Share

Chapter 1

Her plans

Who knows that this is how it feels to see your enemy almost turning pale while wearing their shocked face. It is kinda satisfying as well as my favorite moment so far.

"How's the meeting with the board? Hindi ka naman hinarang sa labas ng opisina 'di ba?" I rolled my eyes and began smoothly shaking the glass of my wine while a small yet sarcastic grinned plastered on my lips.

"Zy, you have no permission to interrupt their meeting yet you did," he added.

"As far as I know I am now the chairman of the board after Dad passed away. What's wrong with that?" Tinaliman ko ng tingin si Duex na biglang napaayos ng upo sa couch ko at patagong natawa.

Huminga ako ng malalim at pinagkrus ang binti habang pinaglalaruan ang yelo sa inumin. Saglit pa akong napataray nang maalala ang reaksyon ni Styx. Looks like he saw a ghost but maybe I am . . . the ghost of his past.

"Tsk. I'm just concerned about you, babe. Anong sabi ng pinakamamahal mong asawa?" Muntik ko nang madura ang iniinom ko sa ginamit niyang term. At talagang diniin niya ang pagkakasabi roon.

"Wala naman . . . and please take note this. He's not my husband." Tinarayan ko siya at tumayo sa pagkakaupo sa office chair, hinarap ko ang tanawin sa labas mula sa glass wall.

He is not my husband.

But he was my fiancé.

Kumuyom ang panga ko habang nakatanaw sa mga maliliit na sasakyan mula sa kinaroroonan ng office ko. Nasa ikadalawampung palapag ako kaya madali para sa akin na masilayan ang mga nagaganap sa ibaba.

Narinig ko na naman ang nakakainis na tawa niya.

"Babe, don't tell me. Affected ka pa rin sa ex mo?"

"No freaking way," mabilis na sagot ko at hinarap siya. Hinayaan kong lumikha ng tunog ang suot kong heels at inis na nilapitan siya. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero hindi ko na matiis dahil parang pinapalabas niya na may nararamdaman pa rin ako sa lalaking 'yon.

The hell I care about him!

He ruined me.

I lost myself while loving him.

Masyado ko siyang minahal na umabot sa puntong naubos ako and I would never let that happen again. I want to see him kneeling and begging for my forgiveness. I want to see every drops of his tears coming out from his dark eyes while in pain. I want to see him wrecked.

"Okay. Okay, I'm just joking. How 'bout Tito? Did they asked about him?" malumanay na tanong niya na para bang tinatantya kung tama ba ang tinanong niya. Mabigat akong bumuntong hinanga nang maramdaman ang pamamasa ng mata. Naramdaman ko naman nangalay ang binti ko mula sa pagkakatayo kaya tumabi ako kay Duex at bahagya naman siyang umusod para makaupo ako. Nilagay niya ang mga braso sa likod ko at pinatong 'yon sa sandalan ng couch habang mataman akong pinakakatitigan.

"They d-didnt. Akala nila walang magmamana sa shares ni Dad and as expected, they didn't see me coming. They were all shocked especially Styx." Kagat ko ang labi habang napapailing. "He c-changed a lot. Kumpara noon, h-he's really better now." Pinikit ko ang mata para mawala ang luhang naiipon sa mata ko.

Ayoko nito.

Umpisa pa lang at naiiyak  na 'ko at gusto kong sampalin ang sarili ko dahil doon.

My Dad, Antonio Xedler and Duex were the ones who helped me during those times that I almost forgot how to breathe without feeling the pain inside my chest. I almost died but he saved me. And now, he's gone and all I have now is myself and Duex.

Talagang tinago ni Dad sa lahat na anak niya ako. I'm not his biological child pero dala ko ang apelyido niya at sa akin nakapangalan ang lahat ng ari-arian niya base sa kanyang last will. Noong una hindi ko alam kung paano muling magsisimula. Siya kasi 'yung tumulong sa 'kin na bumangon muli at magpatuloy sa buhay kahit na hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili ko noon na ipagpatuloy ang buhay.

