Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Disclaimer:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are neither the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission----Nakailang version na itong kwentong ito at hindi matapos ng ayos. Hahaha! Sana ito na ang pinakahuling bersyon.----Heartthrob Series #1
SunogMaaga akong gumising dahil sa potpot na tunog mula sa bisikletang sinasakyan ng tindero ng pandesal. Narinig ko ang pagtawag ni Mama sa nagtitinda. Paborito naming kainin sa umaga iyon kaya hindi siya nakakaligta na bumili.Tiniklop ko ang kumot at sinalansan ang unan ko ng maayos. Umunat ako bago lumabas.Si Papa ay nagtitimpla ng kape sa paborito nitong tasa. Ang aroma ng kape ay hinahalina ako. Naghila ako ng upuan saka umupo dito."Ayan mag almusal na kayo" sabi ni Mama. Nang hawakan ko ang supot ng pandesal ay mainit-init pa iyon."Paborito mong kape" aniya Papa ng maghila ng upuan sa tabi ko. Alam niyang gusto ko ng kapeng hinaluan ng gatas o kaya coffee
PakikiramayBuong maghapon kaming nasa tapat ng bahay ng may ari ng loteng tinitirhan namin. Parang wala siyang naririnig na hinaing ng mga tao. Sinadya niyang pinasunog ang mga kabahayan sa amin para pagtayuan ng bagong commmercial na building.Iskawaters area iyon na halos lahat ng kabuuan ng lupa ay pagmamay-ari ng iba't-ibang negosyante. Noong nasa elementarya palang ako ay sinubukan naming manirahan kasama sina Lolita pero nahirapan kami sa sitwasyon. Hindi katulad dito ay maraming oportunidad saka ang eskwelahan doon ay malayo. Mahirap din ang biyahe dahil madalang ang sasakyan.Paunti ng paunti ang mga kasama ko habang nalipas ang oras. Ang ilan ay iniwan ang karatulang ginamit sa kalsada. Nahingi kami ng hustisya at kaunting tulong. Dinulog na namin ito sa Mayo
PinakagwapoIlang oras ang tinagal namin ni Jez. Matapos kasi ng libing ay nagpaiwan ako pero itong kaibigan ko ay ayaw akong iwan. Si Apple naman ay umuna ng umalis dahil may kikitain daw siya ngayong araw."Girl, Tara na. Bukod sa walang ka pang almusal ay nangangamoy ka na"Hindi ko maintindihan kung gusto niya bang pagaanin ang loob ko o insultuhin ako. Naubos ko na ang tissue binigay niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang ipahiram sa aking ang panyo niya."Salamat. Ibabalik ko na lang paglaba na", sabi ko sa gitna ng pagsinga ko roon. Ngumiwi naman siya habang pinapanood ako."Hindi na kailangan. Sayo na yan!"
Kwarto"Ikaw yung nakita ko sa lugawan!" sabi ni Latrelle.Kumunot ang noo ko. Siya pala iyon? Grabe naman ang memorya nito napakatalas."Mahilig siya sa lugaw" sabi ni Jez.Bumaling ang atensyon ko sa lalaking galing sa pangalawang palapag ng bahay.Naka headphones siya at may dala-dalang libro — Harry Potter ang title ng makita ko.Kumpara sa kanila masasabi kong siya ang pinakagwapo kung hindi lang ito mukhang suplado."T.H, si Kaoree bago nating kasambahay" aniya Latrelle.Tinignan ako ng malamig niyang