CHAPTER 14: Mr. Dawson GirlfriendLumipas ang mga araw na hindi na nagpakita pa ulit si Mr. Dawson sa Hotel. Hindi niya alam kung bakit pero mas pabor naman 'yun sa kanya. Kaya naman nagpatuloy lang siya sa pagpasok sa Hotel.Nagtataka man na wala isa man ang sumisita sa kanya na parang wala namang nangyari. Normal naman ang pakitungo sa kanya ng mga staff, maging ng mga Admin ng Hotel. Ang lahat ay tulad pa rin ng dati kaya ang buong akala niya wala na siyang magiging problema at hindi na niya makikita pa ito. Naisip niyang baka pinagbigyan na siya nito mula ng malaman nito na isa na siyang pamilyadong tao. May bahagi sa isip niya ang nakakaramdam ng guilt, unang una kasi nagsinungaling siya at ginamit pa niya si VJ para lang papaniwalain ito. Ah' mali man ang kanyang ginawa bahala na! Gusto lang naman niyang umiwas sa gulo.___Mahigit isang buwan ang matuling lumipas simula ng mag-umpisa ang training niya sa Hotel sa pakiramdam niya parang ang tagal na panahon na ang nakalipas, na
CHAPTER 15: The Anxiety attack! "Here take it!" Taas noo niyang inabot dito ang kanyang cellphone na agad namang kinuha ng babae. Hindi niya alam kung bakit naisip niya ang gano'n bagay. Hindi naman niya gustong saktan ito o paglaruan. Ang nais lang niya turuan ito ng leksyon at ipahiya sa sarili. Kung hindi pa rin ito maniniwala sa naisip niyang taktika wala na siyang magagawa para matulungan ang lalaking katabi, na hindi na niya namamalayan na kanina pa naalarma dahil sa kanyang ginawa. Naging mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lang naghisterikal ang babae, kay bilis nitong naniwala sa sinabi niya ng walang gatol pagkakita nito sa picture ng kanyang anak. Bigla na lang hinarap nito si Jeremy at saka tinungayawan. "I waited for you for almost eight years, we become friends but never told me you have a child. Why you keep me a secret? Because of her, to a kitchen girl? I thought, Liscel's only I need to defeat. But why you always never considered me as a woman. You just t
CHAPTER 16: Deal Only in Death Malayo na ang nararating niya subalit wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo. Masasakit na ang kanyang mga paa at ramdam niya na puro galos na rin ang kanyang mga binti. Dahil sa mga tuyong sanga at damo na kanyang nadaraanan. Pero wala na siyang panahong pakiramdaman pa ang mga ito. Hindi na nga niya alam kung saang parte nawala ang kabiyak ng kanyang sapatos. Kahit yata ang mapagod wala na rin siyang karapatan. Kailangan niyang tumakbo upang takasan ang mga humahabol sa kanya. Siguradong hindi siya bubuhayin ng mga ito tulad rin ng ginawa sa mga kasama niya kanina. Hindi siya maaaring mamatay dito kailangan pa niyang makabalik at kailangan pa niyang makauwi sa pamilya niya. "Hihintayin nila ako." Bulong ng pagal niyang isip. Nang bigla na lang.. "plak!" "plak!" "plak!" Tunog ng tila nabulahaw na hayop ang umukupa sa kanyang pandinig. Kasunod nito ang biglang pagputok ng baril. "Bang!!" Kaya sa hinuha niya malapit na ang mga humahabol sa kan
CHAPTER 17: Just Make Me Your Other Man "Hmmp! ano ka ba... ahhh'?!" Tinangka niya itong itulak ngunit hindi man lang ito natinag. Hawak nito ang magkabila niyang pisngi habang mariin siyang hinahalikan sa kanyang labi. Pinilit niyang magpumiglas pero hindi man lang niya maitulak ito palayo. Sinubukan rin niyang mariing isara ang bibig para hindi ito magtagumpay sa paghalik sa kanya. Subalit, tila lalo naman itong na-challenge sa ginawa niyang iyon. Dahil naramdaman niyang pilit din nitong binubuksan ang kanyang bibig, gamit ang pangahas nitong labi. Sinikap naman niyang makipagtagisan sa binata kahit halos hindi na siya makahinga. Subalit lalo pa yata nitong ginalingan ang paghalik sa kanya at mukhang nag-iba rin ito ng taktika. Ang mga kamay nito ay nagsisimula na ring gumalaw at banayad na itong humahaplos sa kanyang likod. Habang ang isa naman ay gumagawa ng sariling landas sa kanyang batok na nagbibigay ng mga mumunting kiliti na ramdam niya hanggang sa kanyang talampakan
CHAPTER 18: A Man at the BackKasalukuyang nag-uusap pa rin si Joseph at Angela ng may maalala si Joseph..."Yun nga pa lang anak mo iyak ng iyak hinahanap ka. Bakit daw hindi mo siya tinatawagan. Ayaw nga sanang kumain, mabuti na lang kasama ko si Maru' ayun nagkasundo 'yun dalawa." Bigla siyang nakaramdam ng pagbigat ng pakiramdam. Dahil sa sinabi nito para na rin niyang nakikita ang itsura ni VJ habang nagtatantrum ito. Hindi tuloy niya napigilan ang bahagyang pangingilid ng kanyang luha. Kasunod ng pagbuntong-hininga."Nasaan si VJ p-pwede ko ba siyang makausap ngayon?" Aniya."Oo teka titingnan ko kung tapos na siyang kumain. Tiyak na matutuwa yun! Pero ok ka lang ba talaga?" Sa huli tanong pa ulit nito."Okay lang ako na-mimiss ko na siya, sige na gusto ko na siyang makausap.. Sandali ioopen ko ang messeger ko. Para doon kami makapag-usap, gusto ko rin kasi siyang makita io-off ko muna ha'." Saglit muna niyang pinatay ang linya, para magbukas ng ibang apps.Habang si Joseph..
