NANG ARAW NA iyon ay hindi muna deretsong umuwi ng bahay agad si Bethany matapos niyang mag-walked out paalis ng school. Ayaw niyang sabihin sa madrasta na nawalan siya ng trabaho dahil ayaw niyang maging ito ay mag-alala rin ng sobra lalo na sa kung saan na sila kukuha ng pera na kailangan nila sa pang-araw-araw nilang gastusin. Hindi sasapat ang kinikita niya sa part time job dahil ilang oras lang ‘yun. Paniguradong makakadagdag lang ang lahat ng ito ng bigat sa kanyang mga iniisip.“Mamaya na lang ako uuwi para hindi siya maghinala na may nangyari sa trabaho ko.” hinga niya nang malalim sabay linga sa paligid, bitbit pa rin ang box ng mga gamit. Humantong ang dalaga sa isang park kung saan kakaunti lang ang mga namamasyal dahil masyado pang maaga ‘yun. Nang makahanap siya ng bakanteng bench ay deretso siya doong naupo. Maingat na ipinatong niya sa gilid niya ang kanyang mga gamit. Lumalim pa ang kanyang iniisip. Matingkad na ang sikat ng araw noon pero hindi maramdaman ni Bethany
MAHINA PANG PAULIT-ULIT na napamura si Rina na panay ikot sa ere ang mga mata. Bakas pa rin ang matinding galit sa kanyang mukha na animo ay siya ang inapi ng babaeng labis na kinakainisan ng kaibigan niya.“Naku, malamang kayo pa ni Albert noon kinakalantari na niyan ang boyfriend mo dahil ang akala niya mayaman ang gagong mahirap pa noon sa daga. Jusko, hindi na nahiya ang gaga sa balat niya!” sagad pa rin sa buto ang galit ni Rina sa babae na parang siya ang nakaranas dito ng panloloko, “Hindi ko lang nabanggit sa’yo pero ilang beses daw silang nakita ng asawa ko na lumabas ng hotel noon. Anong gagawin nila sa hotel aber? Maglalaro ng jack en poy? Hindi ko na lang sinabi sa’yo dahil wala naman kaming ebidensya. Eh, that time sobrang mahal mo siya at bulag na bulag ka sa pagmamahal mo sa kanya. Mamaya niyan ako pa ang awayin mo dahil iniisip mong sinisiraan ko ang boyfriend mo.” “Hayaan mo na. Magiging masaya na siguro siya ngayong nakuha na niya ang gusto. Isaksak niya sa baga ni
ILANG SANDALI PA ang hinintay ni Bethany para kumalma ang kaibigan niyang sobrang gigil na gigil pa rin ang awra sa ex-boyfriend niya. Sa reaction nito ay parang siya ang niloko at ginawan ng masama. Laking pasalamat niya na may kaibigan siyang ganito. Muli silang naupo upang ipagpatuloy ang naudlot na pagkain. Galit din naman siya, sobrang nanggigigil nga siya pero pinapairal na lang niya ang pagiging professional at mabuting tao. Hindi siya pwedeng maging padalos-dalos ang galaw lalo pa at may mga naiipit sa sitwasyong ‘yun na kanyang kinakaharap. Kung siya lang at hindi damay ang kanyang ama, baka mas malala pa ang naging pagwawala niya at ganti kumpara sa kaibigan niyang si Rina. Kaso nga lang ay hindi. Hindi ganun kadali ang sitwasyong kinasasadlakan niya kung kaya hindi siya pwedeng magwala.“Mula ngayon, sa sarili ko na lang itutuon ang atensyon ko. Kailangan kong makahanap ng ibang trabaho upang magpatuloy sa buhay. Walang ibang mangyayari sa akin kung magpapalamon ako sa gali
