Nang makarating ako sa tindahan ng gulay ni Nanay Lucing ay agad kong ginawa ang mga gawain ko. Katulong ako ni nanay Lucing sa pagtitinda at paglilinis ng kanyang pwesto. Laking pasalamat ko sa aking kaibigan na si Marco dahil ipinasok niya ako ng trabaho sa kanyang Nanay Lucing.
Si Marco ay nakilala ko noong ako ay highschool, naging magkaibigan kami kasama na rin sina Mildred, Wren at Krisha. Naging matalik kaming magkakaibigan. Si Marco, Wren at Mildred ay nagpapatuloy ngayon sa kolehiyo. Samantalang kami ni Krisha ay napatigil na. Nauna akong tumigil , tanging first year college ang natapos ko. Si Krisha naman ay noong 3rd year na siya dahil siya ay nabuntis. Nagsasama na sila ngayon ni Darius. Kapag may libre kaming oras o araw ay napunta kami sa bahay nila Krisha upang doon ay magsama sama. Ayos lang naman iyon sa pamilya ni Darius, katulad mamayang pagkaawas ko sa trabaho ay magkikita kita kaming magkakaibigan.
"Hija, naunahan mo na naman ako." Nakangiting sabi sa akin ni Nanay Lucing.
"Syempre po 'nay. Baka palitan ninyo ako kapag palagi akong nalelate." Ngiti ko rin sa kanya.
Magtatatlong taon na akong nagtatrabaho sa tindahan ni Nanay Lucing. Simula ng mapatigil ako sa pag aaral ay dito na ako nagtrabaho. Sayang nga at graduating na sana ako ngayong taon kung nagtuloy ako sa aking pag aaral. Hindi na ako kayang pag aralin ni tatay dahil napasok rin ang mga bunso kong kapatid, si Boyet at Annika. Grade 10 na ang kambal naming kapatid.
Si kuya Roy naman ay sa asawa niya nakatira. Linggo linggo ay umuuwi ito sa bahay kasama ang asawa niya at anak nitong si Rico."May problema ka ba hija? Pasensiya kana sa pagtatanong. Napansin kong namumugto ang mga mata mo." Nag aalalang tanong ni Nanay Lucing.
"Wala po Nanay. Medyo napuyat lang kagabi." Napakamot ako sa aking ulo.
"Kilala kita hija, sa tagal mo ng nagtatrabaho sa akin."
"Nagkaproblema lang po sa bahay 'nay. Pero naayos na naman po namin."
"Sigurado ka ba hija? "
"Oo naman po Nanay. Maraming salamat po sa pag aalala. "
"Apo na rin ang turing ko sa iyo Lyrica. Baka nga pagtagal ng panahon ay maging totoong apo na kita at inasawa kana ni Marco." Biro niya sa akin.
Nangasim naman ang aking mukha sa kanyang tinuran, napahalakhak naman si Nanay dahil doon. Simula nga rin pala ng nagtrabaho ako sa kanya ay palagi na niya akong binibiro tungkol kay Marco.
"Naku nanay, mas gugustuhin ko pa pong tumandang dalaga kaysa patulan ang apo ninyo." Iiling iling na sabi ko.
"Bakit naman hija? Gwapo naman ang apo ko. Mabait pa, masipag mag aral ang batang iyon." Tumatawang sabi niya sa akin.
"Alam ko po iyon nanay. Bukod pa doon ay napakababaero ng apo ninyo. Alam niyo po ba kung gaano karami ang babaeng pinaiyak niya noong highschool? Ilang beses pa kaming napaaway nina Mildred at Krisha dahil lang sa pag aakalang kasintahan kami ni Marco." Napabusangot ang mukha ko ng maalala kung paano kami sugurin ng mga babaeng nagkakagusto kila Marco.
Mas lalong napatawa si Nanay Lucing dahil sa sinabi ko.
"Oo na nga hija. Puputi ang mga uwak pero ang magkagusto ka sa apo ko ay iyon ang hinding hindi mangyayari." Nagpupunas ng luhang sabi ni Nanay Lucing.
"Hindi po talaga nanay." Napatawa na rin ako.
Sa katagalan ko rito sa tindahan ni Nanay Lucing ay ganoon na lamang ang pagiging close naming dalawa. Nag iisang apo ni Nanay Lucing si Marco kaya naman sa tingin ko ay sabik rin sa apo si Nanay.
Dumating ang alas singko ng hapon, nagsimula na akong magligpit at maglinis ng tindahan ni Nanay Lucing.
