NANG MAKITA NI Albert na naniwala sa kanya agad ang bobitang kasintahan niyang si Briel ay hindi mapigilang gumaan at maging masaya ang mood ng lalake. Kung naging uto-uto noon si Bethany, mas doble ang pagiging uto-uto ng fiance niya ngayon. Mapurol ang utak nito na kahit anong sabihin niya ay agad na sinusunod at pinapaniwalaan. Sumandal si Albert sa headboard ng kama habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Briel. Nasisiyahan siya sa pag-aalala at pag-aalaga ng nobya, pinapakain siya nito at panaka-nakang inaabutan ng tubig at ibinibigay ang lahat ng mga pangangailangan niya. Sobrang alagang-alaga siya ng kasintahan na animo siya ang mundo nito. Ganunpaman, hindi niya pa rin magawang iwaglit sa isipan ang mukha ng dating kasintahang si Bethany. Ayaw nitong lisanin ang malaking bahagi ng isipan niya kahit pa pilitin niyang palitan na iyon ni Briel.“Babe, matulog ka na kaya muna para naman mabilis kang gumaling?” mungkahi at hiling ni Briel na naupo pa sa gilid ng kamang hinihig
LIHIM NA BAHAGYANG nagdilim ang mga mata ni Albert nang narinig ang sinabi ng nobya at marinig ang pangalan nito. Hindi iyon napansin ni Briel dahil niyakap na siya ng lalake bago pa mag-react ng ganun. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagdesisyon si Briel na umalis na rin ng hospital. Gusto niya pa sanang manatili kaya lang ay hindi pwede. Nag-aatubili siyang iwan ang nobyo pero alam niya na hindi gusto ni Albert ang pagiging masyadong clingy niya sa nobyo at sobra ang kapit.“Kung sakaling may kailangan ka ay mag-text ka lang sa akin o ‘di kaya’y tawagan mo ako. Huwag kang mahihiya, Babe. Okay?” paalam ni Briel sa nobyong hindi naman siya pinigilan na umalis.“Hmmn, sige mag-ingat ka pauwi.”Matapos ng mabilis na halik sa labi at ilang minutong yakap ay tuluyan ng lumabas ng silid ang babae sa kanyang silid. Pagkapasok ni Briel sa itim na sasakyan ay hindi mapigilan niyang tawagan ang kapatid dahil hindi siya mapalagay. Wala lang. Hindi siya naniniwala na aksidente ang nangyari sa noby
ILANG MINUTONG NAPAKURAP ng kanyang mga mata ang secretary ni Gavin sa hindi na maipaliwanag ang pagkatarantang reaction ng kanyang amo. Iba at malakas ang kutob niya sa hindi mapalagay nitong hitsura. Bagamat marami siyang gustong sabihin at itanong ay hindi na siya nangahas pa na magsabi ng kahit na ano dahil baka barahin lang siya nito. Mukhang kakaiba pa naman ang mode nito ngayon na kung sinong hahara-hara ay hindi nito ‘yun sa-santuhin. Nakipagtitigan din sa kanya si Gavin na napansin ang makahulugang kakaibang paninitig ng secretary at syempre ito ang natalo.“Ano pang hinihintay mo?” may diin na utos ng abogado sa kanya na may paggalaw pa ng kanyang mga kamay nang hindi inaalis ang matalim niyang mga mata, hindi sinasadyang dito niya nabubunton ang init ng ulo. “Gumalaw ka na at anong oras na! Alalahanin mong kailangang makauwi ka na rin agad.”“Ah, o-opo Attorney Dankworth. Aalis na po ako!” nagkukumahog na tugon ng secretary na natataranta na kung alin ang unang gagawin niya