MALAPAD PANG NAPANGISI si Albert habang nakaupo sa kanyang swivel chair ng dahil sa narinig niyang tanong ni Bethany mula sa kabilang linya. Tinatanong ba talaga siya ng babae kung ano ang gusto niya? Iniikot niya ang kanyang upuan. Humarap siya sa bintana ng opisina kung saan ay tanaw niya ang labas ng makulimlim na kalangitan. “Alam mo kung ano ang gusto ko, Bethany.” sagot niyang nasa labi pa rin ang kakaibang ngisi, “Ikaw. Ang katawan mo. Iyan ang gusto ko.” Hindi sumagot doon ng ilang minuto ang dalaga na kung kaharap lang ang dating nobyo ng mga sandaling iyon ay malamang ay nahambalos na niya ito nang kung anong mahawakan niya dahil asar na asar na siya.“Subukan mong magmakaawa sa akin ngayon, Bethany. Malay mo naman maawa ako sa’yo? Huwag kang mag-alala, do-doblehin ko ang balik ng lahat ng nawala sa’yo ng dahil sa katigasan ng ulo mo. Mas magiging buhay prinsesa ka kumpara sa dati. Masaya naman tayo dati eh, bakit hindi natin balikan ang panahong iyon?” himok pa ni Albert
NAMUMUTLA HABANG NATITIGILAN na doon si Audrey na animo nakakita ng demonyo sa katauhan ni Albert. Ilang beses niyang sinalat-salat ang mahapdi niyang sugat sa kanyang noo at lalo pa siyang namutla nang makita ang sarili niyang dugo sa palad. Agad kasing kumapit iyon sa kanyang kamay; ang pulang mainit na likido sa sarili niyang sugat. Medyo nakaramdam siya ng hilo sa tanawing iyon. Hindi pa rin nagpakita ng kahit na katiting na awa si Albert sa babae. Hindi pa doon nakuntento ang lalake at muling sinugod si Audrey na umiigting pa rin ang panga. Muling hinawakan ang buhok ng babae at pilit na iniharap sa kanya.“A-Albert…” mahinang tawag nito sa kanya na puno ng pakiusap ang boses, nagmamakaawa.“Ano masakit ba ha? Talagang masasaktan ka sa pagiging pakialamera mo sa mga desisyon ko! Hindi lang din ito ang makukuha mo kapag hindi mo tinigilan ang pagmamagaling mo! Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin sa pakikialam mo sa akin? Marami! Ang iba doon ay alam kong hindi mo magugustuhan
SA KABILANG BANDA, pansamantalang itinago muna ni Bethany ang katotohanan na siya ay wala ng trabaho sa madrasta. Napakaraming nangyari sa bahay at buhay nila kamakailan lang, at ayaw niyang mag-alala pa ito kung kaya naman kailangan niyang maging maingat na huwag ditong makaabot ang nangyari sa kanya sa music center. Tiyak na magiging dagdag stress iyon sa Ginang at syempre sa kanya. Kinagabihan ay hindi makatulog ng maayos ang dalaga dahil patuloy niyang iniisip ang mangyayari sa hinaharap. Ginugulo siya noon at hindi niya alam kung ano ang kanyang maaaring gwin. Litong-lito siya. Hindi niya mahanapan ng katiting na pag-asa ang problemang hindi na yata nabawasan bagkus ay patuloy na nadadagdagan. Bagamat nakapikit ang kanyang mga mata, kung saan-saan naman naglalakbay ang kanyang diwa. Bandang ala-una ng madaling araw nang makatanggap siya ng tawag mula kay Gavin ngunit hindi niya iyon sinagot. Sa halip ay nagpadala siya na lang siya ng message na dahilan ng hindi pagsagot.Bethany
NANGANGATOG MAN ANG mga tuhod ay pinilit na tumayo si Bethany upang gumawa ng paraan para malaman nila ang totoong nangyari. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang makita nila ang ama sa araw na iyon para malaman nila ang totoong nangyari sa kanya sa loob noon. Hindi pa rin sila naniniwalang dalawa na tatangkaing mamatay ng ama. Ang ayos pa nga ng usap nilang dalawa noong bumisita siya sa kulungan. Malamang ay may kung anong nangyari. Maaaring planado rin iyon. At ang bagay na iyon ang kailangan niyang malaman kaya dapat makita ‘to.“Tinangka niyang magpatiwakal, hija. Ayon ang sabi sa akin sa tawag bilang guardian niya at contact in case of emergency. Siguro dahil ayaw niya tayong nakikitang nahihirapan kung kaya naman sinubukan niyang magpatiwakal at kunin na lang ang sariling buhay para matapos na ang paghihirap nating lahat..” umiiyak na patuloy ng Ginang na bahagya ng nahimasmasan ang sarili sa pagkabiglang naramdaman niya nang makarating sa kanya ang naturang balita, “Bethany,
