"SANDREW, bumaba ka d'yan!" sigaw ni Aj sa anak na lalaki. Paano ba naman kasi ay umakyat sa may railings ng hagdan at naglambitin. Mabuti at sa may mababang parte lang."Daddy, look I feed snoopy." Nanlaki ang mga mata niya nang makitang punong-puno ang bunganga ng pinabili nitong aso na ang breed ay Chihuahua kahit na ayaw niya. Wala siyang nagawa dahil nagwala ito at sinang-ayunan naman ni Sandra. Kaya ayon, talo ang kinalabasan niya."Lyna! Snoopy will die if you continue to feed him," sabi niya habang itinatabi ang nakahanda pang pagkain nito."Daddy!! help! help! I'm gonna die!" Mabilis naman niyang dinaluhan si Sandrew na nakakapit sa pangatlong baitang ng railings ng hagdan.Dinala niya ito sa tabi ni Lyna at namaywang siya sa harapan ng dalawa. "Can you please behave, tatlong taon pa lang kayo pero sobrang likot n'yo na! Isusumbong ko kayo sa mommy n'yo!" sermon niya sa kambal. Tatlong taon na ang kambal nila ni Sandra. Sobrang saya niya dahil talaga namang nagbigay kulay an
TALAGANG sinulit ni Aj ang kanilang travel honeymoon. Napapailing na lang si Sandra habang pinagmamasdan ang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan at sa kambal niyang kapatid. Sigurado siya na puro kalokohan at kayabangan lang ang ipinagsasabi nito. Wala naman maganda do'n."Pretty Beshie!" Napalingon siya sa tawag ni Clara. Napangiti siya saka sinalubong ito ng yakap. "Blooming, ah. Mukhang maraming vitamins ang naitarak sayo." Natawa siya sa sinabi nito. Wala na talagang bahid ng kainosentehan ang kanyang beshie. "Isang linggo ba naman sinulit…ewan ko lang kung hindi pa mabuo ang bunso namin," ganting biro niya rito sabay himas sa kanyang maliit pa na tiyan. One week vacation in Hawaii is really great. Lalo na kung libre. Dahil nga nanalo ang asawa sa pustahan nito at nina Kevin at Anthony. Na-enjoy niya ang lugar. Siyempre hindi naman pwedeng magkulong lang sila sa kwarto at puro jugjugan lang. Kumusta naman ang beauty niya."Hello there, pretty ladies," bati naman ni
HINDI maipinta ang mukha ni Sandra. Kanina pa siya wala sa mood at hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil sa kanyang pagbubuntis. Mga tatlong buwan na ang tiyan niya. Hindi naman siya pinabayaan ng asawa dahil todo asikaso ito sa kanya. Pero itong mga nakaraang araw ay ayaw niya itong nakikita. Mas gusto niya makita ang kuya ni Clara—si Jacob. "Baby girl, I'm home!" Ang malakas na boses ng asawa ang kanyang narinig. Nanatili siyang nakahiga at nagtalukbong ng kumot. "Baby girl, are you okay? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo? I will bring you to the ho—" "Nothing! And please, stop asking. Ayoko marinig ang boses mo!" naiinis niyang sagot at mas hinigpitan ang hawak sa comforter nang maramdaman niya na inaalis 'yon ng asawa."Baby girl naman, stop doing it. Nasasaktan na ako," bakas ang sakit sa boses nito pero ewan niya ba kung bakit wala siyang maramdaman na awa. Imbes ay mas lalo siyang naiinis. Bakit naman kasi ganito ang epekto ng pagbubuntis niya?Hindi siya nag
MABILIS ang paglipas ng mga araw, buwan at taon. Sampung taon na nga ang lumipas mula nang magsama sila bilang mag-asawa. At sa loob nang mahigit sampung taon na 'yon ay walang pagsidlan ng saya ang naramdaman ni Sandra. Having three kids was enough to be grateful. At sa mga taon pang darating ay mas sisiguraduhin niya na patuloy niyang papahalagahan ang pamilyang binuo kasama ng pinakamamahal niyang asawa. "Are you ready, baby girl?" Napalingon siya sa asawa na kakapasok lang sa silid nila. At kahit sampung taon na ang lumipas. Her husband remains as one of the handsome men in her eyes. "Baby girl, stop staring at me like that. May lakad tayo at alam ko na ayaw mo na ma-late." Natawa na lang siya sa sinabi ng asawa."Why? It is bad to admire how handsome my husband is?" Pinalandi niya pa ang boses para asarin ang asawa. Alam niya naman kasi kung ano ang kahinaan nito. Aj groaned. At bago pa niya ito tuluyan matukso ay nagmamadali na siyang tumayo. "Baby girl! You really know how to
