HER POISONOUS RED LIPS

HER POISONOUS RED LIPS

By:  Fiercelywrites  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating
78Mga Kabanata
5.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Ruby Red Mandelly ay may makamandag at kaakit-akit na gandang taglay, isa siyang spy agent na nag-ta-trabaho sa isang secret organization at kilala siya bilang si Agent Red Lips. Makilala ni Ruby Red si Stefan Solevan, ang makisig at supladong binatang panganay na anak ng lalaking malaki ang naging atraso sa pamilya niya. Maging hadlang kaya si Stefan sa misyon na matagal niya nang pinaghandaan? Paano kung ang kanyang damdamin ang umiral? Magawa pa kaya ng dalagang mapagtagumpayan ang kanyang misyon kung puso na ang mangingibabaw?

view more
HER POISONOUS RED LIPS Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Fiercelywrites
HELLO LOVELY READERS! Maraming salamat po sa mga nagbabasa at magbabasa pa lang po ng story na ito ni Ruby Red Mandelly a.k.a Agent Red Lips ... You should continue to read this story until the end, dahil sisiguraduhin ko pong sulit ang mga coins ninyo ...... THANK YOU SO MUCH! ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡
2023-07-30 14:04:39
3
78 Kabanata
CHAPTER ONE
"Good evening, Ladies and gentlemen. I just want to thank all of you for coming tonight to celebrate with my family on my special day, so please feel yourself and enjoy the party," saad ni Charley sa tapat ng mikropono, ang may edad nang lalaki na siyang target ko ngayong gabi.Kasalukuyan na itong pababa mula sa stage habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa gawi nito habang hawak ko ang kopita na naglalaman ng red wine.Kanina pa ako sentro ng atraksyon dahil sa suot kong magarang backless red gown at idagdag pa ang mapuputi at makikinis kong balat na lalong mas naging kapansin-pansin."Hi, Ms. Beautiful, nag-iisa ka ata?" Tanong sa akin ng lalaking hindi ko kilala at bahagya pa 'kong nagulat nang hapitin niya 'ko sa baywang.Imbis na magpumiglas ako, isang ngisi lang ang namutawi sa aking pulang-pulang mga labi. Diretso ko siyang tiningnan sa mata at itinapat ko ang bibig ko sa kanyang tainga."Get away from me, and if you don't, you will regret it," mapanganib kong bulong sa kan
Magbasa pa
CHAPTER TWO
"Mukang maganda 'to, let me see it," saad ko sa saleslady ng isang kilalang jewelry shop at agad naman ako nitong in-assist."It's a Ruby Diamond Necklace Ma'am." Maingat nitong inilahad sa harap ko ang expensive diamond."Do you like it?" Agad akong napalingon nang may biglang nagsalita sa likuran ko, si Charley kasama ang anak niyang si Stefan na ang sama pa rin kung makatingin sa 'kin.Hindi na ako nakapagsalita nang senyasan niya ang saleslady na siya na ang willing na magbayad ng Ruby Diamond Necklace na nagkakahalaga ng 450,000 pesos.Halos mapanganga ang saleslady at nagpalit-lipat ang tingin nito sa amin."No, I'm the one who will pay, Mr. Solevan, it's a very huge amount, it's not a joke," tanggi ko ngunit nagpumilit pa rin ito."I'm the owner of this jewelry shop, ako ang masusunod, so take it as my gift," giit nito sa akin kaya wala na akong nagawa at lihim na lang na napangisi."Dad, guest mo lang siya sa party kagabi and now you are giving her free expensive jewelry, are
Magbasa pa
CHAPTER THREE
Patulog na sana 'ko nang may mag-door bell pa mula sa labas ng pinto ng condo ko, agad akong tumungo sa pinto at sinilip sa intercom kung sinong nasa labas.Si Harley, anong kailangan niya? Kahit na ayoko nang tumanggap ng bisita ay binuksan ko pa rin ang pinto, at bumungad sa akin ang maamo nitong mukha suot ang plain shirt at itim na pajama."May kailangan ka?" tanong ko sabay hikab.Ngunit imbis na sagutin niya 'ko ay napatitig na lang siya sa bandang dibdib ko at ngayon ko lang naalalang wala nga pala akong suot na brassiere pero hindi na ako nag-abalang takpan pa ang bakat kong n*p*le. Manipis na silk dress lang kasi ang suot ko at saktong patulog na rin sana ako."You like what you see?" tanong kong muli sabay nag-crossed arms na 'ko para naman ma-distract na siya sa view-ng nakikita niya.Napakamot siya sa ulo, kasabay ng pamumula ng tainga at pisngi, hindi ko napigilang hindi napahagikgik sa naging reaksyon niya."Sorry," hiyang-hiya paunmanhin niya."So, mabalik tayo, may kai
