Kinabukasan ay kumalat na sa buong unibersidad ang tungkol sa nangyari kagabi. Pagpasok pa lamang ni Selena ay kabi-kabila na ang naririnig niyang gossips na kesyo may burglar ang nakapasok kagabi at siyang nanakit sa isang estudyante rito. Wala pang nakakaalam kung sino ang biktima pero marami na ang lumabas na haka-haka. May nagsabi rin na hindi na sila safe sa islang ito. Ang iba naman ay parang nag-excite pa dahil ngayon lang may nangyaring insedenteng ganito. May narinig pa siya na gusto nilang pumunta sa falls at nagbabakasakaling may makita silang intruder.At habang naglalakad siya at naririnig ang mga ito at ginigisa na niya sa kanyang utak ang pinsan niyang si Arjoe. Kung hindi dahil sa kaistupiduhan na kilos nito ay hindi magkakaroon ng ganitong gossips ang buong isla. At ano ba kasi ang ginagawa ni Miles sa labas gayong gabi na? Sila ba ang sinusundan nito at ang akala nito ay naroon sila sa falls?Mariing naglapat ang kanyang labi at sa halip na dumeretso sa Dahlia buildi
"How are you?" tanong ni Selena kay Miles na humiga sa sofa. Binisita nila ito ni Elmhurst at makikita sa mukha nito na masama ang loob nito nang mapagbuksan sila."Okay naman ang pakiramdam ko," mahinang tugon nito. "Elm, kausapin mo naman si Papa na huwag akong pauwiin, please!""Tinawagan ko na sila kagabi pero kilala mo naman ang Papa mo na pagdating sa'yo ay hindi magbabago ang isip niya," tugon ng binata sa apologetic na tono. "I even talked to Sir Rolphf but it was futile."Animo maiiyak na pinatong nito ang mga braso sa noo nito at pumikit. Ilang segundo lang ay narinig nila ang paghikbi nito. At nang makita niya ang luhang nalaglag sa mata nito ay kuryusong nag-skwat siya at tinignan na dumaloy iyo sa pisngi nito hanggang sa may taynga dahil nakahiga ito. Inignora niya ang pagkalitong gumuhit sa mukha ni Elmhurst nang makita ang reaksyon niya.At parang may sariling isip ang kamay niya na pinunasan iyon gamit ang hintuturo niya at tiniknam ito. "Salty?"Ang umiiyak na si Mile
Isang malakas na lagabog ang umalingawngaw sa training room ng menowa mansion ng sandaling ito. Kasalukuyang narito silang lahat kanina maliban sa kambal na nakakatandang kapatid nila. Nagkakaroon sila ng sparring nang biglang dumating si Selena. Ramdam nila ang foul mood ng nag-iisang babaeng kapatid nila pagpasok pa lamang nito. Kaya naman huminto sila at naupo sa gilid. Si Arjoe na nakatalikod at kinukutingting ang guitara ay hindi agad nakareak nang bumagsak ito sa sahig. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa hindi na ito makaganti kay Selena.Hindi ito binigyan ng dalaga ng pagkakataon na makawala sa mahigpit na pagkakahawak niya rito."Dang! Ano na naman ba ang kasalanan ko?" reklamo ni Arjoe. He was heavily pinned on the ground and his cheeks were also pressed on the ground.Walang salitang pinilipit niya ang kamay nito at isang segundo lang ay may narinig na crack ng buto na na-dislocate. Ito ay sa bandang balikat nito. At dahil wala itong suot na pang-itaas ay kita an
"Are you sure he's our little sister's Thiramin?" seryosong tanong ni Rolphf kay Arlon. Ito ang nagbalita sa bagay na ito pagkatapos nang marinig ang sinabi ni Selena kanina sa training room. The thing about wanting to protect him was one of the signs. Secondly, Selena can control herself from hurting her and keep him out of harm.Their mother is a half elven and she was the one who bestowed them with having their own Thiramin. Sila lamang na Madrid family ang may ganitong pag-ibig. At hindi aware si Selena tungkol sa bagay na ito. Ang alam nito ay lahat silang mga bampira ay may Thiramin ngunit hindi.Noon pa man kasi ay kahit na nangangarap si Selena na makikita at mahahanap niya ang kaniyang Thiramin. Hindi naman ito nagtatanong kung ito ba ay lahat silang lahi ng bampira. At kung gusto naman na ipaliwanag ng kaniyang ina ang bagay na ito ay ginigiit ng dalaga na alam nito lahat at hindi na nila kailangan pang sabihin dito.Isa ang bagay na ito sa kinamumuhian ng mga half-blood. Sa
