Share

14-Her Fear

"MONDAY na naman bukas, nakakatamad," reklamo ni Sandra habang nakasalampak sa carpet sa sala at kumakain ng ice cream.

"Nagsisisi ka na ba sa desisyon mo, Ate?" Biglang sulpot ni Sammy na ikinagulat niya.

"Sammy! Huwag ka ngang nang-gugulat, gusto mo ba mamatay na ako?" inis niyang wika rito.

"Gulat lang, patay na agad? Ate, parang sira lang."

"Hoy!" Hinampas niya ito sa braso. "Ate mo ako, ah. Respeto naman, makatawag ka ng sira, ah."

"Sorry 'na." Yumakap ito sa kanya.

"Uy, group hug, sali ako!" Patakbo na lumapit si Samuel at nakiyakap din.

"Ang babaho n'yo! Saan ba kayo galing? Lumayo nga kayo sa akin." Pilit siya kumakawala sa kambal. Tatawa-tawa naman siyang pinakawalan ng kambal.

"Nagbasketball, pampapawis," tugon ni Samuel bago inagaw ang baso ng ice cream na kinakain niya.

"Nagpapapawis? O, nagpapacute sa mga chikababes?" Sabay lang tumawa ang kambal.

"Ano magagawa namin kung tingin lang ay nahihimatay na sila." Pagyayabang ni Sammy at hinubad pa ang t-shirt nito, nag-pose p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status