" Ito hija, iuwi mo na sa pamilya mo. Maige rin iyang maiulam mamayang hapunan." May iniaabot si Nanay sa akin na isang plastic, mayroon iyong sitaw at tokwa.
"Naku nanay, huwag na po. " Tanggi ko sa kanya. Sa dami na ng naitulong niya sa akin ay nahihiya na akong tumanggap muli.
"Ano ka ba? Ayos lang iyan. Hindi na rin naman natin maibebenta bukas ang sitaw na iyan. Sige na at dalhin mo na iyan. Huwag ka ng mahiya sa akin, apo pa rin kita kahit ayaw mo sa apo ko." Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Tinanggap ko na rin ang ibinigay niya.
"Maraming salamat po nanay. Maraming salamat po talaga." Yumakap ako kay Nanay, tinapik naman niya ang balikat ko.
"Walang anuman iyon hija. Basta palagi mong tatandaan na apo kita at nakasuporta ako sa iyo." Hinimas niya ang buhok ko na siyang nakapagpagaan sa aking loob. Bigla ko ring namiss si inay dahil doon.
"Salamat po."
"Hoy! Ano iyan ha? " Bigla na lamang sumulpot si Marco sa kung saan at lumapit sa akin. Nakauniporme pa ito at kakaawas lamang niya sa eskwela.
"Wala! Bakit ka ba nariritong bata ka? " Pataray na sabi ni Nanay Lucing kay Marco.
"Aray ko naman 'nay. Ako po ang apo mo nay, hindi si Lyrica." Kunwaring nasasaktang sabi ni Marco at maarteng humawak pa sa kanyang dibdib.
"Sus, napakaarte mong bata ka. " Singhal ni nanay kay Marco.
"Di na kita love nanay. Si Lyrica na lang." Akmang yayakap ito sa akin kaya naman ipinakita ko ang kamao ko sa kanya.
"Tigilan mo ako Marco. Baka mabugbog kita kahit nasa harap tayo ni Nanay Lucing."
"Joke lang, ikaw naman di ka naman mabiro." Kakamot kamot sa ulong sabi ni Marco.
"Nariyan na sa labas ng palengke si Tatay. Susunduin kana raw niya Nanay. Ito namang si Lyrica ay susunduin ko nay, pupunta kami ngayon kila Krisha." Dagdag pa niya.
"Ay ganun ba. Siya halika na pala at gagabihin kayo."
Nang maisara ang tindahan ay nagpunta na kami sa labas ng palengke.
"Magandang hapon po tatay Isko." Nakangiting bati ko sa tatay ni Marco, nagmano pa ako rito.
"Magandang hapon rin hija, ihahatid ka ba ni Marco sa inyo? " Tanong nito sa akin.
"Opo tay, pupunta rin po kami ngayon kila Krisha." Sagot ko rito.
"Oh siya sige na at uuwi na rin kami ni Nanay. Nagluluto na sa bahay ang nanay nitong si Marco. "
"Sige po tay, ingat po kayo. Nay, ingat po kayo. Maraming salamat po sa padala ninyo sa akin."
"Sige hija, mag iingat rin kayo. Marco, magdahan ka sa pagmamaneho ng motor mo ha? " Bilin ni Nanay Lucing kay Marco.
"Oo naman po nay. Ingat po kayo." Naunang umalis ang tatay at Lola ni Marco.
"Halika na Lyrica, dalhin muna natin sa inyo iyang gulay na dala mo para mailuto na."
Umangkas na ako sa motor niya at nagbiyahe na rin kami.
