" Alison timpla mo naman ako ng kape." sabi ng isang katrabaho nya.
" Alison, please paki- zerox naman nito oh, kailangan na kasi itong maipasa. " sabi naman ng isa pa.
"Okey. " nakangiti niyang sagot dito.
" Alison, ano ba? Asan na iyong pinapakuha kong papers sayo kailangan na iyon ni Manager? Ang bagal naman, kainis. " mataray na sabi ng isa pa niyang katrabaho.
" Ok Windy kukuhain ko na saglit lang ha, pasensya na. " hinging paumanhin niya dito ngunit inirapan lang siya nito.
" Alison, may inilagay akong note, nakadikit diyan sa pc mo pakiprint nalang at pakidala na rin sa accounting office. " sabi ng isa pa.
Tumango nalang siya dito.
Ganito si Alison sa company na pinagtatrabahunan niya. Utusan siya ng kanyang mga katrabaho kahit naman kung tutuusin pantay-pantay lamang sila ng ranggo. Kahit nga labas na sa trabaho niya inuutos pa rin sa kanya, katulad nalang ng pagbili ng napkin kapag may buwanang dalaw si Windy.
Ang pagpapabili sa kanya ng sigarilyo ng kanilang team leader. Ang pagdedeliver ng kung ano-ano at ang pagtitimpla ng kape ng mga ito. Minsan gusto na niyang magreklamo pero ika nga, siya na yata ang pinakamabait na tao sa mundo.
Narinig nya pa minsan na pinagtatawanan siya ng mga ito dahil tatanga-tanga daw siya,dahil nauuto daw siya ng mga ito. Tinawag pa siya ng mga itong sticky note girl dahil na rin siguro sa nakasanayan niyang idikit ang mga notes niya sa kung saan-saang parte ng cubicle niya. Nakasanayan na niya kasi iyon para hindi niya makalimutan ang mga gagawin pero sinamantala naman iyon ng kanyang mga katrabaho dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Puno ng mga nakadikit na notes ang kanyang computer.
Kaya kapag umuuwi siya sa kanyang apartment halos hindi na siya nakakakain ng hapunan dahil hapong-hapo ang kanyang katawan sa buong maghapon. Dalawang rason lang ang nagpapatatag ng loob niya ito ay ang pamilya niya sa probensya at ang kanyang pinakamamahal na boyfriend. Hindi humihingi ang kanyang magulang ng pera sa kanya kahit nahihirapan din ang mga ito pero buwan-buwan pa rin siyang nagpapadala para makatulong.
Bunso siya sa apat na anak ng mga ito, nag-iisa siyang babae kaya naman napakastrikto ng kanyang mga Kuya sa kanya. Ayaw nga sana siyang payagan ng mga itong lumuwas ng Manila. Pero nagpumilit pa rin siya kaya ito, sa awa ng Diyos tatlong taon na siya sa trabahong ito. Mahirap man, pero kakayanin niya para sa mga ito at isa pa palaging nangangailangan ng pera ang kanyang boyfriend na si Rico. Ang lalaking nagpapasaya sa kanya, magdadalawang taon na rin silang magkarelasyon.
Palagi itong namomroblema sa pera lalo pa at wala itong stable na trabaho. Minsan nga nakakautang pa siya sa bestfriend niyang si Jenny. Si Jenny ay naging bestfriend niya dahil na rin siguro sa naaawa ito sa kanya,palagi kasi siyang nag-iisa. Anak mayaman si Jenny, sila ang may ari ng apartment na tinitirhan niya. Limang palapag ang building na pag-aari ng mga ito na hinati-hati at ginawang apartment. May ilang eskwelahan din na pag-aari ang mga ito.
Kung tutuusin alangang-alangan na maging magkaibigan sila dahil nga sa layo ng agwat ng istado nila sa buhay pero ipinagpapasalamat nalang niya na naging kaibigan niya ito. Katulad ngayon baka makautang nanaman siya ng pera dito, ito kasing si Rico may gusto daw na mountain bike. Wala naman daw itong pera kaya humihingi ng pera sa kanya pati na daw allowance nito dahil nagbabalak daw ang tropa nitong magbakasyon sa probensya ng isa nitong tropa. Nagkataon naman kasing kakahingi lang din nito nong nakaraang linggo kaya wala pa siyang pera sa ngayon.
