Share

C3

KYLIE's POV

Urrgh! Ayaw talagang umalis ng unggoy tato sa harap ko kahit anong gawin ko, bina-basa ko na siya ng tubig galing fountain pero parang tuwang tuwa pa siya ro'on.

"Go away! SHOO!!"

But the Monkey won't go away .Gusto ko nang isipin na totoong na gandahan sa 'kin ang unggoy na'to. Ayaw niya akong tigilan huhu Help!

"What do you want ba kasi?? Do you like me ba?! Well, bibigyan kita ng picture ko pero utang na loob lubayan mo na akong unggoy ka!" sigaw ko rito, kahit alam kong hindi naman ako nito na-iintindihan.. nagpapadyak akong nainis ng ayaw manlang nitong umalis sa kanyang pwesto. I was ready to splash the animal with water when sudenly a figure appeared out of nowhere.

"Stupid," a voice came from nowhere.

Damn what?!

"Kung sa tingin mo lahat ng tao at hayop ay na a-attract sa'yo dahil maganda ka... nagkakamali ka," ani nito hindi ako nakaangal dahil may point naman sya at wala akong paki-alam doon. He grabbed the Monkey from the grass and gave me a cold stare.

"Anything that sparkles attracted Mikey. Kung ayaw mong habulin ka niya, huwag kang magsusuot ng alahas at ng gown na singtingkad ng ginto. . And don't call him monkey. He's not a monkey, he's an orangutan." balewalang tumalikod ang lalaki bit'bit ang unggoy...Whatever as if naman na may paki-alam ako?

"Of course, I know that! Mister Know-it-all-orangutan-lover! But i don't care!!" sigaw ko sa nakatalikod na lalaki.

"Just get that annoying hairy creature away from me--- whoa whoa aaaaaahh!"

Kakapadyak ko, natalisod ang paa ko at nawalan ako sa balanse. Bumagsak ako sa malamig tubig ng fountain. Lumubog ang aking buong katawan sa malamig na tubig ng fountain. agad naman akong umahon sa tubig na hindi naman ganun kalalim.

My gown was so wet. nang makatayo ako sa fountain ay nakita kong nakatayo ang lalaki sa di kalayuan at mapang asar pa itong nginisihan ako. pumalakpak pa nga ang hayup na unggoy na lalaki na yon. Tama! bagay na bagay sila ng alaga nya.

"FVK You ashole! Go to hell!" galit na sigaw ko sa mga ito.

Nag make-face lang ito tuma-likod na at tuluyang umalis.Naiwan naman akong basang basa.

***

BENNET's POV

"Nakita niyo si Bennet? Where's Bennet? I can't find him! Did he go somewhere?" Tanong nito kay fuji.

Napabuntunghininga ako. Naririnig ko ang boses ni Cole kahit na nasa malayo kay ay maririnig mo padin. Ganun kalakas ang vocal chords niya. At mukhang tinamaan na naman siya ng pagiging praning.Umiling-iling akong lumapit sa babae na kinakausap ni Frank at Rae

"Relax, Cole. Pumunta lang sa C.R. si Ben dahil na-iihi raw sya siya. Eh kausap mo raw yung kapatid mong si Nicky at yung bading na guest niyo kaya di na siya nagpaalam sa'yo," paliwanag ni Fuji.

Kita kong tumaas ang kilay ni Cole. Pinigilan kong matawa.

"Eh bakit hindi pa siya nagpaalam?! Pwede ko naman siyang samahan sa C.R.! Huwag niyang sabihing nahihiya siya sa 'kin, babatukan ko siya!"

"OY! OY! " turo ni Rae kay Zila. "Ikaw ha? Ina-under mo na agad si Zehel kakakasal niyo pa lang!"

Umikot ang mata ni Cole. "Aba! Maranasan naman niyang maging under kahit minsan! Ano? Laging ako? Sa kama nga, ako rin ang under eh---"

Napatakbo ako nang wala sa oras at walang agad tinakpan na ang bibig ni Cole. "Wala na namang preno yang bibig mo," sabi ko.

Tumingin ako sa dalawang lalaki na sa harap ni Cole, parehas sila nag pi-pigil sa pagtawa. Gusto kong hilahin si Cole at isilid sa sako at iuwi na lang.