Nang makarating kami sa bahay ay naroroon na sila Boyet at Annika. Sa kanila ko na ipinaluto ang ibinigay ni Nanay Lucing. Nagpalit lamang ako ng damit at umalis na rin kami ni Marco. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nag uusap ni Ate Cynthia, masama pa rin ang loob ko sa kanya.Nakamasid lamang siya sa amin ni Marco nang kami ay umalis. Wala pa rin si tatay kaya inihabilin ko na lamang kila Annika na sabihing magkikita kita kami nila Mildred."May problema ba kayo ng ate mo Lyrica? " Tanong sa akin ni Marco."May nangyari kasi kagabi..." Napabuntong hiningang sabi ko. Madahan siyang nagmaneho ng motor at nakinig sa akin."Yung mga naipon kong pera mula sa naging sahod ko sa pagtatrabaho ay kinukuha pala niya... Iniipon ko iyon upang makaluwas na ako ng Maynila. Sobrang pagtitipid ang ginagawa ko nitong mga nakaraang buwan upang makaalis na ako. Kaso nung tiningnan ko kagabi ang pitaka ko, lilimang daang piso na lamang ang natira." Napaiyak na naman ako ng maalala ang mga naipon ko. N
"Kung gusto mo naman talagang umalis Lyrica ay susuportahan ka namin. Para iyon sa ikakaayos ng buhay ng pamilya mo." malumanay na sabi ni Wren. Nasabi ko na rin sa kanila ang pagluwas ko."Oo nga, lalo na at may makakasama ka naman doon. " Sabi ni Krisha."Sigurado naman akong hindi ka papabayaan ni Ate Jessie doon." Nakangiting sabi ni Mildred sa akin."Hindi ba delikado iyon? Mahirap rin sa Maynila. Nakaparaming mandurugas doon, mahirap iyon lalo na at babae si Lyrica." Nakakunot na noong sabi ni Marco."Marco my friend, sa tingin mo ba ay papabayaan ni Lyrica ang sarili niya? Malay mo nga doon makuha ni Lyrica ang swerte niya. Mas kailangan si Lyrica ka ng pamilya niya ngayon. " Seryosong sabi ni Wren at tinapik ang balikat ni Marco. Walang emosyon namang ininom ni Marco ang alak na para sa kanya.Hindi naman lingid sa grupo namin, lalong lalo na sa akin ang pagkakaroon ng pagkagusto sa akin ni Marco. Ilang beses na niyang sinubukang manligaw , agad ko naman iyong tinatanggihan. A
Nang makarating sa bahay ay agad na akong nagpaalam kay Marco, hindi ko na inintay pa ang sasabihin niya. "Aba, ginagabi ka yata ng uwi Lyrica? " Sarkastikong sabi sa akin ni Kuya Roy.Nagulat pa ako ng makitang nasa sala sila kasama nito ang kanyang asawa at anak. "Ngayon lang kuya, nagkita kita kami nila Krisha." Malumanay na sabi ko. "Talagang inuna mo pa ang pag gimik kesa ang tumulong rito sa bahay. Dumating kami rito na wala man lang pagkain. Hindi pa kami kumakain ng pamilya ko. Ang dami dami niyo rito, wala man lang gumawa ng paraan para magkahapunan tayo." Galit na sabi nito sa akin. "Hindi naman kuya. Umuwi ako kanina pagkagaling sa trabaho, may dala akong lulutuing ulam kuya. Annika? Diba ay pinaluto ko yun sa inyo? " Umiling lamang sa akin si Annika. Takot nga pala ito kay ate Cynthia at kay kuya Roy. "Anong hindi? Ito nga at nagsumbong sa akin si ate na hindi ka man lang nagbibigay sa kanila! Talagang nagtatrabaho ka lamang para sa sarili mo ano? Alam mong may mga
Kinaumagahan ay umuwi ako sa bahay upang magbihis. "Lyrica? Pwede ba tayong mag usap? " Sabi sa akin ni Tatay. Tumango lamang ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay."Pasensiya na po kagabi tay, talaga pong sumama lamang ang aking loob." "Alam ko naman iyon anak. Pasensiya ka na rin sa mga kapatid mo. Alam mo naman ang ugali ng mga iyon." Napabuntong hiningang sabi niya."Opo tay. Siya nga pala po, baka matuloy na po ang pag alis ko.""Ah... Ganun ba, sigurado ka na ba riyan sa balak mo? " " Opo naman itay, matagal ko na po itong pinag iipunan. Mas makakatulong po ako kung sa Maynila po ako magtatrabaho." Nakangiting sabi ko."Manang mana ka talaga sa iyong inay Lyrica. Alam ko namang hindi ka magpapapigil, basta ay iingatan mo ang sarili mo doon ha? " " Opo tay." Doon natapos ang aming pag uusap, palagi namang ganoon lamang ang sinasabi ni tatay, pagpasensiyahan ko na lang daw sila ate o kaya naman ay intindihin ko na lamang daw sila.Umalis na ako ng bahay at nagtungo sa saka
