"Mag-iwan kaya ako ng love letter sa locker niya?"
Nakatulalang sabi ko habang nilalaro ang pen ko.
"Crush na crush talaga girl?" Natatawang tanong sa akin ni Cas.
"Na-kwento ko naman sayo diba yung nangyari kahapon? Like, feeling ko may pag-asa talaga ako?" Nakaka-inspired pala pumasok araw-araw kapag may crush ka.
"Uy grabe di ko kinaya katangahan mo kahapon ha?" Kinurot ko siya sa tagiliran, grabe talaga. Kaibigan ko ba 'to?
Lunch break, pumunta kaming cafeteria para kumain. And my very bestfriend, hinatak na naman ako. Huli na ng malaman ko kung saan kami papunta ng nasa harapan na kami ng table nila Kael.
"Uy Cosette!" Bati ni Lander sa akin.
"Naks may napadaan na walking megaphone dito ah." Pang-aasar naman ni Darrel kay Cas.
"Hello Lander! Hi guys!" Bati ko sa kanila.
"Hoy tukneneng, baka nakakalimutan mo? May utang ka sakin na lunch!" Paniningil naman ni Cas kay Darrel.
Napatingin ako kay Kael na tahimik na nagbabasa ng kung ano sa libro niya. Lunch ah? bakit kaya hanggang cafeteria nagbabasa siya, akala niya siguro nasa library pa rin siya.
"Anong tinatawa mo?" Nagulat ako sa tanong ni Kael, napalakas pala.
"Cose! dito ka nalang sa tabi ko, wag ka dyan kay regla boy."
Alok naman ni Lander sa akin. Naramdaman ko ang sama ng tingin ni Kael kay Lander, pagkatapos nun umurong siya ng kaonti at tinapik ang katabi niyang upuan.
"Here." Agad namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ang babaw pero kinikilig na agad ako.
"Here daw girl, upo na ops sa upuan ah wag sa lap."
Sinamaan ko naman ng tingin si Cas, not now but soon charot. Umupo na ako sa tabing upuan ni Kael at umorder na kami ng mga pagkain namin.
"Paano i-pronounce yung cose mo cosette? Haba kasi eh kakapagod banggitin." Tanong naman ni Zico, may lahi ata siyang chinese. Idk but I think? since Lim ang surname niya and chinito guy siya.
"cow-zy, ganyan ko banggitin yung cose niya eh wala lang trip ko lang." Sabi ni Cassy na panay ang kain.
"Woah pang-mayaman ang dating ah? cow-zy." Nagtawanan kami sa kalokohan ni Lander, pero agad ding natigil nang may dumating para kausapin sila Zico.
"Hi Kael, I made a lunch for you."
She's Danna, She's a member of cheerleading squad ng University namin. Dati ko pang hindi gusto ang attitude niya since nalaman ko na nangma-mock siya ng ibang students. And mas lumala pa ngayong she's trying to flirt with Kael.
"Made ba talaga? or binili sa labas?" bulong naman ni Zico, napatingin sa kaniya si Danna kaya nanahimik agad siya.
"I'm full." Maikling sagot ni Kael, paano ba 'yan busog siya?
"Oh really? Sayang naman, I put a lot of effort in making this lunch for you. How sad naman." How sad naman duh. Bakit napaka-bitter 'ko?
"Sa akin nalang Danna! Gutom pa ako."
Pang-aasar naman ni Cassy, kaya pinandilatan ko siya ng mata. Inirapan lang kami ni Danna, lalo na ako. Ang sama ng tingin sa akin ah?
Nang makaalis na si Danna, we continued our lunch, nagku-kwentuhan kami. Medyo awkward kasi katabi ko siya pero tahimik naman so medyo okay din. I tried to open my bottled water pero sobrang hirap buksan. Nagulat ako nang inagaw sa akin ni Kael yung water then siya ang nagbukas.
"Next time kumain ka kasi ng madami, para hindi ka payatot." After that, he immediately left me, how rude this handsome creature. Grabe lang, payatot? I'm sexy! I'm not payatot!
