Share

Chapter 4

Tanghali na ng makarating kami ng Manila. Mahaba rin ang naging byahe at kahit pa nakatulog ako sa buong byahe ay talagang pagod ang katawan ko.

"Haaay!" 

Napapikit ako sa sarap, dahil sa wakas ay lumapat na rin ang katawan ko sa malambot na kama.

Nagpagulong-gulong pa ako sa kama dahil sa sobrang tuwa, sana naiwan na sa Baguio ang mga kababalaghan na nangyari sa akin. Tama na, iisipin ko na lang na panaginip lang ang mga pangyari na iyon. 

Huminto ako sa paggulong at muling tumiyaha, nakabuka pa ang mga kamay ko para sakop talaga ang higaan. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang dumilat, mabilis nawala ang ngiti ko kasabay ng pagkunot ko ng noo.

"Hi!" Sibay ngiti nito. Ilang sandali pang nag-loading ang utak at agad napatayo, dahilan ng pagtama ng mga noo namin.

"Aray..." Rinig ko pang angal nito, maging ako ay napahawak sa noo ko. 

"Bakit ka ba biglang tumayo?" Mabilis uminit ang ulo ko at tumingin sa kaniya ng masama.

"Ano bang ginagawa mo rito? Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito?" Sunod-sunod kong tanong. Napangiwi pa ito at inalis ang kamay sa noo niya.

"Teka, daig mo pa ang mga kaluluwa kung magtanong," saad pa nito habang tinatapik ang noo niya. Tumayo ako at marahan na lumapit sa kaniya.

"Multo ka ba? Sino ka? Paano mo ako napuntahan dito?" Sunod-sunod kong tanong at hinawakan siya sa balikat.

"Kalma, okay? Ikaw ang may dahilan kung bakit mo ako nakikita at kung paano kita nasusundan," sagot nito.

Sandali akong tumitig sa mukha niya, mas gwapo pala siya sa malapitan. Maganda ang kulay abo niyang mga mata pero wala akong ibang makita rito, parang sobrang blanko ng pagkatao niya. Baka dahil kaluluwa lang siya at wala akong makita na buhay sa mga mata nito?

"Bakit ako pa ang may kasalanan? Sino ka ba?" Matapos ko itong sabihin ay binitawan ko na ito.

"Kanina mo pa gusto malaman kung sino ako, ah. Nakakahalata na ako sa 'yo." Ngumiti ito na akala mo ay nang-aasar.

"Isa akong tagasundo ng mga kaluluwa ang tawag sa amin, grim reaper," dugtong pa nito. 

Sinasabi ko na nga ba, malamang 'yong notebook na dala niya ang pinaglalagyan ng pangalan ng mga susunduin niya.

"Susunduin mo na ba ako?" Tinaas ko ang isa kong kilay at nakaharap pa rin sa kaniya.

"Kung susunduin kita sana doon pa lang sa Dominican hotel," sagot pa nito. Oo nga no? Bakit pa niya ako papauwiin dito kung susunduin lang din niya pala ako. 

"So, bakit ka nakasunod sa akin?" 

"Dahil kailangan kita para sa misyon ko." Ibinalandra niya sa harapan ko ang hawak niyang notebook na itim.

"Ano meron d'yan?" Ibinaba ko ito para harapin siya.

"Lahat ng pangalan na narito ay mga nawawalang kaluluwa, kailangan ko silang mahanap para matapos na rin ang pagiging grim reaper ko, at ako naman ang makaalis," saad nito habang ibinababa ang notebook na ito. 

"Galang kaluluwa?" Tanong ko pa rito. Gets ko naman ang sinasabi niya pero anong klaseng galang kaluluwa? Mga nawawala katulad sa nakita ko sa hotel?

"Oo mga nawawalang kaluluwa roon sa Dominican hotel." Sabay lawak ng ngiti nito, ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya. Gwapong grim reaper naman nito.

"Bakit ba hindi mo ikwento lahat? Dapat ba itanong ko pa isa-isa?" Humalukipkip ako habang sinusuri ang lalaking nasa harapan ko, pataas-baba pa ng kilay ko habang minamasdan ang kulay itim nitong suot. Maputi naman siya at bagay ang ganitong suot, malamang hindi siya naiinitan dahil hindi naman siya tao.

"Ganito." Pumorma ito ng kaniyang mga kamay para mas maganda ang kaniyang magiging paliwanag, tumingin ako sa mukha niya. Binasa pa niya ang kaniyang labi at kumunot ang noo, hindi ko alam pero para akong tanga na nakatunganga sa harapan ng lalaking ito.