7"Mag iingat ka doon Lyrica, ang mga paalala ko sa iyo ay huwag na huwag mong kakalimutan." Yumakap sa akin si Tatay.Ngayong araw ang alis ko patungo sa Maynila, limang oras ang pagbabyahe ko papunta roon. "Oo naman po 'tay. Para po ito sa pamilya natin." "Ate, mag iingat ka roon ha? Mabuti na rin at aalis ka. Ayaw kong nakikitang inaaway ka nila ate Cynthia. Wala naman kaming magawa ni Boyet dahil takot kami sa kanila." Naiiyak na sabi ni Annika."Ikaw talaga, basta ay huwag ninyong papabayaan ang mga pamangkin natin. Tumawag kayo agad sa akin kapag nagkaproblema. Huwag ang hindi ha? " Ginulo ko ang buhok nito. "Oo naman ate." Wala sila ate Cynthia ngayon dahil doon sila natulog sa bahay nila Kuya Roy. Hindi rin alam ng mga ito na ngayon ang alis ko. Minabuti ko na ring huwag sabihin sa kanila iyon.Alas tres palang ng madaling araw at si Wren at Marco ang maghahatid sa akin sa sakayan ng bus. Hindi na ako nagpasama kay tatay dahil baka doon pa kami mag iyakang dalawa sa termin
"Uh, huwag mo nalang pansinin iyang dalawa. Sige na, ilagay mo na sa kwartong yun ang gamit mo tapos kumain na tayo. " Pag iwas ni Jessie sa nagtatakang mukha ko. Sinunod ko na lamang ang sinabi niya at muling lumabas para kumain."Ay ate girl, ilang taon ka na ba? Alam mo pwede ka sa pinapasukan namin. " Sabi sa akin ni Misha."Gaga! Huwag si Lyrica, pure yan! " singit agad ni Jessie pagkaupo sa harap ng hapag kainan."Sus, sa hirap maghanap ng trabaho ngayon rito sa Maynila e sigurado akong doon din ang bagsak niya. Don't worry, aalagaan naman natin siya doon. Akala mo naman hindi ka sa ganon nagsimula." Sabi ni Misha kay Jessie.Napabuntong hininga na lamang si Jessie."Uh, so Lyrica ang totoo kasi niyan hindi ako sa opisina nagtatrabaho. Hindi kasi ako matanggap tanggap sa mga kompanya rito sa Maynila noon." Panimula niya. "Ayun, sa isang high end na bar ako nagtatrabaho pati na rin itong dalawa. Hindi alam sa probinsiya natin kaya sana ay huwag mo na ring mauulit kay Mildred. So
9Maagang nagsimula ang araw ko habang sila Jessie naman ay matutulog pa lamang. Inimis ko na ang mga dapat kong imisin. Sinabihan na rin ako ni Jessie kung alin ang mga dapat at hindinko dapat galawin sa loob ng apartment.Nang makatapos ako sa mga dapat kong ayusin ay nag ayos na rin ako para sa unang araw ko ng paghahanap ng trabaho. Suot ko ngayon ang itim kong slacks noong ako ay pumapasok pa ng kolehiyo pati na rin ang katerno nitong pang itaas, kulay ube naman iyon. Nagpulbo na rin ako at naglagay ng kaunting lipstick para naman hindi ako maputla mamaya. Alas siyete pa lang ng umaga pero maingay na sa labas. Isinuot ko na ang itim kong doll shoes saka umalis. Itinext ko na lamang ang mga kasama ko sa bahay para pagkagising nila ay hindi na nila ako hahanapin. Sumakay na ako ng tricycle, inilista ko na sa papel ang mga lugar na pupuntahan ko ngayon. Inuna ko na ang pinakamalapit sa apartment."Good morning po Sir, dito po ba yung may hiring ngayon? " Tanong ko sa guard na nas
10Hindi ko alam ang gagawin ng biglang tumawag isang umaga si Annika. Umiiyak ito kaya naman kinabahan ako ng sobra."Ate! Si Ambet, isinugod namin sa ospital! Sobrang taas ng lagnat niya at kinumbulsiyon pa ate! " Umiiyak na sabi nito sa akin."Si Lyrica ba iyan? Akin na at kakausapin ko." Rinig ko rin ang natatarantang pagsasalita ni Ate Cynthia."Hello Lyrica! Nandito kami ngayon sa ospital, sobrang taas ng lagnat ni Ambet. Padalhan mo kami ng pera. Kailangan na kailangan ng pamangkin mo ngayon." Aligaga pa rin si Ate.Napaiyak na lamang ako. Kanino ako uutang ng pera? Wala pa akong nakukuhang trabaho."Sige ate... Magpapadala ako agad kapag nakahiram ako rito. Balitaan niyo ako agad tungkol sa kalagayan ni Ambet." Umiiyak na sabi ko."Oo, magpadala ka kaagad. May ipinapabiling gamot ang doktor. Wala kaming pambili." Napatulala lamang ako. Si Jessie, baka kahit dalawang libo may maipahiram siya.Inintay kong magising si Jessie. Ngunit naunang lumabas ng kwarto si Shiela."Oh, ano