Deck Of Cards (Filipino)Si Azrael na kindhearted.
Si Alexa na seryso at apo ng sindikato.
Kailangan ni Alexa na makahanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon para sa kanya ibigay ng kanyang Lolo ang posisyon bilang susunod na Queen ng Shadow Syndicate.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Azrael na isang side walk vendor. Pinaimbestigahan niya ang lalaki at napag-alaman na akma ito upang maging asawa niya. Sa isiping mapapaikot niya ito gamit ang pera ay inalok niya ang binata na pakasalan siya. Ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing maghanap na lang siya ng iba dahil may iba ng nagmamay-ari ng puso niya.
Lahat ginawa ni Alexa para mapa-oo si Azrael dahil kailangan na niyang magpakasal bago dumating ang takdang araw. Ngunit lagi siyang nabibigo dahil bukod sa ayaw nito sa kanya, may mahal na rin itong iba.
Pero buo na ang desisyon ng dalaga na kukunin niya si Azrael sa kahit anong paraan.
Dahil pa rin ba sa posisyon kaya gusto ni Alexa na makasal kay Azrael o may ibang hinahangad ang dalaga bukod sa titulong Queen ng sindikatong kinabibilangan niya na kay Azrael lang niya nakita?