"Saan ka ba galing?!" kunot noong baling ni Cole na inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Well, just like what they said... Sa Comfort Room."

"Ahh Okayy, Next time magpaalam ka. Akala ko iniwan mo na ako eh."

Gusot na gusot ang mukha nito kaya pinigilan ko ang mapatawa. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Nararamdaman ko ang baby bump sa tiyan. Lumukso agad ang puso ko sa excitement. I'm excited to be a father.

Noon, hindi ko naisip ang mga bagay naito tulad ng mag ka-anak. Nung kami pa ni Lessley, plano naming magpakasal pero hindi ang magkaanak. I thought i was fine with that. Pero iba ngayon. Iba nung kay Cole Iba dahil mahal na mahal ko siya. Starting family with her is what i dream and i want the most.

At ngayong malapit na kaming maging tatlo sa pamilya namin, wala na akong mahihiling pa except maging healthy sila ni Cole at ang magiging anak namin.

"We better go to the reception. Mukhang nandoon na lahat ng mga bisita, tayo na lang ang naiwan dito sa Reedwood," untag ni Cole sa kin.

Fuji and Rae are both walking towards the exit.I ginala ko ang paningin ko, mangilan-ngilan na nga lang ang tao.

"Do you love the wedding?" biglang tanong ni Cole habang tinitingnan ang buong venue ng kasal. The garden was filled with flowers and the lighting are so beautiful the whole place actually looked very Beautiful

"Yes, love I do" sagot ko.

"Ako nga rin eh. Okay naman palang maging wedding organizer yung tatlong bacteria na yun."

I agree. Magaling talaga sina Fuji, Rae at Luke

"Kapag tinanggal mo sila sa trabaho pwede na silang maging official na Wedding Plannerand i think Kikita sila ng malaki," dugtong pa ni Cole na nagtatawa.

Napatawa na lang din ako. Gusto kong sabihin sa kanya na masaya at maganda ang wedding sa kin, hindi dahil magaling sina Fuji at Rae... kundi yun ay dahil kay Cole.

Papakasalan ko siya. Sasabihin ko sayo kahit siguro sa bangketa kami ikasal, basta siya ang pakakasalan ko.

I wanted to tell it to her. Pero hindi ko ginawa. Baka kasi lumaki nang husto ang ulo niya at isiping patay na patay ako sa kanya.

Even though, I probably am.

"Tara na, gutom na 'ko!" aya ni Cole at hinila na ako palabas ng Redwood Garden kung saan naghihintay ang sasakyan na maghahatid sa 'min sa reception.

Habang nasa sasakyan kami papunta sa Hotel ay tanong nang tanong si Cole tungkol sa mga kamag-anak ko. Wala naman akong magawa kundi ang sumagot.

"Yung Lolo Arthur mo? Was he really an American soldier during WWII?"

"Nah, He's a spy, not a soldier," sagot ko.

Sinabi ni Mama na si Lolo daw ay isa sa mga top spy ng U.S. at ng Allied Forces noong World War 2. He became a vital part for the launch of atom bomb in Hiroshima and Nagasaki, Japan.

"Spy?" nanlalaki ang mata ni Cole. "Eh di matalino siya! Siguro sa kanya nagmana lahat ng ma-tatalino sa angkan niyo. Like your brother, si Kuya Caster. Tapos yung father niyo din, I mean Daddy pala! Tapos ikaw!"

Tumango na lang ako. At derederetso pa rin sa pagnanarrate si Cole ng nasa isip niya tungkol sa angkan namin.

Hindi niya kilala ang mga kamag-anak nila. Ayon na rin sa kanya. Kaya hindi niya naranasan yung katulad nung sa kin na may malaking pamilya. It was sad to know that she doesnt have any family aside from Nicky, pero wala naman akong magagawa tungkol sa bagay na yun.

Siguro, pipilitin ko na lang na bigyan din siya ng malaking pamilya. Gaya ng pangarap niya.

"'Yung pinsan mong si Kylie, grabe ang ganda niya sa malapitan. Maganda na siya sa mga magazine at billboards pero di ko akalain na Mas Lalo syang maganda sa Malapitan." Namamanghang ani' ni to

Napahalakhak ako sa sinabi ni Cole. "Don't be like that to yourself Wife, For me, you're the most beautiful woman in the world.."

