August's POV"Auuuggguuuussssstttt! Sumama ka na! This is girl's night out! Walang boys involved. We should enjoy our last night of being free from burden. As soon as magsisimula na ang training natin, I don't think we can still have time to have fun." Yaya sa akin ni Misha she's already dressed to kill. Akala mo kung saang party ito dadalo.Rest day kasi namin bukas at tinatamad ako. Last week, I spent my rest day with Reed tapos ngayon, lalabas na naman ulit? Wala na ba talaga akong pag-asa na makapagpahinga ng maayos?"Mish.... tinatamad ako as in. I wanted to sleep." Patamad na saad ko habang nakadapa ako sa sofa."August, kahit ngayon lang pagbigyan mo ako. Hindi ka nga sumasama sa night out natin eh. Kahit ngayon lang, promise hindi na kita pipilitin pa." Nakangusong saad nito. "Tapos libre pa kita ng food mga one month."Napataas naman ako ng tingin dito. "Talaga?" Tanong ko pa at naging excited. Bawas gastos din yun kasi."Oo, basta sumama ka lang." ungot nito sa akin na igina
August's POVAntok na antok pa ako. I can feel the splitting headache dahil sa kalasingan ko kagabi. I savor the feeling of comfiness with the bed and blanket. It felt warm, but somehow it has strange smell. It doesn't smell like my bed. Kaya dahan dahan akong napabuka sa aking mga mata. My eyes meet the black ceiling.Black? Kailan pa naging itim ang kisame ng kuwarto ko? I even look with the blanket and strange, it's black. Kaya agad na napabangon ako at napatingin sa paligid. This is freaking not my room. Tatayo na sana ako when I felt I don't have any clothes kaya napasilip naman ako sa ilalim ng kumot.Shock flooded my system. How come I don't have any clothes? I tried to recall what happened lastnight and flashes of memories coming in. I met a guy that I don't even know and went here... and we......... Napatutop ako sa bibig ko. I clearly remembered what happened! But I am not sure kung talagang all the way ba ang nangyari. My memory ends there, after that overwhelming feeling,
August's POVNag-impake na ako ng mga damit ko. Pansamantalang hindi kami tumatanggap ngayon ng mga assignments dahil sa training na mangyayari sa Batanes. Yes, you read it right. Sa Batanes yung location ng training namin. The heck, ang daming malapit na pwedeng magtraining, doon pa talaga sa lugar na kung saan parang hindi na sakop ng Pilipinas. This city is already near china and japan. Konting tumbling na lang. Pero ano ang karapatan kong magreklamo? It was the admin who choose the location para na rin daw makapasyal ang mga dayuhan dito sa Pilipinas.Lumabas na ako ng condo. May sundo kami na service van dahil patungo kami sa Clark International Airport. Doon ang departure airport namin at kailangan pa namin magtravel patungo doon. There is private plane na naghihintay sa amin doon. They could not risk daw to buy ticket and put our identities. Kaya nakaprivate jet kami, courtesy of CIA United States. Yaman lang di ba? Wala pa akong kilalang tao na nagmamay-ari ng isang private je
August's POVNakarating na kami sa Batanes at may sumundo naman sa amin na isang 20 seaters Van. Medyo malaki ito kesa sa karaniwang Van na nakikita ko na bumabyahe. So we ride all together in one vehicle. Nagstopover lang kami sa isang restaurant doon para mag-agahan but at the same time we enjoyed our eyes with the view. Almost everything is green. The houses there are made of rocks and we can see people walking down the streets wearing like a wig that is made of hay. I don't know why they are wearing those stuff, pero palagay ko ay hindi ko yun kaya dahil makati yun.Nakatayo kami ngayon sa harap ng Fundacion Pacita. Isa itong restaurant dito sa Basco, Batanes. Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako ng oorderin. Si Reed na bahala sa bayarin ko hahaha. Ganun naman palagi eh. Basta pagkain abusada ako. Mahilig din kasi ito masyadong manlibre eh. Galit ata kasi ito pera."Let's get inside." Saad naman ng sumundo sa amin. His name is Polo. He is the person assigned to take care of us since