"Wow naman, 11 words yun in one sentence Cose. Galing, paano mo napasalita yun ng ganun kahaba ng hindi dahil sa recitation?" Nagtawanan kaming lahat, Idk either malakas lang din siguro siya mang-asar. Luckily, ako yung napili niyang asarin.
We parted ways after that, Nagu-usap usap na din bawat courses kung anong booth ang itatayo nila for foundation day. Ang naisip ng course namin is coffee shop with a twist, kung sinong may same ng order na guy and a girl magiging mag-partner. Kaya ang gagawin ng booth namin, madami ang flavors para hindi magkakapareho lahat. Magiging mag-partner sila then bubunot sila sa isang jar ng magiging dare nila.
I'm assigned to entertain the customer for two hours, I'll be serving them like what waitress do. Then after that tutulong naman ako sa paggawa ng coffee. I'm excited since one week na walang classes nun. Tapos tutugtog pa ang banda ng The Resistance.
"Alam mo nae-excite ako sa mangyayari sa Foundation day like for once in a life time makakahinga ako sa mga school works."
Sobrang stress na ata talaga si Cassy sa mga nangyayari, since malapit na din kami matapos. Madaming requirements, sobrang overloaded mga school works.
"Same, parang rest day yung utak natin in one week." Starting from Day 1 of Foundation day, maghuhulog ako ng letter sa locker ni Kael. At dun ako mas lalo nae-excite, feeling ko highschool ako ulit.
Madaming napag-usapan ang klase about foundation day, and sobrang bongga ang gagawin ng ibang courses kaya sobrang competitive namin.
"Tara punta tayong mall?" Yaya sa akin ni Cassy na agad kong sinang-ayunan wala naman akong gagawin sa bahay dahil maaga pa naman. Pero medyo makulimlim ata, mukhang uulan.
Paglabas namin nakita ko si Kael na naghihintay sa waiting shed, nakikinig sa earphones niya.
"Pwede pass muna Cas?"
Kinikilig naman yung isa kaya pinayagan agad ako. Agad akong tumabi sa tabi ni Kael, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napaka-sungit talaga neto. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, ang lamig.
Napatingin sa akin si Kael, at inabot ang kabila ng earphones niya. Tinanggap ko naman agad yun.
Now Playing: Cheerios & Chocolate Milk by Theo Kandel
"Can I be honest with you?
Things they ain't how they used to beI'm talking 'bout jungle gyms, faded quiltsCheerios and chocolate milkCan I speak softly just to you?I'm feeling blueCan we keep holding hands standing still?Cheerios and chocolate milk, oh"I love his music taste. It felts like his playlist speaks what his heart wants to say.
"Bakit hindi kapa umuuwi?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa ulan.
"Uhm, Nakita kasi kita-" Naputol ang sasabihin ko ng nagsalita siya ulit.
"Baka maligaw ka na naman, baka ibang tao na kasama mo sa bus." Nag-aalala ba siya?
"Wag kang ganyan mas lalo kitang-"
"What?" Kunot-noong tanong niya sa akin parang naguguluhan.
"Mas lalo kitang nagiging crush." Nagtakip ako ng mukha sa sobrang kahihiyan. Ano na naman 'to Cosette? Napatawa siya sa narinig.
"Mawawala din 'yan." saad niya. Tumuwid na siya ng diretso, at tinignan ako.
"Tawagan mo na ang sundo mo. Mag-aantay ako hanggang sa makaalis ka. Doon lang ako sa dulo." Turo niya sa gilid.
"Pwede bang dito ka lang? Habang wala pa yung sundo ko?" Tinignan niya muna ako sa mata bago siya bumalik ulit sa pagkaka-upo niya kanina.
"Salamat. Goodluck nga pala sa Foundation day ha? Magche-cheer ako dun." I smile at him, nagulat ako ng ngumiti din siya ng tipid. Gwapo naman neto, lalo na pag ngumiti. Grabe ka naman Kael.
Muli kaming natahimik at nakinig na lamang sa kanta. Iba pala ang pakiramdam pag nakahanap ka ng comfort sa katahimikan, kasama yung taong komportable ka.