TILA TINUSOK NG pinong karayom ang puso ni Bethany sa sinabing iyon ni Attorney Hidalgo. Bakit ganito ang reaction nito? Bakit parang ayaw na rin nitong hawakan ang kaso ng ama? Patuloy ang naging kirot sa puso niya habang iniisip na baka umatras ang abogado dahil sa kumplikadong nangyayari hindi pa man iyon nagsisimulang dinggin sa korte.“Hindi niyo po ba kayang ipaglaban ang kaso? Tapatin niyo po ako Attorney. Kaya niyo ba ako itinataboy kay Attorney Dankworth?” inosenteng puno ng sama ng loob na tanong niyang naiiyak na roon.“Hindi naman sa ganun hija pero sa tingin ko ay interesado na rin dito si Gavin. Ilang araw lang noong kunin niya ang details ng kaso ng Papa mo sa akin upang pasadahan niya raw. Alam mo na, baka kapag kinausap mo siya ay pumayag na siya. Huwag mong sabihin sa kanya na sinabi ko sa’yo dahil ang bilin niya ay huwag na huwag kong babanggitin sa’yo.”Biglang naalala ni Bethany ang sinabi ni Gavin sa kanya na may sasabihin ito. Iyon ba iyon? Ayaw niyang umasa a
SOMEHOW AY NA-MISS rin naman ni Briel na asikasuhin siya at alagaan ng ganun ng Gobernador. Iba ang pag-aalalang ibinibigay nito sa kanya na batid niyang puno ng pagmamahal. Damang-dama niya. Marahil ay kaya sobrang minahal niya pa ito kumpara ng pagmamahal niya noon sa dati niyang fiance. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin ito ngayon sa kanyang sarili. Pahapyaw siyang tiningnan ni Briel nang marinig ang huling litanya na kanyang sinabi. Parang pinapalabas ni Giovanni na patay na patay siya dito.“Tigilan mo nga ako!” angil niya na muli pang ikinatawa nang mahina ng Gobernador.“Kumain ka habang nagbabasa.” Naupo na si Giovanni sa kanyang harapan at hindi pinansin ang pagtataray niya. Hindi rin ito naupo sa kanyang tabi na unang inaasahan ni Briel na medyo nagbigay sa kanya ng karampot na kahihiyan. Ibinalik ni Briel ang paningin sa papel na hawak kahit na wala pa rin siya doong maintindihan. Kumagat na siya sa apple na nakatusok sa tinidor. Lumambot ang puso doon ni Giov
NAG-INIT PA ANG mukha ni Briel na kulang na lang ay hilingin na sana ay bumuka na lang ang lupa na tinatapakan nila at biglang lamunin siya upang makaiwas sa sobrang kahihiyang nararamdaman. Kanina ay umuusok ang bunbunan niya at galit na galit siya sa Gobernador, ngayon naman ay bigla na lang naglaho iyon nang dahil lang sa isang dampi ng halik? Hindi siya makapaniwala! Ganun na ba siya kabilis mauto? Bakit ba lagi siyang ipinagkakanulo ng kanyang katawan? Palaging may sariling desisyon kahit ayaw niya.“Halika na sa loob, may mga documents akong kailangang ipakita at ipabasa sa’yo. Gusto kong hingin ang opinyon mo at kung ano ang masasabi mo.” malambing na hila at saad ng Gobernador na kinagat ang labi.Nagpahila naman si Briel na hindi na inintindi kung ano ang ibig sabihin doon ng Gobernador. Tututol pa ba siya eh nagawa na naman nitong tunawin ang galit niya? Naiwan ang kanyang isipan sa saglit na halik na kanilang pinagsaluhan na para bang iyon ang pinakamagandang bagay na nangy
