CHAPTER FOUR
Ziah's POV
Maaga akong umalis ng bahay dahil ngayon ang araw ng birthday celebration na nagpabook sa'min ng mga bulaklak. And since ito ang una kong client na mukhang engrande ay talagang pinaghandaan namin ng mabuti.
"Ilang taon na raw ang magbibirthday?" tanong ko kay Xander habang nasa byahe kami.
"Twenty-four na daw," sagot nito.
"Oh? Sana all, bongga ang birthday kahit twenty-four na."
Natawa naman si Xander sa sinabi ko kaya hinampas ko ito sa braso.
"Huwag kang tumawa dahil totoo naman."
"Baka naman kasi mayaman, Ma'am Ziah."
Taman naman si Xander, kung mayaman ka talaga kahit araw-araw ka magpaparty ay okay lang.
Bigla kong naalala si Zhen. Apat na buwan na lang ay darating na ang kaarawan nito. Wala sa sariling seryoso akong humarap kay Xander.
"Xander, what if may anak ka pala. And then nalaman mo kung kailan six years old na ito. Ano mararamdaman mo?"
Sandali itong tumingin sa dinaraanan at sumulyap sa'kin bago magsalita.
"Magagalit ako, Ma'am. Biruin mo six years tinago sa akin yung anak ko. Hindi kasi matatawaran ng kahit anong bagay dito sa mundo ang oras na nawala para sana makasama ko siya."
Biglang ako naman ang natahimik. Kahit papaano ay tiyak ko naman na hindi tatakbuhan ng isang Saavedra ang tungkulin niya bilang ama sa anak ko. Ngunit ayokong pakasigurado, ayokong umasa na matatanggap niya nga ito dahil baka ang anak ko lang ang masaktan sa huli at hindi ko kakayanin 'yon.
Nang makarating kami sa reception ay nagtulong na kami ni Xander sa pagde-decorate ng mga bulaklak. Totoo ngang engrande ang birthday na gaganapin.
Mayamaya pa ay may isang babae ang lumapit sa'kin. Naka-mini skirt ito at naka blouse. Mukhang isa ito sa mga staff.
"Thank you, Ms. Alcantara for the flowers. Talagang kinumpleto niyo ang birthday celebration ko."
Nabigla ako sa sinabi nito, "Ikaw yung birthday celebrant?" tanong ko at nagpalinga-linga sa paligid dahil baka ginu-good time lamang ako nito.
"Yes, ako nga. Siguro ay nagtataka ka kung paanong naging ganito kabongga ang birthday ko. 'Yong boss ko kasi hinipo yata ang puso niya ni San Pedro kaya bumait at sinagot lahat ng gastusin para sa birthday ko."
Napatango na lang ako sa naging paliwanag nito.
"Happy birthday," palusot ko sa kahihiyan.
Nagpaalam na itong aalis at lumapit naman sa'kin si Xander.
"Ma'am, nagpakilala din ba sa inyo 'yung birthday celebrant? Ang akala ko ay nagbibiro, tinapik ko pa sa braso, ay 'yon pala'y siya nga!"
Natatawa akong napasampal sa noo, "Client natin 'yon, Xander. Ang sama mo, oh siya sige, pupunta muna ako ng comfort room. Magre-retouch lang ako."
"Sige, Ma'am."
Habang papunta ako sa comfort room ay nakarinig ako ng ilang usapan.
"Narito din daw si Sir."
"Invited siya?"
"G*ga malamang, siya gumastos dito."
Hanggang sa makarating ako ng comfort room ay may ilang babae doon na naguusap hanggang sa pagpasok ko sa isang cubicle.
"Ang gwapo ni Sir!"
"Bakit kaya hindi pa siya nag aasawa?"
"'Di ba't nababalitang engaged na siya?"
Naalala ko naman si Braxien. Oo nga pala't engaged na ito. Paano pa nito magagampanan ang pagiging ama kay Zhen, kung mahahati ang atensyon nito?
Lumabas ako ng cubicle at naghugas ng kamay tumigil ang mga babaeng kanina'y nag-uusap at sunod-sunod itong nagmamadaling lumabas kaya tiningnan ko ito.
Napakibit-balikat na lamang ako. Nang makalabas ako ng comfort room ay agad kong hinanap si Xander.
"Nabayaran ka na ba?" I asked him.
"Yes Ma'am, pwede na po tayong bumalik ng flower shop."
"Tulong! Tulong! Si Mr. Saavedra nawalan ng malay!"
Kapwa kami napatingin ni Xander sa biglang sumigaw. Mabilis na kinabahan ang dibdib ko. Sa hindi malamang dahilan ay agad akong napatakbo sa kung saan sumisigaw ang dalaga.
It was Sydney, ang birthday celebrant.
