TUMITILAOK na ang manok ng kapitbahay nila Carla. Tumatahol na rin ang mga aso sa daan. Maingay na sa paligid ngunit hindi pa rin siya magising. Padabog na binuksan ang pinto ng ina ni Carla ang kuwarto niya. Galit ito na makita ang dalawa niyang anak na nakahilata pa sa kama at napakalalim ng tulog.Napansin din nito na may mga bote ng gin, pitsel, baso, sigarilyo at mga balat ng chichirya na nakakalat sa lapag. Sa sobrang inis ng kanilang ina ay sumigaw ito ng napakalakas. “Mga batugaaaaaan! Gumising kayo! Wala talaga kayong silbi!” Unti-unting umunat si Carla na tila naalimpungatan sa pagkakatulog. Hindi naman niya pinansin ang ina at tumalikod lang upang ituloy ang pagtulog. Wala naman pakeelam ang bunso niyang kapatid sa ingay. “Hoy Carla! Ikaw pa naman ang panganay tapos ikaw pa ang gumagayak dito sa kapatid mo. Wala ka man lang ituro na maganda diyan. Gumagaya na
Read more