Share

CHAPTER 2

CHAPTER 2

First installation of A Wife's Grief Series

WRITTEN BY

MissteriousGuile

A WIFE'S SORROW

ROSEGAIL'S POV

Napamulat ako, inilibot ang paningin sa paligid. Nakahiga parin ako sa pwesto kung saan nawalan ako ng malay. Natuyo na ang dugo sa ulo at kamay ko dahil sa bubog kanina. May nakita pa rin akong bubog sa kamay ko, maliit lang s'ya pero mahapdi.

Kinuha ko ang maliit na bubog at dahan dahang tumayo.

Hindi man lang ako inalagaan ng asawa ko, ganyan na siguro kalaki ang galit n'ya sa'kin. Natitiis n'ya ako. Ang sakit lang.

Pagmulat ko ng mga mata ay nadatnan ko ang magulong paligid dahil sa pagwawala kanina ng asawa ko.

Sobrang sakit dati ayaw na ayaw n'yang nasasaktan ako pero ngayon s'ya na ang gumagawa ng mga bagay na makakasakit sa'kin.

Napasandal ako sa dingding, umiiyak na naman ako. Ang sakit sakit kasi, gusto ko nalang maglaho. Gusto ko nalang na bumalik sa dati, yung masaya pa kaming dalawa. Yung hindi pa nangyari ang trahedyang 'yon.

Napatingin ako sa suot ko, punit punit ito. Hinubad ko nalang at nagbihis. Humihikbi ako, ang sakit kasi.

Minsan gusto ko nalang kwestyunin ang Panginoon, bakit ako ang sobrang pinapahirapan n'ya eh ako ang nawalan. Ako ang sobrang nasaktan!

"Bakit ako nalang lagi!? Bakit! Anong ginawa ko! Lagi nalang ako! Ang sakit na, hindi ko na kaya!" Humagulgol ako habang nakayakap sa damit na isusuot ko sana.

Ang sakit sakit na. Sobra. Gusto ko na sumuko, gustong gusto ko na.

Pero kapag napatitig ako sa singsing na suot ko, na kahit ako nalang ang nakasuot nito kasi tinapon ng asawa ko ang singsing n'ya.

Naiisip ko ang mga nangyari noon, ang pagmamahalan namin noon. Kumakapit ako dahil dun.

Hinalikan ko ang singsing ko sabay ngiti. Ito nalang ang natitira sa'kin.

Pinahiran ko ang mga luha at tumayo. Parang nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang singsing. This ring is the one who keeps me fighting for our love. Ito nalang ang natira sa'kin.

Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog.

Fleen Calling

Ngumiti muna ako and composed myself and picked up the phone para sagutin ang tawag.

"May problema ba kayo ng asawa mo? I think I just saw him in a bar a while ago. Or pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko?" Hindi nila alam, hindi alam ng pamilya at mga kaibigan ko ang labis na galit sa akin ng asawa ko.

Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat pero alam ko namang hindi sila maniniwala, they love Thorn so much because they thought that Thorn is a freaking prince charming.

"A-uhm may konting hindi pagkakaintindihan lang b-but we're good." Saad ko kay Fleen.

Fleen Arcandez is my friend and Thorn's bestfriend. Siya rin ang lalaking labis na pinagseselosan ni Thorn pero sinabi ko naman kay Thorn na s'ya lang at walang iba.

But Thorn is Thorn, hindi s'ya makikinig sa'kin. Mas nakikinig s'ya sa iba kaysa sa akin na asawa n'ya. He wanted to dominate, gusto n'yang siya lagi ang nasusunod.

"Okay, ayusin n'yo 'yan ha? Sige, my date is here. Baba ko muna to, I wish you well Gail."

Napatitig ako sa cellphone ko, wala na akong kausap. Pinatay na n'ya ito.

1 message received

"Ow I forgot, I saw Thorn in Yttrium's Bar. You know where is it right?" He texted me. Nakalimutan n'yang sabihin kanina.

Nagtipa ako ng reply.

"Yes, I'll be there."

