Please comment po on your thoughts hehe.
PALINGA-LINGA si Clarence habang naglalakad siya sa lobby ng hotel. Hinahanap niya si Mari para humingi ng tawad sa ginawa ni Kate kanina. Clarence asked the concierge on duty na si Lina. “Have you seen Mari?” tanong niya. Umiling si Lina. “Hindi ko po siya nakita. Ang alam ko kasi pinapaglinis siya sa opisina niyo, wala po ba sya do’n?” Ngumiti si Lina at hinawi ang buhok niya dahil sa kilig. “Uhm, ano po pala sasabihin niyo kay Mari? I-re-relay ko na lang po sa kanya.” Pinilig ni Clarence ang ulo nya. “Don’t worry, hahanapin ko na lang siya mamaya.” Ilang sandali ay nag-ring ang cell phone niya. Kaagad niyang sinagot ang tawag ni Mike. “Sir, nasa labas na po ako.” “Wait for me, Mike.” May lakad silang dalawa ni Mike dahil pupunta sila department store para simulan ang pagiging ama niya kay Gianni. Aalis na sana siya nang bigla niyang nakita si Mari kausap si Manager Patricia. Lumapit si Lina kay Mari. “Mari! Nandito ka na pala. Hinahanap ka ni Sir Clarence,” wika ni Lina ha
NAKATUNGANGA lang si Mike habang pinagmamasdan niya ang boss niya. Hindi siya makapaniwala sa kinikilos ni Clarence ngayon. Masyado na itong nagiging overacting pagdating sa anak nito. Right. This is his first daddy duty—ang bilhin lahat ng mga gamit sa department store para kay Gianni. “Here you go. Your-five-big-carts, Sir Clarence,” Mike emphasized those words. “Ibigay mo na sa kanila ang four carts. Atin ang isang cart dahil pupunta tayo sa toys area.” Napabuka ng bibig si Mike. Hindi pa nakuntento si Clarence sa pang-ho-hoard sa kids wear and accessories, at kailangan pa nilang pumunta sa toy area. Kung sabagay, hindi makukumpleto ang regalo kung walang mga laruan. Nanlaki na lang ang mata ni Mike nang sunod-sunod na ipinasok ni Clarence ang mga nahahawakan nitong laruan sa cart nila. Pinulot ni Mike ang isang laruan na para lang sa two to three years old. “Sir? Mukhang mali po ang nakuha niyo. Pang toddler to, e? Mag-se-seven na po si Gianni.” “Oh right! Sorry. Tulungan m
PINAKILALA ni Mari kina Clarence at Mike ang Lola Epiphania niya. Imbis na kamayan ng matanda ang mga ito ay muli siyang nagsalita.“E hindi ba’t birthday din ng anak mo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong muli ni Epiphania. Napalunok si Clarence at nanginginig ang buo niyang katawan sa kaba. Napatingin na lang siya kay Mike. Bakas sa mukha ni Clarence na kailangan niya ng tulong mula sa secretary niya. Samantala, hindi naman makapaniwala si Mari sa narinig niya mula sa kanyang lola. Totoo nga bang may anak na si Clarence? Tumikhim si Mike. Sinubukan niyang maging confident sa harap ng matanda para hindi sila pagdudahan. “Uhm, mali po kayo ng narinig. Hindi niya talaga anak ‘yon.” Kumunot ang noo ni Epiphania dahil klarong nadinig niya ang sinabi ni Clarence kahapon na birthday ng anak nito ngayon. “E paanong mali? Ang sabi niya sa akin ay anak niya raw?” Marahang tumawa si Clarence. Katulad ni Mike, he is also trying to act confident. Huminga siya nang malalim at napawi ang kaba
MASAYANG natapos ang birthday celebration ni Gianni. Nakauwi na rin ang mga bisita at niligpit na rin ng mga staff sa catering service ang mga gamit nila. It’s almost 7pm pero nakatulog na si Gianni sa sala dahil sa pagod. Lumapit si Mari at umupo sa bandang paanan ni Gianni. Napangiti siya rito dahil nasaksihan niyang nag-enjoy si Gianni sa birthday nito. Gusto niyang gisingin si Gianni para dumiretso na ito sa kuwarto nila ngunit hindi pumayag si Clarence. “No. Ako na ang magdadala sa kuwarto niya,” boluntaryo niyang sabi. “S-Sure ka?” nahihiyang sabi ni Mari dahil mabigat si Gianni kung bubuhatin ito. “Of course! Kaya ng muscle ko ‘to,” pabirong sabi ni Clarence kaya natawa si Mari. Magsasalita sana si Mari ngunit dahan-dahan nang binuhat ni Clarence si Gianni. Mike offered na sya na lang ang magbuhat pero hindi siya nito pinayagan. Dumiretso si Clarence sa kuwartong itinuro ni Mari. Pagdating niya sa loob ay maingat niyang nilagay sa kama si Gianni. He was smiling while