"Siguro naman nakita mo iyong hotel? Doon sa hotel na iyon tumutuloy ang mga kaluluwa bago namin sila dalhin sa liwanag. Doon nakatira ang ibang grim reaper, may kaniya-kaniya kaming gawain. Ang napunta sa akin, kailangan kong mahanap ang mga kaluluwa na sumama sa mga bumibisita sa hotel na iyon." Mahabang paliwanag nito pero hindi ko talaga siya gets.

"Teka, hotel ng mga kaluluwa? K-drama?" Ano ito hotel de Luna sa pilipinas? Lakas din pala magbigo nito, e.

"Palipat-lipat kami dati, minsan sa lumang bahay, lumang mansion pero mas nag-stay kami ng matagal sa Dominican hotel. Ang problema lang, bawat taong dadalaw sa hotel na iyon may mga kaluluwang sumasama sa kanila pag-alis. Ngayon nagiging pakalat-kalat ito sa paligid at hindi na namin alam kung saan sila mahahanap, dahil sa kapabayaan ko noon ito ang binigay nila sa akin. Kailangan kong mahanap ang mga ligaw na kaluluwa." Bumuntong hininga pa ito at sabay ibinaba ang mga kamay niya.

"So, you mean gusto mong hanapin natin? Ako–ikaw? Tayo, maghahanap sa kanila?" Ngayon ako naman ang galaw ng galaw sa kamay ko. Gusto niya pa akong isama sa lost soul hunting. Jusko!

"Yes, dahil ikaw pa lang ang nag-iisang tao na nakapunta sa hotel na iyon. Alam mo ba na kahit mga taong may kakayahan daw, kumausap ng mga kalukuwa hindi pa nakapunta roon? Makakapunta sila pero lumang hotel ang bubungad sa kanila." Pagyayabang nito na parang ako pa dapat ang magpasalamat dahil nakita ko ang taguan nila ng kaluluwa.

"Marami pa akong dapat sabihin at kung babalik ka sa hotel, malalaman mo ang iba, ano? Tara na." Aya nito. 

Napakagat pa ako sa ibabang bahagi ng labi ko at napalobo ang pisngi, gusto ko pa sanang pigilan ang tawa ko pero ng kumunot ang noo nito at nagtatakang tumingin sa akin, doon hindi ko na napigilan ang humagalpak ng tawa. 

"Anong nakakatawa?" Tumalikod ako sa kaniya at naglakad.

"Bakit naman kita tutulugan? Duh! Hindi ko naman kasalanan na sumunod ang mga kaluluwa na iyon sa mga namamasyal sa hotel, bakit ako magpapakapagod?" Humawak ako sa beywang ko at muli siyang hinarap, nagulat pa ako ng agad siyang bumungad sa likuran ko. Nakakainis! Kaya nga ako lumakad palayo tapos nakasunod pa rin sa akin.

"Pwede kong ilagay ang ibang kaluluwa sa bahay niyo, gusto mo ba 'yong good or bad spirits? Makikita at mararamdaman sila ng mga tao rito, gusto mo ba iyon? Tapos may mga susunod sa 'yo saan ka man magpunta, para kulitin ka. Gusto mo bang pagkamalang baliw sa labas? Dahil ikaw lang ang nakakakita sa kanila?" Halata sa mukha nito ang pang-aasar, gwapo sana kaso nakakapikon ang ngiti niya.

"Fine! Anong makukuha ko kapag nagawa natin mahanap ang mga magagalang kaluluwa na iyan?" Ngayon siya naman ang umikot at lumakad palayo.

"Mawawalan ka na ng kakayahan makakita at makarinig ng multo, pwede na ba?" Sabay harap nito.

"An–"

"Quinn, okay ka lang?" Agad akong napatikom ng bibig matapos biglang pumasok si mama, tumingin pa ako kay Grim reaper na napakibit-balikat lang. Alam ko ako lang ang nakakakita sa kaniya.

"W-wala po." Pilit kong ngiti.

"Bakit parang nagsasalita ka mag-isa?" 

"N-nag papractice po ako tumula, sige po, baka pagod na kayo. Magpahinga muna po kayo." Mabilis akong tumakbo sa kaniya at hinalikan ito sa pisngi, luminga pa siya sa paligid at parang may hinahanap pero napakibit-balikat na lamang nang makita na mag-isa lang ako.

"Sige." 

