Share

KABANATA 67- PAGBABAGO

Isang oras din kaming nagbiyahe pauwi ng mansion, pagdating namin sa mansion nagpahanda ako ng hapunan kay Tan Joe para sabay sabay na kaming kakain. Nakita ko sa mga mata ni Tan Joe ang pagtataka ng makita nito si Sarah, marahil alam nito ang ginawa ni Sarah, pero tumingin ito saakin na para kaming nagkakaintindihan kaya nahalata nito ang makahulugang tingin ko sakanya, wala nang lumabas pa sa bibig niya, knowing na si Tan Joe ay sobrang pranka.

Nakilala na ni Tan Joe ito dahil nakasama namin si Sarah sa kasal namin ni Landro. Magaan din ang loob ni Tan Joe kay Sarah kaya alam kong nag-iingat ito sa mga sasabihin niya sa dalaga.

Maya maya pa dumating na si Brex, blanko ang mata nito at kita mo ang sobrang seryoso ng awra niya. Umupo ito sa mahabang sofa ng sala, si Sarah ay naka upo naman sa sofa na single seater lang, walang imikan ang dalawa, nakita namin ang sitwasyon nila, pero ganun pa man nag paalam muna kami sa mga ito na aakyat muna para makapagbihis.

Pag-akyat namin tulad ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status