Share

3

KAGAT ang labing napatago si Macy sa may napakalaki at bilog na poste sa loob ng mansyon ng mga de la Cueva. Tutop niya ang dibdib at humahangos. Yumakap siya roon na parang butiki saka sumilip sa tuktok ng salaming hagdan pero wala naman siyang nakita.

Lintik! Unang beses sa buhay niya na nakakita siya ng titi ng lalaki bukod sa Papa niya, at ganoon pala ang hitsura niyon kapag binatang maskulado ang may-ari. Bakit ang sa ama niya ay parang nalustay na talong sa pagkakuyumos samantalang ang sa lalaking iyon ay parang espada ni Zorro sa pagkatayo?

Yayk!

“Macy, a-anong…anong nangyari sa iyo iha?” Takang tanong ng Señora sa kanya pero wala siyang sagot. Nanatili siyang nakayakap sa poste na pati mga hita niya ay nakayapos din.

“You look so pale. What happened? Naihatid mo ba ang mga bulaklak sa kwarto ng anak ko?” sinipat nito ang mukha niya kaya napabitaw siya at tumayo nang pormal.

Sinampal niya ang mga pisngi niya para mamula.

Sunod-sunod ang naging pagtango niya. “A-Anak niyo p-po ba iyong ano…iyong pogi na mama na may ano…b-balbas? I-Iyong ano po…” malaki ang kwan.

Bakit naman hindi nito sinabi na hubad iyon? O baka hindi naman nito alam na hubad ang lalaking iyon na parang sa halip na mahiya sa kanya ay lalo pa yatang nagmamalaki?

Ngumiti si Margarita sa kanya. “Yes, iha. He will have his vacation for two weeks. Thank you. Here’s for you.” Ibinigay nito sa kanya ang dalawang libong piso. 1,500 lang naman ang lahat ng mga bulaklak at wala siyang panukli.

“W-Wala po akong panukli.” Kandautal pa siya dahil hindi maalis sa isip niya ang pagkahaba-habang pagkalalaki ng anak ni Señora Margarita.

Kung paanong hindi niya nakakalimutan ang walang kasing gwapo niyong mukha ay mas lalong hindi niya makakalimutan ang pag-aari ng lalaking iyon na parang b****a ng tanod.

“Keep the change, iha. It’s for you. Mamaya magkikita kami ng Papa Jesu mo sa simbahan at mangungumpisal ako sa kanya.” Ngiti nito at pinakahimas-himas ang kanyang mga kamay.

May dapat pa ba itong ikumpisal? Napakabait ni Margarita kahit na napakayaman. Nakakalabas-masok siya sa sa bakuran nito kahit na hindi dumaraan sa gwardiya, at sa bawat pagkakataon na napapasyal siya para mag-deliver ng lingguhang supply nito ng mga light pink na tulips ay palagi itong may pabaon sa kanyang mga prutas para raw lalo siyang gumanda.

At siya yata ang mangangailangan ng kumpisal dahil sa nakita niya.

“Macy, ito na ang mga paprutas.” Kekendeng-kendeng na lumabas si Rosario mula sa may kusina at bitbit ang isang basket ng mga prutas na kulay violet.

“S-Salamat ate, Rosary.” Aniya saka inabot iyon pero napalingon siya nang makarinig ng isang yabag sa may hagdan.

Lumingon kaagad siya at nasalubong ng mga mata ang anak ni Margarita na noon lang niya nakita.

His blue eyes are blazing, taking steps downstairs as if he owns the world.

Yayk!

“M-Mauna na p-po ako. Mauna na ako. Salamat po! S-Sal…amat!” nagmamadali siyang tumakbo papalabas at sa sa halip na sakyan ang bisikleta niya ay hinila niya iyon papalabas ng bakuran.

“Take care, Macy iha. Don’t hurry up.” Paala-ala sa kanya ng matandang donya pero lalo siyang tumakbo nang malingunan ang lalaki na nakatingin sa kanya.

Anong don’t hurry up? Inay! Nakatapi ng twalya ang lalaki at baka lumabas ang b****a niyon.

Kandatumba siyang ipinusisyon ang kanyang bisikleta at nagmamadaling sumakay, at kung kailan naman paarangkada na siya ay saka naman sumulpot ang isang sasakyan kaya tuluyan siyang sumalpok doon.

“Dios ko!” tili ni Margarita at siya ay parang pinukpok ng sansinukuban nang biglang mangulap ang kanyang paningin.

“Macy! Macy! Jesus!” bulalas ng isang boses lalaki at saka iyon bumaba sa kotse.

Kasusunod niyon na bumaba ang isang babae na may kargang baby. “Enriel! Nasaktan yata siya. Carry her, love.”

“Yes baby.”

“I will.” Sagot pa ng isang lalaki kaya mula sa pagkangiwi ay nanlaki ang mga mata ni Macy.

Agad siyang napalingon at mukha ng gwapong rapist ang sumalubong sa kanya.

She crawled right away. “I know how managed I am.” Lintik! Napa-ingles tuloy siya nang wala sa oras.

“What?!” sabay-sabay na tanong ng lahat sa kanya.

Para namang mga hindi makaintindi ang mga taong ito ng English. Mga naturingang asul ang mga mata ay hindi makaunawa ng salitang banyaga?

Napairap siya. “Kaya ko, sa maikling salita.” Gumapang ulit siya at naiyak nang makita na gasgas ang maganda niyang binti.

“Enriel! Buhatin mo na nga!” singhal na ni Kendra sa asawa pero bago pa man makakilos ang isa ay umangat na siya sa ere.

Susko! Papa, baka umuwi ako nang buntis nito. Patawad Papa ko.

Kagad labi siyang napapikit dahil ayaw niyang tingnan ang isa pang anak ni Señora Margarita.

“Ano ba at hindi ka nag-iingat sa pagmaneho, Enrique Gabriel?! Isusumbong kita sa Papa mo!” galit na sermon pa ng matandang babae sa panganay na anak na hindi naman sumagot at napatingin lang sa asawa.

“K-Kasalanan ko po. Nagmamadali po kasi ako. Hindi naman po kasalanan ni Kuya Enriel.” Salo naman niya at hindi niya napigil na huwag tumingin sa lalaking may karga sa kanya.

Nakasimangot ito na parang ito pa ang nasagasaan.

“Kahit na. Dapat ay alam niya ang preno ng sasakyan para hindi ka nabundol.” Sagot pa ni Margarita sabay irap pa sa anak. “Ipasok mo Hermès Hendrickson, iho. Ipasok mo.” Tinapik-tapik niyon ang balikat ng binata gamit ang pamaypay.

“Alin ang ipapasok ko, Ma?” tumingin ito nang diretso sa mga mata niya at hindi niya nagawang bumawi ng titig.

“Ipasok mo siya! Ano bang iniisip mong ipasok?! Mga bwisit kayo sa buhay ko! Makukunan ako sa inyo!”

“Ma, menopause ka na.” sagot naman ni Enriel na ikinahagikhik nila ni Rosario at ni Kendra.

Pigil na pigil ang hininga ni Macy hanggang sa makapasok sila sa mansyon.

Nang ilapag siya ng lalaki na Hermès Hendrickson daw pala ang pangalan ay saka lang siya nakahinga nang maluwag.

“What the hell happened here?” anang malagong na boses ng isang matandang lalaki na bumababa sa hagdan at inaayos ang suot na long sleeves ang nasulyapan ng dalaga, si Senior Enrico.

Umusog siya nang maupo sa tabi niya si Kendra at tiningnan ang kanyang mga gasgas.

“Nabangga siya ni Enrique Gabriel. Macy is bruised. Nakakahiya kay father Jesu.” Mangiyak-ngiyak na sumbong na kaagad ng asawang babae sa lalaki.

“It wasn’t my intention, Pa. I’m sorry, Macy. I can bring you to the nearest hospital.” Anaman ni Enriel sa kanya kaya umiling naman siya.

“O-Okay lang kuya. Maiintindihan naman ni Papa. Saka nagmamadali rin naman kasi ako.” Aniya saka pasimpleng sumulyap sa binatang nakatapi ng twalya habang nakapameywang.

“Are you sure? Call us if you feel pain, Macy. Don’t be stubborn this time.” Banta sa kanya ni Enriel kaya napasimangot siya.