Nagbihis na ako, nagsuot lang ako ng simple na dress at jacket. It's already 11 PM at baka wala na akong masakyan. I can't use the car kasi hindi pwede. Thorn will he mad at me.

Hindi n'ya gustong pinapakialaman ko ang mga gamit n'ya.

Lumabas ako sa subdivision, buti nalang kaibigan ko ang guard na naka duty dun at itinawag n'ya ako ng taxi.

"Ingat po ma'am!" Kumaway s'ya sa'kin at ngumiti.

"Thank you Kuya!" Ngumiti ako pabalik.

Habang sa byahe kanina ko pa napapansin ang driver na kanina pa tumingin tingin sa akin.

Kinakabahan na ako, yung tingin n'ya kasi parang may pinahihiwatig.

"Saan po tayo?"

Buti nalang sa likod ako umupo kaya hindi s'ya makalingon ng todo sa'kin. Kinakabahan na ako sa way ng pakikipag-usap n'ya sa'kin.

"Sa Yttrium's Bar po." Yttrium's Bar is owned by my friend Carnasyon Maria Ziel Batobalani. She's one hell of a fine woman now.

"Ma'am gabi na ngayon ah? Bakit nasa labas kapa?" Pasimpleng lumingon sa akin ang driver kaya kinuha ko ang phone ko at nag text.

"Fleen help me, the driver kinakabahan na ako sa kanya please. Tawagan mo ako." I texted him kasi wala na I can't think straight.

Iba ang nararamdaman ko sa driver na 'to.

"Wala naman manong, may pupuntahan lang." I said in almost a whisper.

Mahabang balbas at malaking katawan. Nakakatakot. Yan ang tamang maidedescribe ko sa driver. Hindi naman sa pang aano pero nakakatakot ang itsura n'ya kasabay ng mga pagtatanong at pasimpleng palingon lingon n'ya.

"Sa isang Bar ka pa pumunta talaga ma'am ah." Hindi ako sumagot.

Buti nalang sa likod ako umupo, in this time dapat sa likod umupo ang mga pasahero lalo na kapag babae at gabi na.

Tumigil na ang mama sa pagtatanong pero minutes later ay nagsimula na naman s'yang magtanong ng mga bagay bagay. I stay still. Hindi ako sumasagot, hinihintay ko ang tawag ni Fleen.

1 message received

"I'm sorry ngayon ko lang nabasa ang text mo. Wait."

Fleen Calling

"Fleen malapit na ako nakasakay ako sa taxi and text ko nalang ang plate number para malaman mo na ako na 'yon. Maghintay ka sa labas ha?" Saad ko agad.

Hindi ko na pinagsalita si Fleen, dinaldal ko lang s'ya. Sinabi ko ang mga information ng sinasakyan ko. Medyo malakas ang boses ko kaya alam kong maririnig ng driver ang mga sinasabi ko.

Pinili kong lakasan at sabihin ang mga informations dahil baka pag may mangyari sa akin may alam sila.

Tumigil na sa pagtatanong ang driver, natigil na rin ang pasiklap siklap n'ya sa akin. Naka open parin ang cellphone, nakikinig lang si Fleen sa mga sinasabi ko hanggang dumating ako sa bar.

Dali dali akong bumaba at pumunta sa counter para magtanong. They know Thorn at kilala rin ako rito kaya madali lang.

"Ahh ma'am I saw Sir Thorn a while ago and he's with a girl. Akala ko po ikaw 'yon." Kumabog ng mabilis ang puso ko kasabay nito ang sakit.

Parang pinupunit at tinutusok, nasasaktan na naman ako. Sinasaktan na naman n'ya ako.

Pinipigilan kong umiyak kasi ayaw kong makita ng ibang tao na mahina ako.

"Saan sila pumunta?" Halos bulong na saad ko.

"Jan po, may kwarto banda jan may daan at sa kaliwang kwarto jan ata pumasok ang asawa mo."

Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko, kasabay ng pagkabasag ng cellphone ko ay ang pagkadurog ng puso ko.

********************

Hit it dudes

—MissteriousGuile

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status