugoy," baling ng lalaki sa bata. "Ma'am, kumbinsihin mo po si kuyang Dimitri. Siya Lang ang bukod tanging makakatulong sainyo. Maaasahan mo siya. Maniwala po kayo," pabulong na wika ni Bugoy, bago mabilis nang tumalima palabas ng kubo. "Salamat." habol niya sa binatilyo. Kung umabot man sa pandinig ni Bugoy ang pasasalamat niya ay hindi niya tiyak. Mistula itong palos sa bilis na makalayo. Tatandaan niya ang pangalan nito. Ibinalik niya ang mata sa lalaki. Nagulat siyang nakatitig na rin pala ito. sa kanya. Oh, damn those eyes. Bigla tuloy siyang nailang. Napalunok ng kung ilang beses. Inipon niya ang natitira pang lakas ng loob. It's now or never ika nga. May pagdududa man na matutulungan siya ni Dimitri katulad ng sinabi na nga ni Bugoy, ay gusto parin niyang subukan. "D...imitri, right? Oh, I need your help. Magbabayad ako kung kinakailangan--- "Ganyan ka ba kai-responsable at pati ang bata ay gusto mong idamay.?" Malamig na agaw ng lalaki sa sinasabi niya. "E...Excuse me?" "Gusto mo pang suhulan. Buhay niya ang gusto mong ipain. Alam mo ba iyon?" patuloy ng nangangalang Dimitri. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Rose. Wala pa man ay barado na agad siya. What an arrogant man. Paano niya ito mapapaki-usapang tulungan siyang makatakas kung nagpapakita agad ito nag pagkadisgusto sa gusto niyang mangyari. Sa tingin ba nito ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Desperada na s'ya at lahat ng posibilidad na makatakas ay susubukan niya. Kasehodang itaya na niya lahat ng mayroon siya. "May pagkakataon kang suhulan ang mga taong nagdala sayo rito kanina. Bakit hindi mo ginawa?" Nagkakamali ang lalaki kung iniisip nitong hindi niya binalak ang bagay na iyon. Ngunit hindi ang uri ng mga bumitbit sa kanya ang makukuha sa suhol. Gagawan at gagawan pa rin siya ng mga ito ng masama. At sa tuwing maiisip ang maaaring kahinatnan sa kamay ng mga buwitreng iyon ay mas nanaisin pa niyang mawalan ng buhay agad-agad. "Sa tingin mo ba kung ganun nga ang ginawa ko ay wala ako sa kinalalagyan ko ngayon?" Balik-tanong niya sa lalaki. "Hindi makukuha sa suhol sila Batik. Halang ang kaluluwa ng mga taong nakapaligid sayo." mabilis nitong sagot na tila sigurado. "Isa pa bibihira ang de-primerang karne na naliligaw dito sa gubat. Kaya mag-aagawan ang mga gutom na buwitre." Makahulugan na turan pa ng lalaki. Tinitigan siya ni Dimitri sa paraang siya ang karneng tinutukoy nito. Muli ay gusto niyang mapasinghap. "Kaya nga ako nakikiusap sa iyo---." "Hindi ka nakikiusap, nanunuhol ka," agaw muli nito. She sighed. "Okay, sabihin na nating ganoon na nga. Masisisi mo ba ako kung ganung paraan ang maisip ko para lamang maisalba ang aking sarili?" Saglit siyang natahimik nang biglang may maalala. "K... Kasama ka ba don sa mga halang ang kaluluwa at buwitreng sinasabi mo?" matapang niyang tanong. Pumormal ang lalaki. Inabot ang pistola at isinukbit Sa baywang.Sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Seryoso siyang tinitigan. "Hindi ako nakikipag-aagawan sa kaka-pirasong karne. Gahaman ako. Sinu-solo ko 'pag natipuhan ko ang pagka-sariwa. Ganon ako kahalang." Kung isa siguro sa mga bumitbit sa kanya ang magsabi noon, malamang ay manginig na siya sa takot at kumaripas na ng takbo. Pero kaiba sa lalaking ito. Hindi niya maramdaman ang panganib. "Tutal ay gusto mong manuhol, mag-bargain tayo---. " "Pumapayag ako kahit ano," mabilis niyang putol na hindi man lang nag-abalang mag-isip. Bahagyang nagulat ang lalaki ngunit tila dumaan lamang. "Kahit ano?" baliktanong ni Dimitri sa tonong naghahamon. "Oo, kahit ano," she said desperately. Tumiim ang titig ni Dimitri. Tinantya ang katapatan sa kanyang sinabi. Naglakad palapit sa kanya ang lalaki. Ni hindi kumukurap. "T... Teka anong gagawin mo?" Wika niyang napaatras. kinabahan siya pero hindi dahil sa takot sa maaaring gawin nito, kundi sa ibinabadyang reaksyon ng katawan niya. Naramdaman niya ang paglapat ng likod sa kawayang dingding. She's stuck. Inilapat ng lalaki ang dalawang kamay patukod sa dingding. Napaloob tuloy siya sa bisig nito. Her heart beats fast and in her astonishment, tila nananadyang inilapit ng bandido ang labi nito malapit sa kanyang leeg. Ramdam niya ang hininga ng lalaki na humahaplos sa kanyang balat. At napakabango