“Opo. Uuwi na ako. Nangako ako kay Papa na sa misa niya ako magsisimba at…” napasulyap ulit siya kay Hendrickson. “Makapagkumpisal na rin.”

“Come with us, Macy. Papaalis na rin kami at para naman maipaliwanag namin sa Papa mo ang mga gasgas. Jesus…” ani Enrico. “Nasugatan na ang legs niya. Rosario, linisin mo ang mga sugat niya.”

“Naku, hindi na po. Malayo po ito sa puso. Doon na po ako sa simbahan maglilinis nito. Pahingi na lang ate Rosary ng alcohol, betadine at bulak.” Ngumiti na siya sa kasambahay na ultimano naman na sumaludo.

“Hendrick, hindi ka sasama sa amin, anak?” usisa na ng ama sa lalaking nakatayo at pinagmamasdan siya.

“No Pa. I’ll go out today. Now, if you’ll excuse me.” Tumalikod iyon at tuloy-tuloy na lumayo.

Nagkatinginan ang lahat na para bang may big deal sa pagtanggi niyong sumama sa pagsisimba.

“What is happening to him? I never raised him to become an anti-Christ.” Naiiling na tila ba dismayadong sabi ni Enrico.

Kumurap-kurap lang naman ang dalaga habang nakasunod ng tingin sa binata na papaakyat na sa hagdan. Unti-unti ay na-relax ang buong sistema niya dahil sa malaki niyong pag-aari.

“I am not an anti-Christ, Papa. I am not just in the mood.” Sagot naman ni Hendrick na ikinangunot ng kanyang noo.

“You hadn’t been in the mood for seventeen fucking years?” lumingon si Enrico at hinabol ng tingin ang anak na iiling-iling naman.

“Hell Papa. Leave me alone.”

Susko!

“Hendrickson, sumusobra na.” angil naman ni Margarita pero itinaas lang ng isa ang kamay sa ere.

“Sorry Pa.” aniyon na parang balewala lang.

Tumango lang naman ang matanda at saka tumingin sa kanya habang tutop niya ang bibig.

That was different.

“Sorry that you had to hear that, Macy.” Malumanay at malambing na ngumiti sa kanya si Enrico kaya tumango naman siya.

“K lang po.” She answered.

Okay lang pero ang weirdo ng dating ng anak ng mag-asawang de la Cueva.

Mukha iyong hindi ngumingiti pero mukhang mabait naman. Mukha ring may toyo sa ulo at mukhang palaging my susuntukin na tao.

Isa raw na anti-Christ ang binata. Miyembro ba iyon ng kulto kaya ganoon? Dalawang taon na siyang regular na nagdadala ng mga supply ng bulaklak sa mansyon ng mga de la Cueva at nakita niyang relihiyoso naman ang buong pamilya. Nakilala na rin niya ang bunso na si Eco at kahit maloko iyon ay palasimba rin naman. Mukhang ang pangalawang anak ang naligaw yata ng landas.

Nabawi niya ang tingin nang lumingon ulit si Hendrick at diretsong tumitig sa mga mata niya. Hindi niya gusto ang kanyang nakikita, isa iyong malaking titi sa paningin niya.

Marahas siyang umiling at tumayo. Mauuna na siyang pumunta sa simbahan dahil mangungumpisal na muna siya sa Papa niya bago ang misa. Kailangan niyang magpausok ng insenso at kamangyan para maalis ang malaking imahe ng pagkalalaki ni Hendrickson sa utak niya.

“Paalam na po. Mauna na po ako ha. Salamat po sa lahat.” Buong kagandahan na ngisi niya sa kukurap-kurap na donya.

“T-Teka! Your alcohol and…” paalala niyon pero tumakbo na siya papalabas.

“Babaye po! Sa uulitin.” Kaway niya kaya napangiti na lang si Enrico sa kanya.

“Take care, Macy!” ani Kendra kaya ngumiti siya.

Mabilis niyang kinuha ang bisekleta at salamat naman na hindi nabutas ang plastic ng basket ng mga prutas.

Agad siyang sumakay at pinasibad ang sasakyan. Dapat abutan pa niya ang Papa niya at hindi siya papayag na hindi siya pausukan niyon. Talagang nanakawin niya ang insensaryo at bahala ang nagmimisang pari na mamuti ang mga mata sa kahahanap niyon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status