Matapos kong maisara ang pinto ay agad akong napasandal dito, idiniin ko pa ang ulo ko at muling humarap kay Grim reaper.

"Kita mo na? Paano pa kaya kapag nasa labas ka na?" 

"Okay, ikaw na ang panalo. Ano bang gagawin ko, ha?" Padabog akong lumapit sa kaniya, pero pabulong lang ang mga sinasabi ko dahil baka marinig ako sa labas.

"Kailangan mo lang sumama sa akin pabalik. Pupunta tayo ng hotel." Sabay kindat nito at ngiti na sinad'yang ilabas ang dimple. Ghad! Malamang noong nabubuhay ito sobrang playboy niya.

"Umayos ka nga, hindi bagay. Ang pangit mo." Agad tumulis ang nguso nito at umayos ng tayo.

"Sasama ako, pero kailangan ko munang magpaalam." Kailangan ko magpaalam kila mama, tapos sa trabaho ko pa. One week lang ang ipinaalam ko sa kanila, tapos biglang ganito ang mangyayari.

"Ako na ang gagawa ng paraan, ayusin mo na ang mga gamit mo." Utos pa nito. Magsasalita pa sana ako ng mabilis itong tumagos sa pader, hinabol ko pa siya pero nauntog lang ako. Oo nga pala, buhay pa nga pala ako. Bwisit!

Napahawak pa ako sa noo ko at bumalik sa kama para umupo. Gaano pa kaya karami ang hahanapin naming kaluluwa? Ang astig, siguro kung makikita ko ang hotel na iyon ng mas malinaw. Ano kayang mga bagay pa ang matutuklasan ko? Pero ang angas ng Grim reaper na iyon, akala ko noon nakakatakot sila tingnan o doon sa napapanood ko na masungit. Pero ito, ibang klase ang lakas mang-asar, mukha mas mapipikon pa ako sa kaniya kaysa sa mga multo na dapat naming mahuli.

Med'yo napatagal ang pagtitig ko sa kawalan ng maalala ang sinabi niya. Agad kong kinuha ang maleta ko at nagbukas ng drawer, dapat kabog ako sa mga outfit ko kapag mag-ghost hunting kami.

Pinili ko ang mga sosyal at pang party kong dress at outfit, para kung sakali na aalis kami ay maganda naman ang suot ko. 

Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay nagpalit akong muli. Kakabyahe ko lang aalis na naman ako? Sana sa hospital pa lang sinabihan na niya ako, para naman aware ako sa mga nangyayari sa akin. 

"Ang ganda mo talaga, Quinn." Puri ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin, suot ang vintage red dress ko. Umikot pa ako sa harap ng salamin, dahil first day ko doon–second day pala. Dapat ay maganda akong tingnan. 

Napatigil ako sa pagpapa-cute sa salamin ng biglang may kumatok.

"Quinn, andito 'yong boss mo." Sandali akong napaisip sa sinabing iyon ni mama, bakit naman pupunta rito ang boss ko? Hindi niya naman alam ang bahay namin. 

Dali-dali akong lumabas para tingnan ang sinasabi ni mama. Laglag panga ako habang nakatingin kay Grim reaper, anong ginagawa–este paano siya nakikita ni mama?

"May trabaho raw kayo ngayon sa Baguio, sabi ko nga kagagaling lang natin doon." Napalunok pa ako at humarap kay mama.

"Nakikita niyo po siya?" Kumunot pa ang noo nito sa tanong ko.

"Malamang, makakausap ko ba siya kung hindi? Ang gwapo pala ng boss mo." Pabulong na ang huling sinabi ni mama. Paano nangyari iyon? Bukas din ba ang third eye niya at nakikita niya ito? 

"Teka, ikukuha muna kita ng maiinom." Dali-daling nagtungo si mama sa kusina, agad naman akong lumapit kay Grim reaper.

"Ikaw Grim–"

"Keir ang pangalan ko, kapag nakikita ako ng mga tao." Sabay ngiti ulit nito at inilitaw muli ang kaniyang dimple.

"Okay, kung ano mang pangalan mo...teka. Kaya mong magpakita sa mga tao?" Tumango naman ito sa tanong ko. What the! Anong nangyayari ba? Mukha nga atang nababaliw na ako.

"Kaya naman namin, pero sa mga bagay na importante lang." Ngayon ako naman ang tumango sa sinabi niya. Ibang klase talaga, ibig sabihin maaaring may mga nakakasalamuha na ako noon pa man na ibang katulad nila?

"Naipaalam na kita, tara na?" Mabilis akong hinila nito pero pumalag ako.