niyon. Gustong manindig ng mga balahibo niya sa katawan dahil sa excitement. Pinigil niya ang paghinga. Literal na naipikit niya ang mga mata. Nakiramdam. Naghintay. Ilang segundo rin ang itinagal niya sa ganoong posisyon. Nang bigla ay... "Idilat mo iyang mga mata mo at hindi kita hahalikan." She ended up embarrassed. Oh God, she's crazy. Pinamulahan siya ng mukha. Ano bang naisip niya at nag-muwestra siyang sleeping beauty na hahalikan ng prince charming para magising sa bangungot. She looked up to him. Bumulaga ang seryosong ekspresyon ni Dimitri sa kabila nang pagdidikit ng mga kilay. "Hindi ko kailangan ang pera mo, miss," sambit ng lalaki. "Tutal, nagpupumilit ka rin lang naman, bibigyan kita ng magandang partida. Kapalit ng kaligtasan mo ay Isang gabing kasama ako sa ibabaw ng aking kama. Iyan ang presyo ko. Sarado ang usapan. Pag-isipan mong mabuti. Bilisan mo lang dahil mainipin akong tao. Nagkakaintindihan ba tayo? " ang walang ligoy at malinaw na pagtatapos ni Dimitri. Napanganga si Rose.Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose. May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya. Pinilit niyang idilat ang nakapinid na mga mata para lamang manlaki nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi. At bago pa man siya makapiyok ay mabilis na tinakpan ng lalaki gamit ang nanlilimahid nitong kamay ang bibig niya. Nangatal siya sa takot. Nang mga sandaling iyon ay batid niyang nasa totoo siyang panganib. "Sshhh. Hindi na ako makapag-pigil sayo napakaganda mong babae. Para kang labanos sa kaputian," takam na takam na tinuran ng bandidong si Batik sa kanya. "Ikaw na ata ang pinakamasarap na karne na naligaw dito sa gubat kung sinuswerte nga naman. Kumbaga sa delata isteytsayd ka." patuloy pa ng lalaki. Ang mata nitong mabalasik ay napuno ng pagnanasa habang hinahagod siya ng tingin. Pangit na nga ang lalaki ay nagmukha pa itong satanas sa harap niya. Kulang na lang ay tubuan ito ng sungay. Pumalag siya nang m
Bagama't tila nauupos na kandila ang pakiramdam ay pinanatili niya ang malay. Nagulat siya nang marinig na napagibik si Batik. Sa nanlalabong mata ay pilit niyang binanaag ang lalaki. Labis ang kanyang pagkagitla nang makitang naka-angat ang mga paa nito sa lupa at sakal-sakal ng isang malaking bulto. Malakas na pinadapuan ito ng suntok sa mukha ng lalaking nanghimasok. Bumalandra si Batik at bumulagta. Sumargo ang ilong at binulwakan ng sariwang dugo ang bibig. Sinugod muli ito ng hindi nakikilalang lalaki at makailang ulit na tinadyakan sa dibdib. Hindi pa nakuntento at pinuntirya naman nito ang mukha ng bandido. Halos mabasag ang mukha ni Batik sa suot na combat shoes ng lalaking nangahas na atakehin ito. Gulapay at hindi na gumagalaw ang tampalasan. Sa wari niya ay nawalan na ito ng ulirat. Subalit hindi pa rin ito tantanan ng estrangherong lalaki. Napasinghap si Rose sa panghihilakbot. Ganoon pala ang pakiramdam ng makasaksi ng pagpatay. Nakakarimarim na tagpo
Akmang magpupumiglas na siya nang magsalita ang may-ari ng kamay. "Ako to." "Dimitri?" aniya at mabilis itong nilingon. Tinanggal ng lalaki ang suot na bonnet. Napasinghap ang dalaga nang tuluyan itong mapagmasdan. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob. Sinuri ni Dimitri ang sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo. Sabay pa silang napalingon nang maulanigan ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses. "Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon. Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero." Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit. Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala at muling pagkabuhay ng takot. Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito na anumang reaksyon. Pinanatili nito ang pagiging kal
Pinaandar na muli ni Dmitri ang motorsiklo nito at nagpatuloy. Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel ng lalaki sa tiyan. Juice ng mga inumin! Steely body, oh my Jeez! Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs? It makes her hormones unruly and agitating. Her body is trembling. Nakakahiya! Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala niya ang sarili sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na. May gahibla na rin ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan. Rough road ang tinatahak nilang kalsada. Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana. Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo. Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa. Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hindi niya