Nangalumbaba si Elmhurst at itinutok ang mata niya kay Selena na nagsusulat ng calligraphy sa isang bond paper. At sa halip na ang sinusulat nito ang tignan niya ay ang maamong mukha nito ang kaniyang pinag-aaralan. Sa tuwing kukurap ito ay kumikislot ang mahahaba at makakapal na pilik mata nito. Ang sarap din na panoorin na ang buong atensyon nito ay nasa ginagawa nito. Staring at her like this gives him a very cool feeling inside.Nang bigla itong mag-angat ng mukha at nilinga siya ay bahagya lang siyang natigilan bago matamis na ngumiti. Inilapag nito ang papel sa mesa niya at kinatok iyon bago tumaas ang kilay. Bumaba ang tingin niya sa papel at naningkit ang mata niya nang makita kung ano ang sinulat nito roon.It was his name that she wrote in calligraphy, very beautiful and elegant. Puwedeng ilagay sa isang frame at i-display niya sa kaniyang study table."Wow!" usal niya at hinaplos iyon. Kahit na ballpen lamang ang gamit ng dalaga ay nagawa pa rin nitong pagandahin ang callig
"They were right after all," ani Elmhurst nang pumasok sila ni Selena sa penthouse ng dorm. Noong nakaraan ay may naghihinala na baka isa sa mga Madrid ang ngayon ay nakatira rito. Iyon nga lamang ay walang kasiguruhan kaya namatay rin ang usap-usapan tungkol sa bagay na ito.Ngayon na dinala mismo ng dalaga si Elmhurst dito ay napatunayan niyang may katotohanan nga ito. Ngunit may naramdaman gulat ang binata nang makita ang buong penthouse. Para kasing walang nakatira rito kahit na dito naman natutulog ang dalaga. It was really plain and simple. Ang pintura ng mga dingding ay puti at ang mga sofa at iba pang kagamitan ay dark colors. Parang hindi ito tahanan ng isang babae dahil maski bulaklak ay wala kang makikitang nakalagay sa vase. Ang nakita lamang niya ay ang pana na maayos na nakalapag sa mesa.Hindi niya inaasahan kanina nang ayain siya nito rito. Tinanong niya kung bakit hindi nito inimbatahan si Miles. Pero ang rason nito ay kalat sa buong Alta Tiero na ang penthouse na ito
"May cliff pala rito?" namamanghang bulalas ni Elmhurst nang dinala siya nina Selena sa likod ng menowa. Siguro ay sampung minuto na lakaran din bago nila marating ito. Tumingin siya sa may paligid at may napansin siyang malaking lubid na nakatali sa isang matandang puno ng balete. Nagtatakang nilapitan niya iyon at pagkatapos ay sinundan ng tingin kung saan tumungo ang lubid. At iyon ay sa may cliff."Mahilig sa mountain climbing ang mga kuya ko at sa mismong cliff na ito sa pinakagitna ay may kuweba. Doon sila pumupunta kaya may lubid silang tinali," paliwanag niya kahit na hindi nagtatanong ang binata..“Really?” Lumapit ito sa may gilid ng cliff at sumilip doon. “Woah! Kapag may nahulog dito ay paniguradong gutay-gutay lahat ng katawan niya,” komento ni Elmhurst at nilinga ang magpinsan. Eksaktong kararating lang din ng mga kambal na kapatid ni Selena at may dalang safety harness. Agad na kinutuban siya. “W-Wait don’t tell me na kaya mo ako inaya ay dahil–”Tumango si Arjoe kahit
Maaga pa lamang ay gumising na si Elmhurst at gumawa ng mga paper rose. Bawal ang pumitas ng mga bulaklak sa vermilion falls kaya ito at gumawa na lamang siya. Ayaw naman niyang dahil dito ay mapalayas siya ng Alta Tiero. Paano niya maliligawan si Selena kung sakaling nangyari 'yun, hindi ba?At pagkalipas ng isang oras ay hawak na niya ang malaking bouquet ng green paper rose habang naglalakad siya sa hallway ng dahlia building. Ito kasi ang kulay na available kaya ito ang ginawa niya. Nakangisi ang ibang nadadaanan niya at binibiro pa siya. May mga nagtanong rin kung sino ang maswerteng babae na kaniyang aalayan ng bulaklak. Ngunit lahat ng ito ay hindi niya binigyan ng sagot. Bagkos ay ngumiti lang siya at sinabing malalaman din nila.Nang makarating siya sa room ay nagsipulan ang mga lalaking naroon nang makita siya. Ang mga kaklase niyang babae ay suminghap at agad napatingin sa kanilang katabi.Inilibot niya ang tingin sa bawat sulok ng room at nang makita niya ang kaniyang hina