Share

Chapter 3

Matapos niyang makausap ang magyaya. Hindi niya pa rin alam paano sosolusyunan ang problema niya. Hindi naman siya pwedeng tumawag sa parents niya at tiyak niyang alam na nito ang nangyari at paniguradong papagalitan siya. She knows his Daddy, wala namang pinapakinggan ito kundi ang sarili niya. Kaya useless na kausapin pa niya while her Mommy, puro naman Yes, yes, yes lang ito sa Daddy niya. Kaya useless rin na lumapit siya dito. Hanggang sa bumalik ang yaya ng bata at niyakag niya ito. Sinabi niya na; "Miss, buti nandito ka pa. Hinahanap ka ni Sir Winter, gusto ka niyang makilala." wika ng yaya at agad namang sumunod si Trinity dito.

Pagpasok nila sa isang Villa pinaupo muna siya nito sa sofa at sinabihan na hintayin si Sir. Winter daw. Panay naman ang linga ni Trinity sabay sabi na: "Infairness maganda ang house nito sa loob pati mga design ang class. Mayaman talaga ang nakatira same as their house. Natigil ang pag sipat niya ng kabahayan ng may marinig siyang baritonong boses sa gilid niya.

"So, it's you." aniya..

Napatayo si Trinity at napatingin sa lalaki sabay sabi na; "Ikaw??? Ikaw na naman??" gulat na tanong niya ng makita ang lalaking nakabangga sa kan'ya kanina at ang nakakagulat pa dito may inabot sa kan'ya. At nang nakita niya kong ano 'to napamulagat siya ng masilayan muli ang wallet niya.

"I know that wallet is yours. Nabangga mo ako kanina, at hindi naman kita marinig since I'm wearing my earphones." sagot nito. Kaya naman pala halos mapatiran na siya ng litid sa kakasigaw dito at dedma ang lalaking bweset..

"Alam mo naman pala bakit mo kinuha?" asik niya dito.

"No! Hindi ako ang naka kuha, ang staff at binigay sa office. Well, may offer ako sayo since naligtaso raw ang--"

"Anak mo!" singit na wika niya. Napakunot naman ang noo at nagsalubong ang kilay ng lalaking kaharap sa sinabi niya.

"Excuse me! Miggy, is my nephew. Anak siya ng ate ko at patay na siya. She was delivered a healthy baby boy but after that she died." wika nito. At nakikinig lang si Trinity dito. Pero, mas curious siya sa offer nito.

"Wait! Sorry, for your loss. What is your offer?" tanong ni Trinity at baka magbago pa ang isip ng lalaking kaharap. Masayang ang opportunity na meron siya na kailangan niyang i-grabbed since wala siyang work ngayon at nagtatago siya sa batas.

"Miss, be my secretary." walang kaabog abog na wika ng lalaki.

"Secretary?? Anong gagawin ko?" tanong ni Trinity.

"Simple lang ikaw ang mag aasikaso ng lahat ng scheduled and meetings ko sa mga clients etc. Ikaw ang magbobook ng appointment ko sa lahat, deal?" tanong nito.

"Deal." sagot ni Trinity sabay lahad niya ng kamay dito kaso hindi naman siya nito pinansin.

"Okay, you can start by tomorrow." wika niya.

"Thank you and noted.." mabilis na sagot ni Trinity at naglakad palabas ng Villa nito.

Masayang masaya siya na may trabaho na siya ulit. Hindi man modeling pero, okay na din 'yon para may pang tustos siya sa mga gastusin niya sa pang-araw-araw..

Pagbalik niya ng unit masayang masaya siya at hindi na niya kailangang lumayo pa sa lugar na ito para lang makapag hanap ng trabaho.

***

On the other hand..

Gabriel's Calling....

Hindi naman agad nasagot ito ni Winter at dahil abala siya sa pamangkin. Kanina pa niya nga ito pinapagalitan kaso dedma ang bata kaya naman sumasakit na talaga ang ulo niya at hindi na rin alam ang gagawin niya para lang mapasunod ito. Lalo kasing natigas ang ulo nito ngayon nagkaka edad na. He's 10 years old now pero, parang nasa 6 years old pa lang ito kong kumilos.

"How many times I told you na hindi ka na bata pa. At kailangan mong intindihin 'yon." bulyaw niya dito.

"Uncle, I'm still a kid.." sagot niya..

"Kid.. What the--" natigil lang siya ng dumating ang yaya ng bata at kinuha na.

Nakahinga siya ng maluwag at heto nga kanina pa rin naman siya kinululit ng kaibigan niya. Si Gab..

Sinagot niya na rin ito..

" Hey! Dude, what's up!" sagot naman ni Winter sa kaibigan na kasosyo sa resort at hotel.

"What's up, What's going on?" tanong ng kaibigan..

"Good and doing well." tipid na sagot nito sa kaibigan..

"Nice! Well, baka bumalik na rin naman ako dyan as soon as possible." sagot ni Gab..

"That's good. Medyo, marami na ring guest na naghahanap sayo. At baka isa don ay nabuntis mo." biro pa niya sa kaibigan.

"Gago! In your dreams." biro niya.

***

Winter ended the call at mukhang pikon na kasi si Gab sa kan'ya. Habang hindi naman mawaglit sa kan'yang isipan ang babae na naka usap niya kanina. She's pretty at mukha ngang mayaman ang mukha nito. Alisin lang ang ngipin nitong malalaki at ang salamin niya, baka pumasa pa itong modelo, sa ganda ba naman ng hugis ng katawan nito." wika niya. Yan ka na naman Winter, nagiging m*****g ka na naman." saway niya sa isipan. Kapag nalaman na naman ni Gab ang pagnanasa niya sa bagong secretary malalagot na naman siya dito. The last time kasi na nag pang abot sila ni Gab at nahuli siya nito na nakikipag making out kaya ayon sesante ang secretary. Kabilin bilinan niya kasi bawal ang secretary office affair. Kaya mabuti na lang chaka ang bagong secretary ni Gab at hindi ako matetempt man lang dito. Hindi ko rin gusto ang babaeng hindi man lang marunong mag ayos ng sarili. Sexy lang siya pero, kailangan yata ng totally make over kapag gusto ko siyang maging pampalipas ng aliw.

Iwinaksi niya na ang iniisip. At pumasok sa room niya para makapag pahinga na rin siya ng matiwasay at baka tumawag pa si Gab sa kan'ya at ika bweset pa niya lalo. Napasalampak siya sa kama at natulog ng matiwasay.

KINABUKASAN

Nagising siya sa ingay ng ringtone ng cellphone niya. At kahit antok na antok pa napilitan siyang bumangon para i-off ang alarm niya at nakalimutan niya kasi itong alisin bago matulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status