Share

CHAPTER 5

“Ahh!” Napabalikwas si Mia ng upo nang makitang nakaharap sa kanya si Blue eyes. 

Nakaupo ito sa couch, malapit kung nasaan ang mahabang sofa na hinihigaan niya. 

“Nasaan ang niluto mo?” Bungad nito sa kanya. 

Huminga siya ng malalim at hinanap ng mga mata niya ang wall clock upang malaman niya kung anong oras na. 

7:00 pm 

“Luh! Sorry. Hindi ako nakapag luto...” 

Yumuko na lang siya sa kahihiyan. Ito na nga lang ang gagawin niya tinulugan niya pa! 

Natahimik ito, bago tumayo at umalis. Sinundan niya ng tingin ang lalaki at nakita niyang kinuha nito ang cellphone mula sa jacket na suot. 

“Hey, woman. Are you deaf?” 

Yumuko siyang muli ng humarap na ito sa kanya. 

“Hu- huh?” 

“Pag may nag-doorbell buksan mo at kunin ang dala, okay?” Paalala nito sa kanya dahil mukhang aakyat na ito sa kwarto na naka-lock rin. Isa pa pala iyon na gusto niyang i-kompronta sa binata, paano naman kasi niya lilinisin ang silid nito at iba pang mga silid kung naka-lock at wala siyang susi? 

Tumango-tango siya bago sumagot. “O-okay.” 

Hanggang ngayon nanatili siyang nakayuko, mag-aangat lang siya ng ulo pag hindi ito nakatingin sa kanya. 

“Don’t entertain someone else, just be quiet. Do you understand?” He added. 

“Noted, blue eyes!” Masigla niyang tugon sabay labas para doon hintayin kung sino man ang magdo-doorbell na sinasabi nito. 

Ilang minuto pa ay narinig niya na ang pag-doorbell at dali-dali niyang sinilip sa peephole kung sino iyon. Kaagad na sumama ang timpla ng mukha niya nang makita kung sino iyon. At ano na naman kaya ang ginagawa niya rito? Napipilitan na binuksan niya ang gate ng mag-ingay ulit ang doorbell. 

“Ano na naman ginagawa mo rito?” Mataray niyang tanong sa lalaking nakatayo sa tapat ng gate habang may malawak na ngisi sa mga labi.

“Ehem, may nakalimutan lang ako, babae.” Anito, at saka dire-diretso sa loob. 

Susunod sana siya sa lalaking ito nang biglang tumunog muli ang doorbell kaya’t mabilis niyang binuksan ang gate. 

Pagbukas niya ng gate, bumungad ang nakasumbrelong lalaki sabay abot ng paper bag sa kanya at walang niho-niha na umalis ito. Grabe naman wala man lang pagbati? Ibang-iba 'yata ang service ng mga tao rito, ah! Makapag-rate nga sa restaurant nila 1 star kasi hindi magalang ang delivery man! Samantalang sa Club, pinagsisilbihan nila kahit mga manyak, tsk! 

Sinilip niya ang laman at nanubig ang kanyang panga ng makitang iba’t-ibang klase ng pagkain ang nasa loob nito.

“Blue eyes, ito na ang pagkain mo.” 

“Uy, sakto lang pala ang dating ko.” Sabat nitong pinsan ni Blue eyes. 

“Luh, epal...” Bulong niya sabay lapag ng paper bag sa mini table. Nagkatinginan sila at parehong inasar ang isa’t-isa na parang mga batang kulang sa aruga.

“Eat up.” Sabi na naman nitong si Blue eyes, o-order tapos sa kanya naman pala ipapakain! Parang siya pa ‘yata ang pinagsisilbihan nito, ah! Nakakainis! 

“Hi… hindi ka kakain?” She asked. 

“No, I have an important business meeting to attend.” 

“Pero gabi na po?” Pakikialam niya sa buhay nito.

Kakauwi niya lang may trabaho ulit siya? Ano ba kasi ang trabaho na meron siya? Hindi naman ako bobo sa lagay na ‘to, kasi walang taong nagtatrabaho 24 hours. Kaninang umaga pa siya wala at kung uuwi man siya wala pang thirty minutes umaalis ulit. 

“So, what?” He said rudely. “Mind your own business.” His tone offended her, but she decided not to say anything. She didn't want to start an argument with him. 

Tuluyan na itong umalis at ang mokong na pinsan nito ay kumuha muna ng isang burger na nasa loob ng paper bag at saka sumunod sa binata. 