TAMAD NA TAMAD na gumalaw din ang dalaga sa araw na iyon. Sobrang low ng energy niya kahit na pilitin ang sarili ay wala talaga. Animo ay naubos ito sa mga nangyari. Maging ang pag-charge ng kanyang cellphone na bigla na lang namatay ay kinatatamaran niya kung kaya naman nanatili iyong unreachable nang mawalan ng battery. Hanggang sumapit ang panibagong gabi ay nanatili pa rin si Bethany sa kakahilata lang niya sa kama. Ikinatwiran na lang niyang naka-leave siya sa trabaho nang tanungin ng kanyang madrasta kung bakit hindi siya umaalis ng kanilang bahay upang pumasok sa kanyang trabaho.“Nagpalaam po ako sa trabahong hindi muna papasok, Tita.”Hindi na nagkomento ang Ginang. Habang kumakain sila ng hapunan ay maamong nagpaalam si Bethany na aalis saglit sa gabing iyon. Bago lumabas ng silid bago kumain ay chinarge niya na ang cellphone pero hindi ito binuhay.“May pupuntahan nga po pala ako mamaya, Tita. Kailangan ko lang siyang i-meet. Ipinakilala ako ni Rina sa kanya. Ang sabi niya
HINDI NAGBIGAY NG kahit anong komento si Bethany kahit pa tumayo na si Albert, ibinaba nito ang hawak na baso ng kanyang alak upang salubungin ang pagdating ng dalaga. Nahawi na ang galit na nakarehistro sa kanyang mukha sa haba ng kaniyang paghihintay kanina dahil ang buong akala niya ay niloko lang siya ni Bethany at pinaasa upang mabilis na makaalis sa lugar. Kung hindi ito darating ngayon kahit lagpas na sa oras ay paniguradong magwawala na ang lalaki. Ngunit ano pa bang aalalahanin niya? Wala na. Nasa harapan na niya ang babaeng hinihintay na dumating.“Na-traffic ka ba papunta dito?” malambing na tanong niyang pilit na pina-sweet ang itsura kagaya ng dati, noong may relasyon pa silang dalawa ng dalaga. “Pasensya na kung napagtaasan kita ng boses kanina. Ikaw naman kasi, Bethany, na-late ka…”Lumambing pa ang boses ng lalaki na ikinakilabot ni Bethany. Kung noon ay kilig na kilig siya sa mga paganito ni Albert, ngayon ay hindi na. Naninindig na ang balahibo niya sa tuwing magigin
MAPANG-AKIT NA INILAPIT ni Albert ang kanyang mukha kay Bethany na sa mga sandaling iyon ay nagtitimping huwag pumalag at mag-walk out sa harapan ng lalaki. Ayaw niyang hawakan siya ni Albert dahil isipin pa lang na ang parehong kamay nito ay ginamit na panghaplos sa ibang babae ay nandidiri na at kumukulo na agad ang dugo niya. Para itong may virus na ayaw niyang mahawahan siya at dumikit sa balat niya. “Albert, ang dami mo pang sinasabi. Bakit hindi natin pag-usapan na ang mga tuntunin sa kasunduan natin? Huwag mo ng patagalin. Mainipin pa naman ako.” “Ah, oo nga pala. Sige, manatili ka rito ngayong gabi at iisa-isahin natin iyon.”Namula ang mga mata ni Bethany sa sobrang inis. Pilit niyang kinalamaya na mapabuga ng apoy. Kailangan niyang magtimpi. Kailangan niyang patuloy kumalma.“Hindi pwede ang gusto mo Albert. Kailangan kong umuwi ngayong gabi. Walang kasama si Tita sa bahay. At isa pa, hanggat hindi mo ibinibigay ang gusto ko ay hindi ko pa rin susundin ang iuutos mo. Ibig
NAMAMANHID ANG BUONG katawan na patuloy na inihakbang ni Bethany ang mga paa palabas ng bakuran ng villa ni Albert. Gusto na niyang makaalis sa tanaw ng paningin ng lalaki. Hindi niya alintana ang buhos ng lumalakas pang ulan na parang dinadamayan siya ng mga sandaling iyon. Nakadagdag pa iyon upang makaramdam ng pag-iisa at kalungkutan ang dalaga. Kung kanina ay ambon-ambon lang iyon, ngayon naman ay totoo na at mas lumaki pa ang mga butil na bumabagsak. Kumikinang ang bawat patak nito sa kalsadang unti-unting nababasa sa tulong ng mga street lights na nagkalat sa tahimik na mahabang na kalye na walang katao-tao. Maingay na humahalik ang suot na high heels ng dalaga sa malamig na kalsada sa patuloy na paglayo niya sa villa. Kuyom ang mga kamao upang huwag sumambulat ang emosyon niyang kanina niya pa tinitimping mag-umalpas sa kanya. Ilang minuto na siyang naglalakad upang humanap ng masasakyan pauwi ng bahay. Nang ilang segundong tumigil ay naramdaman na ng kanyang mga paa ang masa