"Teka lang, iyong mga gamit ko nasa kwarto at hindi pa ako nagpapaalam." Hinila ko ang kamay ko at tumakbo papuntang kusina, kung saan naglalagay ng palaman si mama sa tinapay.

"Ma, aalis na po kami." Humalik akong muli sa pisngi niya at nagtungo na sa kwarto, para kuhanin ang mga gamit ko. Napailing pa siya dahil sa laki ng bagahe na bitbit ko, syempre, baka napatagal ang pag-stay ko roon kailangan ko ng damit.

"Mag-iingat kayo!" Sigaw pa ni mama bago kami tuluyang makapasok sa sasakyan nito. Astig din pala siya, buti pa siya may magandang sasakyan. Kulay black din ito at sobrang kintab.

"Sa hotel mo lang naman ako dadalhin, hindi naman sa kabilang buhay 'di ba?" Pagbibiro kong tanong sa kaniya habang inaayos ko ang seatbelt.

"Mas gusto mo talagang sa hotel ako makasama?" Ito na naman ang mapang-asar niyang ngiti. My whole life was a lie, sobrang nakakabwisit pala ang mga Grim reaper at hindi nakakatakot. 

"As if naman, dapat nga magpasalamat ka pa at tinulungan kita." 

Dapat lang siyang magpasalamat sa ginawa kong pagsama sa kaniya, kahit walang kasiguraduhan. Malay ko ba sa mga makakasagupa ko? Mabuti na lang talaga hindi ako matatakutin. 

Tumingin ako kay Grim reaper na Keir daw ang pangalan o kung ano man. Halos pumutok na siya sa pagpilig ng kaniyang tawa, kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. 

"Anong nakakatawa?" Lumunok muna siya at humarap sa akin, tiningnan niya ako sa mukha pababa sa suot kong red dress, umayos ako ng upo para ipagmalaki sa kaniya na ang ganda ko.

"Ang ganda ko ba?" Maging ang Grim reaper ay hindi kayang tanggihan ang taglay kong alindog. I'm not Quinn for nothing.

"Hindi, ang pangit mo." 

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa panlalait nitong tawa. Nangitngit ang mga ngipin ko at napakuyom ang mga kamao ko. I screamed internally, gustong-gusto ko siyang suntukin dahil sa sinabi niya. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong salita sa isang lalaking hindi naman buhay, baka maging taste niya nawala. 

"Kapag ando'n ka na, lumang building pa rin ang makikita mo, kapag sapit ng alas-tres, kusa itong magbabago ng anyo sa paningin mo lamang. May mag-aasikaso naman na sa ,'yo roon." 

Hinayaan ko lang siyang magsalita. Naiinis pa rin ako sa sinabi niya sa akin, paano niya nagawang sabihin na ang pangit ko? Gwapo nga siya ang sama naman ng ugali.

"Bumaba ka na andito na tayo." Inis na inis akong lumabas, padabog kong ibinaba ang pinto at natanaw ko pa ang pag-iling nito, na animo ay natutuwa pa na nainis niya ako. 

Bukod sa dinala niya ako rito, hindi ko naman alam na iiwan din ako, pero ang bilis naming nakarating dito. Malamang may dinaanan ito kaya ganito kabilis.

Katulad ng utos niya ay pumasok ako sa loob, lumang building ang bumungad sa akin. Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid, ngayon ko lang napagtanto na maganda rin pala ang lugar na ito kahit pa nilimot at pinabayaan na ng mga tao. 

Sa totoo lang hindi siya nakakatakot, malamang kung hindi nagbukas ang third eye ko, aakalain kong isa lang itong lumang hotel sa Baguio na nasira at pinabayaan.

Napaatras ako ng biglang umalog ang lupa, agad nalaglag ang panga ko habang nasisilayan ang magandang pagbabago sa paligid. Ang kanina lang ay bitak at niluma na ng panahon na pader ay nagbabago, napaikot ako sa paliging ng tuluyang bumungad sa akin ang isang napakaliwanag, napakaganda at laking hotel. 

Daig pa nga nito ang isang five star hotel dahil sa linis at ganda ng pagkakagawa, maging ang mga chandelier ay talagang ibang klase. Ang lahat ng makikita mo rito at para kang nasa ibang bansa. 

Patuloy ang pamamangha ko sa paligid at hindi napansin ang ibang mga tao–kaluluwa na naglalakad sa paligid, iilan lang sila pero mukhang mga bagong dating lang din.

