Semua Bab The Secret Wife: Bab 1 - Bab 3
3 Bab
SERENITY ARIA SILVA
SERENITY'S POV"Hoy, girl. Ano na? Manonood na ba tayo ng concern ni Ethan?"Mabilis akong lumingon sa kaibigan kong si Cindy. Katatapos lang ng last subject namin at kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko. Umupo pa siya sa harapan ko para mas lalo ko siyang mapansin. Ilang araw na rin kasi niya akong kinukulit tungkol sa paparating na concert ni Ethan James Claxton, ang isa sa pinakasikat na singer ng bansa. Magaling kasi talagang kumanta si Ethan at napakagwapo pa kaya naman marami talaga ang humahanga sa kaniya, at isa na ako doon."Alam mo namang wala akong budget, hindi ba?" ang nasabi ko na lamang."Serenity Aria Silva. Ano pa't naging Silva ka kung wala ka namang pambili ng ticket," naiinis na sabi naman sa akin ni Cindy.Huminga ako ng malalim. "Alam mo rin namang isa lamang akong sampid sa pamilyang iyon. At lahat ng binibigay sa akin ng pamilyang iyon ay pinaghihirapan ko."Literal na pinaghihirapan ko talaga. Malaki ang utang na loob ko kina Mama at Papa na umampon sa akin
Baca selengkapnya
ENCOUNTER WITH THE IDOL
SERENITY'S POV Katulad ng sinabi ni Cindy ay idinaan niya ako sa mall upang hindi na ako mahirapan mag-commute. Pagkababa ko ay mabilis akong pumasok sa mall. May kalakihan ang mall at sa kasamaang palad ay sa bandang likod pa ang bookstore. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na naglakad. Walang masyadong tao ngayon sa mall dahil siguro weekdays. Ngunit may mangilan ngilan akong nakikitang estudyante na nag-aaral din sa Black Ton University. Dahil nga sa mayayaman ang halos pumapasok doon, karamihan sa kanila ay ginagawang stress reliever ang mall. Halos limang minuto rin yata ang ginugol ko sa paglalakad bago makarating sa bookstore. Kinuha ko agad ang listahan at isa-isang inilagay sa basket ang mga nakalista doon. Lahat naman ng nakalista doon ay available kaya mabilis ko lang itong nakumpleto. Hindi nga ako nagkamali na umabot ng tatlong libo ang nasa listahan. Nang makapagbayad ako ay tiningnan ko ang orasan. Alas syete pa lang kaya may isang oras pa ako.Haban
Baca selengkapnya
THE NOTE
SERENITY'S POV"Bakit ngayon ka lang?"Ito agad ang bungad sa akin ni Mama pagpkapasok ko sa bahay. Nakaabang na rin doon sina Papa at ang si Samantha. Lahat sila ay masamang nakatingin sa akin."Pasensya na po, naipit lang po ako sa traffic," pagdadahilan ko naman dahil katulad ng sinabi ni Ethan, walang pwedeng makaalam na nagkita kami. At isa pa, panigurado rin naman na hindi ako paniniwalaan ng pamilyang ito."Alam mo bang kailangan ko 'yan ng 8pm? 30 minutes ka na'ng late," mataray na sabi naman ni Samantha."Pasensya na talaga," hinging paumanhin ko pa."Samantha, ipagawa mo na sa kaniya ang project mo para maipasa mo na bukas," seryosong sabi naman ni Papa.Kumunot naman ang noo ko. Walang nabanggit sa akin si Samantha na may project siya. Ang utos niya lang sa akin ay bumili ako ng mga school supplies na kailangan niya. Kalimitan naman kasi ay isang linggo bago ang pasahan ay sinasabi na niya sa akin agad ito upang hindi ako magahol sa oras.Itinapon sa akin ni Samantha ang il
Baca selengkapnya
DMCA.com Protection Status