Share

CHAPTER 06

Amadeus Hassan, isang mabuting tao at mapagmahal na asawa. Bilyonaryo dahil sa kompanyang pagmamay-ari ng magulang niya na ipinamana sa kaniya. Nag-iisang anak kung kaya't siya lamang ang inaasahang magtutuloy ng iniwang tungkulin sa kompanya. Akala niya noong una, imposible niyang magampanan nang maayos ang iniwang posisyon ng ama, subalit nagawa niya at napagtagumpayang makilala ng buong mundo ang Hassan's Mall na ngayon ay daan-daan na ang napatayo sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Lahat ng nakakakilala sa pangalan niya ay hanga sa pagiging matagumpay niyang negosyante. Bukod pa roon ay mayroon siyang mabait na asawa na suportado sa lahat ng ginagawa niya at biyenan na nag silbing pangalawa niyang magulang. Masasabi na nga niyang perpekto na ang buhay niya at wala na siyang hihilingin pa, subalit gumuho ang mundo niya nang maaksidente siya na naging dahilan para maging baldado siya.

Doon nagsimulang magbago ang lahat at lumitaw ang totoong kulay ng mga tao sa paligid niya. Iyong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status