CHAPTER TWO
Dahil bumuhos ang malakas na ulan ay hindi na nakauwi si Luna. Minabuti na lang niyang mag stay na muna hanggang sa tumila ang ulan. Nanatili siyang nasa boarding house ni Kyro. Kahit naiilang na ay ‘di na lang pinapahalata ng isa't isa.Malapit nang matapos ni Kyro sa nilulutong sabaw na isdang bangus. Mabuti na lang at meron pa itong stuck na isda sa freezer niya. Mahilig din kasi siya sa sabaw na bangus kaya natuwa siya nung bangus ang agad na sinambit ni Luna." Halika na at tayo ay kakain na, “ yaya ni Kyro.Napatitig lang sa kanya si Luna. Kaswal na kasi itong nakipag-usap sa kanya kaya nawala ang pagkailang niya.“ Lakas ng ulan ‘no? Ganda ng buwan kanina, eh. Akala ko hindi uulan, ” wika ni Kyro habang hinahanda ang sabaw at kanin sa mesa.Napangiti ang dalaga. Parang may kung anong saya siyang nararamdaman sa loob loob niya na ‘di niya naman mawari kung ano talaga ang dahilan. Basta pakiramdam niya ay safe siya sa piling ng binata." Salamat sa pagluto ha. Hindi ko na kasi maalala kung kailan ako huling kumain ng sabaw na bangus. Na mi-miss ko rin yung dating yaya ko na laging nag-luluto para sa akin noon, " wika ni Luna, sabay higop ng sabaw.Nagulat si Kyro dahil parang komportable nang makipag-usap ang dalaga sa kanya. Hindi rin ito nag-inarte sa niluto niya." Kain ka lang, " ani Kyro na bigla pang napangiti. Nahuli naman agad ‘yon ni Luna." Salamat, ah, " malumanay na wika ng dalaga.May pagkamahinhin talaga si Luna. Hindi ito mahilig sa sports pero academic achiever naman. At nag-mo-model si Luna noon sa isang fashion show sa Singapore, using and wearing her mom's design. Sikat na designer kasi di Mrs. Natividad, and she has a bunch of branches inside and outside the country." Yup, kain na at baka nagugutom na rin si baby, " biglang saad nito kaya nasamid si Luna at muntik pang mabilaukan.Nagulat si Kyro at dali-daling kumuha ng tubig para agad na ibigay sa dalaga. Nataranta siya at kinabahan. " Okay ka lang? " tanong nito sabay hagud niya sa likod ng dalaga." S-salamat, o-okay lang ako, Kyro, salamat, " nauutal na wika ni Luna.Napahinga nang malalim ang binata. " That's a relief. Kinakabahan ako run, " anito.Natawa si Luna at bumuhakhak pa kaya nagtaka si Kyro sa kanya. " Oy, anong nakakatawa? " tanong ng binata. At nakabusangot pa.Parang namula ang pisngi ni Kyro dahil ito palang ang unang beses na nakita niyang tumatawa ang dalaga. Napaka-ganda nito, at parang humihinto ang bawat segundo nang titigan niya ito.Minsan kasi kapag nakita niya si Luna sa school ay seryoso ito at mukhang mahiyain kaya ang lahat ng nakapaligid sa kanya ay yung mga kilala lang niya na nabibilang lang din. Mabait ito, ‘di katulad ng ibang anak mayaman. Hindi din spoiled brat si Luna, she's simple but elegant.Huminto ng tawa si Luna nang mapansin na tahimik lang si Kyro. Nagtama ang paningin nila ng binata kaya agad na iniwas ni Luna ang mga mata niya. " Sorry, ” aniya." Nako, okay lang. Kay ganda mo ring pagmasdan. " Wala sa sariling wika ni Kyro. Napatigil tuloy sa pag-subo si Luna at nahihiyang tinignan muli ang lalaki." Ikaw rin, gwapo ka na, academic achiever pa, sporty pa, hardworking, and most of all independent. Swerte ng babaeng magugustuhan mo, “ puri ni Luna sa binata.Agad na naramdaman ni Kyro ang pag-iinit ng kanyang pisngi. " Excuse me, lang ha. " Bigla itong tumayo sa hapag-kainan at pumasok sa isang kwarto.Nung makapasok na siya run at pagkasara niya ng pinto at nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at kinakalma ang sarili niya. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib na kailanman ay hindi pa niya naranasan o naramdaman sa tanang buhay niya. Ibang iba ito noon. Nanginginig din ang kanyang mga kamay at may kiliti rin sa loob ng kanyang tiyan.Napapikit ang binata na parang pakalma na pero agad siyang nataranta nang makarinig siya na parang may mabasag. Dali-daling lumabas ng kwarto si Kyro at tinungo ang mesa. Nakita niya si Luna na pinupulot ang mga basag na baso." No, ako na, " agad na hinila ni Kyro si Luna para di ito masugatan." Sorry, di ko sinasadya. Bigla kasi akong nahilo eh, " ani Luna na parang bata na natatakot mapagalitan." No, its okay, ang mahalaga ay ‘di ka nasugatan, " ani Kyro at dahan dahan na pinulot ang mga piraso ng basag na baso." Sorry talaga, " pag-uulit ni Luna.Nang matapos si Kyro sa paglilinis ng mga basag na baso ay tinignan niya si Luna sa kanyang tabi na nakayuko lang." Hey. Okay lang Luna, hindi ako galit, okay, " mahinahon na sabi ni Kyro at inalalayan pang umupo ang dalaga. " Di ka ba nasugatan? " tanong niya rito." Hindi naman, " mahinang sagot ni Luna." Tapos ka na kumain? Marami pang sabaw, masarap ‘to. " Nilagyan ni Kyro ng isang piraso ng isda ang plato ni Luna at nilagyan din ng sabaw ang maliit na bowl nito upang kanyang higupin." Salamat, pero kasi busog na ako e, " ani Luna, at sabay na hinagod hagod ang tiyan niya." Parang hindi ka nga kumain eh, " ani Kyro." Di, busog na talaga ako, Kyro. Hindi talaga ako masyadong kumakain e, " aniya." Hihingi ka niyan tas ayaw mong kainin, so sino kakain niyan? Masasayang lang ang pagkain, maraming mga bata at matatanda d’yan sa labas na walang pagkain at nagugutom, tas ito tayo ‘di natin kakainin ang pagkain kasi busog na kahit ‘di naman, " nakakunot noong salita ng binata.Napakagat labi si Luna at nahihiya rito kaya kinuha niya na lang ang kanin at sabaw na hinanda ni Kyro. Hindi na ito nag salita pa hanggang sa ubusin nito ang pagkain. Parang maiiyak na si Luna dahil parang pinagalitan kasi siya ni Kyro, ngunit ayaw niyang ipahalata rito." A-Ako na ang maghuhugas, " ani Luna at agad na tumayo nang makitang tapos na rin na kumain ang binata.Hindi na nagalaw sa inupuan si Kyro at takang tinignan si Luna na ngayon ay tapos na sa paglinis ng mesa. Parang nagsisi naman siya sa inasta niya kanina.“ Sumobra ba ako? Di kaya nagtampo ito? Nainis sa akin dahil sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman yun kasi ano, gusto kong kainin niya yung pagkain at para naman mabusog siya, ” pabulong ni Kyro sa sarili niya.Wala naman kasi itong intensyon na sabihin iyon. Pakiramdam niya tuloy ay nasaktan niya ito. " Umupo ka na riyan or kung gusto mo sa kwarto ka matulog, magpahinga ka, " saad ni Kyro at pilit na pinipigilan ang dalaga sa ginagawa nitong paglilinis." Ako na lang, marunong naman ako e, " ani Luna at hindi talaga nagpadala sa binata." No. You should rest. You should sleep early. Bawal sa buntis ang matulog nang matagal, ” mahinahon na wika ni Kyro.Iba naman ang naramdaman ng dalaga sa pagiging mahinahon nito. Napatitig nalang ang dalaga kay Kyro habang inaayos ang mga pinggan at wala sa sarili na napangiti. Napansin naman ito ng binata at nakaramdam s’ya ng hiya. Uminit na naman ang kanyang pisngi at dali-daling tinapos ang mga gawain.‘ Ang ganda. Ang ganda ng kanyang mga ngiti. Ito na naman ang lakas ng kabog ng aking dibdib, ‘ sa isip na sabi ni Kyro." Bakit ka mag-isa? Nasaan ang parents mo? " biglang tanong ni Luna sa kanya." I grew up without them, " sagot ng binata. " I don’t know them, and for me they are just trash, " dagdag pa nito.Nakaramdam naman agad ng awa ang dalaga sa binata pero bilib siya sa kasipagan nito at determination ." Oh, sorry for asking, " aniya. " Iniwan ka nila? Ginawa nila yun? " tanong ulit ni Luna kay Kyro dahil sa kuryosidad." Nagawa na nga eh, " sagot agad ng binata.Parang wala na ito sa mood kaya tumigil na kakatanong si Luna. " Sorry, sige pasok na ako sa kwarto. Good night, Kyro, " aniya at iniwan ang binata sa kusina.“ Maayos na yang kwarto ko kaya higa ka na riyan at magpahinga, ” malakas na sabi ni Kyro mula sa kusina.