MATAPOS NA MAPAKURAP-KURAP ni Bethany upang siguraduhin niyang hindi lang siya namamalikmata at guni-guni ang imahe ng lalakeng kaharap niya ay bumaba ang tingin niya sa isang palad ni Gavin na inilahad nito sa kanya. Hindi siya gumalaw, nanigas na ang buong katawan niya nang mapagtantong hindi lang dahil sa malikot niyang imahinasyon ang nakikita niya. Hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Totoong nasa harapan niya si Gavin. Sa mga sandaling iyon ay gustong itapon ng dalaga ang katawan sa lalaki at magsumbong, ihinga ang lahat ng hinanakit niya at sama ng loob na kinikimkim niya ngunit hindi niya iyon magawa. Naburo pa ang mga mata niya sa kamay nitong nakalahad pa rin na basa na ng ulan.“Poor little thing...” mahinang bulong ni Gavin sabay iling nang mariin habang nakatingin pa rin sa ang malungkot na mga mata nitong puno na ngayon ng awa.Nang hindi pa rin gumalaw si Bethany na ay marahan ng yumukod si Gavin. Ipinahawak ng binata ang tangkay ng payong sa isang kamay ni Bethany
KUNG ANONG BUHOS ng mga luha ng Gobernador na nagawa ng sapuhin ng dalawang palad ang mukha, ganundin ang lakas ng hagulhol ni Briel sa likod ng taxi dahil sobrang nasasaktan siya. Nag-expect pa naman siya na mabubuo na nila ang pamilya. Mabibigyan na niya ng kumpletong pamilya ang anak na si Brian na gaya ng kanyang pamangking si Gabe. Nabigo siya. Nagkamali siya. Iba ang gusto ni Giovanni. Ang gusto nito ay ang hintayin niya ulit ng two years? Isang kabaliwan iyon. Hindi pa rin siya nahihibang.“Miss ayos ka lang ba?” nag-aalangang tanong ng taxi driver, dahilan para mas lumakas ang iyak ni Briel. Tumango si Briel habang patuloy pa rin ang kanyang pag-atungal, tinanggap na ang balot ng tisyu na iniabot sa kanya ng driver. Kumuha siya ng fly at nagawa pang suminga. Nang bahagyang kumalma ay pinili niyang tawagan si Bethany na nang marinig itong umiiyak ay ganun na lang ang pag-aalala sa kanyang hipag. Nag-drama pa si Briel, alam niyang dadamayan siya nito at pakikinggan ang sasabihi
MUNTIK NG MABILAUKAN sa kanyang sariling laway si Briel sa naging katanungang iyon ng Gobernador. Cool na cool pa ang paraan ng tingin nito sa kanya na para bang normal na katanungan ang binitawan. Ano? Dalawang taon? Seryoso ba ang Giovanni na ‘to na dalawang taon siyang paghihintay? Tapos ano? Wala rin naman! Nangatal na ang labi ni Briel sa sobrang pagkairita kay Giovanni na parang naglalaro ng damdamin niya. Ano siya hibang? Bakit naman siya papayag na ganun katagal? Lingid sa kanyang kaalaman na dalawang taon pa ang natitirang termino ni Giovanni bilang Gobernador. Ayaw naman ng lalaking basta na lang magbitaw at abandonahin ang pwesto at hayaan niyang maiwan din ang mga proyekto na kanyang sinimulan. Gusto niyang tapusin ang laban. Hindi na lang siya uli hahangad. Walang humor na natawa na si Briel na para bang ang sinabi nito ay isang joke, kailangan niyang magbigay ng reaksyon. Sinamaan niya na ng tingin si Giovanni na hindi man lang din nagbago ang facial expression.“Ba