Mahal na mahal niya ito kaya nais niyang pagbigyan ang mga hiling nito. Ngunit isa lang talaga ang hindi niya maibigay dito, iyon ay ang kanyang sarili. Handa siyang ibigay ang lahat dito wag lang ang isang iyon. Naniniwala kasi siyang dapat lang niyang ibigay iyon sa lalaking pakakasalan niya.
Oo at alam niya sa sarili na si Rico na talaga pero mas gusto pa rin niyang sa unang gabi nila ito ibigay dito. Ngunit halos isang linggo na rin kasi niyang pinoproblema ang sinabi sa kanya ni Rico. Nagbanta kasi itong kapag daw natapos ang birthday nito na hindi pa rin niya maisuko ang sarili dito, makikipagbreak na daw ito sa kanya.
Umiyak siya ng sinabi nito iyon. Napaisip pa nga siya na bakit napakadali para dito na sabihin ang salitang " break" samantalang siya hinding-hindi sumasagi iyon sa isip niya.
" Alison, tapos kana ba? Bilhan mo naman ako ng flowers, anniversary kasi namin ngayon ni Misis ei wala na akong time para bumili. " nakangiting sabi ng isa sa katrabaho niyang may edad na.
" Sige po Sir Oscar, tapusin ko lang muna po ito. " nakangiting sabi niya dito.
" Salamat, napakasipag mo talaga. "
pasasalamat nito." Wala pong anuman. " sagot niya.
Pagkuwa'y iniwan na siya nito, malapit na ang five o'clock kaya minadali na niya ang ginagawa.At katulad ng dati gabi nanaman siyang nakauwi sa apartment niya. Hapo ang katawang nahiga siya sa kama, ni hindi na niya nakuhang magpalit ng damit pantulog at ilang sandali lamang maririnig na ang mabini niyang paghilik.
Samantala.
" Ay! Pwet ng kabayo! " nagulat na pahayag ng matandang kasambahay ni Blade. Dali-dali nitong iniwan ang linulutong ulam at agad na nagtungo sa sala para alamin kung ano iyong kumalabog.
" Ay naku Sir! " bulalas nito sabay takbo sa kinaroroonan ng among nakabulagta sa sahig.
" Heek! Manang D-Dorry, kayo pala.. Hindi ako la-shing, nakainom lang,hehehe..." pautal -utal na sabi ni Blade sa natatarantang katulong.
Sya si Blade de Vega, 32 years old. Successful business man, maagang nabiyudo at ama ng spoiled brat na si Alexa. A five year old little girl na sabik sa kalinga ng isang ina at mas sabik sa kalinga ng kanyang ama.
Never nagpakita ng pagmamahal at pag-aaruga si Blade sa nag-iisang anak dahil sa baluktot niyang katuwiran. Ito ang naging dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal niyang si Camela. Namatay ito sa panganganak sa kanilang anak.
Mahal na mahal niya ang namayapang asawa, sa loob ng isang taong pagsasama nila hindi matatawaran ang saya nilang dalawa. Hanggang sa dumating ang magandang regalo sa kanila ng Diyos. Nabuntis si Camela, mas lalong naging makulay ang pagsasama nila.
Ngunit hindi niya akalain na magiging isang bangungot ang araw ng pagsilang ng kanilang anak. Nagkaron ng komplikasyon si Camela at bilang guardian kinailangang mamili siya sa dalawa. Buo ang kanyang loob na si Camela ang pipiliin niya para maisalba ang buhay nito ngunit nakiusap ito sa kanya. Pinapangako siya na kahit anong mangyari ang anak nila ang kanyang piliin.
Sobrang paghihimagsik ang kanyang naramdaman noon, ngunit sinabi ng kanyang asawa na bigyan niya ng pagkakataong masilayan ng kanilang anak ang mundo. Sinunod niya ito, at sa araw ding iyon,sa kapanganakan ng kanyang anak namatay ang kanyang pinakamamahal na asawa.
Halos hindi niya kayanin nong una, parang nais na niyang sumunod dito. Ginugugol niya ang buong maghapon sa trabaho at sa gabi naman linulunod niya ang sarili sa alak.
Kinamuhian din niya ang anak, maging ang iyak nito inis na inis siya. Lumaki itong ni hindi niya nayakap o naalagaan manlang. Yaya lang nito ang nagpalaki dito ngunit hindi niya hinayaang malayo ito sa kanya. Hindi man niya nagawang alagaan ito gaya ng naipangako niya sa asawa, nais naman niyang lumaki ito sa poder niya.