“ The room is fine thanks. “ sagot naman ni Luna pabalik.Napangiti nang patago si Kyro dahil dun ngunit agad na napawi ang ngiti niya nang maalala ang parents niya." I'm all alone. They left me behind. "___Mas lalong lumakas ang ulan at kulog dahilan upang magising sa masarap niyang tulog si Luna. Bumangon siya dahil wala si Kyro sa tabi niya. Wala ring bakas na pumasok ito sa kwarto dahil hindi naman nagalaw ang ibang mga gamit. Wala ring nakalapag sa sahig. " Bakit ko ba naisip na rito matulog? Pwede naman akong umuwi, dahil may sasakyan naman ako,” aniya sa sarili. “ Pero bakit hindi pa siya natutulog? ” dagdag pa nito. Tumayo ito at tinungo ang sala dahil nauuhaw siya. Bukas pa ang ilaw kaya nasa isip niyang gising pa ang kasama. Agad niyang sinilip nang dahan dahan ang sala at nakita niya si Kyro na nakasubsob ang mukha sa mesa at mahimbing na natutulog. Nakabukas din ang isang makapal na libro, nagkalat na mga papel at nakabukas na laptop. " He's studying? " aniya. " Kyro? H-ey, Kyro wake up, " gising niya rito at tinapik tapik pa ang balikat, pero ‘di ito nagising. " Kyro, " tawag niya ulit. Natigilan ito nang napatingin siya sa lalaking naka salamin at himbing na himbing an
Isang gabi na hindi nakauwi si Luna dahil sa walang tigil na pag-ulan. Hindi rin sila nakalabas ng bahay. Nagising ang dalawa dahil sa tunog ng telepono na agad namang kinapa ng babae sa bandang gilid niya ngunit wala itong nahawakan o nakapa man lang kaya idinilat na lang niya ang mga mata at laking gulat n'to nang nasa sahig na siya. At ang mas nakakagulat pa ay magkatabi sila ng binata na ngayon ay tulalang nakatitig sa kanya. “ Bakit ka nandito? ” Gulat na tanong ng babae.“ Ako nga dapat na mag tanong niyan e, ” anito at umupo sabay hawak sa kanyang batok na parang nahihiya.Patuloy pa rin ang pag tunog ng kanyang telepono kaya dali-dali nitong hinanap kung nasaan na ito. “ Can you help me find my phone? ” ani Luna na parang nag papanic na. “ Kalma, okay? Ako na maghahanap. ” Agad naman hinahanap ni Kyro ang kanyang cellphone at natabunan lang pala ito ng kumot. “ Ito. ” Agad na binigay ni Kyro ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag.“ Mom? ” Kinakabahan nitong sagot.
Naduduwal, matamlay, maputla, nangangayat. Napansin ito ng Ina ni Luna kung kaya't kinausap siya nito. Kinakabahan naman si Luna. Pinaghandaan na niya ito pero nanginginig siyang hinarap ang Ina na ngayon ay seryoso na nakatitig sa kanya. " Are you still going to lie to me? You haven't told me but I already know, " galit na wika ng kanyang Ina. Nakayuko lang siya, at parang may kung anong bumabara sa lalamunan niya. Natatakot ito sa Ina, kilala niya ang mama niya na kahit sobrang mahal siya nito ay pwede siyang itakwil wag lang madumihan ang pangalan nang pamilya. " Luna, saan kami nagkamali? Ha? We always reminded you a hundred, a thousand times. Saan kami nagkulang? " Naiiyak na sambit ng Ina na may halong gigil." Sorry, m-mom. This is not an intention po, " she tried to explain but her mother cut her off. " SHUT UP. MEGAN TOLD ME EVERYTHING. YOU WERE HOOKING UP TO A GUY IN YOUR SCHOOL AND DUMPED YOU, " halit na sigaw nito. Gulat naman na napatingin sa Ina si Luna na ngayon a
" You can't do that, Kyro. " pag-pigil ni Luna dito. " Please, nasasaktan kana. Pinapalayas ka pa? Nagawa nila yun sayo? Luna, buntis ka. Kung gusto nilang panindigan ko ang batang iyan gagawin. Aaminin kong galit ako nung una, naiinis ako pero di kaya ng konsensya ko na masaktan ka eh, " naaawa saad ng binata." Wag. Ako na bahala sa bata. Ayaw kong mawala scholarship mo dahil sa akin. I will face it. Hayaan mo na ako sa desisyon ko at hayaan mo din ako na tumira dito pansamantala lang, " ani Luna.Naaawa si Kyro dito dahil hindi naman ito sanay sa buhay na meron siya ngayon. Pina pinalayas dahil sa na buntis siya ng isang estranghero. " As long as I can hide it, I will hide it. Hindi pa naman lalaki ang tiyan ko eh, at gagraduate na tayo. Two months na lang naman kaya ko pang itago ang bata na ito basta walang makakaalam na buntis ako. At lalong walang makakaalam na Ikaw ang ama, " seryosong wika ni Luna. Hinawakan naman ni Kyro ang kamay nito nang mahigpit, at hinahaplos ng marah