SOMEHOW AY NA-MISS rin naman ni Briel na asikasuhin siya at alagaan ng ganun ng Gobernador. Iba ang pag-aalalang ibinibigay nito sa kanya na batid niyang puno ng pagmamahal. Damang-dama niya. Marahil ay kaya sobrang minahal niya pa ito kumpara ng pagmamahal niya noon sa dati niyang fiance. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin ito ngayon sa kanyang sarili. Pahapyaw siyang tiningnan ni Briel nang marinig ang huling litanya na kanyang sinabi. Parang pinapalabas ni Giovanni na patay na patay siya dito.“Tigilan mo nga ako!” angil niya na muli pang ikinatawa nang mahina ng Gobernador.“Kumain ka habang nagbabasa.” Naupo na si Giovanni sa kanyang harapan at hindi pinansin ang pagtataray niya. Hindi rin ito naupo sa kanyang tabi na unang inaasahan ni Briel na medyo nagbigay sa kanya ng karampot na kahihiyan. Ibinalik ni Briel ang paningin sa papel na hawak kahit na wala pa rin siya doong maintindihan. Kumagat na siya sa apple na nakatusok sa tinidor. Lumambot ang puso doon ni Giov
NAG-INIT PA ANG mukha ni Briel na kulang na lang ay hilingin na sana ay bumuka na lang ang lupa na tinatapakan nila at biglang lamunin siya upang makaiwas sa sobrang kahihiyang nararamdaman. Kanina ay umuusok ang bunbunan niya at galit na galit siya sa Gobernador, ngayon naman ay bigla na lang naglaho iyon nang dahil lang sa isang dampi ng halik? Hindi siya makapaniwala! Ganun na ba siya kabilis mauto? Bakit ba lagi siyang ipinagkakanulo ng kanyang katawan? Palaging may sariling desisyon kahit ayaw niya.“Halika na sa loob, may mga documents akong kailangang ipakita at ipabasa sa’yo. Gusto kong hingin ang opinyon mo at kung ano ang masasabi mo.” malambing na hila at saad ng Gobernador na kinagat ang labi.Nagpahila naman si Briel na hindi na inintindi kung ano ang ibig sabihin doon ng Gobernador. Tututol pa ba siya eh nagawa na naman nitong tunawin ang galit niya? Naiwan ang kanyang isipan sa saglit na halik na kanilang pinagsaluhan na para bang iyon ang pinakamagandang bagay na nangy
NAGING BINGING-AHAS SI Giovanni sa kanyang mga katanungan na para bang wala itong narinig. Hindi na rin naman niya ito kinulit pa dahil paniguradong maiinis lang siya. Hinayaan ni Briel na lamunin sila ng nakakabinging katahimikan. Hinga nilang dalawa at panaka-nakang mahinang ingay ng makina ng kotse ang kanyang naririnig. Pasimpleng nililingon niya ang Gobernador kapag hindi nakatingin sa kanya upang punahin ang mga pagbabago nito sa mga araw na hindi niya nakita. Bumagal na ang takbo ng sasakyan dahilan upang mapatingin sa labas ng bintana si Briel. Pamilyar sa kanya ang lugar. Sa lumang apartment na binili nito sa Bulacan sila pumunta. Anong gusto nitong mangyari? Magbalik-tanaw sila ng magkasama? Napairap na lang sa kawalan si Briel kahit na medyo may kaunting excitement at sakit din sa kanyang puso.“Bakit mo ako dito dinala? Anong plano mo? Akala mo makukuha mo ang atensyon ko kapag dinala mo ako dito? Anong tingin mo sa akin? Basta-basta mo na lang makukuha nang dahil sa pagan
GUSTONG LUMUNDAG NG puso ni Briel s agalak nang marinig niya ang pinagsamang selos at galit sa tinig ni Giovanni. Ganunpaman ay hindi siya kumibo. Napatanong na rin sa sarili. Bakit nga ba ginagawa niya ito? Bakit siya nakikipag-date sa hindi niya gusto gayong hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay niya? Iisa lang ang sagot niya, nang dahil iyon sa Gobernador. Gusto niyang makita nito na kaya niyang magmahal ng ibang lalaki bukod dito. Sino bang niloloko niya? Sarili lang din naman niya. Sa tingin niya maatim niyang magpakasal sa lalaking iyon nang walang anumang pagmamahal? Hindi siya ganun ka-desperada at kababaw na aabot pa sa puntong iyon ng kanyang buhay. Tama, nahihibang siya. Bumabalik ang pagiging childish niya. Kaya niyang mabuhay ng walang lalaki. Saka kilala na rin ni Brian ang ama niya. Ano pa ang kailangan niyang patunayan? Wala. Bored lang siya. Nagre-rebelde sa ginagawa ni Giovanni.“Bakit hindi ka makasagot, Gabriella?” Walang anu-ano ay ibinigay ni Giovanni
