Lumilitaw ang mga ugat sa leeg ng lalaking may tattoo habang nagngangalit ang mga ngipin. Para bang alam na niya ang susunod nitong gagawin, kaya pinigilan siya ni Saydie. “Huwag. Tiisin mo lang nang kaunti.”Nang makita ng lalaking may tattoo ang matapang na ekspresyon sa mukha ng lalaki, sinabi niya, “Hah, bakit ganiyan ang mukha mo? Gusto mo ba akong kagatin?”Nilapitan niya ang lalaki, pero nakatingin siya kay Saydie. Tinulak niya ang lalaking naka-buzz cut, dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba sa lupa.“Ikaw…”Gusto siyang sugurin ng naka-buzz cut na lalaki, pero dalawa pang tao ang lumapit at pinahiga siya sa lupa.Humithit ng sigarilyo ang lalaking may tattoo at binugahan ng usok ang mukha ni Saydie. Naningkit ang mga mata ni Saydie at walang ekspresyong tinitigan ang lalaki.“Wala akong ideya na magre-recruit ng babae si Gerald. Pambihira ito,” Sabi ng lalaki sabay ngumiti na parang manyak. Tinaas niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ni Saydie bago nagpatuloy s
Lumingon si Saydie sa mga tauhan ni Gerald at nagtanong, “Paano sila?”Sumagot si Quincy, “Nakidnap din sila, kaya sa tingin ko made-detain lang sila ng sampu hanggang labinlimang araw dahil sa pakikipag-away.”Wala ng sinabi pa si Saydie.Sa Bassburgh…Nagpunta sina Maisie at Nolan sa police station pagkatapos matanggap ang message. Nang makarating sila doon, kalalabas lang nina Saydie at Quincy ng interrogation room.“Saydie!” Nilapitan siya agad ni Maisie. “Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?”Umiling si Saydie.Napanganga si Quincy.‘Hello? Nandito din ako! Hindi ba dapat ay mag-alala ka rin sa akin?’Hinawakan ni Maisie ang balikat ni Saydie at bumuntong-hininga. Ngumiti siya at sinabing, “Mabuti naman. Sa totoo lang, nang malaman kong nakidnap ka, akala ko… pero sobrang saya ko na nakabalik ka sa akin.”Yumuko si Saydie. Kahit na naantig ang puso niya dahil mayroong tao na nag-aalala para sa kaniya, hindi niya alam kung paano ipapakita ang nararamdaman niya.Nagpunta sa s
”Mukhang sa mga kamay mo masisira ang mga Boucher. 30 taon ng hawak ni Yael ang posisyon na yun. Sa tingin mo ba ay oras na para may pumalit sa kaniya tulad ni Michael?”Tumawa si Helios at sumagot, “So? Gagamitin mo ba ako para pwersahin ang tatay ko na umalis sa posisyon?”Ngumiti si Tony pero walang sinagot.Napakagat ng labi si Barbara at sinabing, “Ikaw ang nasa likod ng aksidente na nangyari sa tito ko.”Sumandal si Tony sa couch at sumagot, “Ang totoo, nakakaawa siya. Mayroon siyang narinig na hindi niya dapat marinig sa Glitz Club at nahuli siya.”Sumama ang mukha ni Barbara. Katulad ng inaasahan niya, hindi “aksidente” lang ang pagkamatay ng tito niya.“Sayang lang at walang anak na lalaki ang mga Chase,” Pagpapatuloy ni Tony habang pinagmamasdan si Barbara. “Wala kang magagawa dahil babae ka. Hindi ka parte ng mga Chase dahil magpapakasal ka din balang-araw.”“Bakit hindi pwedeng umupo ang isang babae sa posisyon na yun?” Kalmadong tanong ni Barbara. “Huwag mong maliit
”Paano mo ako mapapatigil sa pag-aalala?” Pulang-pula ang mga mata ni Christina. “Anak natin yun! Ayaw ko ng maulit ang nangyari sa Winston Island!”“Sa tingin mo ba ay gusto ko yung mangyari?” Umangat ang ulo ni Yael at nanatiling kalmado. “Ako ang target nila. Ibabalik ko nang buo si Helios.”Nagulat si Christina. “Anong ibig mong sabihin na ikaw ang target nila?”Walang sinagot si Yael.“Posible bang…” Tila mayroong naalalang tao si Christina, pero hindi siya naglakas-loob na banggitin nang malakas ang pangalan na yun.‘Posible bang si Tristan yun? Imposible. Hindi ito gagawin ni Tristan.’“Anong posible?” Tinitigan siya ni Yael pero tinikom niya ang bibig at walang sinabi.Tila nabasa naman siya ni Yael at seryosong sinabi, “Masiyado kang nag-iisip. May kinalaman ito sa politika.”Bahagyang namutla ang mukha ni Christina. “Alam mo kung sino ang nasa isip ko—”Tumayo si Yael at naglakad palabas. “Huwag ka masiyadong mag-isip. Magiging ayos lang si Helios.”Pinigilan siya n
