Share

Canteen Trouble

Clementine POV

"Oh? Tapos?" Tanong sakin ni Lit, nandito kami ngayun sa canteen dahil break time na.  Naka upo kami ngayun dito kaharap ang table. Kinukwento ko sa kanya yung mga nangyare kanina.

"Tapos pinalipad nanaman niya yung upuan ko. Hindi ko naman kasalanan kong nasagot ko yung tanong sakin nong teacher namin."sabi ko at kumagat sa sandwich.

"Tapos nainis ako kasi dalawang beses niyang ginawa sakin yun. Sa inis ko sinabihan ko siya ng 'Talaga bang epal ka o trip mo ako? Kung nag papapansin ka dahil may gusto ka sakin pwes sabihin mo nalang ng deretso hindi yung nag papapansin ka sakin at trip mong paliparin ang mga upuan ko!' Yun tapos tumawa yung buong Vaughn." Kwento ko.

Nalaglag naman yung hawak niyang sandwich at nanlalaking matang tumingin sakin.

"Grabe, nasabi mo yun sa kanya?"tanong niya.

"Oo. Nakaka inis na kasi sya ang hilig hilig niyang mag palipad ng upuan."sabi ko.

"Tine, mali ang nakalaban mo. Sa buong Vaughn si Fin ang nakakatakot."sabi niya.

"Hmm? Dahil ba sa medyo badboy siya?"tanong ko.

"Hindi, dahil sa buong Vaughn si Fin ang kakaiba. Si Fin kasi kalahating Bampira kalahating elementalist. Nakokontrol niya ang apat na elemento yung apoy, tubig,lupa at hangin. Ang nanay niya kasi is isang elementalist. at si Fin na kinalaban mo ang makapangyarihan sa lahat, ang makapangyarihan sa buong Vampire high." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Porket makapangyarihan siya kailangan ng VIP treatment? Pare parehas lang naman tayong nag aaral dito at nag babayad ng tuition eh." Sabi ko.

"Maliban sayo." Sabi niya.

"ay oo nga pala libre lang ako dito."sabi ko at napakamot sa ulo.

"Basta Tine masamang kalabanin si Fin, ni wala pa ngang nakaka hawak don eh."

"Oh? Kaya pala galit na galit siya ng mahawakan ko sya."sabi ko.

"Nahawakan mo sya?!"patanong niyang sigaw na talaga namang gulay na gulat.

"Paparating na ang Vaughn Siblings!" Napa tingin kami don sa pintuan at gaya ng unang nakita ko kung pano mag si pasukan ang Vaughn Siblings ay naganap nanaman.

Ang kaso lang ay kasama na si Fin at talaga namang ako ang unang tinignan pag pasok na pag pasok niya. Sobrang sama ng tingin niya sakin.

Gaya ng una kong nakita don ulit kumain sa taas ang mga Vaughn.

Umakyat sia don dahil may mga pagkain na don. ang kahuli hulihang nag punta don ay si Fin.

Tumingin ako kay Lit na mukhang balisa.

"Ayus ka lang?"tanong ko.

"Oo naman."sagot niya at ngumiti.

"Tara na?"tanong ko. Tumango siya kaya tumayo na kami. Akmang mag lalakad na kami ng mabasa ako. Teka ano?

"Owwww." Halos lahat ng nakakita ay nag sabi non.

"Hala Tine basa ka. " sabi ni Lit.

"Opss natapon sorry sadya." Napa tingin ako sa taas na nag sabi non. Si Fin.

Si Fin na walang ibang ginawa kundi paliparin ang upuan ko.

"Hahaha bro bat mo binasa?"natatawang tanong ni Von.

"Syempre trip niya lang hahahaha."sagot naman ni Van.

"hahahaha ayus lang naman, alam ko namang may gusto ka sakin dahil kanina ka pa nag papapansin."sabi ko kaya biglang natahimik ang buong canteen.

"Tine ano bang sinasabi mo?"bulong sakin ni Lit.

Hindi ko siya pinansin.

"Ayus ah, kanina pag papalipad lang ng upuan ngayun naman pag bubuhos ng wine. Ano kaya sunod? Baka masanay na ko niyan."sabi ko at nag thumbs up pa.

"kung manliligaw ka sabihin mo agad hindi yung nag papapansin ka pa." Sabi ko at tumalikod.

"owww bara hahahahaha isang puntos para kay Ms Kozet." Rinig kong sabi ni Liana.

Akmang mag lalakad na ako ng biglang nasa harap ko na si Fin at talaga namang nababalutan siya ng black awra.

"Anong sabi mo?"tanong niya at lumapit sakin.

Umatras naman ako.

Lapit atras ang trip namin ngayun. Hanggang sa nasanggi ko na yung mesa namin na inuupuan kanina ni Lit.

"Joke lang naman eh."sabi ko at napa lunok. Tumingin ako kay Lit na naka yuko halatang takot na takot sya.

Binalik ko ang tingin kay Fin na masama parin ang tingin sakin.

"Bakit ba kasi binuhusan mo ako ng wine? Wala naman akong ginagawa sayo." Sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin. Ngayun sya naman ang mukhang natakot.

"Alam mo bang iisa lang ang uniform ko? At lalabhan ko to para lang maka pasok ako tapos ikaw bubuhusan mo lang ng dugo? kung hindi ka ba naman abnormal para gawin yun!" Sabi ko.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Pasigaw niyang tanong.

"Kasi nakaka gago ka na!" sigaw ko para matigilan nanaman ang lahat.

"Hoy sisingit lang ako ha. Clementine, ikaw palang nakakapag sigaw sa harap niyang si Fin at ikaw lang nakapag mura sa kanya. Congrats." Sabi ni Liana at kinindatan ako. Nanlaki ang mga mata ko at tinignan si Fin na anytime ay mag tratransform na sa sobrang galit.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang lumutang ang isang juice na nasa tabi niya at binuhos yun sakin..

"Sa susunod na kalabanin mo ako hindi lang yan ang matitikman mo. Hindi pa tayo tapos."pagkasabi niya non ay nawala siya sa harap ko kaya napa tingin ako sa taas kung saan nakalagay yung lumulutang na upuan ng mga Vaughn.

Nandon siya at nakatalikod sakin.

Napa yukom ako ng kamao at kinuha yung cake na nasa gilid. Yung isang buong cake. Chocolate cake pa naman sayang.

"Hoy Fin!" Sigaw ko kaya napatingin sakin ang lahat ng Vaughn. Tumingin sakin si Fin at sakto namang binato ko papunta sa kanya yung cake at bulls eye! Tama sa mukha.

"Oh my ghad!" Sabay sabay na sabi ng lahag ng nakakita.

Napa tayo ang mga Vaughn sa upuan nila at humagalpak ng tawa. As in lahat ng Vaughn tawa ng tawa.

"Hoy Fin! Nakaka dalawa ka na ay hindi nakaka apat ka na. Dalawa sa pag papalipad ng upuan tapos dalawa sa pag buhos sakin ng inumin. Pasalamat ka yan lang ang ginawa ko sayo. Ang yabang yabang mo akala mo kung sinong kagwapuhan mukha lang namang pwet ng kalabaw."pag kasabi ko non ay hinila ko na palabas si Lit habang wala paring tigil sa pag tawa ang mga kapatid niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status