Sinubukan kong wakasan ang buhay ko sa pag-aakalang 'yon ang magiging solusyon but he gave me reasons to live and be happy again. He treated me as his own daughter and I am forever thankful that I met him.

Hindi niya 'ko dugo't laman pero sa 'kin niya binuhos ang pagmamahal na para sana sa anak niyang namayapa ilang taon na ang nakakaraan.

"I hate that man for making you cry. I'll always despised him for ruining my girl," bulong ni Duex na hindi ko namalayang nakayakap na sa 'kin. Ngumiti ako ng mapait dahil kahit anong gawin ko ay hindi na nasundan pa ang luhang kanina'y naiipon sa mata ko.

"Do you think Dad will hate me for doing . . . this?" nag-aalangang tanong ko habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya.

Narinig ko ang ilang beses niyang paglunok at malalim na buntong hininga. Duex grew up living with Dad. Siya ang una nitong naging anak-anakan simula nang mamatay ang asawa ng matanda. Siya rin ang mas matagal na nakasama ni Dad kaya gano'n kahirap para sa kanya no'ng nawala si Dad.

I saw him crying all night while hugging Dad's picture frame inside his room. He's so . . . wrecked and I can't stand seeing him in that state kaya masaya akong nakikitang nagiging mabuti na siya pagkatapos ng isang buwan.

"Whatever you do. He's always proud in your achievements." Napangiti ako roon.

I hope so.

But I know he's just saying that so I won't feel guilty for doing my plans.

For proceeding in our plan.

Hindi ako mapakali habang tinutusok ako ng tingin ng mga tao, lahat sila ay magpare-parehong reaksyon nang umapak ako sa loob ng malaking hall na pinagdadausan ng isang engrandeng selebrasyon ng Syruis Corp.

Styx originally owned the company but something happened and he had to sell his shares and lose his position in his company but now, I am the new Chairman of the Board and he's just my employee.

Well, most of them still weren't informed about the new chairman of the company.

Some were looking at me as if I was a gate crasher, maybe they were the ones who felt intimidated by my presence but few of them didn't care.

"Gago, nasaan ka na ba?" Hininaan ko ang boses nang tumawag sa 'kin si Duex. Sabi ko kasi ay magsabay na kami pero ang loko, may dinaanan pa kaya mag-isa lang ako.

"Ilang oras pa lang tayo nagkahiwalay, miss mo na 'ko agad?" Nagpakawala siya ng nakakalokong tawa kaya napairap ako.

"Duex. Halos saksakin na ako ng tingin ng mga tao rito. Hindi ka pa rin ba dadating?" May dumaang waiter sa harap ko at may bitbit na wine, nginitian ako ngunit hindi ko nagawang suklian 'yon. I maintain my blank yet elegant look. I was wearing red dress that fitted my body. Labas rin ang hita ko dahil may hiwa roon at nakalantad ang mga balikat ko at ang maliit na hiwa sa dibdib ko.

"Okay. Chill, babe. Parating na 'ko medyo natagalan lang since dumaan ako sa mot—" I hang up the phone before getting the red wine and pour it in my mouth. Hindi ko pinansin ang waiter na tulala sa ginawa kong pagtungga sa baso at inilibot ang paningin sa paligid hanggang sa magtama ang mata namin ng lalaking kanina pa ako pinagmamasdan mula sa malayo. Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi na para bang hindi niya inaasahang titingin ako sa direksyon niya samantalang kanina pa ako halos tinutunaw ng kanyang tingin. Mula sa layo ng distansya namin ay nakita ko kung paano siya ilang beses na lumunok habang pinagmamasdan ako ng maigi. Imbis na umiwas ang tingin ay tinitigan ko rin si Styx ng mariin habang pinaglalaruan sa labi ang wala nang lamang baso.

Naramdaman kong may pumulupot sa bewang ko kaya roon natuon ang atensyon ko. I looked at Duex who is staring at me with dark emotion. I bit my lower lip before reaching for his face using my damn cold hands.