PAHAPYAW NA TININGNAN ni Briel ang sasakyan ng Gobernador sa hindi kalayuan. Puno ng pag-asa na sinunanda ni Giovanni ang kanyang mga mata na bumaling doon. Kung tutuusin ay may choice naman si Briel na tumanggi, pero ewan niya ba kung bakit alipin na naman siya ng sarili na kahit ayaw ng utak niya ay padabog na ang mga paang nagsimula siyang maglakad patungo ng sasakyan. Sumunod naman agad si Giovanni sa kanya. Pagkasara ng pintuan ay agad na siyang hinarap ni Briel. Nakahalukipkip na ang mga braso nito at base sa ipinupukol na tingin ay gusto na niyang sabihin ni Giovanni kung ano ang pakay nito.“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung saan ako nanggaling ngayong gabi?” subok niya sa pasensya nito, gusto pa niyang makita kung paano ito magselos at mairita kada babanggitin niya ang ka-date niya.Lantad sa mga mata ni Briel ang dumaang selos at galit sa mukha ni Giovanni na kaagad din na nawala. Mabilis lang iyong naglaho na para bang wala naman itong pakialam kung makipag-date siya
NAMUMULA ANG MAGKABILANG pisngi nang lumabas si Briel at ang kanyang ka-date ng restaurant kung saan sila nagkasundo nitong kumain ng dinner. Alas-nuwebe na iyon ng gabi. Nagtatawanan pa ang dalawa habang lumululan ng sasakyan na parang siyang-siya sa kung ano ang pinag-uusapan. Humigpit ang hawak ni Giovanni sa cellphone na kanyang tangan. Kanina niya pa tinatawagan si Briel sa numero nito at social media account ngunit hindi nito sinasagot iyon. Deadma. Tipong parang hindi nito iyon nakikita. Kinailangan niya pang tawagan ang pamangkin niyang si Bethany para lang malaman kung nasaan ang babae ng sandaling iyon. Batid niyang nagtatampo ito pero hindi sapat na dahilan iyon para makipag-date ito at sumama sa ibang lalaki. Ano na lang pala iyong nangyari sa kanila sa mansion? Wala lang? Hindi kasama sa bilang? Tawag lang ng laman? Batid niyang mahal pa siya nito. Sa mga paghalik nito. Nag-explain naman na siyang busy siya kaya hindi niya nasagot ang message at tawag nito. Aminado rin si
NAUMID NA MULI ang dila ni Giovanni. Bukod sa naguguluhan ay hindi niya rin napaghandaan ang sunod-sunod na mga katanungan ni Gavin. May malinaw na sagot na siya ngunit napakarami pa niyang kinukunsidera. Kaya nga kailangan talaga nilang mag-usap ni Briel ukol dito, na hindi niya naman alam kung kailan din iyon mangyayari.“Sabihin mo ng maaga para naman makapaghanap kami ng mga lalaking ipipila sa kapatid ko para maging blind date at kalaunan ay potential husband niya. Pumayag na rin naman doon si Briel.” subok ni Gavin na galitin ang Gobernador para naman gumalaw na ito. Blind date? Bakit makikipag-blind date si Briel gayong may nangyari sa kanilang dalawa ng nagdaang gabi? Potential husband? Paano naman siya kung ganun?“Blind date? Pumayag siyang makipag-blind date?”“Hmm, maganda ang kapatid ko kaya panigurado na maraming pipili para maka-blind date niya. Hindi mo naman kailangang mag-alala o mapilitan ang sarili mong panindigan siya. Tungkol naman kay Brian, hindi niya naman si