Magbasa pa
CHAPTER FOUR
"What's your order Ma'am?" tanong sa 'kin ng waiter nang tuluyan akong makaupo sa pang table for two."Your best Italian Pasta, please, and strong black coffee," saad ko na ikinatango nito."Is there anything else Ma'am?" Umiling ako."That's all," tipid kong sagot saka ito umalis.Tumanaw ako sa labas, umaga pa lang pero tirik na tirik na ang araw. I love the ambiance of the morning time, it's a sign that everyday is a new phase.Habang abala ako sa pagmumunimuni ko, napadako ang tingin ko sa tapat ko nang walang pasabing may naupo roon."Ang sarap sa mata kapag ganito ka-ganda ang nakikita ko," saad ni Raven, ang lalaking matagal na panahon na 'kong pinopormahan.Hindi ako nagsalita at sa halip nginitian ko lang siya at saktong dating naman ng waiter bitbit ang pagkaing in-order ko at maingat na inilagay sa harap ko at agad din umalis."I told you so many times that I'm not the woman for you," saad ko at nag-umpisa na 'kong paikutin ang pasta gamit ang tinidor."I don't know, every
Magbasa pa
CHAPTER FIVE
"I think I have to go." Nakangiti kong paalam at agad na tumayo sabay kinuha ko ang Channel bag ko."Aalis ka na agad? Halos hindi mo nagalaw ang pagkain mo?" tanong ni Charley upang pigilan ako sa agad kong pag-alis."I lost my appetite, ayoko nang magtagal Mr. Charley, kung makatingin kasi iyang anak mo parang ako iyung gusto niyang kainin," sagot ko na ikinalaglag ng panga nila. Parang gusto ko tuloy bumalinghawit ng tawa."You... " saad ni Stefan habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa 'kin na tila tinatantya ako."I'm just kidding," bawi ko sa sinabi ko sabay pahaplos kong hinawakan ang balikat niya.Kahit na hindi niya ipahalata, naramdaman ko ang naging reaksyon niya dulot ng pag-hawak ko sa kanya."Don't touch me," angil niya sa 'kin ngunit nginisihan ko lang siya at mas inilapit ko ang sarili ko sa kasalukuyan niyang nakaupong pigura."I'm sorry, allergic ka nga pala sa mga magaganda," pangaasar ko pa at saka ko binalingan muli si Charley na mataman lang kaming pinapa
Magbasa pa
CHAPTER SIX
"Ang usapan, si Charley Solevan lang ang magiging target mong akitin! Hindi kasama pati iyung dalawa niyang anak!" frustrated na saad ni Dana sa 'kin habang nagpapaikot-ikot sa living room ng condo ko."Relax, okay? Alam ko ang ginagawa ko," saad ko na may pangungumbinsi sabay irap dito.Nabanggit ko na rin sa kanila ni Mike ang tungkol kay Harley na kalilipat lang dito sa tapat ng condo unit ko. At gaya ng inaasahan laking gulat nilang malaman na may isa pa palang anak si Charley sa labas."I can't believe na tatlong Solven ang mahuhulog sa 'yo," singit ni Mike, ang nakakatanda kong kapatid.Panganay sina Dana at Mike sa 'kin, pero hindi ko sila nakaugaliang tawaging Ate o Kuya, kahit na ako ang bunso at pinaka-bata."Bakit parang hindi kayo nangangambang dalawa? Ruby, alam mong hindi sila bastang mga tao lang! P'wede nila gawin sa 'yo kung ano ninanais nila," inis na saad ni Dana."H'wag ka ngang nerbyosa masiyado, para saan pa ang paghahandang ginawa ko? Akala mo ba hindi ko naiisi
Magbasa pa
CHAPTER SEVEN