Tunog ng kanyang phone ang nagpabalik kay Sandra sa kasalukuyan. Kanina pa siya wala sa sarili, kanina pa siya naghahanap ng trabaho pero wala siya makita. Meron pala kaso hindi niya type, choosy pa siya, eh, kailangan na niya ng work. "Ah! Kainis!" sigaw niya habang sinasabunutan ang buhok. "Sumasabay pa itong tumatawag na ito makakatikim talaga sa akin kung sino man ito." Nagdadabog na kinuha niya ang phone at pasigaw na sinagot nang hindi man lang tiningnan ang caller. "Hello!" asik niyang sagot."Beshie!" tili nang nasa kabilang linya, ni hindi man lang naramdaman na galit siya kung sabagay ano ba aasahan niya sa best friend niya.Yes, Clara Dizon is her best friend since high school. Hindi niya nga alam paano sila naging mag-bff samantalang magkaiba sila ng ugali. Basta nagising na lang siya one day beshie na tawag nito sa kanya. "Makatili, wagas!" reklamo niya dito."Beshie, it's positive. I am five weeks pregnant," masayang balìta nito sa kanya."What the fuck!" Bigla siyang
Maaga gumising si Sandra para makapaghanda dahil magkikita sila ngayon ni Clara. Yes, tinawagan niya ito kagabi para sabihin na tinatanggap na niya ang alok nitong palitan siya bilang secretary nang napakasama nitong boss. Tuwang tuwa naman ang malarit keso hindi na daw makapaghintay na ma-meet niya ang boss nito. As if naman interesado siya sa boss nito kung may choice lang siya hinding-hindi niya tatanggapin.Narinig niya ang pagkatok at tawag ni Sammy mula sa labas ng kwarto niya. "Ate, gising ka na ba?"Muli niyang sinulyapan ang sarili sa salamin. Nagsuot siya ng black slim trouser at black na blouse na pinatungan niya ng black din na blazer para maitago ang kanyang kaseksihan baka mamaya manyakis pa pala 'ung magiging boss niya. Napangiwi siya sa kanyang naiisip siguro na-trauma lang siya sa nangyari sa kanya sa dati niyang work. Inipit niya lang din ang buhok ng isahan, naglagay lang siya ng lipstick at powder no need to put a lot, trabaho pupuntahan niya. Nang makuntento ay ki
Pagkalabas nito ay muli niyang ibinalik ang tingin sa harapan na mukhang maling move dahil matiim na nakatitig ngayon sa kanya si Mr.Villaflor.'Di ba ito ang gusto mo ang humarap siya.Diretso rin siya tumingin sa mga mata nito.'Hindi ako papatalo 'no!'Pero mabilis din nito iniwas ang tingin at ibinalik sa binabasa nito.Nakaramdam siya ng ilang dahil bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Never pa naman siya kinabahan ng ganito pero itong lalaki nasa harapan niya ay tila gusto yata siyang bigyan ng heart attack. 'Wala naman siyang ginagawa sayo, ah pwera na lang kung attracted ka.' Usal ng isang bahagi ng isip niya.'Noooooo, I am not and never'. Kontra niya sa kabilang isip."Are you just going to stand there the whole day, Ms.Santiago?" Basag nito sa katahimikan.F*ck that voice."Goodmorning Mr.Villaflor," bati niya rito. 'Good self, stand straight and show what you got.'Napangiti siya sa naiisip."Why are you smiling, Ms.Santiago?" balik-tanong nito.Pati ba naman pa
Pagkarinig ni Aj nang pagsara ng pintuan tanda na nakalabas na si Ms.Santiago ay napatingin siya sa pintuang nakasara. He can't believe her. How could that woman be so brave to face and answer him like that? Samantala halos mga na-encounter niya dati ay 'di man lang makatingin sa kanya, but this woman even tried to have an eye to eye contact with him. Pansin niya pilit nito hinuhuli ang mga mata niya, but he won't allow it. Pinaka ayaw niya sa lahat ay ang makipagtitigan sa babae, ewan niya ba para kasi may mali sa tuwing nakikipagtitigan siya.Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang pagkatok."Come in." Tinatamad niyang wika at ibinalik ang tingin sa kanyang laptop kung saan nakabukas ang resume ni Ms.Santiago."Mr.Villaflor, pinapatawag n'yo raw po ako?" tanong ni Ms.Dizon—ang kanyang secretary na nag-resign dahil buntis at ayaw na raw pagtrabahuhin ng boyfriend na walang iba kundi ang magaling niyang pinsan. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang mahinhin niyang secretary ay n