Share

A LOVE HIDES BY FATE
A LOVE HIDES BY FATE
Author: Fiercelywrites

PROLOGUE

"Lennon... b-buntis ako," takot at nauutal kong pag-amin. Bumakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla kasabay ng pagdidilim ng mukha.

"Nagbibiro ka lang, hindi ba?" tanong niya na tila kinukumbinsi ang sarili na hindi totoo ang sinabi ko.

"H-Hindi ako nagbibiro... I'm pregnant," sagot ko upang kumpirmahin sa kanya ng pangalawang beses.

Tumawa siya sabay yumuko. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa saka siya nag-angat muli ng tingin sa akin.

Napaatras ako kasabay ng paglunok dahil sa paraan ng mga tingin niya. Tila anumang oras ay handa siyang manakit.

"Paano kang mabubuntis kung ni dulo nga ng daliri mo ayaw mo ipahawak sa akin?!" Bakas ang panunuot ng galit sa boses niya kasabay ng panlilisik ng mga mata.

Hindi ko na nakayanan pa at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko, nanginginig akong sinalubong ang mga tingin niya.

H'wag kang umiyak, Cherry. Kasalanan mo.

"L-Lennon... I'm sorry..." tanging iyon na lang ang nasabi ko at napatalon ako sa gulat nang suntukin niya ang pader sa kaliwang gilid ko.

I looked at him in shock.

"Sinong ama niyan? SINO?!" Halos mabingi ako nang sumigaw siya sa mismong tapat ng mukha ko.

Nanginig ang mga labi ko.

"S-Si Lennox, ang kapatid m-mo..."

Napapikit ako nang akala ko susuntukin niya ako nang muling tumama ang kamao niya sa pader sa gilid ko.

"Paano mo ito nagawa sa akin, Cherry? Ako ang boyfriend mo pero kay Kuya Lennox ka nagpa-kama at nagpabuntis? Anong klase kang babae?!" puno ng galit at sakit niyang tanong sa akin.

Napayuko ako, hindi ko na makayanan pang tingnan ang mga mata niyang nangangalit at nagpupuyos.

"I love your brother... matagal na."

Hindi iyon alam ni Lennox, kailan man hindi ako nagkaroon ng pagkakataon sabihin sa kanya. Ngunit si Lennon ay alam nitong una pa lang gusto ko na ang kapatid niya o mas tamang sabihin matagal ko nang minamahal.

"Kaya nagpa-kama ka? Kaya ka nagpakama kasi mahal mo?! Paano naman ako na sarili mong nobyo?" puno ng sakit at panggigigil niyang tanong.

Alam kong mali ngunit wala na akong magagawa pa.

"Lennon, ikaw lang ang may gustong maging kasintahan ko, ikaw ang nag-offer na ligawan ako para lang makalimutan ko siya, pero hindi iyon nangyari, mahal ko talaga si Lennox kaya sana patawarin mo ako," lumuluhang saad ko sa kanya kasabay ng paghingi ko ng tawad.

Pahalakhak siyang tumawa na halos maluha-luha na at alam kong sakit sa kalooban ang pinaggagalingan.

Napasinghap ako nang hablutin niya ang magkabila kong braso. Sobrang higpit na halos bumaon na ang kanyang mga kuko. Mas inilapit niya ako sa kanya.

"Ginamit mo lang ako, Cherry? Ganoon ba iyon? Ginamit mo lang ako para mapalapit ka kay Kuya Lennox at para magkaroon ka ng pagkakataon na magpa-kama sa kanya!" Namumula ang kanyang mga mata dahil sa pigil na luha.

Tinanong niya kahit alam niyang ganoon na nga, totoong sinamantala ko ang pakikipag-relasyon ko sa kanya para mas mapalapit ako kay Lennox.

Mariin akong pumikit at tumango.

"Ganoon mo kagusto si Kuya Lennox at nagawa mo pa manggamit ng tao para lang mapalapit sa kanya?? Ginamit mo lang ako Cherry!" giit niya na puno ng hinanakit sa akin kasabay ng pagdiin niya ng mga kuko niya sa balat ko.

"I'm really sorry, Lennon... wala akong planong may mangyari sa amin dahil alam kong mali iyon pero hindi ko na napigilan ang sarili ko, lasing siya at inaamin kong sinamantala ko ang pagkakataon," pag-amin ko at hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagbitaw sa akin.

"Cherry... samantalang ako, hawakan ko lang ang kamay mo agad kang lumalayo pero kay Kuya kahit hindi ka niya pinilit nagawa mong ipaubaya ang sarili mo sa kanya, ganoon ka ba talaga ka-desperada sa lalaking alam mong hindi ka naman gusto?" saad niya sa akin na ikinatigil ko.

Alam kong hindi ako gusto ni Lennox, tanging ako lamang ang naghahangad sa kanya kaya ngayon nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali na hindi ko na maibabalik pa.

"Huli na kahit ano pang sabihin ko. Nagbunga ang ginawa kong pagkakamali, may gusto ako sanang ipakiusap sa iyo. H'wag mo sasabihin kay Lennox ang tungkol sa pagdadalang tao ko, hindi ko ito ipapaako sa kahit kanino, ako lamang ang may kasalanan nito, kaya mag-isa ko ito haharapin at palalakihin."

Sandali siyang natahimik at bakas ang pagtutol niya sa gusto kong mangyari.

Hindi ko p'wede sabihin kay Lennox na buntis ako dahil alam ko hindi niya ako pananagutan at ayaw ko rin bigyang kahihiyan pa si Lennon.

Ipinagpapasalamat ko rin ang desisyon kong isikreto ang buong relasyon namin ni Lennon dahil kung magkataong magkaalaman man na nabuntis ako ni Lennox ay hindi iyon lilikha ng labis na kahihiyan sa kanilang dalawang magkapatid. Ngunit wala akong balak ipaalam.

"Pananagutan kita at ako ang aako sa bata. Pakakasalan kita at tutulungan kita palakihin ang bata kahit anak pa iyan ni Kuya," saad niya na halos literal na ikalaglag ng panga ko.

Hindi ito ang gusto kong mangyari at marinig.

"Hindi mo iyan p'wedeng gawin, Lennon! Hindi mo dapat inaako ang responsibilidad na hindi ko naman ipinapaako sa iyo! Mali ito at hindi ako papayag na panagutan mo ako dahil si Lennox ang dapat!" protesta ko.

"Si Kuya Lennox dapat managot? Alam nating hindi ka niya pananagutan at iisipin niyang sa akin ang batang iyan dahil ako ang nobyo mo. Handa kita panagutan Cherry, nang hindi ka hinuhusgahan," saad niya na nakapagpaluha lalo sa akin.

Mas lalong ayaw ko ipaako sa kanya.

"Siya ang naka-una sa akin... Lennon. Alam iyon ng Kuya mo, alam niyang siya ang unang lalaking pinagbigyan ko pero kahit na ganoon pa man, maniwala man siya o hindi na anak niya ito, hindi ko ipapaalam na nagbunga ang gabing iyon at hindi rin ako magpapakasal sa iyo dahil hindi iyon tamang gawin, tanging ako lang ang mananagot sa anak ko, wala nang iba," pinal kong sinabi sa kanya.

"Handa kitang pakasalan at panagutan ang batang dinadala mo dahil gusto kita iiwas sa iskandalong kakaharapin mo," giit niya sa akin.

"Mas lalong malaking iskandalo kapag nagkaalamang hindi iyo ang batang ito, mas mainam na pagpakalayo-layo ako para na rin sa ikabubuti ng lahat."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status