Share

Chapter 3

"Naku Ma'am kung alam mo lang kung gaano ako kagigil sayo non. Sinabihan mo naman ako ng matabang pig??" pagmamaktol pa ni Ate Ruby habang kinukwento sakin yung mga ginawa sakanya ni Audrey na may halo pang pag-demonstrate kaya kita ko ang bawat detail sa mga sinasabi niya, parang doble kara lang.

Nagtawanan silang lahat at halos lahat sila ay sinasabi sakin lahat ng mga na experience nilang kamalditahan ni Audrey sa kanila. Mabuti nalang at wala itong ginawang physical abuse sakanila o ano, tanging verbal lang naman ito pero kahit na! Masakit pa rin iyon lalo na at hindi madaling mabura sa isipan ng isang tao ang masasamang salita na natatanggap nila.

Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil medyo hindi na sila naiilang sakin. Pinilit ko pa nga silang makipag inuman ng alak pagkatapos naming kumain upang sa ganon ay matanong ko silang lahat tungkol sa buhay ni Audrey o sa buhay nilang mag asawa sa oras na malasing sila pero hindi natuloy kasi wala naman palang alak dito kaya juice nalang.

Nung una ay medyo nag alinlangan pa silang ikwento sakin pero pinilit ko talaga sila ng todo hanggang sa naging katuwaan nalang namin ang mga na experience nila kay Audrey at maski ako ay natatawa at binabash na rin si Audrey kahit na ako na ito ngayon. Ilang oras din ang itinagal bago sila naging komportable sakin at ayos na rin iyon.

Napapaisip tuloy ako. Madali naman silang makasama at ang sarap pa nga nilang ka kwentuhan pero bakit napakahirap gawin ni Audrey ang makipaghalubilo ng maayos sakanila? Sadyang may ganoon nga talagang tao.

"Ang hindi ko talaga makakalimutan ay nung inutusan mo po akong bumili ng sigarilyo at nung time na po kasi nun masama ang pakiramdam ko pero wala akong nagawa dahil 'ano daw ba kasi ang karapatan ko na tumanggi sayo Ma'am kaya ayon dahil sa takot kong mawalan ng trabaho ay nagmamadali talaga akong bumili ng isang kaha ng sigarilyo doon sa malapit na department store"

"Oh tapos?" na cu-curious kong sabi habang palipat lipat yung tingin ko sakanila dahil parehas silang lahat na nagpipigil ng tawa.

"Nakalimutan ko pong bumili ng sigarilyo. Nawala po sa isip ko ang utos niyo ho at dahil sa sama ng pakiramdam ko non , ang nasa utak ko ay ang bumili ng gamot" nagtawanan silang lahat sa kwento ni Ate Ruby at pati ako ay natawa narin.

"Kung may ritemed ba nito?" Kanta pa ni Manong Ben na siyang ikinatawa namin lalo.

"May dala pang resibo kaya ayon nabulyawan mo lalo" dagdag pa ni Manang Nelita at halos mabaliw na ako kakatawa.

Tapos na silang tumawa at ito parin ako hindi maka move on. Aminado talaga akong mababaw lang talaga ang kaligayahan ko at matagal na maka move on kaya ito sa tuwing na tinitignan ko ang mga pagmumukha nila ay diko mapigilan na di tumawa kahit na wala pa naman silang sinasabi.

Sandaling katahimikan at biglang nagtasalita si Kuya Roberto.

"Ako! Ako naman Madam" pagtaas pa ng kamay ni Kuya Roberto.

Hindi pa nga siya nag kwekwento ay napahalakhak nanaman ako ng tawa dahil sa mukha niyang namumula na para ng lasing eh juice lang naman tong iniinom namin.

"Hala si Ma'am di pa nga nag kwekwento" sabat pani Keira.

Magsasalita na sana ako ng bigla akong naunahan ni Keira.

"Ay si Sir! Magandang gabi po Sir" masiglang bati niya sabay kaway rito habang hawak ang isang wine glass na ang laman lang naman ay juice.

Hindi ko alam kung bakit lahat ng tawa ko ay bigla nalang nawala at nanigas nalang ako bigla sa kinatatayuan ko. Kahit kita ko siya sa peripheral vision ko ay ayaw kong humarap sa pwesto niya.

Lahat sila ay binati ang lalaki.

"Nasan si Kaiden Manang?" tanong pa nito. Hindi naman ako ang tinatanong niya pero bigla nalang akong kinabahan dahil sa tono at lamig ng boses niya. Nanahimik tuloy kaming lahat.