As the rain stops from pouring, dumating na yung sundo 'ko. I smiled at him as a goodbye, then before ako pumasok sa kotse, ang huling tatlong salita mula sa kaniya ang muli kong iisipin bago ako matulog.
"Aasahan ko 'yan."
"So guys, let's start making some decorations para sa booth natin." Pagkatapos sabihin yun ng leader namin para sa gaganaping foundation day, Inassign niya na din kami sa mga shift namin, at kung sinong kasama namin. It happens na apat kami sa 8:00 to 9:00 am na magiging waitress, si Cassy, Zades, our leader Naih and ako."Hello, kayo pala ka-group ko." Nahihiyang lumapit samin si Zades, half korean siya kaya maputi and medyo singkit siya. Si Naih naman, maputi din but mas maputi si Zades sa kaniya, she's a leader type. Halatang magaling mag-handle ng mga tao."Ang cute! Tayo magkaka-group, dati ko pa gustong maging friends kayo!" Masiglang sambit naman ni Naih sa amin. We exchanged smiles, sobrang gaan nila kausap."Tara lunch na, sabay sabay na tayong apat kumain." Pumunta na kaming cafeteria at agad ginala ko ang aking mga mata
“Hoy sis, bakit kasabay mo pumasok si Nick? At sa kotse ka pa nya bumaba.”Pagi-intriga sa akin ni Cassy, pagpasok ko sa booth. So nakita nila yun? Umupo muna kami saglit sa loob ng booth at balak ko i-explain sa kanila ang set-up na meron kami ni Nick.“Sila Mom and Dad kasi, gusto nila sabay kami pumasok. I'm against of the idea pero alam nyo naman sila mom gusto nila sila masusunod lagi.” Paliwanag ko sa kanila.“I think gusto ng parents mo na magka-mabutihan kayo ni Nick.” Saad naman ni Naih, na sinang-ayunan ni Zades at Cas.“I don't know, pero if ever alam nyo naman kung sinong gusto ko.” Nagsimula na kaming mag-linis ulit at mag-ayos ng booth, pagtapos din ng ilang minutes, nag-open na kami para sa mga customers.“Finally, our shift is done.” Nag-inat na sabi ni Zades.“Tara libot ulit?” Pag-yaya ulit ni Cas.
“Mukhang masaya ka kahapon na watak-watak tayo ah?” Sabi ni Naih sa akin na halatang pikon na pikon sa nangyari sa kanila ni Lander yesterday. Hindi ko alam pero pikon na pikon talaga siya kay Lander, siguro dahil lagi siyang inaasar nito. “Hindi ka man lang ba nasiyahan sa wedding nyo kahapon?” Tanong ko sa kaniya na ikina-ikot ng mga mata niya. It's really confirm, sobrang inis siya kay Lander.“Kamusta honeymoon?” nagtawanan kaming tatlo sa tanong ni Cas kay Naih kaya pikon na pikon si Naih.“Sa inyo, Zades at Cas ano nangyari sa inyo kahapon?” Nanlumo ang mukha ng dalawa. Parang ang worst kasama nung mga lalaking yun at ganto ang reaction ng mga kaibigan ko.“Basta! Wag na natin pag-usapan.” Sabi ni Zades na halatang ayaw ipaalam ang nangyari sa kanila ni Darrel kahapon.Nagsimula na ulit kami sa daily routine namin sa booth, as usual maglinis at mag-ayos ng booth
“Kindly finalize your fashion show project, since tapos na ang foundation day. Focus on your ramp, and also there's a photoshoot of the clothing you've made. You can choose whoever your partner is, any course.”Halos lahat kami na-stress kasi konti nalang ang remaining days namin para sa preparation tho malapit ko na matapos ang clothing na ginawa ko, my theme is “Living in an island” So it's sexy, I made a unique dress na color green, and also topless ang sa guy then medyo jungle style yung bottom na ginawa ko para sa partner ko. Backless naman ang sa akin, then medyo kita ang cleavage. In short, sexy ang theme.“Okay naba yung sa inyo?” Tanong ni Zades na halata na ang stress sa mukha.“Konti nalang, then hanap ng partner.” Hindi ko alam kung sinong yayayain ko.“Hahanap kapa may Kael kana diba?” Sabi naman ni Naih na nag