NAG-AALALA at hindi mapakali na inaalagaan ni Kyro si Luna, sobrang init kasi nito. Dahil buntis ito kaya hindi niya ito pwedeng painumin ng gamot, nilagyan niya ng bimpo ang noo n'to, upang hindi uminit ng sobra. Gusto niya sana na dalhin ito sa hospital ngunit ayaw ni Luna, at okay naman daw siya. Huminga ito ng malalim habang nakatitig sa natutulog na si Luna. Humupa na ang lagnat n'to, kaya nakapag pahinga na siya. Tinitigan niya ng mabuti at mangha ito sa kagandahang taglay n'to. " Hindi ko alam kung bakit yun ang naging sagot ko sa katanungan niya. Ano nga ba ang wala sa akin? " Napa-isip ito, at may konting ngiti ng maalala ang sinabi ng babae. " Isang babaeng katulad mo ang wala ako. Nawa'y kong mag mahal man ako, gusto kong ikaw ang babaeng mamahalin ko, " bulong niya sa kanyang sarili. Napatakip ito sa kanyang mukha na para bang may kung anong kiliti sa kanyang tiyan na hindi niya maintindihan. " Kakaiba ka sa lahat, " dagdag pa nito habang marahan na hinahaplos ang pisn
Tahimik lang na nanonood si Luna sa training nila Kyro, ayaw naman talaga niyang pumunta sa gym but her feet took her inside the gym. Hanggang sa may lumapit sa kanya. “ Look who's here? A pregnant young lady, sitting as if nothing happened, ” bungad ng isang babae habang naglalakad patungo sa ino-upuan ni Luna. Nakakunot noo naman si Luna habang nakatingin dito dahil kilala niya ang mga babaeng nasa harap na niya. In her mind she already knew what they're up to. She didn't even bother to look at them. She was just focused on watching her man playing seriously. “ Are you fckng ignoring me? You b**ch. ” Nanggigigil na saad nito at akma na sanang sabunutan siya ng dumating si Megan. “ What is happening? Ladies? ” Megan's voice echoed inside the gym, and disturbed the men in the court. Nakuha niya ang attention ng mga kalalakihan, kaya napatingin ang mga ito sa gawi nila. Parang nataranta naman si Luna, pero ayaw niyang mag isip ng kung ano. “ Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sina
Gulat na tinignan ni Kyro si Luna dahil siguro wala ito sa mood, at nag-taka din ito sa sinasabi ni Luna. Iniisip na lang niya na baka may mood swings lang. She stares intently at him, while her eyebrows furrow. He was confused by her actions, but it seems like he liked it. “ M-may problema ba? ” tanong ni Kyro na may halong kaba, at pagtataka. Nakabusangot din kasi ito. Hindi ito sumagot at ibinaling ulit ang tingin sa telepono. Nahinto ito ng biglang may nilapag na isang basket ng prutas, at tatlong piraso ng apple. Nakatitig lang ito sa mga prutas, at takang tinignan ang lalaki.“ I bought this for you,” ani Kyro, sabay lapag sa isang cellophane na may lamang baunan. “ It's a dressed vegetable, it's good for your health, and for our baby, ” dagdag pa nito..She suddenly pouted, kasunod ang pag luha nito. “ Pasensya na ha, kung ngayon lang ako nakauwi bigla kasing tumawag si bossing, wala kasi yung isang magbabantay sa convenience store, ” agarang paliwanag ni Kyro. “ I am sor
KINABUKASAN ay nasa court na naman sila, may training na naman. Hindi pa sila nagsimula na mag training dahil busy pa kaka type sa cellphone ang kanilang Captain na si Kyro. Gulat ang mga ito dahil sa kauna unahang pagkakataon ay nakita nila ang kakaibang ngiti ng kanilang Team Captain.“ Kanina pa yan ganyan, nakakapagtaka, ” wika ni John. “ Pero okay na din yun kaysa busangot ang mukha nakakatakot, ” sabat naman ni Jacob“ Tama, ” pagsang-ayon naman ni Harold.“ Anong pinag chismisan niyo jan at hindi pa kayo nagsimulang mag training? ” Biglang sabat ni Mark na kasama ang kambal na si Mike. Sabay na ngumuso ang mga kasamahan nito, at iisa lang kanilang direksyon. Nakatutok kay Kyro. Nagtataka naman ang kambal, at agad na lumapit sa kaibigan na hindi naman napansin ang kanilang presensya. Sinilip ng kambal kung sino ang kausap nito.“ Busy? ” Tanong ni Mark habang panay tingin sa phone nito.“ Medyo, ” parang wala sa sariling sagot ni Kyro.“ Sino ka chat mo ? ” Tanong ni Mike.“ Ma