Si Ashley delos Santos, lumaki sa kahirapan ng buhay at nagpasyang lumuwas ng Maynila para maghanap ng pansamantalang trabaho pagkatapos makagraduate ng High School sa edad na daisy-otso. Gusto niyang makaipon ng pera para muling ituloy ang pag-aaral ng college kaya nagpasya siyang sumama sa kanilang kapitbahay para maghanap ng trabaho sa Maynila.Hindi niya akalain na ibang klaseng offer ang kanyang matatanggap mula sa isang mayamang abwela ng isang Bilyonaryong tinakasan ng kanyang bride at sumama sa kanyang Bestfriend sa araw mismo ng kanilang kasal. Tatanggpin kaya ni Ashley ang offer sa kanya ni Donya Agatha na ten Million pesos kapalit ng pagiging substitute bride ng mismong araw na iyun? O papakawalan niya ang isang malaking oportunidad para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya na naghihintay sa kanyang muling pagbabalik ng probensiya?
view moreTREXIE POV Nagtempla ako ng dalawang tasa ng kape. Isa kay Dominic at isa sa akin. Nang masiguro ko na okay na ang lasa..mabilis akong naglakad pabalik sa kanya habang bitbit ko ang dalawang tasa ng kape. "Here's your coffee." kaagad na wika ko sabay lapag ng umuusok na kape sa harap niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang masayang ngiti sa labi nito bago sinamyo ang usok na nagmumula sa mainit na kape. Sumimsim ng kaunti bago ito nagsalita. "Perfect! Super sarap mo pa rin mag-templa ng kape Trex. Walang kupas." Nakangiti nitong wika. Simpleng compliment mula sa kanya pero para akong idinuduyan sa alapaap sa sobrang saya na nararamdaman ng puso ko. Hayyy ang rupok ko talaga! "Mabuti naman at nagustuhan mo.'" sagot ko at akmang uupo na ako sa kabilang bahagi ng mesa pero muli itong nagsalita. " I think masarap humigop ng kape sa garden? Pwede mo ba akong samahan?" nakangiti nitong pagyayaya sa akin. Wala sa sariling kaagad naman akong sumang ayon. Dinala ko si Dominic sa
TRIXIE POV "Mam, kakain na daw po ng dinner." kaagad na balita ng isa sa mga kasambahay namin nang pagbuksan ko ito ng pintuan ng kwarto. Hindi ko na namalayan pa ang oras dahil nakaidlip ako. "Sige po Manang. Susunod na po ako." sagot ko at mabilis na isinara ang pintuan ng kwarto ko para mag ayos. Hindi ko mapigilan na mapasuyap sa orasan at nagulat pa ako dahil halos alas siyeta ng nga pala ng gabi. Oras na para kumain ng dinner. Hindi na ako nakabalik pa ng nursery room noong nagpaalam ako kay Dominic na magbibihis na lang muna. Bigla kasi akong nakaramadam ng pagkaantok kaya pagkatapos kong magbihis kaagad akong nahiga ng kama at mabilis na nakatulog. Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Rules pa naman dito sa mansion ay kailangang presentable bago humarap sa pagkain dahil katwiran ni Mama Ashley, hindi lahat ng tao ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw kaya dapat igalang ang mga pagkain na nakahain sa harapan namin. Nang masiguro ko na maayos na ang hitsura ko kaaga
DOMINIC POV Hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kaba habang pinagmamasdan ang unti-unting paguhit ng ngiti sa labi ni Papa Ryder. Hindi ko alam pero feeling ko may ipinapahiwatig ang ngiting iyun na lalong nagbigay sa akin ng kakaibang takot. Mukhang dumating na nga ang kinatatakutan ko. Baka nga tuluyan na akong pagbawalan nito na lumapit-lapit sa anak nila. "Dominic..mukhang ang laki na nga ng ipinagbago mo. Nakikita ko sa mga mata mo iyan ngayun." nakangiti nitong muling wika. Hindi ako nakaimik. "Yes...nagpaalam sa akin si Cholo na liligawan niya daw si Trexie.....and isa akong ama. Hindi ko pwedeng panghimasukan kung ano man ang desisyon ng anak ko. Ayaw kong maging kontrabida pagdating sa nararamdaman niya. Hindi kami tututol kahit na sino pa ang mahalin niya...." muling wika ni Papa Ryder. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi sa sinabi niya ngayun. Paano kung ma-inlove si Trexie kay Cholo? Paano ako? Kakayanin ko ba ang pait ng kabiguan sa pag ibig? God!