NAGING BINGING-AHAS SI Giovanni sa kanyang mga katanungan na para bang wala itong narinig. Hindi na rin naman niya ito kinulit pa dahil paniguradong maiinis lang siya. Hinayaan ni Briel na lamunin sila ng nakakabinging katahimikan. Hinga nilang dalawa at panaka-nakang mahinang ingay ng makina ng kotse ang kanyang naririnig. Pasimpleng nililingon niya ang Gobernador kapag hindi nakatingin sa kanya upang punahin ang mga pagbabago nito sa mga araw na hindi niya nakita. Bumagal na ang takbo ng sasakyan dahilan upang mapatingin sa labas ng bintana si Briel. Pamilyar sa kanya ang lugar. Sa lumang apartment na binili nito sa Bulacan sila pumunta. Anong gusto nitong mangyari? Magbalik-tanaw sila ng magkasama? Napairap na lang sa kawalan si Briel kahit na medyo may kaunting excitement at sakit din sa kanyang puso.“Bakit mo ako dito dinala? Anong plano mo? Akala mo makukuha mo ang atensyon ko kapag dinala mo ako dito? Anong tingin mo sa akin? Basta-basta mo na lang makukuha nang dahil sa pagan
GUSTONG LUMUNDAG NG puso ni Briel s agalak nang marinig niya ang pinagsamang selos at galit sa tinig ni Giovanni. Ganunpaman ay hindi siya kumibo. Napatanong na rin sa sarili. Bakit nga ba ginagawa niya ito? Bakit siya nakikipag-date sa hindi niya gusto gayong hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay niya? Iisa lang ang sagot niya, nang dahil iyon sa Gobernador. Gusto niyang makita nito na kaya niyang magmahal ng ibang lalaki bukod dito. Sino bang niloloko niya? Sarili lang din naman niya. Sa tingin niya maatim niyang magpakasal sa lalaking iyon nang walang anumang pagmamahal? Hindi siya ganun ka-desperada at kababaw na aabot pa sa puntong iyon ng kanyang buhay. Tama, nahihibang siya. Bumabalik ang pagiging childish niya. Kaya niyang mabuhay ng walang lalaki. Saka kilala na rin ni Brian ang ama niya. Ano pa ang kailangan niyang patunayan? Wala. Bored lang siya. Nagre-rebelde sa ginagawa ni Giovanni.“Bakit hindi ka makasagot, Gabriella?” Walang anu-ano ay ibinigay ni Giovanni
PAHAPYAW NA TININGNAN ni Briel ang sasakyan ng Gobernador sa hindi kalayuan. Puno ng pag-asa na sinunanda ni Giovanni ang kanyang mga mata na bumaling doon. Kung tutuusin ay may choice naman si Briel na tumanggi, pero ewan niya ba kung bakit alipin na naman siya ng sarili na kahit ayaw ng utak niya ay padabog na ang mga paang nagsimula siyang maglakad patungo ng sasakyan. Sumunod naman agad si Giovanni sa kanya. Pagkasara ng pintuan ay agad na siyang hinarap ni Briel. Nakahalukipkip na ang mga braso nito at base sa ipinupukol na tingin ay gusto na niyang sabihin ni Giovanni kung ano ang pakay nito.“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung saan ako nanggaling ngayong gabi?” subok niya sa pasensya nito, gusto pa niyang makita kung paano ito magselos at mairita kada babanggitin niya ang ka-date niya.Lantad sa mga mata ni Briel ang dumaang selos at galit sa mukha ni Giovanni na kaagad din na nawala. Mabilis lang iyong naglaho na para bang wala naman itong pakialam kung makipag-date siya
NAMUMULA ANG MAGKABILANG pisngi nang lumabas si Briel at ang kanyang ka-date ng restaurant kung saan sila nagkasundo nitong kumain ng dinner. Alas-nuwebe na iyon ng gabi. Nagtatawanan pa ang dalawa habang lumululan ng sasakyan na parang siyang-siya sa kung ano ang pinag-uusapan. Humigpit ang hawak ni Giovanni sa cellphone na kanyang tangan. Kanina niya pa tinatawagan si Briel sa numero nito at social media account ngunit hindi nito sinasagot iyon. Deadma. Tipong parang hindi nito iyon nakikita. Kinailangan niya pang tawagan ang pamangkin niyang si Bethany para lang malaman kung nasaan ang babae ng sandaling iyon. Batid niyang nagtatampo ito pero hindi sapat na dahilan iyon para makipag-date ito at sumama sa ibang lalaki. Ano na lang pala iyong nangyari sa kanila sa mansion? Wala lang? Hindi kasama sa bilang? Tawag lang ng laman? Batid niyang mahal pa siya nito. Sa mga paghalik nito. Nag-explain naman na siyang busy siya kaya hindi niya nasagot ang message at tawag nito. Aminado rin si
