GENUINE LOVE IN DECIET Ang buong akala ni Clary ay nangyayari na sa buhay niya ang tunay na pagmamahal, ngunit biglang bumaliktad ang sitwasyon ng siya ay dinukot ng mga taong minahal na niya bilang pamilya kahit hindi naman niya mga kadugo.
Natuklasan niya na interesado lang pala ang mga ito sa yaman niya. Ginamit ng mga ito ang boyfriend niyang si Tristan para makuha ang mga pag-aari niya. Dahil mahal niya ang lalaki at takot siyang mawala ito sa kaniya, pumayag siya. Ngunit kung kailan naibigay na niya ang lahat saka naman nagtanggal ng maskara ang boyfriend niya.
Lumantad sa harapan niya ang buong katotohanan. Kasabwat pala ng mga ito ang lalaking minahal niya at ang masaklap pa dahil ang kinikilala niyang kapatid na babae ay mas matagal pa pala nitong kasintahan kaysa sa kaniya. Bukod sa panlolokong iyon pinagtangkaan pa ang buhay niya.
Tinapon siya pinakamalalim na parte ng dagat. Sa kabutihang palad nakaligtas siya, ngunit napadpad naman siya sa pinaka-delikadong lugar. Ito ay ang teritoryo ni Knox Wolthorn ang leader ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization. Ang lalaking pumapatay na walang pag-aalinlangan lalo na kung wala kang pakinabang.
Naka-survive siya sa unang kapahamakan sa kamay ng mga akala niya pamilya, ngunit dito kaya sa teritoryo ni Knox Wolthorn makakalusot kaya siya? Bibigyan kaya siya ng tsansa ng lalaking magpatuloy sa buhay? What if sa lalaking ito pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Magtitiwala kaya siya ulit?