PITO: YAKAP
"Wala pa rin ang mga alaga ko?"Nagtipon-tipon kami rito sa mahabang mesa. Nagluto kasi si Manang Loyda ng adobong pusit.Ala siete na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi sila Tina at Tj. Ang sabi ni Ma'am Ana ay bago magdilim uuwi na sila pero bakit wala pa rin sila?"Ang sabi ni Madam, baka roon na raw niya sa bahay nila patulugin ang dalawa." Sagot ni Cecille sa tanong ni Manang.Napatingin ako sa kaniya. Busy na naman siya sa cellphone nito.Nasa kaliwang bahagi ako at si Mel. Nasa kanan na bahagi si Cecille katabi niya si Mang Kanor, Mang Kaloy at Joshua.Matutulog sa bahay nila? Saan ba ang bahay nila? Alam na kaya ni Sir Cuenca ito?"Kailan sinabi?" Tanong ni Manang Loyda. Nilagay niya sa gitnang mesa ang niluto."Mukhang masarap 'yan, ah!" Komento ni Mang Kanor."Ako nagluto, siyempre masarap talaga!" Nagmamalaki na sabi ni Manang. "Kailan sinabi, Cecille?""Ka-textWALO: PINAPANOODNagising ako nang maramdaman na may mabigat na bagay na dumadaan sa bandang tiyan ko. No'ng una ay binalewala ko lamang iyon dahil akala ko si Manang Loyda lamang ang nakadaan sa akin. Ngunit hindi kalauna'y sumagi sa aking isipan ang nangyari kagabi. Napabalikwas ako nang tayo nang maalala ang nangyari kagabi. "Hmm..." ungol ng katabi ko nang biglang tumilapon ang kamay niya pabalik sa kaniya. Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig na hindi iyon boses ni Manang Loyda. Dahan-dahan kong binalingan ang katabi at nanlaki ang mga mata ko sa nakita! 'S-Sir!' Sigaw ko sa isipan. Nakapikit pa ang mga mata nito. Gano'n pa rin ang suot niya ngunit mas nawindang ako dahil ngayon ay lahat ng butones niya ay nakabukas na. Malaya kong nakikita ang magandang niyang katawan. 'Tila ba sadyang nakahain ito sa akin. Halos maglaway ako sa ganda ng katawan niya. Ukit na ukit ang anim niyang mga pandesal
SIYAM: KAIN SA LABASIlang linggo na ang nakalilipas nang manatili at nagsimula akong magtrabaho rito sa manila, sa mansion ni Sir Cuenca, bilang isang katulong. Hindi ko inakala na gano'n ako kabilis makakahanap ng trabaho na hindi katulad ng mga naririnig ko noon sa probinsiya namin. Madalas ko kasing marinig na mahirap daw ang buhay dito sa manila. Mahirap daw makahanap ng trabaho at amo na mabait lalo pa kung mahina ang kukote mo na katulad ko. Sa kabutihang palad, pinalad ako na mabubuti ang mga tao na naging kasama ko sa pagtatrabaho. Mabilis na napalagay ang loob ko sa kanila pati sa mga anak ng amo ko. Laking pasasalamat ko kay Manang Loyda dahil nakilala niya ako no'ng araw na 'yon. At kay Sir Cuenca dahil tinanggap niya ako na maging katulong dito sa bahay nila."Aba'y kailan mo ba balak bumisita rito, Jossa?" tanong ni Tiya Lorna sa kabilang linya.Alas dies na ng gabi nang tumawag siya. Mabuti na lamang ay napatulog ko na si Tin
SAMPU: ANG LAKISa sobrang bilis nang pagtakbo ng oras at araw, hindi ko namalayan na isang buwan na pala ako simula nang magtrabaho ako rito kina Sir Cuenca.Medyo nakakaintindi na rin ako ng mga karaniwan at simpleng salitang Ingles sa tulong ni Tina. Kakahiya man na siya ang nagiging gabay ko ngunit nakakatuwa rin dahil nagtyatyaga siyang sabihan at itama ako. Natuto rin ako kina Manang Loyda at Mel dahil medyo marunong sila. Kaya kahit papaano ay naiintindihan ko na ang mga sinasabi ng mag-aama. "Oh, heto na ang sweldo na'tin ngayong buwan."Narito kami sa lamesa. Alas dies na ng umaga. May trabaho si Sir at may pasok naman ang mga bata kaya kami-kami lang ang narito sa bahay.May nilapag si Manang na brown na envelope sa mesa at kumuha roon ng maraming pera.Nagningning ang mga mata ko habang binibilang niya ang pera. Mukhang napakarami no'n dahil sobrang kapal. Pulos kulay asul pa. "Alam niyo na naman paano hatian 'di ba?" Tanong ni Manang at tinignan kami isa-isa.Tumango nam
LABING ISA: NAIILANGHALOS ayoko na lumabas ng silid ni Tina nang magising ako kinabukasan. Bukod sa mukha akong patay dahil sa makakapal na eyebag ko dahil hindi ako nakatulog kagabi nang maayos dahil hindi ako pinatulog nang nakita ko kagabi. Ayoko ko rin lumabas dahil nga sa kahihiyan na ginawa ko na naman kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang tinatago niyang sandata. Jusko ko po! Mas malaki at mas malapad pa ata iyon sa pulso ko. Hindi ako inosente para hindi malaman kung ano iyon at anong ginagawa niya sa mga oras na iyon. Sana lang ay hindi ko siya nabitin. Napailing ako sa iniisip. Ano ba iyang pinag-iisip mo, Jossa?! Ang aga-aga!“Yaya Jossa, ano pa pong ginagawa mo riyan? Hali ka na po. Bumaba na po tayo.”Tumayo ako sa kama niya. Inaayos ko kasi ang kama ni Tina nang sumagi na naman sa isipan ko ang nakita kagabi. Kailan ba mabubura iyon sa aking isipan? “O-Oo, hali ka na.”Hinawakan ko siya sa kamay at lumabas kami ng kaniyang siid. Lumunok ak
