Share

CHAPTER FORTY FIVE: Sister code

SAMSARA's POV

Nakataklob ang kumot sa akin habang nakaupo ako sa balde na may mainit na tubig. Pawis na pawis na rin ako at nahihilo pero nag babakasakali ako na sa pamamagitan ng pag suob ay mawala ang lagnat ko.

Bakit pa kasi ako nilagnat? Bukas na yung lunch namin at kailangan kong magluto. Hindi rin naman ako pwedeng makisalamuha bukas lalo na at may mga bata rin na darating. Baka makahawa pa ako.

"Mainit pa ba?" Tanong sa akin ni Lemery. Naka upo siya sa kama habang hinihintay ako na matapos mag suob.

"Oo, mainit pa." Matipid at matamlay kong sagot.

"Okay, be." Sagot niya rin sa akin.

Pinakiusapan nga ni Landon si Lemery na maiwan muna sa akin ngayong araw dahil may aasikasuhin pa siya sa office. Pinangako naman niya sa akin na tatapusin na niya ang lahat para makapag focus siya sa akin.

"Todo exposure naman tong mag asawa kahit nasa Maynila. Bakit kaya hindi na lang sila bumalik sa lungga nila sa Cavite?" May bahid ng galit ang boses ni Lemery. Naikwento ko kasi sa kanya na sin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status