"Kumusta po kayo?" Agad akong napalingon sa babaeng nagsalita, familiar ang boses na ito.

"H-hello." Bati ko sa kanila at napayuko. 

"Umakyat na po tayo." Magalang na utos ng isang lalaki. Malamang sila ang dalawang nag-uusap noong nahulog ako. Matanda nga sila, siguro nasa 60 years old ang mukha pero ang mismong tagal nila rito ay hindi ko alam. 

Nauuna silang lumakad sa akin at tanaw ko magandang uniform nila, kulay blue black ito at maganda rin ang tela. Bakit ganito kayaman ang mga multo?

"Pumasok na lamang po kayo, kanina pa kayo hinihintay ni sir Florence." Humawi sila sa daraanan ko papasok sa isang kwarto, malamang ito ang office ng may-ari.

"Thank youm" yumuko ulit ako at ngumiti, gano'n din ang ginawa nila at sabay umalis. Muli akong tumingin sa paligid, ang ganda talaga. 

Kumawala muna ako ng isang malalim na paghinga bago binuksan ang pinto. Expected ko na talaga na maganda ang office na ito, pero hindi ko napigil ang mamangha talaga sa mga nakikita ko. 

Malawak ito at puno ng mga painting, iba-ibang painting ang nakapaligid, may mga gintong figurines din sa paligid. Sobrang tahimik kaya rinig ang yapak ko palapit sa lamesa nito, nakatalikod ang upuan niya pero alam kong nakaupo siya rito dahil sa kaunting paggalaw.

"Excuse me. Hello po." Nakangiti at puno ng galang kong tawag dito. Pure confident pa ako habang nakaharap dito, unti-unting umikot ang upuan niya kasabay nito ang unti-unti ring pagkawala ng ngiti sa mga labi ko.

"Grim reaper? Aba ayos, ah! Iniwan mo akong mag-isa papasok dito para lang may moment ka?" Gigil kong saad dito. Ibang klase rin pala ito, e. Pinapunta pa ako rito, siya naman pala ang may-ari ng hotel. Nakasuot na lang siya ngayon ng kulay blue na polo. 

"Excuse me? Hindi ako Grim reaper." Kunot noo at masungit na sagot nito. Tumayo siya para harapin ako.

"Ikaw, alam mo nakakainis ka na!" Duro ko rito habang gigil na gigil ako at gustong sapakin na siya, wala na akong pakialam kung siya pa ang may-ari.

"Ayos ka rin pala, kung alam ko lang na ganiyan katabil ang dila mo hindi na kita hinayaan pang makabalik dito!" Galit nitong sagot. Salubong na ang mga kilay nito at matalim na ang tingin sa akin.

"Teka, hindi ba ikaw pa ang sumundo sa akin? Sana kasi hindi mo na ako pinilit pang sumama rito." 

Ako pa ngayon ang may kasalanan sa aming dalawa? Sino kaya ang nagpanggap pang tao para lang sunduin ako.

"Ako? Bakit naman kita susunduin? Isa pa hindi ako makikiusap sa gaya mo." May panunutya pa ang mga tingin nito sa akin, na akala mo ay sobrang pangit ko para hindi niya gustuhin. Ang sama ng ugali ng taong ito.

"Keir, ganit–"

"Florence ang pangalan ko, hindi ako si Keir!" Napapikit pa ako sa sigaw nito, pagdilat ko ay tanaw ko ang galit na mukha nito. 

Napalunok pa ako dahil sa kaba, iba ang ugali at mukha na ipinapakita niya sa akin ngayon. Parang kanina lang ang charming at ang cute niya, ngayon naman para siyang masungit type na kapag kinausap mo kulang na lang saksakin ka ng tingin.

"Hindi ko alam kung sino man ang sumundo sa 'yo, Florence ang pangalan ko at hindi Keir. May I remind you ms. Abellana, ako ang may-ari ng hotel na ito at ako ang boss mo. Kaya wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses!" 

Tameme akong nakatingin sa kaniya, gusto ko pa sanang magsungit ang kaso halata ko na sa mukha nito ang pagkainis, ayoko naman mapaaga ako sa kabilang buhay, andito pa naman ako sa hotel niya.

Pero paanong nangyari iyon? Ang owner ng hotel at si Grim reaper ay magkamukha? 

Iisa ang hulma ng mukha nila, maging ang kulay abo na mga mata. Pero paanong naging magkaiba ang pag-uugali nila? Kambal ba sila? O baka may iba pang paliwanag? Ewan, sumasakit lang lalo utak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status