Share

6

C H A P T E R 6

Tumahan ka na. Hindi niya sasaktan ang pamilya mo.” Masuyong utos ng matandang babae nang daluhan nito si Catharine sa sulok.

Nakatakip siya sa tainga dahil takot siya sa kulog na maya’t maya ang dagundong sa kalangitan. Pakiramdam niya ay ilang daang taon na siyang umiiyak at pagod na siya. Sino bang hindi iiyak sa sitwasyon niya? Mas mabuti pang nakulong na siya sa preso kaysa sa kwartong iyon na parang hindi niya alam kung anong kahayupan ang gagawin sa kanya.

“Sabi niya po papatayin niya.” Hikbi niya saka lang nag-angat ng mukha. Nang tumalikod kasi ang lalaki ay kaagad naman siyang tumakbo kanina sa sulok at sumiksik doon na parang takot na kuting.

“Maniwala ka roon. Ganoon talaga ang batang ‘yon pero nag-iisip ‘yon. Hindi ka noon basta na lang sasaktan. Hihintayin noon ang lahat ng ebidensya at titimbangin niya iyon nang husto.” Hinaplos nito ang gasa na nakatapal sa noo niya.

“Hindi ko naman po talaga pinatay. Ako pa nga po ang humin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status