Valeen's POV
"Mabuti naman po doc at gising ka na. Kanina ka pa kasi hinihintay ni boss Eroze sa baba." Usad ng babae nang magising ako. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti.
"Napakaganda mo po, maam." Papuri nito sa akin pero hinayaan ko lang. Masama kasi ang gising ko lalo na at hindi ko kama itong hinihigaan ko.
Napatingin ako sa damit ko. Bakit nakasando lang ako? Nakauniform ako kagabi sa pagkakaalam ko. Agad akong napabalikwas at napahawak sa harap ko. Sinong nagpalit ng damit ko?
"A-Aahm. S-Sabi po kasi ni boss na palitan namin ang damit mo kaya pinalitan po namin habang tulog ka." Sabi ng katulong. Bakit hindi ako nagising?
"B-Baka 'daw po kasi hindi ka komportable sa uniform mo kaya pinalitan na lang po namin. Ayaw niya 'daw po na magising ka kasi baka mag-iingay ka na naman 'daw po kaya malalagot 'daw po kami kapag nagising ka." Dagdag pa nito. Sobra na kalupitan ng impaktong 'yon.
"Okay lang ate. Anong oras na ba?" Tanong ko tsaka inayos ang hinigaan ko.
"9:30 na po." Sagot nito. Nabigla ako sa oras, late na ako sa trabaho.
Alas otso dapat nandoon na ako pero 9:30 na wala pa akong ligo. Hinayaan ko na lang ang mga kumot at unan na hindi naayos tsaka ako tumakbo sa banyo upang maligo pero napabalik 'din sa katulong nang marealize na wala ako sa bahay at wala akong gamit.
"Ate hindi ba nagdala si daddy ng damit ko? Late na ako." Tanong ko.
"Naku maam, wala po eh." Sagot nito.
Kasalanan 'to ni Eroze eh! Kung hindi ba naman gago edi sana nasa trabaho na ako ngayon at inaasikaso mga pasyente ko. May pakidnap-kidnap pa kasing nalalaman, ayan tuloy wala akong masusuot kahit panty manlang!
"Nasaan si Eroze?" Inis kong tanong.
"Miss mo ako agad?" Sulpot nito sa pinto. Agad namang lumabas ang katulong sa pagpasok ni Eroze sa kwarto.
"Ang kapal ng mukha mo! Ihatid mo ako sa bahay, uuwi muna ako wala akong gamit dito. May trabaho pa ako-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito.
"Hindi ka papasok." Singit nito sa sinasabi ko. Ano ba talagang problema ng gagong 'to? Pati ba naman pagpasok ko sa trabaho ay siya ang masusuno? Pagkatapos kong maging sunod-sunuran sa bahay, pati ba naman dito ganon parin ang takbo ng buhay ko? Mas gugustuhin ko na lang mamatay!
"Hindi pwede. Madami pa akong-"
"Hindi ka papasok at 'yun ang masusunod!" Bulyaw nito. Natigilan na lang ako baka kasi saktan ako.
"Hindi ka papasok. Ayokong magtrabaho ka dahil alam kong ikakagalit ni daddy kapag nagtrabaho ka. Ayokong magtagal tayo dahil lang sa mamanahin ko. Sumunod ka na lang nang matapos na 'to." Malamig na sabi nito tsaka ako iniwan.
Mahalaga sa kanya 'yung mana dahil nga mukhang pera siya kagaya ni daddy. 'Yung naglalawakang lupain, naglalakihang sikat na kumpanya mula sa iba't ibang bansa, 'yung ilan sa mga malalaki at sikat na hotel and restaurant dito sa pilipinas, lahat 'yon mapupunta sa kanya sa pamamagitan ng pag-aasawa niya ng anak ng sikat na kasosyo ng daddy niya sa negosyo na walang iba kundi ako.
"Maam pinapatawag ka ni boss sa baba." Sulpot ng katulong.
"Kayo na lang kakain, hindi ako gutom." Sabi ko tsaka bumalik sa pagkakahiga.
Paano na lang ang mga taong naghihintay sa akin sa hospital? Naghihirap sila doon habang nandito lang ako walang ginagawa.
Pumikit na lang ako tsaka dinama ang tinik sa d****b ko. Patuloy ang mahihinanh hikbi ko nang magring ang cellphone ko. Si Jaya tumawatawa.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Paano kung nalaman niya na ang totoo? Paano kung sumbatan niya ako? Sabihan ng masasakit na salita? Magagalit siya sa akin at iiwan na ako? Paano na ako?
"Hindi mo ba sasagutin?" Biglang sulpot ni Renzo papasok ng kwarto dala ang pagkain. Agad naman akong nagpunas ng luha tsaka umupo.
"Good morning." Bati nito ngunit tanging ngiti lang ang naisagot ko.
"Kain kana. Sabi ni yaya ayaw mo 'daw kumain. Wala namang pakialam si Eroze kaya ako na lang nagdala ng makakain mo." Sabi nito tsaka inilapag ang pagkain sa harap ko.
"Hindi ako gutom." Saad ko. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.
"May doktora 'din palang pasaway 'no?" Tanong nito. Napataas ako ng kilay.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Nagpapalipas ka ng gutom eh." Sagot nito.
"Oo na kakain na." Sabi ko tsaka napangiti na 'din.
"Ayan, gumaganda ka lalo kapag nakangiti." Saad nito habang nakatitig pa sa mga mata ko.
Nagsimula na lang akong kumain ngunit napaisip 'din kung anong magandang itanong kay Renzo pamukaw ng katahimikan.
"Ahmm..." Panimula ko.
"Bakit ba parang mas malaki ang mamanahin ni Eroze kaysa sayo? Magkapatid kayo 'diba? Dapat pantay." Tanong ko. Ngumiti ito ng mapait.
"Anak lang ako ni daddy sa ibang babae. Nasanay na ako simula pa ng mga bata kami. Kaya kahit walang mapunta sakin okay lang." Sagot nito.
Unfair parin 'yon. Karapatan parin ni Renzo ang makatanggap ng mana sa daddy niya ng malaki kasi wala namang kasalanan si Renzo sa kasalanan ng mama at daddy niya 'diba? Pero bukod 'dun, bakit ba ganito na lang kabuting tao itong si Renzo.
"Unfair parin 'yon dahil anak ka 'din naman niya. O sadyang sakim lang talaga 'yang si Eroze sa mana. Masama talaga ugali niyan kahit kailan." Usad ko tsaka tinapos ang pagkain.
"Uy! Grabe ka hindi naman ganon kasama ang kapatid ko. Isa pa hindi naman alam ng kasosyo niya sa negosyo ang ugali niya. Mukhang nasilaw sila sa kagwapuhan ng kapatid ko kaya gayon." Sagot niya tsaka mahinang napatawa.
"Suss! Mas gwapo ka parin 'dun!" Saad ko. Napangiti ito. Cute naman.
"Anyway, salamat sa pagkain. Nabusog ako." Ngiting pasasalamat ko. Napatitig ito sa akin kaya naman biglang umiwas ng tingin.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"A-Ahm mag-ayos ka na. Ipapahatid ko na lang gamit mo dito. Hindi ko alam kung anong kulay gusto mo kaya bumili na lang ako ng limang pares para pagpilian mo." Saad nito tsaka lumabas ng kwarto.
"Salamat." Sagot ko.
Pagkalabas nito ng kwarto ay agad naman akong pumasok sa banyo upang maligo. Saglit lang ako naligo at pagkatapos ko ay binuksan ko ang pinto ng banyo ngunit ulo ko lang ang nakalabas at sumilip sa labas baka kasi nandoon si Eroze.
Nang masiguradong walang tao ay agad akong lumabas at kinuha ang paper bag na nakalagay sa kama. Kinuha ko ito at may laman naman iba't ibang klase ng damit. Napangiti na lang ako dahil lahat sila ay gusto ko.
Sa limang dress na ito, gaya ng dati ay nagustuhan ko ang fitted white dress na nababagay sa kurba ng bewang ko.
"Hindi bagay." Sulpot ni Eroze na may hawak na paper bag.
"Anong hindi? Ang cute nga eh." Puting bistida kagaya nga paborito kong suotin.
Para sa akin kasi, mas maganda ang pagsusuot ng puting bistida dahil lumalabas 'daw ang tunay na ganda ng isang babae kapag isang malinis at maayos na puting bisitida ang suotin.
"Ayoko niyan." Seryosong saad nito. Napataas naman ako ng kilay ko.
"Wala akong pakialam sa ayaw at sa gusto mo. Hindi naman ikaw ang magsusuot." Pagsusungit ko. Nanlisik ang mga mata nito tsaka lumapit sa akin.
"Ayaw ko kaya hindi 'yan ang susuotin mo. Masyadong kinulang sa tela. Gusto mo bang bastusin ka nila?" Tanong nito na hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil concern siya sa akin o maiinis ako dahil pati susuotin ko ku-question-nin niya.
Gusto kong humiwalay sa mga titig niya pero bakit para akong minamagnet para makipagtitigan pa sa kanya.
Valeen's POVBakit ba parang gusto 'kong halikan ang mga labi niya? Napapalunok ako sa pagsuri sa manipis at mapula nitong labi. Agad 'kong napansin ang pag-awang ng kanyang labi kaya agad akong napaiwas ng tingin. "Halikan mo 'kung gusto mo. Walang nagbabawal sayo." Usad nito na mas
Valeen's POV"Bakit mo naman sinabi sa kanya 'yon? Nirerespeto ka 'nung tao kaya dapat respetuhin mo 'din." Sermon ko sa kanya habang nakapamewang dito sa harap niya. "Eh ako? Nirerespeto mo 'din ba? Paano na lang kung nakita ni dad na may kalandian ka na ibang lalaki? Ano na lang sasabihin niya?" Pagsusungit na tanong nito sa akin. Kalandian? Nakipag-usap lang ako hindi nakipaglandian ang kapal ng mukha nito. "Dapat mo parin na respetuhin 'yung tao. Tsaka hindi pa naman tayo mag-asawa ah? Nagplaplano pa lang kung kailan ang kasal at kung paano ko lulusutan ang pesteng kasal na 'to." Sagot ko. Magsasalita na sana si Erroze 'nang sumulpot si Renzo. Buti na lang talaga pasulpot-sulpot itong si Renzo kaysa naman makausap ko pa itong si Erroze. "Valeen!" Tawag nito sa pangalan ko. "Saan tayo ngayon?" Tanong ni Renzo kay Erroze na kanina pa i
Valeen's POVKINABUKASAN, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napataas na lang ang kilay ko at nanibago sa mga nakikita ko.Ang mga saradong bintana ay bukas na at ang mga itim na kurtina ay napalitan na ng puti. Grabe, hindi ko manlang naramdaman na pinalitan na pala ang mga kurtina.Napakaganda na lalo ng buong silid dahil sa sikat ng araw at malamig na hangin na nanggagaling mula sa labas dahil sa bukas na malalaking bintana.Nakakapagtaka lang dahil akala ko ba ay ayaw ni Erroze sa maliliwanag pero bakit bukas na ang mga bintana ngayon? 'Di bale na nga!Naglakad ako palapit sa sliding door papunta sa may terrace tsaka ito tuluyang binuksan dahil nakaawang lang ito ng kaonti tsaka ako lumabas at nilasap ang malamig at sariwang hangin."Ang ganda." Saad ko nang masilayan ang paligid ng bahay mula dito sa taas. Kung ganito lang sana palagi ang makikita ko ay hindi ko na pa
Valeen's POVPauwi na kami ni Renzo pero nakiusap akong dumaan muna sa bahay upang bumisita kaya heto kami ngayon sa harap ng bahay. Pinagmamasdan ko lang ang kabuoan ng bahay mula dito sa bintana ng kotse.Sobrang miss na miss ko na si mom at dad. Gusto ko na silang yakapin at makausap manlang upang iurong ang kasal kaso nagdesisyon akong huwag ng pumasok dahil hindi 'din naman ako papakinggan kahit ilang beses pa akong lumuhod sa harapan nila. Kahit pa siguro umiyak ako ng dugo ay hindi na talaga mababago ang isipan nila.Masaya kaya sila kahit hindi ako nakikita ng halos dalawang linggo na? Masaya parin ba sila kahit alam nilang sinasaktan ako ng lalaking gusto nila para sa akin? Hindi manlang nila ako tinawagan upang kamustahin kung buhay pa ba ako o patay na.Tsaka okay na 'din kung hindi ako pumasok sa loob. Paniguradong tatalakan na naman ako ni dad kapag nakita niyang si Renzo ang kasama ko at hindi si Erroze.
Valeen's POV Hapon na ng makarating kami dito sa boracay. Agad naman kaming in-assist ng gwapong lalaking nagtratrabaho dito, itinuro nito ang magiging cottage namin. Naiilang na lang ako sa tuwing napapatingin ako sa gwapong lalaki kapag nahuhulo ko itong nakatitig sa akin habang masama naman kung tignan nila Erroze at Renzo ang lalaki. Ang ganda lang ng kubo na tutuluyan namin dahil hindi lang 'to basta kubo kundi ay para na 'din itong bahay na kumpleto na ang lahat. Mula sa banyo, kama, sa kusina kung trip mo magluto. Mayroon 'ding restaurant na nadaanan namin kanina lang at kung sinumpong ka ng katamaran ay pwede ka 'ding umorder na lang ng pagkain at dito na kumain sa kubo. "Valeen!" Tawag sa akin ni Renzo habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Lilingon na sana ako ng mabilis na hilain ni Erroze ang bewang ko tsaka inilapit sa kanya at nagsalita. "Huwag 'kang lilingon." Utos ni Erroze sa akin
Valeen's POV"Huwag ka ng magalit sa akin. Hindi ko na naman uulitin eh." Seryosong usad nito kaya agad akong napatigil. Hindi ko alam kung paanong agad humupa ang galit ko at nangibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya."Gutom na ako. Hindi ka pa ba nagugutom?" Pangiiba ko ng usapan."Tara kain na tayo. Oorder ba tayo o pupunta na 'dun mismo?" Tanong nito."Doon na lang siguro." Sagot ko. Tumayo ako tsaka agad na inayos ang sarili ko.Habang naglalakad kami ni Erroze hindi ko na lang maiwasang mapangiti ng sobra sa kilig dahil hawak ako nito sa bewang na para bang ikinakabisa ang kurba ng aking katawan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagrereklamo kahit pa hawak na niya ako sa bewang na para bang isang tunay na magkasintahan."Teka." Biglang sinabi ni Erroze kaya naman agad 'din akong napatigil."Bakit?" Tanong ko."Tara balik tayo sa kubo." Usad nito. Napataas
Valeen's POVTanghali na ng magising ako. Hindi 'din ako bumangon agad at sandaling natulala pa dahil bumalik sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Napansin 'kong wala 'din si Erroze sa tabi ko kaya naman sigurado akong hindi 'din siya dito natulog kagabi.Saan naman kaya natulog 'yun? Napabuntong hininga na lang ako tsaka bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo.Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng maiksing short at maluwang na sando na nababagay sa akin. Lalabas na 'din sana ako ng makitang medyo mainit kaya nagsuot na lang 'din ako ng sumbrerong tamang-tama para sa damit na suot ko tsaka tuluyang lumabas.Pagkarating ko ng kinaroroonan nila Renzo ay naabutan ko ang limang tauhan ni Erroze at dalawang katulong na masaya sa paglalangoy. Nahagip naman ng mata ko si Renzo na tahimik na nakaupo lang sa lamesa habang nakatingin sa malayo. Problema nito? Teka nasaan si Erroze?Agad akong naglakad papunta 'kay Renzo tsaka umupo
Wala na akong nagawa kundi ang humiga sa tabo niya kahit naiilang parin ako. 'Di bale ay maluwang naman ang kama ko ay dito sa gilid na lang ako mahihiga kung saan medyo malayo sa tabi niya. Tahimik na lang akong humiga nang bigla na lang ako nitong hilain palapit sa kanyang katawan.Ramdam ko pa ang init ng katawan niya dahil tanging boxer lang ang suot nito at wala ng damit. Pagkatapos niya akong hilain ay palapit sa kanya ay agad nitong ipinatong ang kanyang braso sa aking bewang tsaka mas lalo pa akong niyakap kasabay ng paglagay niya ng ulo ko sa isang braso niya upang magsilbing unan ko."Good night misis." Malambing na saad nito. Hindi ko na lang pinansin kahit gusto ng kumawal ng puso ko mula sa dibdib ko.KINABUKASAN ay nagising ako na wala na si Erroze sa tabi ko. Umuwi na kaya siya? Umalis na naman ba ng wala na namang paalam? Hayystt! 'Di bale na nga!Bumangon na lang ako tsaka inayos ang kama ko at naglakad patungong c