Share

Chapter 2

Isang text ang natanggap ni Trinity..

(Ikaw ba ang kaibigan ni Tiffany? Kong oo, makinig ka. Puntahan mo siya sa address na 'to. At hwag kang magtatangkang magsama ng ibang tao kong ayaw mong mamatay ang kaibigan mo.) basa niya sa text message ng hindi naman niya kilalang tao. Pero, isa lang naman ang alam niya ng oras na 'yon. Nasa panganib ang kaibigan at kailangan niya itong matulungan sa abot nang makakaya niya.

Nagmamadali siyang bumangon at nagbihis ng simple lang. Naglakad siya palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan patungo sa garahe kong saan naka park ang sasakyan niya. Mablis siyang sumakay at pinasibat ito papalayo ng Mansyon.

Pagdating niya sa location, medyo naguluhan siya ng makitang isa naman itong rest house somewhere in Laguna lang rin. At ang mas kinagulat niya pa ang pagdating ng mga pulis at pilit siyang pinapababa ng sasakyan kaso hindi siya bumaba at pinaharurot niya ito papalayo ng lokasyon.

Habang nagda drive siya sobrang nanginginig ang tuhod niya sa takot. Hindi niya akalain na ganon ang gagawin ni Tiffany sa kan'ya lalo na't nang marinig niya ang isang balita. Habang nakikinig siya ng music para marelax kahit paaano at makalimot man lang. Nang biglang marinig niya ang balita.

(Flash report isang sikat na modelong pinaghahanap ng batas na sangkot di umano sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot. Kong sino man ang nakaka kilala o makakapag turo kay Trinity Mendez, itawag sa 234-143-7.) Hindi na niya tinapos ang pakikinig ng fake news at agad niyang pinatay ang radio. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan papalayo at hindi niya alam kong saan siya pupunta. Malamang tinutugis na siya ng pulisya at hindi na siya makakabalik pa sa Mansyon.

Nag drive lang siya ng nag drive at napapad siya somewhere in Palawan. Medyo malayo na ang narating niya sa buong araw at magdamag. Takot na takot kasi siya hanggang sa may makita siyang resort na may hotel. Doon na lang muna siya mag stay ngayong gabi. Nag park muna siya at pumasok sa loob para mag check-in. Nang mapansin niyang hiring ng secretary ang may-ari ng hotel kaya agad siyang nag-apply dito. Pero, sinabi ng staff na matagal na pala yan kaya naman lugo lugo siyang nag check-in na lang at ng makapasok sa kwarto agad siyang sumalampak sa malambot na kama. At hindi alam ang mangyayari sa kan'yang buhay sa mga susunod pang mga araw. Dalangin niya na sana panaginip lang ang lahat ng nangyari at buka ay babalik na rin siya sa mundo niya. Nakatulog na siya ng mahimbing..

KINABUKASAN

Nagising siya sa liwanag na nagmumula sa bintana kaya kahit antok pa napilitan itong bumangon para hilahin ang kurtina at itabing sa binatana para hindi na siya masilaw pa. At naglakad pabalik ng kama at nahiga muli..

One hour Later ng magising siya at nakakaramdam na ng pag hapdi ng kan'yang sikmura. Naalala niya na kagabi pa pala siya hindi nakaka kain kakadrive sa takot na baka maabutan siya ng mga pulis na tumutugis sa kan'ya. Lumabas siya ng kwarto at nagpalinga linga kong may maka kita ba sa kan'ya at ng wala lumabas siya gamit ang suot na shades at shawl niya para pang disguise. Hanggang sa malapit na siyang makababa ng hagdan ng may nakabangga siyang isang lalaki. Kaya naman mabilis na umandar ang init ng ulo niya at pagka irita dito. " Bulag ka ba? Hindi mo ba ako nakita?" bulyaw niya dito. Ngunit nanatiling nakatingin lang ang lalaki sa kan'ya.

"Hmmm! Mister sabi ko, bulag ka ba?" tanong ko ulit kaso mukhang dedma siya at nilagpasan lang ako. Kaya lalo akong nainis at na bweset dito. Letse na 'yon." anas niya.

Nang makababa na siya ng hagdanan diretso siya sa restaurant ng hotel para mag order ng makakain. Nang makalimutan niya ang wallet niya kaya nagmamadali siyang bumalik sa kwarto at kahit anong hagilap niya wala siyang nakita sa loob. Kaya lalo siyang nabadtrip at gutom na gutom na rin kasi siya ng oras na 'yon. Hindi na niya alam ang gagawan. Napakuyapit na lang siya ng tuhod at napa iyak sa sobrang gigil at inis. Hindi niya rin alam kong paano pa niya mababayaran ang hotel kong saan siya naka check-in. Medyo mahal pa naman ang resort at hotel na pagmamay ari ng isang Yverra.

Nang hindi na siya mapakali muli siyang lumabas ng unit niya at nagbabakasaling may mahahanap siyang solusyon sa problemang kinahaharap. Hanggang sa makita niya ang bata na patungo sa dagat. Mabilis siyang nagtatakbo patungo sa bata para daluhan. Nang mahawakan niya ang kamay ng bata nag iiniyak ito sabay sabi na; "Uncle, Uncle she kidnapped me." malakas na sigaw ng batang lalaki.

"Hoy! Bata, anong kidnapped ang pinagsasabi mo dyan. Hello, tinulungan lang kita. Hwag ka ngang pasaway diya. Tumigil ka." saway niya dito kaso ayaw magpaawat ng bata kakasigaw hanggang wala na siyang choice kundi takpan ang bibig nito. "Sorry, baby, but I have to do this. Ang ingay mo kasi." wika niya at wala naman siyang balak sana kaso ang ingay ng bata.

Maya maya lang dumating ang yaya ata ng bata at lumapit sa kanila. Napabitaw sa pagkakabusal ang bibig ng bata.

"Yaya, help meeee." sigaw ng bata

"Miggy, nandito ka lang palang bata ka. Naku! Mapapatay ako ng Uncle mo kong hindi kita nakita." wika ng hindi naman katandaan na babae na yaya ng bata.

"Miss, pasensya ka ba sa alaga ko ha." wika nito.

"Okay lang. Medyo, nga makulit siya. Nakita ko kasi siya na papunta ng dagat kaya sinundan ko siya kaso ang kulit niya nagalit pa siya ng awatin ko." sumbong ko sa yaya nito.

"Talaga, Miss, Naku! ka Miggy, isusumbong talaga kita sa Uncle mo. Humanda kang bata ka, hindi ka talaga nagtatanda. Paano kong nalunod ka sa dagat? Paano kong--" hindi na nagsalita pa ang yaya ng bata ng sawayin siya ng bata. "Hmmm! I'm okay, yaya, there's nothing to worry about. And please don't so be over reacting. I'm still alive." pilyang sagot ng bata kong ako din ang yaya nito baka mabitin ko pa ito patiwarik..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status