August's POVNakangangang nakatingin kami sa property ng CIA. Who would have thought na ganito kaganda yun. It is a mansion with colorful flowers around na may tulips pa na hindi ko alam na nabubuhay pala ang tulips doon. There are even roses as well. The mansion is grandiose na pakiramdam ko ay manliliit ako kung papasok ako doon. It is too much for my liking."August, training ba talaga ito o magbabakasyon tayo?" Nakangangang tanong sa akin ni Misha. Mayaman si Misha, pero hindi kasing sagana ang bahay nila gaya nito."Let's go inside." Saad ni Reed na tila hindi man lang nagulat sa mansyon. Even Draco and Marcus na parang normal lang sa kanila ang nakikita."Nice." Saad lang ni Scarlet.Nagsimula na kaming naglakad papasok at may mga sumalubong naman sa amin na mga amerikanong nakatuxedo. They ushered us inside and they even have head sets communicating with each of the members. Halatang security ang mga ito. Secret agents with guards, san ka nun?Isa-isa kami ng kuwarto lahat. The
August's POVNagising na lang ako ng muntikan pang mapasigaw dahil hindi ko kaagad nakilala ang kuwarto, but I suddenly remembered na nasa Batanes pala kami ngayon kaya biglang nakaramdam naman ako ng ginhawa. Medyo nagkaroon pa ata ako ng trauma ng dahil sa mga nangyari noon nalasing ako. Waking up in a different room, freaks the hell out of me.Tumayo na ako at pumanhik sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Agad ko naman na ginawang messy bun yung buhok ko dahil magulo ito at tinatamad akong magsuklay. Lumapit naman ako sa bintana ng aking kuwarto at napatingin ako sa labas. Mukhang hindi dinadayo ng mga tao ang bahaging ito lalo na ang parte ng karagatan na wala na akong makitang kahit anong isla. Parang walang hanggang karagatan na ang nakikita ko.Pakiramdam ko ay parang tinatawag ako ng karagatan kaya binuksan ko naman yung maleta ko at kumuha ako ng two piece red string bikini. Sanay na akong suotin ito dahil sa trabaho ko, halos lahat nasuot ko na ata. Kaya agad naman ako
August's POVBinaliwala ko lang ang masasamang tingin na tinatapon sa akin ni Scarlet. Walang pa naman namamatay sa sama ng tingin. Baka nga magkasore eyes pa siya dahil sa pinanggagawa niya. Nandito kami ngayon ulit sa training room at may mga iba't-ibang mga baril sa mahabang lamesa. May sniper, M16, shotgun at mga caliber 45 pistols. Sabi ni Draco, disarming daw ang gagawin namin. They wanted to see how fast are we to disassemble a gun.Napatingin lang ako sa mga baril. This is not new to me dahil isa ito sa training sa PMA and it was not easy dahil nakadepende doon yung grado kung makakapasa ka ba o hindi. I am confident na magagawa ko ito ng madali."Disassemble the caliber .45 in 30 seconds." Saad ni Marcus. I raised my brow. 30 seconds is long. Kayang kaya namin lahat yun kaya hindi yun magiging mahirap. "Ready.........go!" Bigay hudyat nito.Agad kaming kumilos at tinantya namin ang oras kaya sakto lang din namin na nadisassemble ang pistol. This is so no challenge at all, wal
August's POVNatapos yung training namin kahapon ng matiwasay but something is wrong about Reed and Draco. They seems to be off, like something is stirring between the two. Kahit kapansin pansin iyon ay hindi na kami nanghalungkat pa dahil ayokong mapasali sa kung ano man ang issue ng dalawa. Magulo na nga buhay ko dadagdagan ko pa.Ngayon naman ay nandito kami sa labas sa harap ng obstacle course. There are wheel tires na pakiramdam ko ay sa ten wheeler truck ang laki and it has metal on it. May mga lubid na nakakabit dito. There are even rope ladders, stone wall, mud path and flying logs that you have to dodge.Hindi na ako nagulat sa mga ito dahil naranasan na namin ito dati. Sabi ni Draco, few days start of the training are the basic para hindi daw magulat yung mga muscle namin. Dahil after daw ng mga basics it won't be easy daw.Nawala naman yung ilang ko kay Draco. Ewan ko hindi ko alam kung paanong nawala basta napansin ko na lang na nawala na yung hiya ko. Hindi ko alam na ang