MARCO
I heaved out a deep sighs. "I'm sorry Sofia." sabi ko pagdating namin sa labas ng gate.Nakangiting nilingon niya ako. "Bakit ka nagso-sorry?"Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Kung ano man ang sinabi sayo ni Mom pagpasensyahan mo na lang. Hindi ko sinasadya na kaladkarin ka dito sa bahay para pagalitan lang nila. Kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi ko sila binigla."Marahan siyang tumawa. "Kahit nga ako nagulat sa inanunsyo mo e. But I liked your Mom, really. She's nice at nakikita ko sa kanya ang Mommy ko. Parehong-pareho sila. Kinakabahan lang ako kanina kasi first time kong maranasan ang ganito. Ang ipakilala ng isang lalaki sa kanyang mga magulang. Hindi ko inaasahan 'tong ginawa mo kaya hindi ako mapakali, nanginig pa ako sa nerbiyos kanina pero masaya ako. Masayang-masaya." sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Nagulat ako sa kanyang mga sinabi pero mas lalo akong nagulat ng may bigla na lamang na humaharurot na itimMARCOKaagad binitawan ni Christian si Sofia at malakas na sinampal habang malutong na nagmumura. Bumagsak si Sofia sa sahig habang pigil-pigil naman ang nagdurugong tagiliran. Sinipa pa siya nito sa tiyan matapos tingnan ang kamay na pinunas nito sa mga labing kinagat niya. Namilipit si Sofia sa sakit.Samantalang ako parang tangang naestatwa sa aking kinatatayuan, nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa kanila. Gulong-gulo ang aking utak at natitigilan sa samo't saring pakiramdam na sumalakay sa akin matapos sabihin ni Christian na long time girlfriend at lover sila ni Sofia. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng isang timbang yelo. Biglang namanhid ang aking buong katawan habang pilit na inuunawaan ang mga sinabi nito.Pero paanong nangyari iyon e virgin siya no'ng makuha ko?Naguguluhan pa rin na tanong ko sa aking sarili.Nilapitan nito si Sofia saka padaskol na sinabunutan at pinatayo."Awww--! Damn you Christian--!" umiiyak na hiyaw ni Sofia.
MARCODamn... ano na ang gagawin ko?! Dito na ba ako mamamatay?!Nagpapanic na tanong ko pa sa aking sarili. Tatlong lalaki ang nakatutok din ang mga baril na nasa tabi ko. Wala akong kalaban-laban sa kanila. Hindi ako makagalaw! Paano pa ako makakaligtas nito? Isang maling kilos ko lang siguradong sabog ang bungo ko nito.T'ngna... nalintikan na talaga!"Police! Freeze, don't move!" malakas na sigaw ng Pulis na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.Pagtingin ko sa tabi ko may mga Pulis na rin na nakatutok ang mga baril sa tatlong lalaking komorner sa akin."Drop the gun!" sigaw ng Pulis.Humalakhak si Christian saka nilingon ang Pulis at nilipat ang pagkakatutok ng baril dito."I said drop the gun or else I'll shoot you!" sigaw ulit ng Pulis.Itinaas ni Christian ang dalawang kamay at dahan-dahan na binibitawan ang baril sa lapag habang walang tigil pa rin ito sa kakatawa na para bang nababaliw na.
MARCO"Bakit ba dito niyo ako dinala?" naiinis kong tanong sa kanila.Imbes na iuwi kasi ako sa bahay, dinala nila ako sa Hospital. Daplis lang naman ang tama ko, masyado lang talaga silang exaggerated. Nakipagtalo pa ako sa kanila kanina ng makita kong iba ang daan na tinatahak ni Keith. Ngunit hindi nila ako pinakinggan hanggang sa iparada nito ang kotse sa tabi ng Hospital. Pwersahan pa nila akong pinalabas ni Miguel ng sasakyan. At ang nagpapairita lalo sa akin ay ng dalhin ako dito sa Condo Unit ni Keith pagkatapos akong gamutin ng kaibigan niyang Doctor.Ayaw nila akong pauwiin sa bahay! Kung anong dahilan, hindi ko alam!Isa-isa ko silang tiningnan ng masama."Anong oras na natutulog na 'yon sina Tita, bubulabugin mo pa." katwiran pa ni Keith."Tsaka uuwi kang ganyan ang itsura mo?" sigunda ni James."Baka atakihin sa puso niyan ng tuluyan si Mom kapag nakita kang sugatan na naman." sabi naman ni Miguel.
MARCOPinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. "Bakit hindi niyo pa kasi aminin kung ano talaga ang nangyari sa inyo at bigla na lang kayo napasugod lahat dito sa bahay? Tapos apurado ka pang nagtatanong tungkol kay Vladimir." makahulugan na tanong ni Dad sa akin.Sabay-sabay pang napaubo ang mga hinayupak. Tiningnan ko sila ng masama. Now I realized kung bakit gusto nilang sumama sa akin dito sa bahay at ganun ang mga ikinikilos nila sa harapan ng mga magulang ko simula pa kanina pagpasok namin dito sa kusina. Para ibuking ako! Akala ko uma-acting lang sila. Hindi pala! Sinasadya nila at nang maghinala at mag-usisa ang mga magulang ko sa amin!Damn it...! Ano bang akala nila sa akin wala akong utak at makikipaglaban pa sa grupo ni Christian? Sabagay wala naman talaga akong utak. Sugod lang ako ng sugod. Hindi ko man lang inaalam muna ang kapasidad ng mga kalaban. Ni hindi ko nga inisip na maaaring mamatay ako sa padalos-dalos na mga kilos ko. P
MARCOKaagad akong napabaling kay Mom. "W-What do you mean kumalas si Sofia sa grupo nila? Tsaka pa'no mo nalaman?" naguguluhang tanong ko kay Mom."Kinausap ko siya sa sala kagabi diba?"Napailing ako. "Naniwala ka naman sa mga sinabi niya? E sa akin nga puro mga kasinungalingan ang sinabi niya tungkol sa kanyang sarili. Sa dami ng sinabi niya sa akin wala akong maalalang tama dahil no'ng bigla na lang siyang nawala na parang bula puro peke ang lugar na sinabi niya sa akin kung saan nakatira ang mga magulang niya. Ni hindi nga siya kilala ng mga taong nakatira doon nang puntahan ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong alam sa buong pagkatao niya. At ang masaklap muntik niya pa akong mapikot! Pero ang ipinagtataka ko bakit ginawa niya 'yon sa akin? Anong motibo nila?" sabi ko saka muling nagpabalik-balik ng lakad. "Tsaka bakit... bakit ako?!" turo ko pa sa aking sarili. "Ano bang atraso ko sa kanila para ganituhin nila ako? Para g*guhin ak
MARCODumeritso ako ng kwarto at nag-impake. Ilang importanteng gamit at mga papeles lang naman ang nilagay ko sa aking maleta. Hindi ko naman kailangan magdala ng maraming damit dahil meron ako no'n sa Condo. Pagkatapos kong magligpit nagtungo ako ng minibar para kumuha ng alak. Naabutan ko doon si Migz at Dad na umiinom. Sabay pa silang natigilan pagkakita sa akin.I smirked. "Bakit ganyan kayo makatingin? Nakaistorbo ba ako sa heart to heart talk niyong dalawa." sabi ko habang naglalakad palapit sa kanila.Kumuha ako ng baso at kaagad sinalinan iyon ng whiskey. Hindi sila umimik. Tahimik na nakasunod lang ang mga mata nila sa akin. Kunot-noong tiningnan ko sila habang sumisimsim ng alak sa aking baso.Umayos ng upo si Migz. "Hindi pa rin mahanap ni Dad 'yong kaibigan niyang kumupkop sa kanya noong maiwan siya sa Isla Alona ni Grandma.""Si... Philip?" tanong ko.Tumango si Dad. "I hired an investigator pero until now wala pa r
JILLIAN"Hello... Jordan? Hello..? Hello..?" paulit-ulit kong tawag sa kaibigan ko ngunit hindi ito nagsasalita sa kabilang linya.Wala rin akong marinig na kahit ano. Tiningnan ko ang screen pero connected pa rin naman ang tawag. Bwisit..! Inis na inis na pinatay ko ang tawag at muli siyang tinawagan. Ngunit out of coverage na ang number niya. Frustrated na napapadyak ako sa aking kinatatayuan.Nandito ako sa labas ng SM sa may bayan. Tumawag ang kaibigan kong si Jordan sa akin kanina na dito kami magkikita. Galing pa siyang Manila. Pumunta lang siya dito para isakatuparan ang surprise namin sa birthday ni Inay mamaya. Nagkunwari pa akong hindi naalala ang kaarawan nito kaya ayon malungkot na iniwan ko sa bahay kasama si Cheena at Blessie na pilit inaaliw ang Inay.Simula kasi ng malulong ang Inay sa alak never ko na siyang iniwan pang mag-isa sa bahay. Kahit nahihiya na ako sa mga kaibigan ko kinakapalan ko na ang aking mukha 'wag lang
JILLIANPinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Bitawan mo ako." He smirked. "Kaya mo na bang tumayo mag-isa?" nakakalukong tanong niya pa sa akin."Anong akala mo sa akin pilay? Bitawan mo na ako." singhal ko sa kanya saka muling tinanggal ang braso niya pero parang wala atang planong pakawalan ako ng damuhong na 'to. "Sinabi ng bitawan mo ako!" sabi ko sabay tulak sa kanyang dibdib.Tumawa siya saka mabilis akong binitawan sabay taas pa ng kanyang dalawang kamay animo'y sumusuko.Tiningnan ko siya ng masama habang inaayos ang nagulong damit ko at shoulder bag. "Ayaw mo pa akong bitawan ah. Nananantsing ka lang na bastos ka.""Whoa...! Ako pa talaga itong bastos? Pasalamat ka nga naagapan kita. Kung hindi baka bumagsak ka na sa sahig kanina pa." nakakalukong katwiran niya pa sa akin.Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. "Bakit ako magpapasalamat sa'yo e kasalanan mo din naman dahil nambabangga ka? Ang laki-laki nama