LABING DALAWA: PUMAYAG"Dad, my teacher told me po to remind you about our foundation week starting tomorrow po. And she also said that you already agreed po. Is that true, dad?" Kasalukuyan na nag-aagahan ang mag-aama nang sabihin iyon ni Tina kay Sir. Tumango naman si sir bilang tugon sa anak. "Yes, I'm going but I can't attend on Wednesday becuase I have meeting on that day so we'll attend on Thursday and Friday, okay?" sabi ni Sir habang nakatingin kay Tina. Nakangiting tumango si Tina. Bakas sa mukha at mga labi niya ang tuwa. "Yes po, Dad!" Magiliw na sambit ni Tina bago ako tumingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagningning ng mga mata niya dahil sa tuwa. "Sasama ka po sa amin, Yaya Jossa?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko iyon inaasahan. Bakit naman ako niya naisip na sasama ako? Mabilis na umiling naman ako agad."H-Ha? Hindi. Hindi pupwede, Tina, e. May gagawin pa si Yaya Jossa rito sa may bahay. Tsaka naroon naman si Sir. Siya muna ang titingin sa inyo." Nakangitin
LABING-TATLO: ANO ITONG NARARAMDAMAN KO? Muntik na kong tanghaliin nang gising sa mismong araw ng foundation nila Tina dahil sa puyat ko kakahanap ng magandang susuotin. Hindi agad ako nakatulog dahil nais kong maging kaaya-aya naman ang susuotin ko at ang sarili ko kahit papaano sa okasiyon na iyon.Mabilis akong kumilos para ayusin ang sarili at humabol sa ibaba kung saan naroon na ang mga bata at si sir na naghihintay. Nang natapos ay tumayo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ko ang sarili. Simple lamang ang suot. Typical na kasuotan lamang. Tanging puting pang-itaas at itim na pang ibaba ang suot ko. Nais ko sanang magsuot ng bestida katulad nang sinabi ni Mel kagabi ngunit parang hindi naman ata iyon naaayon sa dadaluhan ko at sa kung ano ako. Mas okay na iyong simpleng kasuotan na lamang. Ngumiti ako nang makita ang sarili. Mukhang ayos na naman ito. Inayos ko ang buhok bago ako napagdesisyon na bumaba. Nasa itaas palang ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Tina mula
LABING-APAT: Imahinasyon"HUY! Tulala ka na naman diyan? Ayos ka lang ba?"Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni Mel. Tumayo siya sa gilid ko at pinanood ako. Pinatay ko naman ang tubig na kanina pa pala umaagos at hindi sa halaman napupunta."S-Sorry..." mahinang saad ko."Ayos ka lang ba?" Pinagmasdan niya ako ng mabuti. "Napapansin kong wala ka sa sarili mo nitong mga nagdaang araw? May problema ba?"Agad akong umiling."W-Wala naman..." mabilis na sagot ko."Talaga ba?"Tumango ulit ako.Huminga naman siya ng malalim habang nakatingin sa akin."Kung may problema ka o may gumugulo sa isipan mo huwag kang mahihiyang magsabi sa akin ha? Makatutulong iyon para maibsan 'yang iniisip mo, okay?"Tahimik na tumango ako.Wala naman talaga akong sakit o anuman. Sadyang hindi lang ako tinatantanan ng aking isip. Ginugulo kasi ako ng isipan ko tungkol kay sir. Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya maalis sa isip ko.Matapos no'ng nangyari sa paaralan nila Tina ay may kung ano nang ga
LABING-LIMA: Hulog Na Hulog Ilang araw na ang nagdaan na sinubukan kong hindi magtagpo ang landas namin ni Sir. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko o hindi ngunit ito lang ang sa tingin kong paraan nang maiwasan ang anomang nararamdaman ko para sa kaniya. Mas lalong hindi tama ito. Hindi ako mangmang para hindi malaman kung anoman ito. At nais ko itong putulin na. Nais kong iwasan na habang maaga pa."Yaya Jossa, bakit po hindi mo na ako sinusubuan tuwing umaga? Laging si ate Mel ang sumasabay sa akin. Ayaw mo na ba kay Tina, Yaya?"Nasa loob kami ng sasakyan at patungo sa eskwelahan ng dalawa nang itanong sa akin iyon ni Tina. Nakaramdam ako nang awa sa bata. Hindi ko gusto na pati siya ay madamay sa pag-iwas ko sa ama niya ngunit kailangan iyon kung maaari.Inayos ko ag buhok niya saka isinukbit sa likod ng tenga niya."Sinong nagsabi na ayaw ko na sa'yo? Pagpasensyahan mo na si Yaya kung hindi ka na sinasabayan dahil may mga ginagawa lang talaga ako, ha?" ani ko. "Hayaan