"Nasa taas na Sir. Pinatulog ko na kanina" sagot ni Manang Nelita.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko ng dinaanan niya ako at lumapit doon sa mesa para ilapag ang dalang pizza at ice cream.

Nanlaki ang mata ko at biglang natakam. Omg! Ang paborito kong pagkain! Tila parang naging ulap tuloy ang paligid at tanging ang pagkain na nasa mesa nalang ang nakikita ko.

"Sainyo po yang isang box ng Pizza at ice cream Manang. Pakilagay nalang yung iba sa ref para kay Kaiden"

Medyo tumingkayad pa ako para silipin kung anong flavor ng ice cream ang dala niya. Mas lalong nagningning ang mata ko. Vanilla!

"Ay naku Sir , Maraming salamat" natutuwang pasalamat ni Manang at pati silang lahat ay nagpasalamat na rin at nahihiya pa silang buksan ang isang box ng pizza pero kalaunan ay masaya rin naman nila itong kinain. Mga langya di ba naman ako niyaya.

Napaayos ako ng tindig ng mapunta ang mga tingin niya sakin. Kunot noo niya akong tinignan mula ulo hanggang paa na para bang sinasabi niyang 'bakit pa ako nandito'

Imbes na yumuko ay napanguso nalamang ako habang tinitignan yung dala niyang pasalubong dahil sa gusto ko ring kumain non pero hindi naman ako niyaya. Kahit na ramdam ko ang mga titig niya sakin ay pilit kong hindi siya pansinin na parang wala siya dito.

"Ay Sir, kumain napo ba kayo? May marami pong ulam Sir ,puro masasarap" nakangiti pang sabi ni Keira sakanya nagulat nalamang ako ng tignan ako ni Keira saka ako kinindatan na para bang sinasabi niyang 'ako bahala sayo sis'

"Oh really? Hindi pa naman ako gutom pero sige basta luto ni Manang" napangiwi nalamang ako sa sinabi niya. Pansin ko ang tinginan nilang lima sa isa't isa pagkatapos ay tinapunan nila ako ng tingin.

Sinundan ko siya tingin na kasalukuyan ng kumukuha ng plato at nagsasandok na ng kanin samantalang si Manang ay inihain iyong isa pang niluto kong chicken stew.

"Ay Sir, luto po yan ni Ma'am Audrey tikman niyo po, sobrang sarap po" pagpatuloy pa ni Keira habang tinitignan ako sabay thumbs up.

Bakit ba gumaganyan siya? Mabuti nalang at nakatalikod itong lalaki samin at hindi nakikita tong pinanggagawa niya.

Sandaling natigilan ang lalaki at inilapag bigla ang plato.

"Ayos ka lang ba Sir?" nag aalalang tanong ni Manang Nelita sakanya.

"Sa taas lang muna ako Manang" deritsong sabi niya sabay lakad ng mabilis palabas sa may kusina. Pagkaharap pa nga niya ay saktong nagkatinginan kaming dalawa pero hindi iyon nagtagal dahil agad niya rin naman akong nilagpasan.

"Aba Sir paano itong inihain kong ulam?" Turo pa ni Manang sa ulam na nilagay na niya sa mesa.

"Itapon mo nalang" malamig na sabi niya sabay tuluyang umalis. Lahat sila ay napamaang at walang masabi samantalang ako ay napanganga sa inis at wala sa sariling napamewang na tila parang nag iipon ng pasensya.

Aba! Itapon?? Hindi pwedeng ilagay nalang ulit sa ref? Bakit kailangan pang itapon? Eh kung itapon ko sa pagmumukha niya nang sa ganon ay malasahan niya gano kasarap yung niluto ko?

Napatingin ako kay Kuya Roberto nang napailing ito.

"Hindi namin masisisi si Sir 'Ma'am Audrey, sa lahat ba naman ng ginawa mo baka iniisip ni Sir na may lason ang niluto mo" parehas silang lahat na nagpipigil ng tawa lalo na si Keira. Tanging si Manang lang yata ang sumita sakanya.

"Aba porke nakipag close ako sayo Kuya Roberto ha, may paganyan ganyan kana sakin baka ikaw ang lasunin ko, suggest ko lang" bigla siyang namutla at napakamot sa kanyang leeg at siya naman ang pinagtawanan nina keira at Ate Ruby.

"Joke lang naman Ma'am" matigas nitong sabi. Napaismid nalamang ako.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status