"Ruby, sa tingin ko kailangan mong lumipat ng ibang location na matitirahan, hindi p'wedeng malapit ka sa anak ng target, malalaman niya ang bawat galaw mo," suhestyon ni Mike na ikinatahimik ko.Napapaisip din ako, tama siya hindi p'wedeng malapit ako kay Harley, hindi ko mawari kung sinadya niyang lumipat dito sa condo building na tinitirhan ko katapat pa mismo ng unit ko matapos niya 'kong makita nung gabi ng party. O baka naman coincidence lang ang paglipat niya? Ah basta! Kailangan ko pa rin mag-ingat."Pero hindi ba mas magiging madali kung kukunin ni Ruby ang loob at tiwala ni Harley para mas makakalap pa tayo ng impormasyon tungkol sa pamilya niya?" suhestyon naman ni Dana.May punto rin naman si Dana, kung tuluyan kong makukuha ang tiwala ni Harley, pwede ko siyang gamitin laban sa sarili niyang ama.Pinagiisipan kong mabuti kung anong mas tamang gawin."Tutal, gusto ka rin ni Charley, bakit hindi mo na lang kaya samantalahin ang pagkakataon, kaysa lumipat ng tirahan na mas m
Magbasa pa
CHAPTER EIGHT
Nagising ako dahil sa sunud-sunod na tunog ng door bell mula sa labas at naramdaman kong sumakit ng bahagya ang ulo ko dahil sa biglaang pagkakagising pero agad din kong bumangon at tumungo sa pinto.Hindi na ako nag-abalang tingnan sa intercom kung sino ito at agad ko na lang na binuksan ang pinto habang sapo ko ang gulo-gulo kong buhok.Pagbukas na pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Charley habang may bitbit na isang bouquet ng red roses. Kapwa rin kami nagkagulatan. ""Mr. Charley!" gulat kong bati at pupungas-pungas ang mga mata kong nagpa-lipat-lipat ng tingin sa kanya at sa hawak niyang isang bouquet ng red roses.Kita kong nabigla din siya sa itsura ko dahil naka-crop top lose sando lang ako at white pants idagdag pa ang messy kong buhok."Good evening, beautiful. Flowers for you," magiliw niyang bati sabay bigay sa 'kin ng hawak niyang bulaklak at agad ko namang kinuha mula sa kamay niya."I didn't expect you at this hour, ang bilis mo naman akong matunt
Magbasa pa
CHAPTER NINE
"Awww... you are jelous!" panunukso ko."Yes, I admit I'm jelous because I like you too and I also want to have you so bad, very, very bad," diretsuhan nitong paghahayag kasabay ng pag-kislap ng kanyang mga mata."Don't worry we didn't f*ck yet, nag-usap lang kami at niyaya niya lang akong mag-dinner nang kami lang dalawa," paglilinaw ko na nag-mukang isang paliwanag."Not yet? So, may balak ka talaga magpagamit sa kanya?" seryosong tanong niya."Yes, bakit? May masama ba do'n?" saad ko kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay na ikinaigting ng panga nito."Magpapagamit ka lang sa may edad pa. P'wede naman sa 'kin na lang? Na hindi nalalayo sa edad mo," saad niya na ikinahagalpak ko ng tawa.Nasapo ko ang tiyan ko habang siya nangunot naman ang noong pinapanuod ako hanggang sa tumigil ako at umayos ng tayo at hilam ang luhang tiningnan siya."You are making me laugh Harley, alam mo ba kung bakit Daddy mo ang gusto ko? Balita ko kasi ang lalaki, habang umi-edad mas lalong sumasarap," pilya
Magbasa pa
CHAPTER TEN
Bumangon na 'ko mula sa pagkakahiga sa sofa at binigyan ko siya ng mapang-asar na ngisi sabay hagod ko ng mahaba kong buhok at umayos ako ng upo at in-ekis ang dalawa kong makikinis at mapuputing hita, kita kong sabay na nagtaas-baba ang kanilang mga Adam's apple."Bakit ka nandito Kuya?" tanong ni Harley nang balingan niya na ito."Hindi ba may usapan tayong magkikita sa bar? I went here to fetch you because you took so long, tapos ito pala ang aabutan ko, kasama mo ngayon ang babae ni Dad," sagot ni Stefan ngunit ang atensyon niya ay nasa akin."Hindi siya babae ni Dad," pagtatanggol sa 'kin ni Harley ngunit tinaasan lang siya ng kilay nito at saka muli akong binalingan."Binabalak mo pa talagang pagsabayin ang ama at kapatid ko, you're such a greedy woman," pang-iinsultong saad ni Stefan."I didn't know na kapatid mo siya... na anak din pala siya ni Mr. Charley," saad ko at pasulyap kong tiningnan si Harley na naningkit bigla ang mga mata."Really?" hindi naniniwalang tugon ni Stef
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status