NAUMID NA MULI ang dila ni Giovanni. Bukod sa naguguluhan ay hindi niya rin napaghandaan ang sunod-sunod na mga katanungan ni Gavin. May malinaw na sagot na siya ngunit napakarami pa niyang kinukunsidera. Kaya nga kailangan talaga nilang mag-usap ni Briel ukol dito, na hindi niya naman alam kung kailan din iyon mangyayari.“Sabihin mo ng maaga para naman makapaghanap kami ng mga lalaking ipipila sa kapatid ko para maging blind date at kalaunan ay potential husband niya. Pumayag na rin naman doon si Briel.” subok ni Gavin na galitin ang Gobernador para naman gumalaw na ito. Blind date? Bakit makikipag-blind date si Briel gayong may nangyari sa kanilang dalawa ng nagdaang gabi? Potential husband? Paano naman siya kung ganun?“Blind date? Pumayag siyang makipag-blind date?”“Hmm, maganda ang kapatid ko kaya panigurado na maraming pipili para maka-blind date niya. Hindi mo naman kailangang mag-alala o mapilitan ang sarili mong panindigan siya. Tungkol naman kay Brian, hindi niya naman si
NAPAAYOS NA NG upo si Briel nang marinig niya ang ingay ng pamangkin niyang si Gabe na pababa na ng hagdan. Saglit niyang nilingon at nakita niyang kasunod na nito ang mga magulang. Pilit niyang iwinaglit ang anumang galit niya kay Margie kahit na mukhang wala naman talaga silang masamang ginagawa ni Giovanni. Hula lang niya iyon. Sa imahinasyon niya lang dahil aminin niya man o hindi, nilalamon siya ng matinding selos nang makiya niya ito. “Ang bisita? Tulog pa?” unang tanong ng Ginang nang maabutan silang mag-ina na nasa kusina.“Nakaalis na, Mommy.” hindi lumilingon na sagot ni Briel kaya hindi niya nakita ang pagkunot nito ng noo patungkol sa kanyang mga sinabi. Napalingon na ito sa kanyang asawa na puno ng pagtataka na roon ang mga mata.“Umalis na? Ang aga niya naman. Saan ang punta? Pinakain mo man lang ba bago siya umalis?”Sa dami ng tanong ng ina ay iisang linya lang ang naging sagot doon ni Briel na hindi pa rin nililingon ang ina niya.“May meeting pa raw na pupuntahan.”
MABAGAL NA MAGKASUNOD at walang lingon-likod na lumabas ang dalawa ng kusina. Hindi na pinigilan pa ng Gobernador si Briel sa nais nitong gawin. Gusto niya rin na makausap ang babae bago man lang siya umalis. Nahihiya lang niyang banggitin iyon at buksan kanina habang kumakain dahil may ibang mga taong makakarinig sa kanila. Nauuna si Briel kung kaya naman tanaw na tanaw ni Giovanni ang maliit na likod nito. Hindi niya inalis ang tingin niya sa babae. Lumihis lang iyon saglit dito at tumama sa mukha ng babae nang makalabas na sila ng pintuan at lumingon sa kanya si Briel upang harapin na siya. Maliit na ngumiti ang babae. Gusto lang talaga niyang ihatid sa labas si Giovanni. “Maraming salamat sa pag-aasikaso, Briel—”“Hmm, mag-ingat ka sa pupuntahan mo…” putol ni Briel sa mga sasabihin pa sana rito ng Gobernador. Muling hinarap ni Briel ang mga sasakyan na naghihintay kay Giovanni na nakaparada sa parking lot ng kanilang mansion. Napag-alaman niya na ang ilan sa mga tauhan niya ay