DOMINIC POV Para akong sinapak ng makailang ulit ng marinig ko ang katagang binangit sa akin ni Trexie. Bigla akong nakaramdam ng agam-agam at takot sa nalaman na nanliligaw pala talaga sa kanya si Cholo. Iisipin ko pa lang na baka ma-inlove siya sa lalaking iyun, libo-libong sakti na ng kalooban ang nararamdaman ko. Hinding hindi ko talaga matangap na mapunta siya sa iba. Kung kailan naman na-realized ko lahat ng mga pagkakamali ko at nagbago na ako tsaka naman nagbabadyang mawala sa akin si Trexie. Pakiramdam ko, ikamamatay ko kung makuha siya ng ibang lalaki sa akin. Alam ng Diyos kong gaano ko siya kamahal at lahat gagawin ko bumalik lang siya sa akin Actually, kaya ko naman talagang maghintay kung kailan niya ako mapapatawad eh. Pero sa isiping may nanliligaw na pala sa kanya, hindi ako sigurado kung hangang saan ang pagtitimpi ko. Gusto ko ng mabuo kami. Gusto ko siyang makasama ulit sa iisang bubong kasama ng mga anak namin. Gusto ko na ng masaya at buong pamilya. Gust
TREXIE POV Hindi ko maiwasang sundan ng tingin si Dominic pagkatalikod nito sa amin. Laglag ang balikat nito na naglakad papasok ng mansion kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba sa sarili ko. Para akong naaawa sa kanya na hindi ko maintindihan. "Mabuti naman at nakaramdam din at umalis. Palagi ba siyang pumupunta dito sa inyo?" Muling naagaw ni Cholo ang attention ko ng magsalita ito. "Binibisita nya ang mga anak namin. Isa pa, may basbas na siya kina Mama at Papa kaya malaya siyang makalabas at pasok dito sa bahay dahil ama pa rin naman siya ng kambal." sagot ko naman. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga. Nang titigan ko ang kanya mukha, nababakas ko ang inis doon. HIndi ko na lang pinansin pa bagkos pilit ko itong nginitain. "Pasensya ka na Cholo ha? Hindi kita mahaharap ng matagal ngayun. Marami pa akong dapat gawin." wika ko. Umaasa ako na sana maramdaman niya na wala akong gana na pakiharapan siya at sana umalis na siya.