”Barbara Chase.”Kilala ng waiter kung sino si Barbara. Magalang itong ngumiti. “Wala rito si Ms. Chase.”Kumunot ang noo ni Maisie. “Hindi pa siya pumupunta dito?”Agad na sumagot ang waiter, “Opo, malalaman namin kung nandito siya.”‘Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling.’Nagpalinga-linga si Maisie sa lobby.‘Wala dito si Barbara, at nakapatay ang phone niya, kung ganoon, nasaan siya?’Lumabas ng elevator ang manager at saka inutusan ang mga empleyado na linisin ang private room sa itaas. Tumalikod siya, nakita si Maisie, at nagulat.Lumapit ang waiter sa manager at nag-report, “Hinahanap niya si Ms. Chase.”“Ms. Chase?” Tiningnan ng manager si Maisie bago lumapit sa kanila. “Hindi pa pumupunta dito ngayong araw si Ms. Chase. Pwede ko bang malaman kung bakit niyo siya hinahanap?”Mahinahong sumagot si Maisie, “Hindi ko siya matawagan, at hindi siya sumasagot sa mga messages ko, kaya naisip kong baka nandito siya.”Nagulat ang manager. “Hindi niyo siya maatwagan?”Tum
“Kayo ba ang may-ari ng Glitz Club?”Dahan-dahang nagsalita ang lalaki. “Oo. At kaibigan ka ni Elle. Narinig ko na ang tungkol sa iyo, Mrs. Goldmann.”Nagulat si Maisie.‘Tinawag niyang Elle si Barbara. Mukhang malapit sila sa isa’t-isa, pero sinasabi ni Barbara na hindi pa sila nagkikita.’Binaba ni Maisie ang tingin. “Dahil alam mo na kung sino ako, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Hinahanap ko siya. Baka nasa panganib siya, kaya nagsuspetya akong—-”Pinagdikit ng lalaki ang mga kamay at nilapat yun sa mesa. “Nagsususpetya kang kami yun, tama ba?”Hindi sumagot si Maisie.Seryosong nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki, “Sasaktan ko ang sinuman sa mundo, kahit sino pa bukod kay Elle. Hindi ko siya hinayaang mangialam kay Zhivkov para sa kapakanan niya. Kung hindi ako nagkakamali, nasa panganib nga siya ngayon,”Inangat ni Maisie ang tingin at tinitigan ang lalaki. “Hawak mo ba si Ms. Zalensky?”Hindi niya yun itinanggi. “Oo, kinulong ko siya.”‘Tama nga…’Tila mayroong n
Huminto si Barbara sa ginagawa niya.‘Isang tinidor lang at dalawang lunchbox ang binigay nila sa amin?’Binaba ni Helios ang lunchbox. “Hayaan mo na. Kaya kong mabuhay ngayong gabi nang hindi kinakain ito.”Hindi nag-alinlangan si Barbara sa pagputol ng tinidor niya at pagbibigay ng itaas na parte kay Helios. “Magtiis na lang tayo.”Tiningnan siya ni Helios at kinuha ang tinidor.Miserable silang kumaing dalawa gamit ang kalahating tinidor.…Umulan nang malakas ng gabing yun, at malabo ang mga ilaw sa paligid dahil sa hamog na dulot ng ulan.Tanging ang mainit na floor lamp na nasa tabi ng desk lang ang bukas sa study. Pagkatapos mapakinggan ang investigation report ni Quincy, sinara ni Nolan ang hawak na dokumento. “Anong sinabi ni Mr. Boucher?”Sumagot si Quincy, “Balak ni Mr. Boucher na bumaba sa posisyon niya at gamitin yun bilang kapalit para maligtas ang anak niya. Pero, sa tingin ko ay sobrang delikado nun. Walang kasiguraduhan na pakakawalan nila si Helios kahit na t
“Anak ni Peter Zhivkov.”Sandaling natulala si Quincy matapos marinig ang sinabi ni Maisie at mas lalo siyang naguluhan. “Anak ni Peter… Anong klaseng impormasyon yun?”Mayroong inaalala si Nolan.Tumayo nang diretso si Maisie at pinatong ang mga siko sa mga balikat ni Nolan. “Minsan siyang pinakilala ni Peter sa maraming may-ari ng malalaking negosyo para ma-nurture at i-promote ang anak niya. Pero, hindi alam ng karamihan na kahit na mukhang walang silbi ang anak ni Peter, marami siyang nalamang sikreto.”Hindi makapaniwala si Quincy. “Ibig sabihin, importanteng tao sa circle ang batang yun, tama ba?”Tuso talaga si Peter. Alam niyang hindi siya pakakawalan ng mga taong nasa likod niya pagkatapos niyang magkamali sa paghawak ng kargamento, kaya tumakas siya.Para naman sa anak niyang si Jaeger Zhivkov, isa lang siyang anak ng mayaman na alam kung paano mabuhay nang marangya. Hindi siya banta sa mga taong yun.Kahit na gusto nilang gamitin si Jaeger para bantaan si Peter, kaila
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa