Love Language (Queen and CEO)LOVE and HATE are sometimes considered to have the same feeling and effect. It requires the same amount of intensity. When you fall in love you always think about that person while when you hate someone you also do the same.
Is it possible that hatred could turn into love? Can love forgive and forget the pain of the past?
Queensley Hernandez ay kilalang-kilala sa industry na kinabibilangan niya. Brand ambassador kasi siya ng isang kilalang clothing line at cosmetic company. Magandang mukha, makinis, katawan na may magandang kurbada at marangyang buhay. Halos lahat ay nasa kanya na pero pakiramdam niya ay may kulang pa rin sa buhay niya. Kaakibat ng kasikatan niya ay ang panghuhusga ng mga tao sa paligid niya. Kinababaliwan siya ng mga kalalakihan samantalang sinusumpa naman siya ng mga kababaihan. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao dahil alam niya na wala naman siyang tinatapakan na tao. Marami ang nagagalit sa kanya at hinusgahan siya ng hindi muna siya kinikilala. Isa sa mga taong iyon ay ang nag-iisang anak ng taong kumupkop sa kanya si Mark Joseph Donovan. Kinababaliwan at hinahabol siya ng mga kababaihan dahil sa taglay niyang kagwapuhan pati na rin sa kanyang reputasyon. Wala siyang panahon makipagrelasyon dahil mas naka-focus siya sa pagpapalago ng negosyo. Kinatatakutan naman siya ng mga tao sa industriya na ginagalawan niya dahil sa pagiging matalino, agresibo at strikto. Iniwan niya ang kumpanya ng magulang niya at nagtayo ng sarili niyang kumpanya. Galit siya sa Papa niya kaya umalis siya at nabuhay mag-isa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kailangan harapin niya ang Papa pati na rin ang babaeng kinasusuklaman niya.
Ano ang kalalabasan ng paghaharap nila? Posible ba na mabago pa ang pagtingin ni Mark kapag na kasama niya si Queensley?