공유

CHAPTER 06

Isang matunog na tawa ang pinawalan ni Mark na siya namang kinabusangot ng mukha ni Pablo na kasalukuyang tumutulong na maibaba ang mga wala ng lamang plastic crates mula sa L300.

" Hindi nga? Nililigawan ka nga noong chicks kanina? " hindi makapaniwalang tanong ni Mark. " Tangina, ikaw iyong nasuntok niya pero siya ang tinamaan sa'yo? "

" Naglalaro lang 'yon. " sagot ni Pablo, binuhat ang huling magkakapatong na crates na nasa L300 saka ito ibinaba sa trolley na nasa harap ni Mark. Hinampas-hampas ni Pablo ang likuran ng sasakyan para bigyan ng senyas ang driver na nakuha na nila ang lahat ng crates at maaari na itong umalis.

" Hindi rin! Naglalaro ba 'yong pinupuntahan ka pa rito? Nasa probinsiya tayo, siya na sa siyudad! Nasa isa hanggang dalawang oras din ang byahe. Laro pa ba 'yon sa'yo? " Makahulugang tanong ni Mark, hinawakan ang handle ng trolley para itulak ito papasok sa loob ng bodega. " Sayang, hindi ko nakita kanina. Ano ba ang hitsura? Maganda ba? "

Sandaling tinapunan ni
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status