"What happened?" I asked before I leaned.
"Binigyan ko lang naman siya ng dessert na cake. And then nagulat ako nang mayamaya ay bigla na itong hindi makahinga at nawalan ng malay," umiiyak na sabi nito.
Huli na nang mapagtanto ko na ang Saavedra pa lang tinutukoy nito ay si Braxien. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yon. Ngunit naalala ko kung saan allergic si Zhen na pagkain. It's vanilla extract!
Tinikman ko ang cake na binigay ni Sydney rito. At hindi ako nagkamali, lasa ko rito na may halo itong vanilla.
Kinuha ko sa bag ko ang pang spray upang makahinga ito, "Call, 911!" sigaw ko.
Hinawakan ko ang braso nito at tinanggal ang coat na suot, niluwagan ko rin ang necktie na suot nito. Doon nakita ko ang unti-unting paglitaw ng mga pantal sa balat nito. Ini-sprayan ko ito ng liquid anti-allergic sa kaniyang bibig upang mainom nito.
Ilang sandali pa ay agad na may dumating na ambulance. Mabilis ang naging kilos ng mga rescuer.
"Ma'am, sumama po kayo for the statement," sabi ng isa sa mga nurse.
Wala na ako nagawa kun'di sumama na rin. Ayoko rin naman iwan na lamang mag isa si Braxien ng nasa ganito ang sitwasyon. Nang makarating kami ng hospital ay agad na sinalubong ng tatlong doctor at limang nurse si Braxien.
Hindi na ako magtataka kung bakit ganito karami ang sumalubong kay Braxien.
"What happened?" tanong ng isang doctor.
"Hindi ko alam, pero sa tingin ko ay nakakain siya ng bawal sa kaniya which is vanilla extract," maikling paliwanag ko.
Sinulyapan ako ng doctor saka tumango ito. Mabilis na tinulak ang stretcher patungo sa emergency room.
Braxien need oxygen! Ilang minuto na itong walang malay.
Habang nasa labas ako ng emergency room ay hindi ako mapalagay kaya palakad-lakad ako o 'di kaya ay tatayo at uupo. Naalala ko bigla noong unang nangyari ito kay Zhen. Muntik ng maging dahilan ng pagkawala ni Zhen sa'kin noon. Kaya simula noon ay ako na ang gumagawa ng dessert ng anak ko, para nasisiguro kong safe.
Naluluha akong umupo. Hindi pa siya pwedeng mawala dahil hindi pa siya nakikilala ng anak ko. Hindi pwedeng tuluyan siyang mamatay dahil hindi ko naman siya kayang buhayin tulad ng paliwanag nila Kuya Leo sa anak ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na ang isang doctor.
"The patient is stable, ililipat na siya sa private room. Mabuti na lang at napaunahan mo ng anti-allergy spray. Bakit ka nga pala may dalang anti-allergy spray?" tanong nito.
"My son, parehas sila ng anak ko na allergy sa vanilla extract."
"Where's my son? Nasaan si Braxien?"
Isang Ginang ang nagmamadaling lumapit sa harap namin. Nakapostura ito at halatang isang mayaman na Ginang.
"Kuya Gordon, kamusta si Braxien?" tanong nito.
"Okay na siya, Ate Beatrix."
"Salamat naman, maraming salamat."
Kapwa ko tiningnan ang dalawa. Magkapatid ang doctor ni Braxien at ang nanay nito? Oh no, mukhang kailangan ko ng umexit.
"By the way ate, This is Miss Cledera, ang siyang nagpaunang lunas at nagdala kay Braxien dito."
Sinulyapan ako ng ginang at saka marahang niyakap.
"Thank you, Hija. Maraming salamat," sambit nito.
"Walang ano man, ho," tugon ko.
Naramdaman ko na mabait ang ina ni Braxien pero may kung anong bigat akong nararamdaman dito. Ngunit tiyak na magugustuhan din naman nito ng anak ko kung makikilala niya ito.
"May gusto ka bang hilingin? Kahit ano ay ibibigay ko sa'yo."
Umiling ako, "Naku, wala po. Tumulong lang po talaga ako dahil kailangan po ng anak niyo."
Lumabas na sa emergency room ang stretcher na kinalalagyan ni Braxien. At sumunod dito ang ina nito. Bago pa man makaalis ang Doctor ay kinausap ko ito nang kaming dalawa na lang.
"Doctor, maaari po bang kapag nagkaroon na ng malay si Braxien ay pakisabi na gusto ko siyang makausap sa lugar kung saan una kaming nagkita. Hihintayin ko siya doon, bukas ng hapon."
"Sure, makakarating."
Nagpaalam na akong umalis at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang tatlong lalaki na papalapit sa'kin.