"You're late," mahina ngunit madiing wika ko habang sinasaksak ako ng tingin ng lalaking kanina lang ay halos nagpalamig sa kinatatayuan 'ko.

"Yeah, because you're too early." Maloko siyang ngumisi at pinasadahan ng daliri ang pisngi ko. My red lips curved, I lean closer to him to whisper in his ears. "He's looking at me now. Kiss me," I said and before he fucking do, someone grabbed my hand and pulled me away from Duex.

"Don't fucking touch my girl." He gritted his teeth while his dark eyes were now bloodshot. Ngumiwi ako nang maramdamang masyadong mahigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Sty—"

Hindi niya ako pinatapos at mabilis akong hinila palabas ng hall. Ramdam ko ang tingin ng mga tao na ngayon ay nasa amin ang atensyon. Bago pa man kami makalabas ay muli akong tumingin kay Duex na ngayon ay nakangisi, itinaas niya ang hawak na kopita at kumindat sa 'kin bago ako tuluyang makalabas.

H******n ako ng malamig na hangin kasabay ng madilim na tingin ni Styx. I gulped when I saw three buttons undone in his blue long sleeve partnered with black pants.

"What?" walang emosyong tanong ko matapos ang ilang minutong pagpapalitan namin ng matalim na tingin. Unti-unti ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Napalunok ako matapos hanginin ang buhok niyang nakalaglag sa noo at bahagyang tumatakip sa kilay at mata niya.

"Xhia . . . " Nakaabang lang ako sa sasabihin niya ngunit pilit kong pinatigas ang loob kahit na unti-unti akong nanghihina sa paraang ng pagtitig niya.

The way he looks at me.

It was nostalgic. After 3 years of longing for his stares I was able to feel it again. Standing closely to him, hearing and feeling his warm breath.

"I-I didn't know that—"

"You don't have to know," I cut him off.

His brows furrowed and his jaw started to move aggressively.

"I fucking have the rights to know that you're alive! I fucking suffered because I thought . . . I lost you." Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya at maya-maya'y nagtubig ang mata niya, mabigat ang hiningang inisang hakbang ang distansya namin. Napapikit ako matapos maramdaman ang malamig niyang kamay sa kabila ng walang emosyon kong mukha. Patuloy kong pinatigas ang sarili kahit na ramdam ko ang panghihina ng loob ko.

"A-And now, I saw you again. Xhia, hindi mo alam kung gaano ako kasaya. I-I suffered and now, all of it was worth it because I have you now." His voice broke while tears were uncontrollably streaming down on his face.

At ako, hindi? I wanted to shout but I remained silent despite of anger arising inside me. Naikuyom ko ang kamay habang bumabalik sa akin lahat lahat.

Kung paano ako nasaktan mag-isa.

Kung paano ako halos mamatay dahil hindi ko na kaya.

Kung paano ko unti-unting sinukuan ang sarili ko dahil hindi ko na kaya.

"I miss you love," puno ng lambing at pagmamahal na bulong niya at nilapit ang labi sa akin ngunit bago pa man ito magtagpo ay may braso nang humatak sa akin at inilagay ako sa malapad na likod nito. Doon lang ako nakahinga ng maluwag na hindi ko namalayang kanina ko pa pinipigilan ang paghinga.

"Too much interaction for this day," Duex uttered and without saying goodbye, he pulled me away from Styx and guided me inside his car.

Sumulyap ako kay Styx na ngayon ay kumakatok sa bintana ng sasakyan habang gumagalaw ang bibig, tila tinatawag ako pero hindi ko 'yon pinansin.

I remained blank. No emotion could be seen and my eyes seemed lifeless.

"Are you okay?" Halata ang pag-aalala sa boses ni Duex ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin.

I'm not okay.

I think my heart was still stupid for reacting that way. It beats fast and pouding hard inside my chest.

I don't want this. I don't like how it reacted with his damn tears.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status