“Thank you!” Mapang-asar nitong pahabol bago tuluyang mawala ang presensya ng mga ito sa paningin niya. 

She's alone again. She's spent 2 days repeating her same-old routine at the young man's house. She believes she will only gain weight because her duties in his house are so easy; she just enjoys watching movies and eating alone.

“Hey, lady.” Napatingin siya sa nagsalita at nandito na naman ang damuho. Akala niya ba kasama ito ni Blue eyes? 

“Ano na naman ginagawa mo dito?” Palagi niya itong tinatarayan at deserved nito iyon. Palagi rin naman siya nitong inaasar lalo na pagsinusungitan siya ni Blue eyes. Parang tuwang-tuwa pa ito. Bwisit! 

“Let’s go shopping.” Pag-aaya nito na may ngiti. 

“Hoy! Bawal daw akong lumabas sabi ni Blue eyes!” Ungos niya sa lalaki. 

“Actually, kaka-tawag niya lang.” 

Mia rolled her eyes. “Ano naman ngayon?” 

The man smiled again. “He said you'd go crazy alone here, so I'll go shopping with you.” 

Mukha namang nagsasabi ng totoo ang lalaki. 

“Seryoso ba?” She asked in disbelief. 

“Don't you want to go shopping with me?”

“Gusto ko syempre!” 

Mabilis pa sa alas-kwatro na nagtungo si Mia sa guestroom kung saan namamalagi siya bilang kwarto niya. Sa totoo lang kwarto niya lang ‘yata ang nililinis niya dahil kwarto lang naman niya ang nabubuksan sa lahat ng mga silid na nandito. Pag-akyat niya, agad na nagpalit siya ng damit. Pinili niya ang simpleng damit lamang. Short na jeans at t-shirt na black. Parang bibili lang siya ng kape sa tindahan, ganoon ang suot niya ngayon. 

Nang matapos siyang magpalit at mag-ayos kahit pa paano, dumiretso na siya sa labas kung saan naghihintay ang lalaki. 

“Ang tagal mo naman.” Pagrereklamo ni dumuho. 

“Arat na!” Eksahera niyang tugon.

Sumakay na siya sa kotse at hindi mapagsidlan ang masayang-masaya niyang aura. Tamang-tama, ihahatid siya ni Blue eyes sa bahay nila mamaya pag-uwi nito, kaya mamimili siya ng mga regalo sa kapatid niya at sa kanyang Ina’y. Alam niyang matutuwa ang mga ito sa surpresa niya.

Pagkaparada nila sa parking lot, mabilis siyang bumaba subalit hinila siya ni dumuho.

“Bakit?” Naiirita niyang tanong. Hadlang talaga sa kaligayahan niya ang lalaking ‘to kahit kailan, palagi na nga siya nitong inaasar na parang may katawa-tawa sa kanya, e. 

“Careful, hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko, kundi lagot ako.” Bulong nito sa kanya kaya naman napakunot-noo siya sa mga tinuran nito. 

“Bakit naman? Hindi naman ako bata para bantayan.” 

“Hays, basta! Mag-ingat ka na lang.” 

“Okay!” Sabi niya bago naunang maglakad papasok ng Mall. 

Kung saan-saan siyang pumasok na store at pinagbibili ang mga pangangailangan sa bahay nila para pag-uwi niya marami siyang pasalubong sa pamilya niya. Hindi niya alam kung magkano ang laman ng card na ibinigay sa kanya ni Blue eyes, pero walang humpay siyang namili tulad ng sabi nito. Bilhin niya kung anong gusto niya. 

Tapos ay dinala niya ang kasama niyang dumuho sa street foods. Mas gusto kasi niyang kumain ng calamaris, kwek-kwek at uminom ngbuko shakes kaysa kumain sa mamahaling restaurant na alam niyang hindi siya masisiyahan. 

“Are you for real?” Hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya. 

“Bakit? Huwag mo sabihing hindi ka kumakain ng mga ganitong pagkain?” 

“Bilisan mo diyan.” 

“Hindi ka kakain?” 

“Ayoko.” Mariin nitong pagtanggi. . 

Umiling-iling siya. “Mayaman nga naman, ayaw kumain ng mga mahihirap na pagkain. Samantalang mas masarap naman ang pagkain namin kaysa sa pagkain nila. Hays.”  

Tiningnan lang siya nito na parang hindi naapektuhan sa sinabi niya, at saka bumalik ang tingin nito sa paligid na parang nagbabantay, kaya naman hinayaan niya lang ito. Basta kumain siya nang kumain na walang iniisip at ninanamnam ang pagkain sa food court.

Isusubo na sana ni Mia ang pang-huling fishball ng hilahin siya ng lalaki sa braso dahilan kaya natapon ang sauce ng kinakain niya sa damit niyang suot. Hindi niya alam kung bakit parang natataranta ito habang nananakbo sila. 

“Hoy! Ano bang nangyayari?!” 

“Dapa!” Sigaw nito ng makarating sila sa elevator at sinunod niya naman ang sinabi nito, bago niya narinig ang sunod-sunod na pagputok ng mga baril. 

Kaagad na pinaandar nito ang elevator. “Tama ang hinala namin hinahabol ka pa rin niya hanggang ngayon, pero bakit?” 

“Sino ba ang tinutukoy mo?” Nawiwindang niyang tanong. 

“Si Mr. Wong, do you know him?” 

Kinabahan siya nang marinig ang pangalan ni Mr. Wong. 

“Hindi ko siya lubusang kilala, pero ibinenta ako ni Mama Cole sa kanya. Siguro nga, kaya hinahanap niya ako dahil malaking halaga ang ibinigay niya kay Cole.” 

“Hindi ka niya hahabulin sa ganoong kababaw na dahilan. Depende na lang kung may iba pa siyang pakay sa’yo.” 

Kumapit siya kay damuho dahil na rin sa takot niya. Hindi niya alam kung saan ba siya tatakbo pag nagkataon na mapahiwalay siya rito. “Sa palagay mo, anong dahilan? Pero hindi ko naman siya kilala, e.” 

“I don’t know, isa lang ang hinala ko. He needs to know something important from you.” 

She gave him a questioning look. “Hindi ko maintindihan.”

“Sa tingin ko meron siyang mas malalim na dahilan.” Anang ng binata.

Nang bumukas ang elevator mabilis siya nitong hinila palabas at sinalubong sila nang sunod-sunod na pagputok, mabuti na lamang at marunong makipagbarilan ang kasama niya. Mukhang inaabangan sila ng mga ito. 

Makakalabas pa ba kami dito? Jusko, lord ayoko pa mamatay sa ganitong sitwasyon, kailangan pa ako ng pamilya ko. May mga pangarap pa ako...

“Pindutin muna ang bracelet mo!” Sigaw ni dumuho habang nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Mr. Wong. 

Mia followed his instructions and activated her bracelet. Alam niyang darating si Blue eyes para iligtas sila. 

Blue eyes...

“Magtago ka!” Sigaw nitong muli, pero hindi niya ito maiwan. 

“Pa-paano ka?” 

“Nakakasagabal ka lang sa akin! Magtago ka na!” Anito, habang nakikipagbarilan pa rin. 

Mabilis siyang tumakbo habang kinocover siya nito mula sa mga kalaban na alam niyang susundan siya. 

Paano ba siya napadpad sa ganitong sitwasyon?

Nagtungo siya sa stock room na walang katao-tao habang nanginginig sa takot ang kanyang buong katawan. Panay ang dasal niya na sana okay lang si dumuho at sana dumating si Blue eyes para iligtas sila. 

Hanggang sa wala na siyang marinig na putukan mula sa labas, kaya’t naisipan niyang lumabas sa pinagtataguan niya upang balikan ang lalaki, o dumuhu kung tawagin niya.

“Nandito ang target!” 

Biglang sumigaw ang isang armadong lalaki na alam niyang tauhan ni Mr. Wong. 

“A-anong kailangan ninyo sa akin?! Kahit patayin ninyo ako hindi ako sasama sa inyo!” Matapang niyang saad sa mga ito. 

Inihagis niya lahat ng mga bitbit niya sa mga ito at saka kumaripas ng takbo, subalit nabaril ng isang lalaki ang balikat niya kaya bumagsak siya sa sahig. 

Ito na ba ang katapusan ko? Pero paano ang mga maiiwan ko? Paano ang Ina’y, hindi pwede...

“Blue eyes!” Malakas niyang sigaw, kahit alam ni Mia na imposibleng sisipot ito. 

Baka nga pinabayaan na siya nito. 

Baka nga hindi na darating ito. 

Pumikit siya habang nagsisimulang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang dalawang pisngi. Hihintayin na lang niyang humandusay siya sa sahig kaysa sumama at makaharap ang manyak na si Mr. Wong. 

Ngunit, may humigit sa kanyang braso patayo at nang imulat niya ang mga mata, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang bumungad ang gwapong mukha ni Blue eyes. Hindi ito nag-iisa. Nilingon niya ang mga kasamahan nito na may takip ang mga mukha. At ng tumingin siya sa paligid, nakita niyang nakahandusay na ang mga armadong lalaki. Bumalik ang tingin niya kay Blue eyes na nakahawak pa rin sa braso niya. 