"Nasaan si Braxien?" madaling tanong nito.
Habang ang isa ay nagtatakip ng mukha.
"Auh, naroon na sa private room niya, kasama ang mama niya," tugon ko.
Mabilis naman na nagsiaalisan din ang tatlo. Medyo weird lang yung isa dahil nakatagilid ang ulo at ayaw ipakita sa akin ang mukha.
Hindi ko na lamang pinansin 'yon. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa puntod ni Mama. Dumaan ako para kahit paapaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
She's my Mom, after all. Kung hindi lang kami iniwan ni Papa ay hindi naman niya ako sasaktan at pababayaan noon.
Nilinisan ko ang puntod nito. Inalis ko ang mga dahon na nakakalat saka ako umupo sa harap nito. Hindi naman madumi dito dahil damo naman ang inuupuan ko.
"Mama, sorry dahil ngayon lang ako nakapunta ulit sa'yo dito. Sorry kasi, ang tagal ko ring hindi pinakilala sa'yo ang anak ko. He's adorable, grabe kahit lalaki siya ay napaka sweet na bata."
Nag umpisang tumulo ang luha ko. Naalala ko kung paano kami naging masayang pamilya. Pero sa isang iglap nawala ang saya't sigla nang hindi na umuwi si Papa. At nawalan na rin ng gana si Mama na alagaan ako. She's always angry at me, pero hindi ko siya masisisi. Alam kong malungkot rin siya ng mga panahon na 'yon.
At ayokong maranasan ng anak ko ang sakit na naranasan ko noon.
CHAPTER FIVEZiah's POV"Sweetie, pag uwi ko mamayang gabi kasama ko na si Daddy mo. Kaya always be a good boy, okay?" pagkakausap ko sa anak ko."I'm so excited, Mom! I will be always a good boy to Lola and Lolo!" masiglang sambit nito at niyakap ako.Matapos kong kausapin ang anak ko ay nagpaalam na ako kila Mama para tagpuin na si Braxien kung saan nagsimula ang lahat. This would be hard for me but for my son's happiness I will do. Hanggang ngayon pa rin naman ay nasa akin ang copy ng swipe card ng unit 109 kaya madali na lang ako makakapasok sa loob.Pagtungtong ko pa lang ng Saludario Hotel ay agad kong tinawagan si Vivi to inform her na malapit na ulit kaming magkita. My best friend is support me to what decision I've made that's why lalong lumalakas ang loob ko. Sumakay na ako ng elevator at tinungo ko ang unit 109.&n
CHAPTER SIX Braxien's POV Nauubos na ang pasensya ko. Hindi ko na palalampasin pa na hindi malaman ang sasabihin nito dahil malakas ang kutob ko na mahalagang bagay 'yon. "Tell me right now." Tumayo si Ziah at tila hindi mapakali. Sa inaakto nito ay lalo akong kinakabahan. Hindi naman ako kinabahan ng ganito noon. Lalo pang nakapagpakaba sa akin ay ang presensya nito at isiping dalawa lang kami dito sa mansion. Huminto saglit si Ziah at nagulat ako nang bigla itong tumakbo. Mabuti na lamang at mabilis ako para pigilan agad ito. "Ano bang ginagawa mo, Ziah? Gusto mo bang maglaro?" "Bitawan mo ko, Braxien." Inihiga ko ito sa couch at saka pinakubabawan, "Ano ba kasing laro ang gusto mo? Tell me, I would love to play with you, especially with fire," at napangiti ako. Tila na hipnoti
CHAPTER SEVENZiah's POV"Ziah, wake up. You're dreaming," rinig kong boses ni Braxien habang niyuyugyog nito ang balikat ko.Pabalikwas akong bumangon at napahilamos sa mukha. It was all a dream! Hindi totoong may sakit ang anak ko. Tumingin ako kay Braxien."May history ba ng sakit ang pamilya niyo?" tanong ko.Biglang nag salubong ang makakapal na kilay ni Braxien, "Nothing, bakit mo naitanong?""Sigurado ka? Sakit sa puso? Cancer? Sakit sa dugo? Wala?"Niyakap ako nito, "Wala nga, ano bang napanahinipan mo't ganiyan ang mga itinatanong mo sa'kin?""Gusto ko ng umuwi, please?""Okay, before you go home, sagutin mo muna ang tumatawag sa'yo. Kanina pa 'yan, hindi ko lamang pinakialaman dahil I respect your privacy."Iniabot sa'kin nito ang ph
CHAPTER EIGHTZiah's POV"B-Baka gusto mong sumama sa bahay?" nauutal kong tanong kay Braxien na hanggang ngayon ay tulala at tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Zhen.Noong una ay nagulat rin ako na kilala ni Zhen kung anong itsura ng Daddy niya. Pero siguro'y tadhana na rin ang gumawa ng paraan upang magkita sila na mag-ama.Lumapit si Zhen sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, "Daddy, sama ka na sa'min," sambit nito.Para akong maiiyak lalo sa tagpong nakikita ko. Hindi ko inakalang sa ganitong sitwasyon ko sila unang makikitang magkasama. Binuhat ni Braxien si Zhen at niyakap ng mahigpit tapos ay hinalikan ito sa noon."Ipaliwanag mo 'to ng maayos," bulong sa'kin ni Braxien na hindi ko maintindihan kung may halong galit.Tumango na lamang ako at sumunod kay Braxien na papalabas ngayon nga Mall. Ang ilang tao ay pinagtitinginan siya
CHAPTER NINEZiah's POV"Grabe naman yung tatay ng junakis mo, masyadong seloso," maarteng sambit ni France nang makaalis na si Matthew at Braxien.I just rolled my eyes, "Ikaw naman kasing bakla ka, umakto-akto ka pang lalaki, eh, girly ka rin naman."Naisip ko rin na talaga bang nagseselos si Braxien? Hindi ko naman naisip 'yon kanina dahil na rin sa pagkabusy."Nakakita kasi ako ng yummy!" kinikog na sabi nito.Napailing na lang ako. France is a gay! Isang babaeng isinilang sa lalaking katawan. Hindi ko lang alam kung bakit naging lalaki ito kanina at umaktong namimiss pa ako ng g*ga. Nakilala namin ito ni Vivi sa America nang minsang magpunta kami sa beach. Ayon dito ay si Vivi rin ang nagbigay ng address ko."Lokaret talaga ang baklang 'yan, sis!" singit ni Vivi sa video call."Tumahimik ka diyan na
CHAPTER TENZiah's POVDali-dali akong naglakad at pinigilan maglakad ang lalaki at saka ito kinintalan ng mabilis na halik."Zafhara?" gulat na tanong nito.Napatakip ako sa bibig, "Colton? Is that you?"Kaagad ko itong niyakap. Ngunit agad rin kaming naghiwalay ng may humila kay Colton at natagpuan ko na lang na nakabulagta ito at pinakubabawan ni Braxien. Mabilis ang lahat ng pangyayari at mabilis ko silang iniwat."Hey, stop it Braxien!"Dumating ang kaibigan ni Braxien na si Mike at hinawakan ito. Pinunasan naman ni Colton ang labi niya na ngayon ay may dugo."Oh my gosh, Colton. It's bleeding!"Tumingin si Colton kay Braxien, "What's wrong with you, Man?""F*ck you!" saka tumingin sa'kin at tumalikod.Hindi na ito nagawang habulin nino
CHAPTER ELEVEN Braxien's POV "Ziah! Come back here!" sigaw ko. Mabilis ako nitong tinalikuran kaya't nag-umpisa na din akong sundan ito. Ngunit mas binilisan pa ulit nito ang maglakad. "Nagseselos ka ba?!" pasigaw kong tanong dahilan para tumigil ito sa paglalakad. Nang mas makalapit pa ako ay hinawakan ko ito sa balikat at ipinaharap sa'kin, "Are you jealous?" ulit kong tanong. Napangisi ito, "Are you insane? Bakit ako magseselos, eh, wala namang tayo. You're just only the father of my son. And nothing will change, period!" at muli itong tumalikod. "Braxien!" kapwa kami napalingon sa babaeng tumawag sa'kin. Damn it, it's Lyndi. "Oh, 'ayan na pala ang babaeng linta, siguro naman tatantanan mo na ako," matapos ay inirapan ako. Napasipa ako sa mga buhangin ba
CHAPTER TWELVE Ziah's POV "Ma'am Ziah, nakita namin si Sir Braxien at Sir Colton na nasa bar at mukhang lasing na," bungad ni Sarah nang makapasok sa kwarto ko. Napatayo ako, "Bar? Magtatanghalian pa lang, ah? Saka kung lasing na sila ibig sabihin kanina pa sila doon?" "Mukhang gano'n na nga, himala nga't hindi nag-away ang dalawa," sambit naman ni Xander. Mabilis na sinundan ko si Sarah patungo sa bar na sinasabi nito at naabutan ko ang dalawa na magkayakap pa't ngunit pikit na ang mga mata. Inakay ko si Braxien sa balikat at gano'n din ang ginawa ni Sarah kay Colton. "Ihatid mo na lang si Colton sa kwarto ko at ihahatid ko naman si Braxien sa kwarto niya," sambit ko at inayos ang pagkakaakay kay Braxien. "Sige po, Ma'am Ziah." Matagal bago ko narating ang kwarto ni Braxien dahil sa sob