Ngunit ito nga ang naging problema niya, naging pasaway si Alexa. Simula ng umalis si Merly ang dating yaya nito,wala ng tumagal na yaya dito. Kahit anong laki pa ang ibayad niya sa mga ito nagre-resign pa rin. Iyong isa ngang naging yaya nito, naospital pa dahil nahulog sa hagdan kagagawan din nito.Napakabata pa ngunit grabeng sakit na ng ulo ang ibinibigay nito sa kanya.
Itutuloy
Sumapit ang kaarawan ng kasintahan ni Alison. Maaga siyang nagpaalam sa opisina para bumili ng regalo niya para dito. Nagtungo siya sa mall na binanggit nitong nakitaan nito ng gusto nitong mountain bike. Nang matapos, umuwi na rin siya agad. Naihanda na rin niya ang kailangan nitong pera na inutang pa nga niya kay Jenny. Isa nalang ang hindi niya naihanda, ang kanyang sarili. Matapos na halos isang linggo itong hindi nagparamdam sa kanya, kahit anong text niya dito hindi manlang nagrereply, kahit tawag hindi manlang siya sinasagot. Halos buong linggo siyang hindi siya mapakali dahil sa inaasal nito, kaya naalarma siya na baka totohanin na talaga nito na makipaghiwalay sa kanya. Kaya nagpasya siyang ibigay na ang inuungot nito, ang pinakaiingat-ingatan niyang pagkababae. Sabi nalang niya sa sarili, para din naman talaga ito sa boyfriend nya kaya lang advance lang niyang ibibigay ito dito. Siguro naman kapag nagkaganon, hindi na sila parating mag-aaw
Wala sa sariling naglakad sa kalsada si Alison, habang patuloy sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver.Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver tinanong kong ayos lang sya." Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil sa luha.Madilim din ang lugar na iyon kaya talagang hindi niya ito makikilala.Wala siya sa sarili habang patawid ng kalsada dahil sa natuklasan niya. Ang mahal niyang boyfriend at ang kanyang bestfriend lang naman ay may relasyon pala. Niloloko lang pala siya ng dalawa, excited pa naman siya habang patungo sa apartment ng kanyang boyfriend para ipagkaloob ang matagal na nitong inuungot sa kanya.Isusurprise sana niya ito pero hindi niya akalaing siya pala ang masusurprisa. Nakapasok siy
Hindi malaman ni Alison kung ano ang gagawin, parang hindi niya kaya pang ipagpatuloy ang kanyang kabaliwan.Sobrang sakit ng unang pag ulos na ginawa ng estrangherong lalaki. Hindi ito naging gentle akala siguro nito hindi na siya virgin. Hindi maampat ang luha niya, parang nais niyang suntukin ang lalaki dahil sa ginawa nito. Pero siya rin naman ang may kasalanan ei, tsaka hindi niya maipaliwanag. Ang bawat pagdantay ng kamay nito at labi nito sa kanyang katawan ay tila magugustuhan niya. Iyon bang pakiramdam niya ei kahit paulit-ulit pa siya nitong angkinin ay hindi siya mangingiming pumayag.Bago ang lahat ng pinaparanas nito sa kanya pero ewan ba niya dahil gustong-gusto niya ang mga pinagagagawa nito. Maging ang mabango nitong hininga at mabango nitong amoy na tila napakasarap langhapin ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. " V-Virgin ka pa?! " narinig niyang tanong ng lalaki. Tila hindi ito makap
Nakatulala habang nakatanaw sa salaming dingding ng kanyang opisina si Blade, hanggang ngayon kasi iniisip pa rin niya ang misteryosang babaeng nakatalik niya noong isang linggo. Kahit anong pilit niyang iwaksi sa isipan ang babae, hindi niya magawa. Kaya inaabala nalamang niya ang sarili sa trabaho, ngunit kapag ganito wala siyang pinagkakaabalahan hindi talaga mawala sa isipan niya ang babae. Ang bawat daing nito, ang kakaibang amoy nito, ang pakiramdam na siya ang nakauna dito. Lahat ng iyon ay nananatili sa kanyang isipan, maging ang lambot ng labi nito ang sarap ng katas nito. Hindi niya lubos maisip na may babaeng darating sa kanyang buhay na para hangin lamang. At kusang ibinigay nito ang virginity sa kanya kahit hindi sila mgkakilala. Sa katunayan matapos ng gabing iyon, sa tuwing may makikita siyang babae sinasadya niyang mapalapit sa mga ito para malanghap ang pabango ng mga ito. Ngunit bigo pa rin siyang maamoy ang napakabangong lutos na iyon. Lutos