Isa pa uling malalim na pagbuga ng hangin ang ginawa ni Dmitri. Tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya hindi komportable sa kanyang pwesto. Pinagkasya niya lang kasi ang sarili sa mahabang upuang yantok na nasa sala sa nakabaluktot na posisyon. Minabuti niyang maupo na lamang sa upuang yari sa kawayan. Sinulyapan niya ang nakapinid na pinto. Tahimik na sa kanyang silid patunay na maaaring mahimbing nang natutulog ang kanyang hindi inaasahang panauhin. Naisapo ng lalaki ang dalawang palad sa mukha, inihilamos, pagkuway tumayo at nagpabalik-balik ng lakad sa may katamtaman niyang sala. Andun iyong pinagkikiskis niya ang dalawang palad at muling mapapasulyap sa kanyang kuwarto. Hindi siya madalas magkabisita kaya ang kaalamang may ibang tao sa loob ng kanyang pamamahay ay nagdadala ng labis na alalahanin sa kanyang isipan. Nadagdag pa tuloy sa kanyang isipin ang estrangherang babae. Hirap tuloy siyang dalawin ng antok dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Napukaw ang pansin ni Dimitri sa munting kaluskos sa bahagyang liwanag. Kinapa niya ang beretta sa tagiliran at nakiramdam sa paligid. Dama niya ang mga matang nagmamanman sa 'di kalayuan. Nang masigurong hindi panganib ang dala nito ay muli niyang itinago ang baril. "Labas na, alam kong ikaw iyan Bugoy. Baka manuno ka pa sa katatago riyan sa halamanan," aniya. Lumitaw ang binatilyo at mabilis na lumapit sa binata. "Kuyang, kumusta po si ma'am snow white?" Agarang tanong ni Bugoy at saglit na sumilip sa loob ng bahay. "Natutulog na siguro.Anong balita sa bundok?" usisa niya. "Patay na si Batik napuruhan mo po kuyang. Galit na galit si pinuno at mahigpit na pinag-hahanap si ma'am at maging ikaw. Ahh... ang ibig ko pong sabihin ay iyong, tumulong kay ma'am na makatakas." Sagot ng binatilyo. "Naghinala ba sila?" "Hindi pero inutusan niya akong paakyatin ka ng bundok. Inaatasan ka niyang siyang maghanap sa dalawang tumakas. Hinigpitan na rin ang pagbabantay sa San Fab
🌹Chapter Ten🌹Tunog ng humintong motorsiklo sa labas ang marahas na nagpalingon kay Rose sa pintuan. Agad siyang napatayo, kilala niya ang ingay na iyon ng sasakyan. Kumabog ang dibdib ng dalaga. Saglit pa at bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa ang lalaki. Pakiramdam ni Rose ay tumalon ang puso niya nang tuluyang masilayan si Dimitri. Nabuhayan siya ng loob at dagling naparam ang kanina'y bumangong takot. Tinakbo niya ang lalaki at sinalubong ng yakap, ang luhang nagsimulang bumukal ay mabilis na dumaloy at nauwi sa mahinang paghikbi. "Damn it. Where have you been and what took you so long? Don't ever do that again. You scare me you freak." she burst out. Si Dimitri ay nagulat hindi agad nakakilos. Nabigla ito. Hindi nito inasahan ang ganoong pagsalubong mula sa kanya. Si Rose ay nabigla rin at agad na natauhan. Agad siyang bumitaw sa pagkaka-yakap kay Dimitri. Napayuko at nakaramdam ng hiya. "I...I'm sorry," mahinang anas niya. My God, ano bang pumasok sa isip niy
“Punyemas!" Mura ni Dimitri. “Ano bang nakain ng babaing iyon? Kundi lutong pansit lang naman ni Ka Goring. “ Kanina, habang papunta siya ng bayan ay nadaaanan niya ang matanda. Nagbilin itong daanan siyang muli pagbalik dahil nagluto raw ito ng pansit para sa panauhin niya. Kitang -kita na nagustuhan iyon ni Rose, mukha ngang mahilig sa ganoong pagkain ang babae. Hindi niya matagalan ang presensiya nito. Wala itong ginawa kundi ang ngitian siya ng ngitian at tila nananadya pa. Ang epekto nito bilang babae ay tunay na nakakaligalig. Hindi nararapat na gawin nito ang mga ganoong bagay. Dapat ay ikinu-konsidera pa rin nito na isa pa rin siyang estranghero. Ngunit sa malas ay sadyang mabilis magtiwala ang dayo. Ang ginawa nitong pagyakap kanina ay isang indikasyon na nakuha na niya ang loob at pagtitiwala ng babae. Saksi siya kung paanong nagliwanag ang nahihintakutan nitong mukha; at kung paano nabuhayan ng loob mula sa pagka-bagabag. Paano na lamang kung katulad rin siya nila