CHAPTER 19: A Place in My Heart"Si Mr. Dawson? Hindi, imposible!"Napabilis tuloy ang kanyang pagtayo at sa huli nagpasya na lang siyang bumaba. Bago pa kung saan mapunta ang takbo ng isip.Paalis na sana siya ng pahabol siyang tawagin ni Diane na mukhang galing sa kusina."Oy, ate Gelay papasok ka na ba? Hindi ka pa nag-aalmusal ah', sayang naman 'yun dala ng boyfriend mo." Biro nito sa kanya."Hindi ko siya boyfriend." Pagtatama niya sa sinabi nito. Dahil batid naman niya kung sino ang tinutukoy nito. Napasimangot pa siya ng maalala ulit ang nangyari kanina."Ano ba kasi ang nangyari sa inyo kanina. Bakit bigla na lang umalis si Sir? May dala pa naman siyang almusal oh', akala ko nga dito siya mag-aalmusal. 'S'yanga nga pala Ate pinatuloy ko na siya sa k'warto mo kanina." Paliwanag pa nito."Kaya naman pala, alam mo bang nakita siya ni kuya Joseph mo habang kachat ko ang magtiyo kanina? Kaya ayun abot lang naman ang tanong sa'kin. Nasabi ko tuloy boyfriend siya ng Ate Alyana mo."
CHAPTER 20: Feelings Confession...__Humihingal pa si Angela ng makarating sa storage room. Dahil dito magpapalista ang mga sasali sa kompitisyon. May maliit na opisina dito na nagsisilbing ring locker room ng mga kitchen staff. Nasa dulong bahagi ito ng ground floor na kanugnog din ng kitchen. Kapag dineretso ang pasilyo nito may connecting door palabas ng main entrance at parking area bilang daanan ng mga delivery.Kagagaling lang kasi niya sa HR department para bawiin ang kanyang leave. Kung bakit kasi pinangunahan siya agad ng lalaking iyon, hindi na sana siya nagpabalik-balik. Hindi pa naman siya nakagamit ng elevator buti na lang nasa second floor lang ang HR.Humugot muna siya ng hininga bago siya lakas loob na kumatok sa pinto. Pagkatapos pinihit na niya ito para tuluyang makapasok. Gaya ng nakapaskil na karatula sa pintuan nito. "Give a knock before open." Pagpasok sa loob may gwardyang nakaupo malapit sa pinto. Ang nagsisilbing lookout sa mga taong papasok. Bukod pa sa Id
CHAPTER 21: The Wrong Thought_ Maagang gumising si Angela para ihanda ang sarili sa pagpasok. Dahil kailangan kasing makarating siya sa Hotel bago mag-ala sais ng umaga. Ngayon kasi ang unang araw ng kompitisyon at halos tatlong araw din nila itong pinaghandaan. Nakakaramdam siya ng konting kaba, pero nakahanda na siya sa mga mangyayari. Manalo man o matalo okay lang naman sa kanya, basta ibibigay niya ang best niya sa kompitisyong ito. Gagawin niya lahat ng makakaya niya bahala na atleast naman lumaban siya kahit pa hindi siya ang manalo. Kung papalarin naman siya, malaking bagay talaga ito sa kanya. Ito pa lang kasi ang p'wede niyang ipagmalaki na nagawa niyang mag-isa. Hindi lang naman ito para sa sarili niya, higit sa lahat para sa kinikilala niyang pamilya. Lalo na kay VJ dahil gusto niyang maipagmalaki siya nito na may achievement siya kahit paano. _____ Pagbaba niya ng taxi deretso na siyang naglakad patungo sa gilid na bahagi ng Hotel. Dito dumadaan ang lahat ng mga em