NAPATAAS ng kilay si Clarence nang makita niya na nasa loob na pala ng opisina si Mari. “Mari, kanina ka pa rito?” tanong ni Clarence. Nanlaki ang mata niyang makita ang PSA Marriage Certificate sa ibabaw ng lamesa.Malakas na pintig naman ng puso ang naramdaman ni Mari dahil sa kaba na baka nahuli siyang hawak niya ang marriage certificate kanina. “Uh, y-yes! Kanina pa po ako nandito.” Bumuga siya ng hangin at marahang tumawa habang pinipilit niyang maging kalmado. “Nag-early ako ng pasok para maaga rin akong matapos. Nakakahiya kasi sa mga kapwa concierge ko kung di ako papasok sa trabaho ko on time,” dugtong pa niya. Ngumiti si Clarence saka lumakad patungo kay Mari. Halos manghina ang mga tuhod ni Mari dahil sa bawat hakbang nito ay unti-unting naalala niya ang mukha ni Clarence no’ng gabing ‘yon, naalala niya no’ng gabing kasama niya ito sa bar, at higit sa lahat ay naalala niya ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Napalunok si Mari habang nakapukos ang atensyon n
MALUNGKOT na lumapit si Manager Patricia kay Mari habang hawak ang job offer termination saka binigay ito kay Mari. “Kailangan mo raw pirmahan, Mari,” walang emosyong sabi ni Patricia. Tinanggap naman ito ni Mari. Nanlaki ang mata ni Mari sa nabasa niya, totoo ngang pinahinto na siya ni Clarence sa paglilinis ng opisina nito. Ngumuso si Patricia saka siya nagsalita, “Nakakalungkot naman, pati ako hindi natuloy ‘yong offer.” Napataas ng kilay si Mari. May kung anong guilt siyang naramdaman sa puso dahil hindi niya sinasadya ‘yon. Gusto lang naman niya na makawala kay Clarence lalo pa’t nalaman na nito ang katotohanan. “Pasensya ka na, Ma’am Patricia. Hindi na kasi kaya ng oras ko isabay ang trabaho ko bilang concierge. At saka mas masaya ako rito. Alam mo na, minsan moody si sir. Nakakatakot,” wika ni Mari kaya tumango na lang si Patricia. “Kung sabagay, kahit ako ma-pi-pressure rin.” Agad na pinirmahan ni Mari ang termination letter at binigay ito kay Patricia. Pagkatanggap n
“MARI? Is that you?” ngiting gulat na sabi ng lalaki dala-dala ang mga gamit niya. Nanlaki ang mata ni Mari nang lumingon siya rito at saka masayang nilapitan niya ito. “Gabby? Oh my gosh! Ikaw na ba ‘yan?” tanong niya saka tinakpan ng kamay ang bibig niya. “Yes! It’s been four years since I left the Philippines!” Napatingin si Mari sa bitbit nitong mga bagahe na tila bang galing ito sa byahe. “Ngayon ka lang ba bumalik? Or galing ka sa Manila?” “Dumiretso ako rito para hanapin ka, Mari. Alam mo namang wala akong gaanong ka-close sa Manila.” Napangiwi si Mari. “Di nga?” pabiro niyang sabi kaya marahang tumawa si Gabby. “Oo nga. Saan ba naman ako pupunta kundi sa’yo lang? Like I have no close friends. My other close relatives naman ay nasa Manila dahil nasa States na lahat. At saka ikaw talaga pakay ko kaya umiwi ako ng Pinas.” Napabuga ng hangin si Mari saka tumawa nang marahan dahil na-touch siya sa sinabi ni Gabby. “Aww. Ang sweet mo naman, Gabby! Anyways, dito ka ba
KUNOT-NOONG nilapitan ni Mari ang lola Epiphania niya. Hindi niya inakalang pupuntahan siya ng dalawa. “La, anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Mari sa lola. “Nagpupumilit kasi itong si Gianni na makita ka. Pumunta kasi kami do’n sa cardbank para bayaran ang utang ko. E, malapit lang kasi rito kaya dumaan na kami ni Gianni.” May kung anong binigay si Epiphania sa apo, isang balot ng kakanin na binili niya sa daan. “O ito sapin sapin,” aniya nang iunat ang braso. Bumuntong hininga na lang si Mari saka tinanggap ito. “Nag-abala pa po kayo,” wika ni Mari nang tanggapin ito. Binaling ni Mari ang tingin niya kay Gianni, napansin niyang tuwang-tuwa na makita muli ang Tito Gabby nito. “Ba’t ngayon ka lang po bumalik, Tito? Sobrang na-miss talaga kita!” ani Gianni saka ngumuso ito kunwaring nagtatampo. Marahang natawa si Gabby saka niya kinarga ang bata kasabay ng pagtindig niya mula sa pagkakaupo sa couch. “Marami lang akong ginawa sa States kaya ngayon lang ako nakauwi. Gra