TREXIE POV "Salamat." malamig kong wika kay Cholo pagkatangap ko sa bulaklak na bigay niya. Pagod ako at gusto ko sanang magpahinga kaya lang hindi naman pwedeng hindi ko siya harapin. Baka mapulaan pa ako ng pamilya niya kapag gagawin ko iyun. "Pasensiya ka na kung nakaabala ako sa iyo. Pagkaalis kasi namin kanina ng opisina niyo, bigla kasi kitang na-miss eh. Ganito talaga siguro kapag in-love ka sa isang babae." Matamis na ngiting sagot nito sa akin. Hindi ko naman malaman ang isasagot ko. Super corny niya at hindi ko gusto ang naririnig ko mula sa kanya. Kung na-miss nya ako, kabaliktaran naman sa nararamdaman ko ngayun. Hangat maari, ayaw ko sana siyang makita ulit. Kaya lang nandito na siya sa mansion at ano pa nga ba ang magagawa ko. "Oh Cholo! Napadalaw ka yata ah?" saglit akong nakahinga ng maluwag ng biglang lumapit sa amin si Papa Ryder. "Opo tito! dinadalaw ko lang po si Trexie. Kung ayos lang po sa inyo, gusto ko pong ipag-paalam sa inyo si Trexie na iimbitahan
TREXIE POV Habang nagki-kwento si Mama, kita ko kung gaano ito ka-seryoso kaya alam kong nagsasabi ito ng totoo. "Pero bakit po parang ayos naman sila Papa at Dominic kagabi? I mean, bakit parang hindi naman galit sa kanya si Papa?' naguguluhan kong tanong kay Mama Ashley. Kaagad naman itong natawa. "Dahil na din sa pagpupursige ni Dominic. Kahit makailang ulit pang nakatikim ng sapak sa ama mo ang asawa mong iyan hindi pa rin tumitigil sa kakasuyo sa amin. Halos araw-araw siyang dumadalaw dito sa bahay para humingi ng tawad." sagot naman ni Mama Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Talaga bang ginawa ni Dominic ang tungkol sa bagay na ito? Pero bakit? Dahil ba nagsisisi na siya sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya sa akin? "Huwag ka sanang magtampo sa amin kung bakit pinapayagan namin siyang pumunta dito sa mansion. Ramdam naman namin ang pagsisisi niya at hindi ka naman namin pipilitin na muling bumalik sa kanya Trexie. Kahit na msakit ang ginawa niya sa iyo,
TREXIE POV Kinabukasan, medyo tanghali na akong nagising. Kaagad akong naligo at nag- ayos ng sarili. Siguradong sa mga oras na ito, nasa opisina na si Daddy. Gayunpaman, balak ko pa din pumasok kahit late na. Gusto ko talagang matutunan ang mga trabaho sa Sebastian Logistics para naman maipagmamalaki ako ng buong pamilya. Kailangan ko na din talagang mag seryoso sa buhay. Ibabangon ko ang sarili ko at gusto kong maging magaling na CEO kagaya ni DAddy pagdating ng araw. Gusto kong may mapatunayan sa aking sarili kaya magsisikap ako. Tama, aabalahin ko ang sarili ko sa pagpapatakbo ng kumpanya hangang sa lumaki ang mga anak ko. Gusto kong makontento sa mga bagay na kung anong meron ako ngayun. Hindi ko na kailangan pa ng panibagong pag ibig para lang sumaya. Nang masiguro ko na maayos na ang make up ko, kaagad kong sinukbit ang aking shoulder bag at lumabas ng kwarto. Direcho ako sa nursery room para tingnan ang mga bata at hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan silang tu
TREXIE POV Naging maayos naman ang pagdalaw ni Dominic sa mga bata. Wala naman siyang mga bagay na ginawa na hindi ko nagustuhan. Halos ayaw na din nitong umalis sa tabi ng mga anak namin at naabutan pa siya ni Papa Ryder sa bahay pagkauwi galing sa opisina. "Good evening Sir!" narinig ko pang bati ni Dominic kay Papa. Hindi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Talaga bang 'Sir' ang tawag niya kay Papa? Pero bakit? Sabagay, simula ng maging mag asawa kami ni Dominic never kong narinig mula sa mga bibig niya na tinawag niyang Papa si Papa Ryder. Hindi na din naman ako nagtanong dahil masyado akong nalunod sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Dominic. Walang mas mahalaga sa akin noon kundi siya lang. ''Mabuti naman at nabisita mo din ang mga apo ko. Dito ka na kumain ng dinner. May pag uusapan tayo." seryoso namang sagot ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasan na mgtaka. Sa totoo lang , gusto ko na sanang umalis na si Dominic. Naiilang ako sa mga titig niya. Habang nagtatagal siya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.