Umirap si Cole. "Asawa mo na ako kaya wag mo na akong bolahin."

Haha!

"Pero grabe Hon no?. Nakakatulog pa ba ang pinsan mo na yun! Kung ako lalaki, talagang hihilahin ko na yun sa altar mapasakin lang!"

Humugot ako nang hinga at umayos ng upo bago tumitig kay Cole. "Alam mo, wife. Maganda nga si Kylie pero hindi mo ma gugustuhan ang ugali nya kapag nakilala mo pa sya ng lubusan."

"Anong ibig mong sabihin, masama ugali niya?" na k-kyuryus na tanong ng asawa

"She's a living witch, wife. Kaya kahit gaano siya kaganda, major turn off ang lalaki ang ugali niya."

"Ganun?" parang di makapaniwalang sabi ni Cole.

"Pasalamat siya na sobrang ganda niya, in-demand sa high fashion ang mukha at katawan niya. Pero sa klase ng ugali ni Kylie, hindi na ako magtataka kung mabalitaan kong kaaway na niya lahat sa modelling world," paliwanag ko.

Kylie Balin Leofwin. Bunso siyang kapatid ni Ate Annie. si Kylie ay isang spoiled brat. Tanda kong walang tumatagal na babysitter sa kanya noon at kahit yung mga nanny, nilalayasan talaga siya sa kaartehan niya.

"But i like her," ani Cole. "I mean, okay siya nung mameet ko siya. Kung kasing ganda ko siya baka maging maarte din ako haha. So i understand na, na ganun ugali niya. At least hindi siya plastik, sasabihin niya kung ayaw niya walang paligoy-ligoy."

I can see that Cole was smiling. Mukhang gusto niya ngang si Kylie-ng maka-close it. Sabagay, medyo hawig sila ng tabas ng bibig.

Parehas WALANG PRENO. Sasabihin ang sasabihin, pangit man o maganda. Hindi na nakakapagtakang gusto niya ang pinsan ko na yun.

"Pero wala pa naman siyang boyfriend? How old is she again?" tanong ni Cole.

"Twenty three, and from what i heard wala siyang boyfriend dahil Dyosa ang tingin niya sa sarili niya."

"Ah. Tapos kulangot lang ang mga lalaki?" tumatango tango si Cole. "Expected na yun from someone like her"

Gusto kong tumawa sa mga pinagsasabi ni Cole pero ngumiti na lang ako at kinuha ang kamay niya. "Will you just shut up, Cole? Let's Enjoy this moment as husband and wife officially."

Ngumisi si Cole "Officially huh? Mag-iingat ka Bennet. Asawa mo na 'ko. Pwede na kitang ihulog sa sasakyan na to, at pag natigok ka akin na ang kayamanan mo!" At tumawa ito ng mala-demonyo.

Tumawa ako at pinisil ang pisngi niya. "Yeah? Try it then. I'd be happy to die just for you."

Bigla na pagngiwi ni Coleat Umiwas siya ng tingin sa 'kin . "Eeew. Ang corny nun grabe. Naging asawa lang kita naging jo-logs ka na. Kanino ka ba bumabarkada ngayon, kay Rave? Huwag kang dumikit dun, lahat ng sinasabi nun puro ka-cornyhan."

Humagalpak ako nang tawa. Yung tungkol kay Rave ang nagpatawa sa akin. Medyo aminado ako dun. Rave. Tumatawa pa rin ako hanggang sa makarating kami sa Hotel, kaya bumaba kami sa sasakyan at sumalubong sa amin si Fuji na nakataas agad ang kilay ng lalaki.

"What?" tanong ko kay Fuji.

"Namumula ang mukha mo," sabi niya.

"It's Her Fault," turo ko kay Cole na dined-dma lang si Fuji.

"Tara na sa loob, gutom na ako!" aya ni Cole na nag pati-una na pumasok sa loob ng Reception Hall ng Hotel.

Halatang gutom na talaga siya, iniwan niya sapatos niya sa kotse.

"Mas mahal niya pa rin ang pagkain kesa sa 'kin," komento ko.

"Yeah," dugtong pa ni Fuji.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status