“Kanino galing 'to?”I asked my classmates kasi nauna ako sa tatlo, so walang nakakita sa mga friends ko kung sino ang nag-iwan ng tulips at coffee sa desk ko.“Hindi namin napansin eh.” Sagot ng isa sa mga kaklase ko. I just read the note na nakita ko sa ilalim ng tulips.Goodmorning, Did you sleep well? Since I'm courting you now, I will always put a flowers in your desk, so that you can start your day with a smile.-K. VSiya pala ang nag-iwan nito dito. Mainit pa yung kape kaya malamang kakalagay niya lang nito. Kinilig naman ako sa ginawa niya, muling nagsink-in sa akin na nililigawan na niya ako. Yung crush ko nanliligaw na sa akin? Paki-putol nga yung hair ko masyadong mahaba eh.“Wow sana all? May pa-tulips ano meron?” Pag-usisa naman sa akin ng tatlo, lalo na si Cas.“He's courting me.” Pag-amin ko na hindi mapigil ang
"Sigurado ba kayo ng anak ko Iha? Kasi alam mo naman ang estado ng pamumuhay namin at ng sa inyo. Maaring hindi pumayag ang mga magulang mo." Napaisip ako sa mga salitang binitawan ng Mama ni Kael, I know this is the risk that I need to take. Our relationship is a risk. Naisip ko din na hindi magugustuhan ng parents ko kapag nalaman nila na may relasyon kami ni Kael, knowing na mas mahalaga sa kanila ang status ng isang tao."Gagawin ko po ang lahat para matanggap kami ng parents ko." Pagkatapos ko sabihin yun, hinawakan ako sa kamay ng Mama ni Kael at bumuntong hininga. "Hindi ako tutol sa relasyon nyo pero ayokong masaktan at tapak-tapakan ang pagkatao ng anak ko, napaka-bait na anak ni Kael." Napangiti ako ng pilit sa sinabi nya, alam kong nag-alala siya sa anak niya kaya nag-alala din ako kay Kael.Sobrang buting tao ni Kael, at isa yun sa minahal ko sa kanya. Wait, minahal?Andit
“Kumusta ang vacation mo dito anak, mukhang nage-enjoy ka daw?”Nagulat ako sa biglaang pagdating nila Mom and Dad dito sa Quezon. And also last day na ngayon then aalis na kami mamayang gabi pauwi, kasi next day balik na sa class.“Yes Mom, actually I really love the ambiance here.” I told her.“Yeah, buti na-appreciate mo ang farm natin, before you can't really stay here for a week, you prefer Manila than here.” That's true, I don't know kung bakit I plan to spend my vacation here, siguro dahil ramdam ko na andito si Kael?“Let's visit our farmers.” My dad told us. Pumunta kami sa mga bahay ng mga farmers, and kinamusta nila Dad ang mga tauhan nila.Nang malapit na kami sa bahay nila Kael, todo ang kaba sa aking dibdib. I received a text from him.From : BabyYour parents are here.Yes, yan na ang name niya sa contacts k
“Sobrang galing nyo kahapon!”Sigaw ni Naih sa apat. Kaya ang mga mokong nagyayabang sa amin.“Kami paba? Saan na kiss ko?” Pang-aasar naman ni Lander kay Naih. Umirap lang si Naih then nagsimula na kami mag-ligpit ng mga gamit para mag-lunch na sa labas.Kanina hinatid ulit ako ni Nick, nako-konsensya na ako kasi pag nalaman ni Kael na araw-araw niya yun ginagawa, baka magalit siya at siguradong hindi niya magugustuhan.Habang umo-order ang guys, kinausap ako nila Cassy.“Girl, yung set-up nyo ni Nick, I think dapat mo na tapusin. You know Kael, baka magselos siya pag nalaman niya.” Sambit ni Cassy.“True. Kung magselos nga yun sa bandmates niya kay Nick pa kaya?” Sabi naman ni Zades.“Nagkita na si Nick at Kael, pinuntahan niya kasi ako nung may event sa school. And nahalata ko na hindi nga nagustuhan