Iniabot ni Alison kay Windy ang pinabili nito pero padabog nito iyong kinuha tapos nakasimangot pa. " Napakatagal mo naman Alison! Hindi ko na to makakain kasi patapos na ang lunch break, sa susunod naman bilisan mo!" inis na sabi nito, tsaka binuksan na ang pagkain at sinimulang kainin. Parang hindi na niya kaya pang magtimpi sa ugali ng babaeng ito. Sya pa ang may ganang magalit dahil sa medyo natagalan siya, at dipa man lang nagpasalamat. Huminga siya ng malalim, pinilit niyang kalmahin ang sarili. " Pasensya ka na kung medyo natagalan ha, marami kasing pila sa Mang Inasal kanina kasi nga lunch break. Pero sana naman next time Windy matuto kang magpasalamat manlang hindi iyong ikaw pa itong galit. " mahinahon niyang wika dito.Kunot noong tiningala siya nito. " At kailan ka pa natutong sumagot ngayon ha?! Pinapangaralan mo pa ako? Lumayas ka nga sa harapan ko, bwesit! " galit na sin
Inis na nahiga si Alison sa kanyang kama ng dumating na siya sa kanyang Condo. Nabwesit kasi siya don sa mamang bigla nalang nanyakap kanina sa may parking lot ng kanilang building. Naiwan niya kasi sa kanyang cubicle ang kanyang biniling bagong release na song hits. Balak niya sanang maglibang sa pagtugtog ng guitara. Hilig talaga niya ang music, pinakapaborito niyang instrumento ay guitara sunod naman ay piano. Medyo may boses din siya katulad nga ng sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya syempre lalo na ang kanyang Inay. Kapag nalulungkot siya, o may pinagdadaanan sa kanta lamang siya humuhugot ng lakas. Kaya lang di na niya tinuloy ang pagkuha kasi naman may manyak na lalaking basta nalang nanyakap sa kanya kanina. Sarap gulpihin ei, tama lang na nasampal niya ito para magtanda. Tsaka bigla namang sumagi sa isipan niya iyong naganap sa kanila ng estranghero noong nakaraang linggo. Tapos parang tinutudyo siya ng isipan na, iyon nga hinayaan mong maan
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Alison matapos niyang patayin ang call ng future boss niya. Ewan ba niya pagkarinig niya ng boses nito tila nangatog yata pati tuhod niya. Napakabaritono kasi ng boses nito, animo palaging nag uutos, yon bang parang napakataas at anumang sabihin ay dapat masunod. Buti na nga lang pumayag sa hinihingi niyang palugit. Hindi naman kasi pupwedeng basta nalang siya aalis ng walang paalam sa kompanya. Isa pa sayang naman ang back pay niya at iba pa niyang matatanggap kapag umalis siya sa company.Pero pakiramdam niya ngayon, lumuwag ng kanyang pakiramdam sa isiping makakaalis na rin siya sa trabahong iyon. Sa totoo lang naman, walang problema sa trabaho sa mga kasamahan lamang niyang abuso. Yon lang ang nagiging dahilan para maging mahirap ang lahat sa kanya, mahal niya ang trabaho pero hanggang kelan pa ba siya aasa na hindi na siya aabusuhin ng mga kasamahan. Kinabukasan agad siyang nagpasa resignation lett
Inayos ni Alison ang ilang piraso niyang damit sa built in cabinet sa kwartong pinagdalhan sa kanya ni Manang Dorry. Ang matandang sumalubong sa kanya, kasambahay din ito ng pamilya pero sa tingin niya ay hindi lang ito kasambahay don. Kitang-kita kasi na malapit ito sa bata at sa kanyang boss. Kanina, pinakilala na sa kanya ang kanyang aalagaang si Alexa. Napakaganda ng bata, medyo may hawig ang mata sa ama nito pero tiyak niyang mas kamukha ito ng Mommy nito. Mukhang amerikana din ito, napakaputi at mamula-mula pa ang pisngi. Mukhang mabait naman ang bata, angelic face nga ito ei tsaka bahagya siyang nginitian nito kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit wala itong nagtatagal na yaya. Pagkatapos niyang ayusin ang ilang damit, lumabas na siya ng kwarto para sumabay mag almusal sa mga ito. Sinabihan kasi siya ni Manang Dorry na lumabas din agad para makapag almusal. Bago niya harapin ang trabaho, marami pa daw ka