They saved her life...

Buong akala ni Mia, hahayaan na lang siya nito dahil wala naman siyang silbi sa binata kung tutuusin. 

Bakit niya ba ako pinoprotektahan? 

Matapos ang kaguluhan sa loob ng Mall, dumaan sila sa isang exit na walang mga taong dumadaan. Tatlo ang hindi niya kilala na mga kasama nito, bakit parang mga sanay ang mga ito na makipaglaban? 

Sumakay sila sa malaking Van na kulay itim. Medyo naiilang siya sa mga kasama nito at nangingibabaw pa rin ang takot na nararamdaman niya. Hindi siya makapagsalita dahil wala rin naman siyang sasabihin. Ang mga mata ng tatlong estrangherong lalaki ay nakatingin sa kanya na para bang sinusuri siyang mabuti. 

“Aray!” Napasigaw siya sa sakit ng hilahin ni Blue eyes ang braso niya. 

Hindi siya nito pinansin, bagkus kumuha ito ng isang malinis na tela at saka tinapal sa kanyang sugat. Nanatiling tahimik ang lahat kaya hindi siya makakibo. Lumibot pa ang mga mata niya at tumigil iyon sa gawi ni dumuho na nakangiwi dahil marami itong tama ng baril. Masaya siyang maayos ang lagay nito matapos makipagsagupaan sa mga tauhan ni Mr. Wong. Akala niya kung ano na ang nangyari rito. 

Hanggang sa makarating sa bahay ni Blue eyes, tahimik silang lahat. 

NIYAYA ni Jondray ang apat na kasamahan sa garden kung saan malayo ang dalaga upang hindi marinig ang kanilang mga pag-uusapan. Isinara rin niya ang pinto, since may sound proof ang loob ng bahay niya. 

“Are you okay, Cyrus?” Jondray asked his cousin, who was with Mia earlier at the Mall.

Cyrus nodded, but he was still looking a bit shaken up. “Yeah, I'm fine,” he said, in a small voice. Cyrus Ford. The youngest among their buddies. Jondray’s cousin. A lot of playfulness and craziness, but he is reliable when it comes to collecting and investigating information on someone he knows they can use. He can protect you but he is a dangerous man as well. 

Jondray reached out and put a hand on his shoulder. “Are you sure? You don't have to pretend to be okay with us.”

It blinked and then turned to him. “Do I look okay? I had a hit on my left arm but it was far from the gut so don't mind me.”

“I'm just glad that you're okay.”

“I know. Me too,” Cyrus said. “I don't know what I would have done if anything had happened to her.”  Dagdag pa ng kanyang pinsan na ang tinutukoy ay si Mia. 

“What's up? New plan?” Mirko entered the conversation. Mirko Gonzales. Someone who knows Jondray well. He epitomizes the word “womanizer.” He is an expert with weapons and the supplier of weapons and equipment to the entire Philippines. He is a dangerous man as well. 

“I think so. There is a woman protecting our friend.” Segunda ni Alvan. His friend who was the first to get married, among the five of them. Alvan Cordova. A friend of Jondray. He fights for what is right, especially for the people who are important to him. He takes everything seriously, but another thing he despises the most is lying. He is skilled at hacking and breaking into security systems using only his strong technological intellect. He is a dangerous man as well. 

“I'm not sure yet. Kailangan muna natin pag-aralan ang bawat kilos na gagawin natin.” 

“Akala ko kailangan mo muna si Mia para magpa-init.” Singit na naman ni Mirko. 

“Not interested.” Jondray flatly refused. “I think we can use her, that's why I protected her.”

“That's the only reason?” Cooper asked him reassuringly. Cooper Perez. Just like Mirko, Cooper enjoys women, so he owns and runs a lot of Bars and Coffee shops. He is willing to pay a lot to have a woman every night. He is skilled in martial arts and can sneak inside anyone's citadel without being detected. He is a dangerous man as well 

Jondray met Cooper's eyes and said quietly, “Yes.” Mariin ang pagkakasabi niya. “Rachelle is the only love of my life.” Sagot niya na may paninindigan.

“Kung iniisip ninyo ang naging asal ko nang mawala si Rachelle. Sex is just a sex, alam naman siguro ninyo ang bagay na ‘yan. Mas malala pa nga kayo.” Dagdag pa niya na ikinatawa ng apat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status